watch now

Author Topic: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap  (Read 26021 times)

imyourangel

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #60 on: December 17, 2015, 11:08:07 pm »
^Lol true. Parang wala improvement.

11bernadette28

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #61 on: December 19, 2015, 06:05:37 am »
 sis napansin niyo ba yung foot bridge sa may bandang DRAGON 8Mall at 168Mall? Para saan? Para ano? Hindi naman gagamitin ng tao yun kasi hindi naman masasabing highway yung tawiran dun napakipot na nga ng daanan dun kasi dahil sa mga vendor na nilagay ni sa gitna db. Haaay Erap alam ko this coming election mamimigay ka na naman ng pera kahit makakuha ako niyan hindi kita iboboto.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #62 on: December 19, 2015, 09:43:39 am »
kwento ng friend ko, sa baranggay daw nila nagpapakain na sa mga bata si erap. may libreng gupit pa daw sa adults. galing daw kay mayor erap. sus! dapat sa mga politicians running for election/re-election nagreresign lahat sa pwesto eh. kala mo naman galing talaga sa bulsa nila yung mga ginagastos nila.

juni

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #63 on: December 20, 2015, 05:32:26 pm »
^ Sana naman matauhan yung mga tao and wag na sila magpauto sa mga buwaya katulad ni Erap.  Wag naman sana nila ipagpalit yung boto nila para lang sa katiting na pera, pagkain or libreng gupit.  Ang saklap naman kung para lang sa maliit na bagay e masisira yung kinabukasan nila and lahat ng nasa Maynila kung manalo ulit si Erap and mga galamay niya.

inugracia

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #64 on: January 27, 2016, 06:54:48 pm »
Kahapon nga lang may Medical Mission si Erap dito sa Pedro Gil. Sana walang bumoto sa kanya this coming election.

mamaGie

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #65 on: February 02, 2016, 03:12:14 pm »
Yun ngang sta ana market, giniba nung 2003 bago mag eleksyon, pinagawa ni atienza, at dahil prefabricated yung mga stalls sa loob, hindi sya ganun katibay, ngayon, 2016 (mag-e-eleksyon ulit) ginagawa na naman yung palengke, kasi panget na daw, wala pang 20 yrs yung palengke.. giba na naman.  >:(

mas mabili pa ngayon sa labas ng palengke kesa sa palengke mismo.


marge070407

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #66 on: February 02, 2016, 03:35:09 pm »
magaling naman si erap dati kasi maganda naman kinalabasan ng san juan. kaya lang palpak na din siya ng naging president siya tapos mayor ng manila. Siguro kasi ang dami niya friends na hindi din matanggihan kaya nagpalpak na din.

Evolet027

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #67 on: February 02, 2016, 03:55:36 pm »
Nung kay Lim, may shoot to Kill order.

Ngayon, ang tatapang na naman ng mga snatcher/holdupper/tirador. Imagine in just a month, kaliwat kanan ang mga binabaril in broad daylight sa QUIAPO? One is sa Raon, the other was just yesterday. Sa Gitna ng daan, sa gitna ng maraming tao, ganun ganun na lang pumatay. Walang ganyan nung kay Lim.

airish_2

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #68 on: February 02, 2016, 05:18:30 pm »
Walang nagbago sa Manila same pa rin madumi at maraming batang hamog tapos sinasadya pang barahan ang mga drainage para bumaha sad thing yung may mga taong pinagaralan lang ang nakakarealize na panget pamamalakad nya because i hear someone na taga manila si erap pa rin iboboto natulungan lang ng kapirangot.

sweety_paige

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #69 on: February 10, 2016, 07:52:09 pm »
Matitindi ang MTPB ngayon.

candhie

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #70 on: February 12, 2016, 07:44:01 pm »
laking Maynila din ako, voted for Lim last year, kaso dami nabola ni erap... grabe naging panget ng Maynila, ngayon nakakatakot maglabas ng CP sa daan, dami snatcher sa jeep, madami nga MTPB pero di naman nila inaayos talaga ang traffic.. ngayon kaliwa't kanan ang mga medical mission niya at feeding.. dati may bayad sa mga hospital na pinatayo ni Lim, ngayon dahil election libre na daw lahat.. sana lang wag na magpabola ang mga botante...

cutemama

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #71 on: February 13, 2016, 01:02:14 am »
Ang baho nga ng Maynila sa totoo lang diring diri ko sa Maynila lalo na pag gabi ang daming basura simula sa quiapo hanggang r.papa.. yung r.papa station sa baba nun ang baho amoy jebs grabe masuka suka ko nung one time may pinuntahan ako dun..

Tapos sa blumentrit ang daming pulubi hindi ba nila.nakikita yun? One time dumaan kami ni hubby sa may blumentritt tapos may isang dalagita (mahirap) nagbabasa ba naman ng pocketbook sa gitna ng daan habang tumatawid.. ang bagal pa maglakad parang pag aari niya yung kalsada.. imbes na nagmamadali kami kasi male-late na kami sa work inantay pa namin siya tumawid..

Sabi ko kay hubby businahan niya na as in (parang namamasyal kasi sa luneta, nagbabasa pa) sabi ni hubby wag na, iba mga utak ng mga yan, pag bumusina ka, sila pa magagalit baka daw gasgasan pa kotse..

Naawa ako sa mga babies na nasa kalsada.. ayaw ko tingnan.

Leven

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #72 on: February 14, 2016, 06:38:37 am »
Sabi ng brother in law ko from Manila, They are looking for houses na dito sa amin..Lalayas na daw sila sa Maynila kung si Erap pa rin mananalo and hindi manalo si Duterte..hahah

Malala na daw kondisyun sa Manila(hopeless case), parang ayaw mo na lumabas..ang mga pulitiko daw, pikit mata lang kasi naman nakabodyguards tapos naka condo pa mga pamilya o kundi naman nasa abroad..


shygirlme

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #73 on: February 22, 2016, 11:32:29 am »
I'm not from Manila pero grabe everytime lukuwas kami dito na commute takot na takot kami. ibang iba na sa Manila dati. at si Erap eh same style pa din pag malapit election don gumagawa ng projects. check the IG of her daughter Jerika. araw araw halos may pakulo sa ibat ibang baranggay  pero dati wala naman hay. sana magising na mga tao. yung mga binibigay sa inyo eh mas triple pa ninanakaw nila.

~ anna ~

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #74 on: March 18, 2016, 06:54:30 pm »
magaling naman si erap dati kasi maganda naman kinalabasan ng san juan. kaya lang palpak na din siya ng naging president siya tapos mayor ng manila. Siguro kasi ang dami niya friends na hindi din matanggihan kaya nagpalpak na din.

Hindi maganda ang San Juan ha, ilang dekada na hinahawakan ni Erap and pamilya niya ang San Juan pero kaliit-liit lang ang improvement.  Puro pakitang-tao yan na kunwari e maka-masa and gustong tumulong sa mahihirap, pero sa tinagal-tagal niya and ng pamilya niya sa pwesto e wala naman silang ginawang significant para matulungan yung mga mahihirap and i-ahon sila sa kahirapan.  Ginagamit lang nila yung mga mahihirap kapag election, yun ang main target nila sa pang-uuto para maboto ulit si Erap and his family, kasi mas mabilis utuin ang mga mahihirap and walang pinag-aralan with empty promises and song-and-dance numbers sa campaign and mas mabilis bilhin yung boto nila.  Kapag tapos na ang election e balik sila ulit to ignoring the poor until the next campaign season comes along.

tsokolat

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #75 on: March 20, 2016, 09:53:24 pm »
Will vote for lim again, this time sana sya na manalo. Lalong pumangit ang maynila kay estrada

~ anna ~

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #76 on: March 22, 2016, 12:24:09 am »
^ True, mas gumulo since umupo si Erap as mayor.  Mas dumami ang mga criminal, and not only that, they've also gotten bolder.  From adults to minors, makikita mo na mas wala silang takot, kahit in broad daylight e ang lalakas ng loob gumawa ng krimen.  Lalo na kapag gabi, since ang dilim-dilim sa majority ng areas dun.

Nakakapanghinayang ang Maynila, ang daming magagandang lugar dun na masarap sana pasyalan like museums, churches, old buildings with beautiful architecture, and parks, pero madalas e mag-dadalawang-isip ka na pumunta dahil kakabahan ka for your safety and dahil sa dumi and gulo ng lugar.

ishko

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #77 on: March 29, 2016, 02:41:33 am »
ang daming raket ng manila city hall katulad ng pag nagpark ka sa sidewalk e may ticket agad

imyourangel

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #78 on: March 29, 2016, 06:56:33 pm »
I love Manila! Very historical place. If only it regains its former glory. Scary talaga kasi yung parts ng Blumentritt, Recto, Quiapo, etc! Ang ganda pa naman sana ng other parts :(

Evolet027

  • Guest
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #79 on: March 30, 2016, 06:39:09 pm »
Sana di na sya manalo this coming elections.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close