hi sexydee! hindi pa namin kilala yung contractor namin. baka this coming weekend pumunta kami sa site. madali lang ba sila kausap pagdating sa insulation? seems like yung ibang camella subd e mahirap. how much nagastos mo? 
Ay naku sis, materials lang mga 13-15K ata nagastos namin. Di na namin nagawang magcanvass dahil tila sinadya ng contractor. Hindi kami agad sinabihan beforehand. Nagsabi sila, ikakabit na yung bubong kaya dali-dali kaming humanap ng supplier non tapos Sunday pa. Kaasar di ba??? Pero may contractor ata na mabait. Actually, 20K ang initial singil nila sa amin labor + materials. Nung sa amin materials, nagpabili ng insulator at flat bars. Yung flat bars, pinabalik! Hindi daw kailangan. Nastress ako. Tapos 7,500 ang sinisingil sa labor. samantalang pinatong lang naman nila at wala pang kalahating araw ginawa. Ay naku, sabi ko, ang daming palpak sa bahay hanggang ngayon nagpaparepair kami, after 3months. Tapos follow-up sa 7,500?? Cash??? Magbill muna sila! ROAR! Hahaha. Nakakaloka.
Hi mga sis, super tagal ko ng nawala dito kasi na-turnover na yung unit namin. Simula na ng sakit ng ulo. Yung watermeter namin super tagal bago nalagay pati Meralco meter halos araw araw na ako ng fofollowup. Tapos araw araw ata may nakikita akong problema. Nung malagay na yung water meter may mga tumutulong gripo di maayos pagkakabit. Tapos may crack sa cr, malala eh yung water mark sa ceiling ng 1st floor. May waterleak daw malamang sa cr ng 2nd floor. At parang nag aasar yung kuryente namin, yung mga light socket sa 1st floor di gumagana at yung mga wall socket naman sa 2nd floor wala din! Oha sakit sa bangs! Dapat mga sis pag katurnover sa nyo icheck nyo na lahat at ireport agad kasi 30 days after turnover di na sasagutin ni Camella yung mga repairs.
Sis, halos pareho tayo ng mga hinaing. April 29 kami nakalipat, June 28 lang kami nakabitan ng tubig with meter. Yung sa meralco, nung Friday lang. Yung sa meralco nga nagtataka pa ko may nauna pa sa amin na ibang nakabitan samantalang kami unang nakalipat. Di namin maintindihan kung paano ang sistema ng Camella. Yung mga leaks, ngayon lang din naglabasan. Same tayo sa ceiling ng 1st flr CR. Mismong sa walling ang leak kaya nagtiktik pa ulit sa 2nd flr CR namin. GRRRRR.. Ibang contractor na yung nagrepair sa amin kasi BINGOng-BINGO na sa amin yung RAMOLAZA! Yang yung contractor namin. pag sinipag ako, isa-isahin ko din mga naging problema namin.
BTW, hindi rin namin masyadong iniintindi yang 30days nila na warranty. Hindi naman valid yan. Lalo kung hidden defects mga sis. Pero as soon as possible, nagrereport kami agad sa office. Mahirap na masisi at ipagmalaki pa nila sa amin yang 30days nila. pero heto, almost 5months na kami, hindi pa naman nila sinasabi yan sa amin.
Recently lang, humingi na si hubby ng replacement ng main door namin. Lagi kasing tumataba, sumisikip kaya hindi mabuksan. 7 times na yung kinatam. Tuwing uulan, tumataba. Kahit yung back door and sa terrace. Pero malala yung main door. Pano na lang pag tag-araw? Baka maliit na pintuan namin! Sabi ng napagtanungan naming karpintero, hindi daw magandang quality. Sun Dry daw yung kinabit, dapat daw Kiln Dry wood. Pero kung ano man yan, hindi kami bumili ng bahay na may pintong tumataba at bibigyan kami ng sakit sa hindi lang sa ulo, pati sa katawan kakatulak mabuksan lang ang pintuan! At ang solution daw sabi ni Engr., lagyan daw namin ng screen door. Reasonable? Engr. ba yun? Eh kung sinabi na nila yan umpisa pa lang, hindi na kami kumuha sa CAMELLA!
Pasensya na sa paglabas ng galit. Hahaha. Marami pa ngang iba, hindi ko na lang na-ishare at nakakasira ng araw at saka masyadong mahaba baka tamarin kayo basahin.
P.S. Hindi pa rin kami nagbabayad ng HOA membership fee. Mismong Project Manager na rin umamin sa amin, hindi nga daw sila dapat naniningil dahil on going pa yung registration. Kala ko ipagpipilitan nila na pumirma ako doon sa "Acceptance of Property" eh. Hahah. Nakasulat kasi yun doon di ba?