We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
na sad naman ako sa mga nabasa ko.
Hi mga sis! Problema din namin sa camella after ng turnover ay leakage at plumbing issues. Sobrang lakas ng pressure ng tubig kaya nagleleak ang gripo at tubo. BTW, magkano bill nyo sa Prime Water? Grabe naman mahal ng tubig nila! Parang 35 cubic meter eh nasa P1000+ at kapag lumampas ka lang ng 1day ay may P150 na penalty agad?
Ugh...in 2years kaya ano na mababasa ko dito? hehe sana naman positive na, sana nag improve na ang mga contractor ng Camella ...congrats ulit sa mga nakalipat na... And goodluck sa ating lahat... Remember mga sis, ang wrinkles....
May mabait din naman na contractor tulad ng contractor na natapat sa amin. Maayos naman kausap at in fact tinulungan pa kami sa iba naming requests. Mas grabe naman nababasa kong problema about profriends.
Correct sis GABJUMZ yung samin din mabait kausap contractor namin, saka pag may repair sakanila na ko minsan nagtetext di na sa Camella hehe!Naku nung minsang nabsa ko din sa Profriends grabe ang bigat ng dibdib ko sa mga nabasa ko, buti nalang sa Camella tayo napunta. Araw-araw ang daming complaints sa kanila. May friend din ako na kumuha dun ang dami nya din naging problem.For the month of July ang bill namin sa water 466.80 (10cu.m) then 350 HOA fee bale 816.80php, 3 lang kami sa bahay halos everyday ang laba.
mga sis, ask lang sa mga taga cerritos daang hari na member dito, pwede pa ba ipagawa sa camella un pinto na nag enlarge na kasi nababasa ng ulan?. na turn over sa amin yun unit last april pa pero hindi pa kami nag move-in kasi wait ko pa ang husband ko kaso nun last visit namin after ng bagyo hindi ko na ma open yun door namin sa terrace sabi sa camella deterioration daw yun kaya hindi na pwede gawin, as per engineer na in-charge dun na nakausap ko. kung ganun, kami ba talaga ang magpagawa hindi na ba siya covered ng warranty ng house?tia po sa mga mag rereply..
Para palang sponge yung mga pinto nila. siguro pagdating ng summer e magshshrink naman yan.
Sis advice ko is palitan nyo ang main and back door ng mas matibay. Pwede kayo mag inquire sa mga sash factory. Kasi kung papalitan man ni camella yan, malamang bigyan kayo camella ng same quality since ganyan talaga ang normal na nilalagay nila. Dami mga masasamang loob these days at mas mas maganda na kahit papano is strengthen yong doors which has access from outside. Kung wala pa pampapalit ng door, remind ko lang kayo to change at least lahat ng lock ng mga pinto para sure kayo na walang access yong dati naggawa ng house nyo.Nagpagawa kami ng sarili namin pinto at yon ang pinakabit namin sa contractor buti pumayag. Pinalagyan din namin ng double lock etc. Ipon muna kami at balak ko papalitan yong mga pinto sa bedrooms at pvc lang nilagay nila pati ang lock ang dali lumuwag at masira. Parang tipong isang tadyak lang ay bibigay na agad.
Nagpagawa kami ng sarili namin pinto at yon ang pinakabit namin sa contractor buti pumayag. Pinalagyan din namin ng double lock etc. Ipon muna kami at balak ko papalitan yong mga pinto sa bedrooms at pvc lang nilagay nila pati ang lock ang dali lumuwag at masira. Parang tipong isang tadyak lang ay bibigay na agad.
Sis naggawa kami ng request sa camella, sabay sabay na yong request na ginawa namin pero kinausap muna namin ang contractor bago kami magsend ng request kay camella. Hindi pumayag si camella kaya si contractor mismo ang nagsend kay camella ng request. Sabi ko nga mabait kausap yong contractor namin. Naging kaibigan na rin kasi ni hubby.
hi sis sexydee, naku di pepede sa akin yan na matagal ang paglalagay ng meralco at tubig. ako na ata pinakamakulit na client nila sa SJDM. Yung mga for repairs ko di pa nasisimulan kasi tuwing weekends lang ako nakakapunta dun. Eto pa pala, since wala kaming bakod need ko pa ipagawa yun at nung magsukat kami, di pantay dun sa naka adjacent sa likod ko na property. Pinapasukat ko pa sa kanila at di ako papayag na di tama ang sukat nun! Buti wala pang nakakabili nung nasa likod namin, pero baka kasi mag kaissue kaya ipapaayos ko muna sa kanila bago ako magpatayo ng bakod. Regarding sa pinto talagang namamaga sya kasi syempre di naman magandang klase nilagay nila at yung sa back door naku ang panget na. Parang di naman ata masasave ng screen doors yung pataba ng pinto kasi kahit dito sa bahay ng parents ko namamaga mga pinto pag tag ulan partida may screen kami.