Author Topic: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap  (Read 13731 times)

wangwang

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 113
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #20 on: June 05, 2014, 09:40:46 pm »
wala na tayo magagawa sa ngayon,kaya magtiis muna.intay sa susunod na halalan.

alphastar

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 67
    • The Phonetographer PH
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #21 on: June 05, 2014, 10:21:11 pm »
^but we certainly deserve better. hindi naman yata pwedeng magtiis na lang kung ang trabaho niya ay magpalakad ng isang syudad.

bakit ba kasi naniniwala ang masa sa mga pangako nitong erap na ito. wala ba tayong natutunan sa 2001 edsa revolution?
"Other people's success is not your failure."

allura

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 131
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #22 on: June 26, 2014, 02:43:22 pm »
Marami talaga sa atin na wala kadala dala sa kakahalal ng mga katulad niya na nahatulan na ngang guity sa plunder, balitang balita ang corruption at scams nung sa panahon ng pagka president niya pero binoto parin maging opisyal!


kung nga katulong kinikilatis natin o empleyadong papasok sa companya bakit pagdating sa paboboto ng opisyal hindi magawa.  Kaya nga madalas mong nadididnig na "you deserve who you vote for"  kaya huwag umasa ng pagbabago

prix

  • Office Girl, Loving Mom of JGP & A
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 236
  • I just want to love u forevermore! <3<3<3
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #23 on: June 26, 2014, 03:45:33 pm »
Sa amin din ang daming bumoto kay Erap. Mga relatives ko halos lahat Erap, kami lang ng family ko ang hindi. Nalungkot nga ako nung malaman kong talo si Lim pero sabi ko wala ng magagawa nanalo na si Erap tingnan na lang natin if may magbabago sa pamamalakad nya. Ok naman yung sa area namin, araw araw may dumadaan na truck ng basura sa amin pwera pa yung mga taong nangongolekta tapos lahat ng benefits naaambunan naman ang baranggay namin (or sadyang magaling & mabait lang ang chairman namin ngayon kaya gusto nya lahat ng hawak nya eh may benefits na nakukuha). Mostly ang kalaban talaga ni Erap is yung mga tindera, halos ganon din naman nung si Lim ang nakaupo. Nabalitaan ko din na may bayad na ang mga public hospital ngayon pero nagbigay naman din ng orange card si Erap. Ok din yung ginawa nya sa mga trucks & mga bus. Mas marami pa akong hinihintay na magawa nya sa Manila, I hope na makita ko yun. Goodluck sa kanila ni Isko..
Everyone wants to be happy, no one wants to be in pain but there's no rainbow w/o any rain -alyse- :)

juni

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 535
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #24 on: August 01, 2014, 03:50:39 am »
Hay naku, pinagkakaperahan na naman ni Erap ang bayan. ::)  Dati nung nasa San Juan siya, tapos nung nasa Malacanang siya, ngayon e Maynila naman ang pinaghuhugutan niya.  Tsktsk... hindi na nahiya, ang kapal talaga ng mukha, ilang skandalo na nga ang kinasangkutan niya and ng pamilya niya, hindi pa rin natitinag.  Ang tanda na niya, imbis na magbago na siya for the better bago siya mamatay e business as usual pa rin siya, kahit sa Diyos hindi takot.  Nakakainis, ngayon pati Luneta e pumangit dahil sa kanya.  Kahit na labag sa zoning laws e pinayagan niya pa rin maipatayo yung DMCI condominium sa line of sight ng Rizal monument.  Wala siyang pakialam sa zoning laws, sa pag respeto and pag preserve ng historical and cultural heritage ng bansa.  Basta gusto niya gawin e gagawin niya, never mind kung may batas siyang sasagasaan.  >:(  Sana hindi na siya maboto sa kahit anong position ever, pati na rin buong pamilya niya.

nettai

  • Tropical Citrus Fruit
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 299
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #25 on: August 05, 2014, 01:11:34 pm »
Re: DMCI Torre de Manila issue:

Erap: “Yung mata lang ang ating nabubusog, pero maraming walang trabaho dito sa atin kaya kelangan siguro tignan din natin yung kapakanan ng mga mahihirap,”

Eh ang problema, short-term lang ang employment na mabibigyan neto. Ano na pag natapos ang project? Haaay grabe. =))
~ Crux Sacra Sit Mihi Lux, Non Draco Sit Mihi Dux ~

stormy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3244
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #26 on: August 08, 2014, 07:49:47 am »
Tapos si isko pa ang vice :( mga pedicab nagkalat sa kalye source ng traffic pero ganun daw talaga kahit sa ibang lugar sa MM.

juni

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 535
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #27 on: August 09, 2014, 07:01:24 am »
^^ agree sis nettai, short-term employment lang ang naidulot ng DMCI Torre de Manila na yan, tapos ang masaklap na kapalit nito e ang long-term visibility nito from the Rizal monument.  Sinira nito yung magandang layout and view ng Luneta, and ang bastos talaga na binalewala lang ni Erap yung importance ng pag-preserve ng historical and cultural heritage natin para lang sa isang condominium na hindi naman importante.  Hindi naman critical na dun sa site na yun itayo yung DMCI condominium na yun, wala naman mamamatay kung hindi dun itayo diba?  ::)

Kung ang concern talaga ni Erap e magkaroon ng trabaho yung mga tao through the DMCI project, e di sana naghanap na lang sila ng ibang site sa Manila na pwedeng pagtayuan nito, hindi yung ipipilit nila na itayo yung condominium sa current site kahit na labag sa zoning laws and nadamage yung historical and cultural heritage natin.

E paano na lang kung may iba pang mga condominium or matataas na building na itatayo sa line of sight ng Rizal monument or other significant heritage areas?  Ano yun, sasabihin na naman ni Erap na kahit labag to sa batas e papayagan niya pa rin maitayo lahat to para magkatrabaho naman ang mahihirap?!  Baka sa mga susunod na taon e parang kabute na lang na susulpot ang mga pinagbabawal na buildings sa paligid ng heritage sites.  Masisira yung historical and cultural value ng heritage sites na to kung ganun ang mangyayari, and marami ang mawawalan ng kabuhayan kasi kokonti ang pupuntang turista.

At sa totoo lang ha, ang kapal ng mukha ni Erap para sabihin na iniisip niya yung kapakanan ng mahihirap.  Kasi kung sincere siya e di sana hindi nila nagawang mangurakot diba?  E hindi lang siya yung nangungurakot e, pati iba pang myembro ng pamilya niya.  Ang tagal na nila ginagawa to, ilang skandalo na yung kinasasangkutan nila.  Kung kapakanan talaga ng mahihirap yung iniintindi nila, e di dapat di nila ninanakaw yung pondo ng bayan na pwede sana magamit para maiangat yung bansa natin mula sa kahirapan.  Puro salita lang naman sila, pero yung sariling bulsa nila yung talagang iniintindi nila.  Nakakalungkot and nakakagalit.  >:(

imyourangel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1340
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #28 on: August 20, 2014, 09:32:08 pm »
Infairness lumuwag naman ang Divi nung siya na ang nakaupo. I wonder what's new now with his leadership? Hindi na kasi ako sa Manila nagwwork.

11bernadette28

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 131
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #29 on: November 12, 2014, 12:01:38 am »
Lumuwag ba Divisoria? I guess oo pero pili lang ang oras ng pag luwag ng kalsada dun. Kadalasan pag dating ng 12nn yung mga jeep kakanan na yun bago pa tumawid or di naman kaya tatawid muna sila tapos liliko sa my kanto ng LBC or dun sa kabilang street basta pwede malagyan ng lagay yung mga barker na nag babantay dun.

sofiameredith

  • Girl Power!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1012
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #30 on: November 12, 2014, 08:47:05 am »
Please lang I hope they do something about these Badjaos in Divisoria and Avenida...sobrang perwisyo mga ito...sometimes nanakit ng commuter by pinching or hair pulling...
Feel the rhythm, Feel the rhyme!

px17

  • loves to be a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1253
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #31 on: September 07, 2015, 11:15:37 pm »
Hindi ako nakatira sa manila pero lagi ako nasa manila area. simula nung siya naging mayor I feel unsafe walking sa lawton and city hall area. Tapos ang dami daming street vendors! Dati naman hindi ganong karami tapos yung daanan papuntang sm manila sinara para lang dumaan ka dun sa mga street vendors. Ewan ko ba kung anong pakana ni erap bakit ba kasi siya pa ang nanalo.
Learn to Love yourself First! :)

red_yesha

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 782
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #32 on: September 08, 2015, 04:28:04 am »
Another trapo. Ewan ko ba bakit ba yan binoto ng mga tao.. Alam na nga ang history ng lalakeng yan  pero nanalo pa rin. Dami talagang bobotante sa Pinas.
Pasensya na sa mga taga Manila ah, Pero grabe nadudumihan ako sa lugar na yan yung tipong pag pumupunta ako ng Manila pag uwi ko sa bahay may pimple na ako.hahaha!
Hindi na tuloy ako makapunta ng Divi dahil sa dumi at naloloka ako sa paligid.
If you compare yourself with others, you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself. :)

imyourangel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1340
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #33 on: September 08, 2015, 10:13:56 pm »
^^Hindi ko rin ma-gets anong rationale bakit sinara yung malaking daan papuntang SM Manila (if galing ka sa may underpass bandang city hall). Ang sikip sikip dun sa may mga vendors. Super crowded. Dati ok maglakad dun pa-SM...

px17

  • loves to be a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1253
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #34 on: September 09, 2015, 02:14:27 am »
^kaya nga ginawang kalsada yun para gamitin tapos sinara lang. Pag madaming tao ang sikip sikip. Sapilitang pinadadaan dun sa mga vendors, syempre kung gusto mo mamili sasadyain mo dun pero kung dadaan ka lang napaka inkombinyente. Baka nga madukutan ka pa dun.

Before open area lang yun diba? malinis tignan ngayon nakakadiri ang itsura, ang kalat kalat. Ewan ko ba bakit binoto ng mga tao to knowing yung history niya.
Learn to Love yourself First! :)

ishko

  • is a happy mom and
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 397
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #35 on: September 13, 2015, 12:27:25 am »
ang manila city ang face ng pinas pero kadiri.. pag pumupunta ko manila, di pwede di maliligo sa gabi, ang lagkit at kadiri ng hangin pati kalsada

dami squatters at lagi ako takot madukutan, mas ok pa sa makati at taguig

eto naman si erap, pati kalsada pinagkakitaan, may rent ang magpapark kahit sandali lang

dapat mag-isip sila kung saan kikita ang govt tulad ng legitimate business, hindi un panay sa tao ang kita tulad ng tax, lahat ng galaw may tax at kotong

I love baby Theo!

Ahim de Famille

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 90
  • Smile! Smile!
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #36 on: September 14, 2015, 11:21:10 pm »
parang mas lalong nakakatakot pumunta ngayon ng Maynila. kasi ang dami snatchers naglipana dun.
At saka ang dumi ng simoy ng hangin dun..
May nabasa nga ako sa Fb na tatakbo ulit si Lim sa pagka Mayor ng Maynila sa 2016.

px17

  • loves to be a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1253
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #37 on: September 16, 2015, 02:27:11 am »
^good news yan. kaso nakapag pondo na si erap mamimigay nanaman siya ng tig 500 hahaha.  hopefully magisip na ang mga tao.
Learn to Love yourself First! :)

Leven

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 790
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #38 on: September 17, 2015, 07:56:02 am »
Worst mistake of Manila si Erap. Lumala lahat sa Manila ngayon..kakapagod na manuod ng balita..pare pareho nalang araw araw

pinklilac

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 957
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #39 on: September 19, 2015, 09:03:41 am »
Sa pagka panalo ni Erap bilang mayor  masasalamin na mas maraming mga  bobotante sa Maynila.
Jusko!Anong isip meron ka na sa kabila ng pagiging convicted,  babaero etc ni Erap eh nagawa pang iboto.
Mabigyan lang ng barya benta na agad ang boto.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close