Just to share my latest and definitely will be may last experience with PB. I was so disappointed. This is my honest feeling and personal experience, you can still try para maexperience nyo ang PB kasi sabi ko nga sobrang satisfied ako nung una ko naranasan ang PB to the extent na prinomote ko pa siya sa lahat ng friends ko. I also met the owner that time and she was so nice and accommodating kaya siguro ang nasasad lang ako na ganito ang nangyari. Just to share what happened:
I came back to do 'the treatment', to make it clear I've been told by the hairstylist (guy) to come back after 10days for the treatment. Habang ginagawa ang PB ilang beses ko tinanong yung isang girl kung treatment na ba ang ginagawa niya, she said yes, then another treatment daw after ten days tulad ng sinabi nung guy. So naisip ko parang tulad din pala ng dati pababalikin nanaman ako for another treatment, dahil nung first PB ko, bumalik din ako for another treatment and I assumed ganon ulit yun, since gusto kong idelay ang pagpapakulay kasi mga white hairs ko naman talaga ang gusto kong matakpan kung gagawin ko siya early,pag alis ko nakalitaw na ulit ang white hairs ko, sabi ko next time nalang ako magpapakulay pagbalik ko since may treatment pa naman na gagawin ulit isasabay ko nalang. So eto nga after ilang days after ng PB at ng mawash ko na hair ko hindi ko talaga gusto ang result, nagdry ang dulo, may wave sa ilalim na inaangat ang likod ko, at medyo mag-kinky na yung strands ng hair ko. Nag message ako sa kanila at sinabi na pwede nila ayusin/i-retouch pagbalik ko. So nung pagbalik ko sinabi ko sa hairstylist (different guy) based on my assessment hindi maganda ang pagkakagawa at papunta na ng kinky ang hair ko at nag dry, he checked my hair and he agreed na tama ang assessment ko, so kung uulitin ang PB makikinky na ng tuluyan. He suggested na itreatment muna, then i-delay ko muna ang pagpapacolor dahil sa condition ng hair ko hindi siya makakabuti, was so disappointed na kasi nga need ko na magpacolor dahil paalis na kami next week at mas cheaper kasi dito sa Pinas kaya kasama sa schedule ko talaga ang PB at Hair Color kasi sobrang dami ko ng white hair. Pero dahil nga ayaw ko ng mainis, sabi ko yung treatment nalang ang gagawin ko. Then the other lady asked me kung dala ko raw ba yung 30% off card na binigay last time, i said yes and why, sabi niya para daw madiscount ang treatment. Dito na ata umusok ang ilong ko sa inis! Unang una wala silang sinabi na may bayad yun, i assumed na free kasi nga last time na bumalik ako free naman siya. Then sabi nila kaya daw pala free kasi nung unang PB ko may kasamang color, ang package kasi PB at color may treatment. So naisip ko oo nga naman tama sila dun, pero nung una akong nag pa PB walang nag explain sa akin na kaya may extra treatment ako dahil dalawa ang nasa package ko. Then eto ngang latest na PB ko, ang linaw ng pagkakasabi sa akin balik ako after ten days for another treatment and even the girl na nag assist last time, pinatotohanan niya na ganon nga ang sinabi nung guy sa akin kaya lahat sila nag apologize dahil daw sa misunderstanding ,maybe wrong choice of words at dahil nga hindi rin clear yung dati, inisip ko na agad na pareho lang din. Honestly, i find it very inconvenient na pabalik balik pa for another treatment pero dahil nga magpapakulay din ako at sabi ko sayang dahil kasama sa package (na wala naman na pala) bumalik ako. I don't mind paying for the treatment, pero ang price niya is konti nalang may color na hair ko at may free ng treatment, so why don't i just color my hair nalang, but since hindi nga ako pwede magpacolor dahil damaged ang hair ko. So ending, wala! sabi ko itrim nalang para mawala dry (as suggested by the hairstylist (new guy), aba sinisingil pa ako ng haircut 700+! So sabi ko wag nalang, Bago ako umalis, binalik ko sa kanila yung coupon nila
This is just me, hindi na ako babalik sa salon nila, i was so satisfied sa first PB experience ko kaya kahit outside Metro Manila pa ako nakatira sinadya ko talaga sila. Siguro kaya sobra ang disappointment ko dahil akala ko nakahanap na ako ng new home to take care of my hair, but this time, they failed. What irritates me most - damage na nga ang hair ko hindi pa pwedeng makulayan at wala na akong choice kung hindi magpacolor nalang pagbalik ko abroad, and how they handled the situation--to be fair apologetic sila, pero yung alam na nga nilang di ka satisfied,ang layo pa ng pinangalingan ko, wala man lang silang nagawa to ease my dissapointment. I guess masyado akong napabilib sa mga review ng bloggers about PB, mas dapat pala sa Girltalk ako nagbabad ng review

After a year pagbalik ko, hanap na ako ng bagong salon ulit or balik nalang ako ulit kay Weng.