Author Topic: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap  (Read 13717 times)

den.nica

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 123
Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« on: January 07, 2014, 12:33:22 pm »
May magandang nagawa na ba?
Una kong napansin ang pagtaas ng amilyar namin. nag x2!
Tambak ang basura dahil hindi na renew yung kontrata ng Leonel. Sabi, yung naghahakot ng basura sa San Juan, yun na rin ang hahakot sa Manila. Pero hindi door to door. May lugar na tatambakan at dun kukunin ng truck. jusmiyo! kawawa naman yung lugar na tatambakan! lalo na pag nag tag-ulan at hindi pa nahahakot ang basura!

azrael

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 60
    • Just Livin' the Life
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #1 on: January 07, 2014, 02:38:23 pm »
oh well. [textspeak!] na nga ba nangyari? he he
Romans 8:28 And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.

http://kiamoydiary.blogspot.com/

cruxito

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #2 on: January 08, 2014, 09:10:54 am »
i agree TS Mula January 1 tambak ng basura ang bawat kanto ng Maynila... magiging mabaho ang Maynila nito... tsk tsk tsk....

baka idugtong ang Manila at San Juan... lol...

honeyblue

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 376
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #3 on: January 19, 2014, 01:03:06 am »
I knew it! Sabi na if manalo sya, mag-iiba ang contractor ng garbage e. Diba yun naman yung reason kung bakit sya nagalit kay Lim before. Dahil hindi nya nabigay yung request ni Erap na sa kaibigan nya mapunta ang contract ng garbage collection?

At first, medyo ok naman sakin mga ginawa nya sa Manila. Like kumonti ang bus and medyo luminis ang Divi. Pero lately, nakakainis na. Nagdouble ang real estate tax. Tapos pati street parking samin naniningil na. I understand if sa mga commercial area kasi businesses naman yun. Pero residential e! May annual overnight parking fee na tapos may daily parking pa na P50 kahit nasa work naman ako the whole day. Para daw reserved na sayo yung slot. Pahirap talaga! Yung neighbor namin nagbayad na ng 15k+ for her slot (annually sya binabayaran). Grrrrr talaga! 

MisCalculus

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1518
  • SuNnY Came HomE...
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #4 on: January 22, 2014, 09:41:12 pm »

^gosh, nakakaloka nga ang tinaas ng real tax estate tax na yan. Halos doble nga, buti na lang may extra kaming dala when we paid our taxes first week of january. Nakakaawa lang yung ibang mga tao nabigla sa laki ng tinaas, halos sagad na sa dala nilang pambayad... I heard someone pa sabi, "hindi na erap para sa mahirap, dapat erap pahirap sa mahirap"...

"One day you will wake up and there won't be any more time to do the things you've always wanted. Do it now."

altheabride

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 124
  • Tied the knot, don't mess with us.
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #5 on: February 06, 2014, 12:02:55 pm »
Papansin naman yan si Erap . Nagpapabango lang
Happiest girl on earth, Mrs. Callero at last!

indigo.tulle

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 124
  • Perspective can make your life better!
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #6 on: February 26, 2014, 01:22:10 pm »
nagsisi na siguro sila at binoto nila si erap.  bawing bawi na niya yung p500 na binigay niya nung election!  ayun...pati public hospital, may bayad na.  may pdaf pa siya galing kay jinggoy!

11bernadette28

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 131
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #7 on: March 21, 2014, 12:00:31 am »
Naku kalat na naman ang SAKLAAN sa Tondo, bawat kanoto na daw meron na (GAMBLING LORD TALAGA) Dati nung si Mayor Lim pa bawal na bawal yun not unless kung may lamay talga my approval pa yun sa mga police station at chairman at dun sa anak ni Lim. Kasi sa kabilang kanto lang nakitira si Lim ko andun anak nya. Pinapahuli yun ng anak nya pag illegal yung Sakalaan na yun. Tska nung nililinis nya yung Divi dati ang kasama ni Erap si mga Bata nya from San Juan naka full battle gear pa sila ah.. while walking nga noon my mga muslim dun na nagsasabi hindi ka na namin iboboto (although maganda ang ginawa nya sa divisoria ah) Ang mga Traffic enforcer naman ngayon talamak sa KOTONG. Nung Fiesta ng Tondo January 18-19 nag speech lang ata sya nun sa tapat ng church pero hindi sya sumama sa LAKBAYAW PARADE. Ang nakita ng mga tago ay si Mayor Lim na full support pa din naming mga taga tondo. Dati sumasama din si Isko sa Parade pero ngayon hindi sya pumayag. Iniisip nga namin na baka takot si Erap na umikot sa Tondo since balwarte ni Lim yun.  Grrrr (for sure madami ang nagsisi sa mga bumoto kay Erap)

den.nica

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 123
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #8 on: March 21, 2014, 11:23:50 am »
sa mga taga Manila, may natanggap din ba kayong notice na ordinansa daw ng Manila na maniningil na sa mga car owners ng 2,200+/yr na fee para sa sasakyan na naka park sa tapat ng bahay (yung walang garahe)?

kakabwisit. ang daming kalokohan. nag taas na nga ng amilyar, ngayon naman magbabayad ka sa city hall ng 2k+ para sa permit na magpark ka ng kotse mo sa tapat ng bahay mo. maski nasa subd. ka basta wala kang garahe.

sofiameredith

  • Girl Power!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1012
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #9 on: March 21, 2014, 12:06:13 pm »
hayyy kawawang Maynila...I doubt naman na maraming bumoto sa kanya para siya ang manalo...mas naniniwala ako sa "magic na makinarya" na ginamit para makapwesto lang siya ulit. Kawawang mga mahirap na lalong hihirap...at kung inaakala ni Isko na sya ang ikakampanya na next for mayor...MALAKING MALAKING pagkakamali...ginugroom na yung iba nyang "mga anak" at "ibang asawa" to take over...tsk tsk...San Juan then, Manila now...vicious cycle never ends :(
Feel the rhythm, Feel the rhyme!

alphastar

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 67
    • The Phonetographer PH
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #10 on: March 23, 2014, 11:02:19 pm »
hmm... i think marami talagang bumoto sa kanya :( actually kahit sa kapitbahayan namin mas maraming maka-erap. which is weird since most families here come from middle class, so inisip ko magiging ~educated~ voters sila.

ngayon sising sisi sila dahil sa laking abala ng collection ng trash, which is just one thing. hirap na hirap dito sa community namin kasi maraming trees, hindi magkasya ang truck ng san juan. so hila-hila namin ang mga basura namin sa may main road. hitsura naman namin diba!  >:(
"Other people's success is not your failure."

simplepink

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 264
  • I'm not mean. I'm not rude. I'm honest.
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #11 on: March 24, 2014, 02:45:03 am »
Laking Manila ako kaya naman kahit nakalipat na ko ng tinitirhan ko, feeling affected pa din ako kapag Manila ang pinag-uusapan.

Last February, nagpunta ako sa Quiapo, nakita ko na sarado ang underpass. Dahil nagmamadali ako nun, sumakay pa ako ng tricycle para makatawid sa kabila. Tinanong ko yung driver kung bakit sarado, sagot nya kasi ipapaayos daw ni Erap.

Ang tanong ko lang, sinisimulan na bang ayusin?

alphastar

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 67
    • The Phonetographer PH
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #12 on: March 24, 2014, 07:16:15 pm »
@simplepink

if "ayusin" means tanggalin ang mga tiangge sa underpass para palitan ng stalls na masyadong malaki ang singil para sa mga kababayan nating tahimik na naghahanapbuhay sa quiapo underpass, then yes. inayos niya nga yun :))

30k a month is an outrageous amount para sa mga tindera doon. mas malaki pa ang ibabayad nila kay erap kesa sa kikitain nila. why not give them something they can afford? after all kailangan nila ng pwesto at gusto ni erap "ayusin" ang underpass. why not make it a win-win situation for both parties?
"Other people's success is not your failure."

simplepink

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 264
  • I'm not mean. I'm not rude. I'm honest.
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #13 on: March 24, 2014, 11:02:54 pm »
^ha??? >:( ganung ayos lang? eh pinasara pa nila. akala ko naman lalagyan na nila ng escalator...tsk!!!

masyado ngang mahal yung 30k. kahit sabihin mo na madaming tao dumadaan dun, eh syempre may iba pa silang gastusin sa buhay noh? grabe!!

kinilala syang makamasa, pero di naman pangmasa ginagawa nya. >:(

11bernadette28

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 131
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #14 on: March 25, 2014, 10:49:08 pm »
oh my gulay!!! Madami kasi nilabas na pera si Erap nung election binayaran nya mga barangay para makakuha ng vote even INC malaki ang nilagay nya dun kasi malaki ang population nila. hindi n ata tatakbong mayor si erap balik daw president ayon ang sabi ng mga dun sa amin sa tondo.

iwannabeasupermodel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2800
  • #cantbuyclass
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #15 on: June 02, 2014, 02:44:42 pm »
idk if under erap regime to, pero i've been going to the govt owned public hospitals in manila and the patients were telling me that they have to pay for the services already and the medicines. i was asking them as why is that so kaya, and the px were telling me na it's because bago daw umalis ng manila city hall si lim, kinuha daw lahat ng funds, including those for meds and health services. idk if that is true or sinasabi lang ng erap govt to cover up their failures.
I know women - and none of us are that nice

11bernadette28

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 131
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #16 on: June 02, 2014, 11:58:24 pm »
Siya din my pakulo nyan si ERAP lahat ng public hospital ginawa nang semi-private lahat my bayad na not unless kung meron kang ORANGE CARD sa mga piling tao lang yun binigay ni Erap. Lahat sa Maynila my bayad na at malaking tax ang sinisingil ni Erap sa mamamayan ng Maynila. Can you imagine everynight my mini concert dun sa bandang Tutuban masabi lang my Night Market. Magkano bayad dun sa nagpeperform db san nila kinukuha ang pambayad sa mga tindero at tindera dun na gasino lang ang kita. Tsk Tsk Tsk..

iwannabeasupermodel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2800
  • #cantbuyclass
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #17 on: June 03, 2014, 12:03:46 am »
^ yun nga rin kutob ko sis though medyo blatant blaming ginagawa ni erap. Wala man lang subtleness. One lolo i've talked with was given thst orange card. Sabi nga niya ipakita daw niya dun libre daw siya sa lahat. He was a yolanda victim who moved to manila.
I know women - and none of us are that nice

11bernadette28

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 131
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #18 on: June 04, 2014, 01:12:00 am »
Marami na ngayon ang nag sisi kung bakit daw si Erap pa ang binoto nila (gusto nila yun at bayad naman yun) ako aaminin ko my nakuha talaga akong pera from ERAP pero si LIM at VELOSO ang binoto ko hindi si Erap at Isko. Per Brgy kasi nung time nung election malaking pera ang ibinigay ni Erap pra makabili ng boto.

sosychill

  • VALAR MORGHULIS
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 316
  • KHALEESI
    • twitter
Re: Manila, sa ilalim ng pamumuno ni Erap
« Reply #19 on: June 04, 2014, 07:57:36 pm »
Grabe yung mga traffic officers sa maynila. basta lang makalikom ng pera kahit wala naman violation ginagawan nila. Sila yung cause of traffic eh nakakaasar lang, Naawa tuloy ako sa jeepney drivers to think na super liit na lang nga ang pinagkakakitaan huhulihin pa nila. Subukan nila kong tiketan at gawa ng violation, takot lang nila. lol
Follow Me!!

Hogwarts is my home, but sometimes flying to westeros with the dragons isnt so bad.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close