watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes? (Thread 2)  (Read 135347 times)

jaysnow

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #340 on: July 17, 2014, 03:03:32 am »
Hi Incheng!

Mukhang okay sa RCBC. May nakausap na din kami kaso walang pang details masyado puro info lang mga tinanong sa amin.

Oo nga maganda nga may balcony pag may extra budget. :) pero kahit yung bubong lang para sa garahe pwede na din. May ibang model house akong nakita sa Alora, nilagyan nila bubong sa garahe. Maganda pagkagawa same roof din sa bahay. Baka ganon na lang muna :)

Yung likod ng bahay kay Camella pero i dont think na sagutin nila yung bakod. Yung likod namin kasi may creek tas kabilang subdivision na. Pag may budget pataasan namin for security purposes na din.

Speaking of bakod, mga nasa magkano kaya budget ng pagpapagawa ng bakod at gate? Pati construction bond? Ask ko na din pala binabaha ba sa Camella Caloocan? At lastly pala how much trike pag special. Palabas ng Camella to UV express terminal or papuntang Meycauayan exit or Malinta exit? Salamat! Sensya na daming tanong. :)



honeybaby08

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #341 on: July 18, 2014, 04:02:11 pm »
Hello girls,
 
I am new in this thread and new sa group.  We recently purchased a unit in Camella Silang Tagaytay (Carmina Uphill) and I am a bit bothered with the complaints I am reading.  Talaga bang masakit sa ulo?  We are hoping na by December 2015 or January 2016 move-in na kame.  Hopefully [textspeak!] mashadong masakit sa ulo since ours is 80% bank finance and 20% dp. Of course we want value for our money (who doesn't want that, right?)

1.  So now I am aware na about the bond if we want to have something changed in the layout.  How much is the bond really? para mapaghandaan den pala.

2.  I also learned that it's better to follow-up with the development of the house especially if we have completed 50% of the dp to avoid un issue na nagstart na pala nila itayo ang house without informing us.

3. is it advisable to install an insulation ba talaga? I was thinking kasi na Camella Silang is near Tagaytay na so the weather is ok.

Girls, bigyan nyo pa ako ng other ideas kung ano ang dapat naming paghandaan.

Nakakaexcite to think about un magkakaroon ng sariling property. Sana lang hindi dudugo ilong ko kakaproblema in the future dahil magwawarla talaga ako hahaha and kasi both hubby and I are working abroad

Cheers!

Icabebe

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #342 on: July 18, 2014, 09:04:42 pm »
Hello angellouise06! thank you sa response. Ang laki pala ng bank charges pero wait din namin once ma-finalize yung terms and interest rate baka bumaba ang bank charges since 1.7M ang loan amount namin. Saang bank pala kinuha nyong offer? and how much bank charges?

hi jaysnow, sa chinabank savings kami nagloan. 40k yung bankcharges nila kaso ang tagal bago kami ma loan release. march ako ng sign pero May na kami na approve, although ok din kasi di nagsabay yung pag babayad ng bank charges namin sa amortization. tapos pala merong mga camella na pumapayag na sila muna mag shoulder ng bank charges then sa kanila ka na magbabayad pede hatiin to 3 months pero di ako sure kung anong mga location ang pede. sa amin kasi hinati namin ng 3 months para di gaanong mabigat. 

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #343 on: July 19, 2014, 07:47:04 am »

Hi jaysnow!

Sa bakod di ko alam kung how much magpagawa kasi yung bakod namin and gate free ng camella kaya ang ginastusan lang namin yung pagpapacement ng lupa sa loob ng bakod, pinasabay na namin ipasemento sa contructor yun para di na kami magbabayad ng bond. Once kasi na turn-over na sayo yung house pag may ipapaconstruct ka may bond na agad. Mga 20k din ata yun, kaya pinasabay na lang namin.

Si Glenda palang yung naabutan kong bagyo dito sa Camella Caloocan nung May lang kasi kami nag-move in, so far wala naman baha. Sabi naman ng contructor namin di daw binabaha dun, pero syempre iba parin yung ikaw yung makakita na di talaga binabaha. Sa trike naman from Gate 1 (Deparo Gate) to UV Express terminal 30php, kahit may kasabay ka na di mo kilala 30php prin pag 2 kayo na magkasama 30 din. Di ko talaga alam kung magkano ang isa kasi lage ako special, bihira naman kasi ko na may kasama, nung 2 kasi kami ni mama ko 30 din binayad ko, ewan ko lang kung magkano pag 3 na hehe! Pwede ka tumawag sa guard tapos pasundo ka sa trike sa bahay nyo 40php na bayad pag ganun. Pag going to malinta exit tricycle terminal and meyc terminal tatawag ka din sa guard sa gate 1 para magpasundo 35 yung siningil samin 3 kaming nakasakay. Mas malayo ang papuntang UV express terminal kesa malinta exit/meyc terminal.

 :)
« Last Edit: August 08, 2014, 05:12:25 pm by mama squeak! »

jaysnow

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #344 on: July 19, 2014, 10:19:38 pm »
Hello angellouise06! Hindi pa namin na try sa China bank wala pang tumatawag. RCBC at BDO ang mga kausap namin. Ang laki ng bank charges sa bdo nasa 51k compare sa 36k ng RCBC. Pero need na by Sept
 bayaran ng buo yung DP namin.
Eh by Oct. last payment pa dapat, para daw ma-avail namin yung 6.88% interest nilang promo. Actually same rate lang sila ni BDO. Yon nga lang mag advance kami ng payment pero okay lang since maka-save sa bank charges. Si rcbc 20 yrs, 36k bank charges 6.88% fixed 5yrs compare sa bdo 15 yrs 51k 6.88% fixed 5 yrs. Parang okay naman kami kay RCBC kahit 20 yrs pag nagka-extra maghulog na lang para mabawasan principal. Next week daw kausapin kami for details ng signing. :) thank you :)

Hi Incheng!
Nagvisit kami ulit kanina sa site. Okay naman  walang bakas ng baha :) saka yung sa likod namin na creek normal lang 'di binaha pero pataasan pa din namin bakod pag may extra para sure.

Wow buti ka pa wala ng problem regarding sa bakod :) Kami parang dami pa need pagawa: bakod, gate, semento at yung bakod sa likuran namin. Wew! One step at a time :)

Nagtanong pala ako sa guard sa gate 1 regarding sa trike. Tama nga mga 30 to 40 pesos nga to UV terminal or to trike terminal sa may Llano. Binigyan din ako ng number ng guard in case need ng trike:) nagtanong naman ako dun sa terminal ng trike malapit sa Llano yung sa palengke, sabi ng driver 150 daw special to malinta/meyc exit grabe ang mahal naman. Mamulubi naman pag ganon. Saka hinanap din namin yung sakayan ng jeep pa meyc lagpas lang ng konti sa terminal ng trike. Na subukan mo na ba sumakay don papuntang Savemore meyc? Parang kaunti lang jeep, kanina isa lang tapos parang matagal bago umalis.

Anyway parang mahirap pala pag commute sa area natin :( sanayan na lang sa daming transfer. Onga pala sana yung daan sa may dulo ng mindanao avenue eh magconnect pa vista verde para mas mabilis ang byahe pag sasakyan lusot vista verde tapos Llano kaliwa kesa sa may Sabungan ang daan parang ang layo kasi ng ikot ko pag doon dumadaan pag galing akong QC. Sa palagay mo anong best/fastest way papuntang QC (Trinoma) pag galing satin or vice versa? Thanks a lot :)


« Last Edit: July 19, 2014, 10:28:23 pm by jaysnow »

jaysnow

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #345 on: July 21, 2014, 10:38:48 pm »
Thank you sa pm! wala pa akong privilege na mag reply or mag create ng pm :( Safe ba sa madaling araw ang byahe pag sa Maranaw? Parang ang dilim sa side na yon saka wala pang mga bahay.. scary hehe.. pag sa may Meyc. ang daan pauwe madaling araw na try mo na din? pm mo na lang ako :) Buti na lang din madami options pauwe :)
@Jaysnow-- nag-pm ako sayo hehe!

jaysnow

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #346 on: July 23, 2014, 10:59:16 am »
@Incheng: sensya na dito pa din ang reply ko. Sana na p-pm na kita haha.

Grabe ang mahal sa pamasahe ng lugar naten.. alanganin pa pag late na uwe. Ideal talaga morning or night shift wag lang mid shift. Pag madaling araw sa Malinta/Malanday na din daan ko pauwe kaya sanay na din ako if ever kaso anong petsa naman maka-uwe sobrang tagal ng byahe pag nakalipat na kami at take note 'di ako QC nagwo-work kundi Taguig pa wahaha. Well pinili natin dito kaya tiis na lang hehe..

Onga sana bilhin na ng Camella yon Maranaw wala pa naman bahay don saka dapat i-consider din nila safety ng mga clients nila since yung daanan madilim. Saka yung sa trike dapat registered din sa Camella para safe mga pasahero, trusted yung mga trike.

rainmirage02

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #347 on: August 02, 2014, 12:26:48 pm »
Me! Wow, 3 na ata tayo na from Montego. :D

hello po! we just paid our reservation sa camella montego din. kumusta na po ang electricity and water condition ngayon? thanks!  :)

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #348 on: August 04, 2014, 10:25:27 am »
hello po! we just paid our reservation sa camella montego din. kumusta na po ang electricity and water condition ngayon? thanks!  :)

Dumadami tayo, hmmm.. So far, ok naman yung water. Yung electricity, submeter pa din kami eh. Sabi nung last kausap ko, after 3weeks daw ikakabit so 1 week to go. Dapat ikabit na nila kasi humihina na rin supply ng electricity dahil din siguro sobrang dami na ng nakasub-meter. Napansin ko yung sa electric fan namin, bigla na lang humihina kahit no. 3.

Anong block mo sis?

simpleemie

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #349 on: August 04, 2014, 04:08:07 pm »
wow ilan na montego? 4 na ata  :)
hay naku sabi after 10 months na dp, start na construction, so dapat july kami start na, dahil daw sa bagyo nung nakaraan kaya di muna na start. wait ko this month sana ma start na para maplano na ang paglipat next year, meron kasi kami estudyante e  kaya nid ko mag scout ng school by the end of this year. sa mga taga montego, san nag sschool anak nyo?

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #350 on: August 06, 2014, 11:56:25 am »
wow ilan na montego? 4 na ata  :)
hay naku sabi after 10 months na dp, start na construction, so dapat july kami start na, dahil daw sa bagyo nung nakaraan kaya di muna na start. wait ko this month sana ma start na para maplano na ang paglipat next year, meron kasi kami estudyante e  kaya nid ko mag scout ng school by the end of this year. sa mga taga montego, san nag sschool anak nyo?

pang-5, kasama ako. :D

emdoze

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #351 on: August 07, 2014, 06:01:26 pm »
Hello. Newbie here. Waaaaa. Nakakasad naman basahin yung mga post nyo regarding camella. Huhu
 Anyways nakakuha po kami ng unit sa camella lessandra sa san jose delmonte bulacan. Sino po may house na po doon??
« Last Edit: August 07, 2014, 06:04:30 pm by emdoze »

rainmirage02

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #352 on: August 07, 2014, 09:24:03 pm »
sa block 1 po kami. waw dami na natin sa montego! :)

sexydee, how was summer in montego? malamig pa din ba? i was thinking if needed pa ba yung insulation sa roof. thanks! :)
« Last Edit: August 07, 2014, 09:41:50 pm by rainmirage02 »

simpleemie

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #353 on: August 08, 2014, 10:33:34 am »
sa block 1 po kami. waw dami na natin sa montego! :)

sexydee, how was summer in montego? malamig pa din ba? i was thinking if needed pa ba yung insulation sa roof. thanks! :)

lot ano ka sis? nakatira ka na sa montego now?

rainmirage02

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #354 on: August 08, 2014, 02:23:07 pm »

hello simpleemie! lot 56 po. hindi pa kami nakalipat. about to pay our first DP pa lang. sa case namin, we have to finish the DP in 8months since under construction na yung unit na nakuha namin. saang block/ lot ka po? :)
« Last Edit: August 08, 2014, 05:10:23 pm by mama squeak! »

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #355 on: August 08, 2014, 03:05:16 pm »
sa block 1 po kami. waw dami na natin sa montego! :)

sexydee, how was summer in montego? malamig pa din ba? i was thinking if needed pa ba yung insulation sa roof. thanks! :)

4 pa lang pala tayo sis sa montego. Haha. Mali ako ng count. :D

Kailangan pa din sis ng insulation, medyo mainit pa din eh. Keri na kahit electric fan kung wala pa budget pang-aircon. ;)

Sino contractor nyo?

rainmirage02

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #356 on: August 08, 2014, 04:27:29 pm »
hi sexydee! hindi pa namin kilala yung contractor namin. baka this coming weekend pumunta kami sa site. madali lang ba sila kausap pagdating sa insulation? seems like yung ibang camella subd e mahirap. how much nagastos mo? :)
« Last Edit: August 08, 2014, 05:11:00 pm by mama squeak! »

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #357 on: August 11, 2014, 08:53:43 am »
Hi mga sis, super tagal ko ng nawala dito kasi na-turnover na yung unit namin. Simula na ng sakit ng ulo. Yung watermeter namin super tagal bago nalagay pati Meralco meter halos araw araw na ako ng fofollowup. Tapos araw araw ata may nakikita akong problema. Nung malagay na yung water meter may mga tumutulong gripo di maayos pagkakabit. Tapos may crack sa cr, malala eh yung water mark sa ceiling ng 1st floor. May waterleak daw malamang sa cr ng 2nd floor. At parang nag aasar yung kuryente namin, yung mga light socket sa 1st floor di gumagana at yung mga wall socket naman sa 2nd floor wala din! Oha sakit sa bangs! Dapat mga sis pag katurnover sa nyo icheck nyo na lahat at ireport agad kasi 30 days after turnover di na sasagutin ni Camella yung mga repairs.
« Last Edit: August 11, 2014, 08:56:55 am by angellouise06 »

rainmirage02

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #358 on: August 11, 2014, 09:42:00 am »
Hi mga sis, super tagal ko ng nawala dito kasi na-turnover na yung unit namin. Simula na ng sakit ng ulo. Yung watermeter namin super tagal bago nalagay pati Meralco meter halos araw araw na ako ng fofollowup. Tapos araw araw ata may nakikita akong problema. Nung malagay na yung water meter may mga tumutulong gripo di maayos pagkakabit. Tapos may crack sa cr, malala eh yung water mark sa ceiling ng 1st floor. May waterleak daw malamang sa cr ng 2nd floor. At parang nag aasar yung kuryente namin, yung mga light socket sa 1st floor di gumagana at yung mga wall socket naman sa 2nd floor wala din! Oha sakit sa bangs! Dapat mga sis pag katurnover sa nyo icheck nyo na lahat at ireport agad kasi 30 days after turnover di na sasagutin ni Camella yung mga repairs.

yikes! akala ko after turn-over e ok na lahat. how long commitment nila to fix yung issues?

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #359 on: August 11, 2014, 10:33:26 am »
hi sexydee! hindi pa namin kilala yung contractor namin. baka this coming weekend pumunta kami sa site. madali lang ba sila kausap pagdating sa insulation? seems like yung ibang camella subd e mahirap. how much nagastos mo? :)

Ay naku sis, materials lang mga 13-15K ata nagastos namin. Di na namin nagawang magcanvass dahil tila sinadya ng contractor. Hindi kami agad sinabihan beforehand. Nagsabi sila, ikakabit na yung bubong kaya dali-dali kaming humanap ng supplier non tapos Sunday pa. Kaasar di ba??? Pero may contractor ata na mabait. Actually, 20K ang initial singil nila sa amin labor + materials. Nung sa amin materials, nagpabili ng insulator at flat bars. Yung flat bars, pinabalik! Hindi daw kailangan. Nastress ako. Tapos 7,500 ang sinisingil sa labor. samantalang pinatong lang naman nila at wala pang kalahating araw ginawa. Ay naku, sabi ko, ang daming palpak sa bahay hanggang ngayon nagpaparepair kami, after 3months. Tapos follow-up sa 7,500?? Cash??? Magbill muna sila! ROAR! Hahaha. Nakakaloka.


Hi mga sis, super tagal ko ng nawala dito kasi na-turnover na yung unit namin. Simula na ng sakit ng ulo. Yung watermeter namin super tagal bago nalagay pati Meralco meter halos araw araw na ako ng fofollowup. Tapos araw araw ata may nakikita akong problema. Nung malagay na yung water meter may mga tumutulong gripo di maayos pagkakabit. Tapos may crack sa cr, malala eh yung water mark sa ceiling ng 1st floor. May waterleak daw malamang sa cr ng 2nd floor. At parang nag aasar yung kuryente namin, yung mga light socket sa 1st floor di gumagana at yung mga wall socket naman sa 2nd floor wala din! Oha sakit sa bangs! Dapat mga sis pag katurnover sa nyo icheck nyo na lahat at ireport agad kasi 30 days after turnover di na sasagutin ni Camella yung mga repairs.

Sis, halos pareho tayo ng mga hinaing. April 29 kami nakalipat, June 28 lang kami nakabitan ng tubig with meter. Yung sa meralco, nung Friday lang. Yung sa meralco nga nagtataka pa ko may nauna pa sa amin na ibang nakabitan samantalang kami unang nakalipat. Di namin maintindihan kung paano ang sistema ng Camella. Yung mga leaks, ngayon lang din naglabasan. Same tayo sa ceiling ng 1st flr CR. Mismong sa walling ang leak kaya nagtiktik pa ulit sa 2nd flr CR namin. GRRRRR.. Ibang contractor na yung nagrepair sa amin kasi BINGOng-BINGO na sa amin yung RAMOLAZA! Yang yung contractor namin. pag sinipag ako, isa-isahin ko din mga naging problema namin.

BTW, hindi rin namin masyadong iniintindi yang 30days nila na warranty. Hindi naman valid yan. Lalo kung hidden defects mga sis. Pero as soon as possible, nagrereport kami agad sa office. Mahirap na masisi at ipagmalaki pa nila sa amin yang 30days nila. pero heto, almost 5months na kami, hindi pa naman nila sinasabi yan sa amin.

Recently lang, humingi na si hubby ng replacement ng main door namin. Lagi kasing tumataba, sumisikip kaya hindi mabuksan. 7 times na yung kinatam. Tuwing uulan, tumataba. Kahit yung back door and sa terrace. Pero malala yung main door. Pano na lang pag tag-araw? Baka maliit na pintuan namin! Sabi ng napagtanungan naming karpintero, hindi daw magandang quality. Sun Dry daw yung kinabit, dapat daw Kiln Dry wood. Pero kung ano man yan, hindi kami bumili ng bahay na may pintong tumataba at bibigyan kami ng sakit sa hindi lang sa ulo, pati sa katawan kakatulak mabuksan lang ang pintuan! At ang solution daw sabi ni Engr., lagyan daw namin ng screen door. Reasonable? Engr. ba yun? Eh kung sinabi na nila yan umpisa pa lang, hindi na kami kumuha sa CAMELLA!

Pasensya na sa paglabas ng galit. Hahaha. Marami pa ngang iba, hindi ko na lang na-ishare at nakakasira ng araw at saka masyadong mahaba baka tamarin kayo basahin.

P.S. Hindi pa rin kami nagbabayad ng HOA membership fee. Mismong Project Manager na rin umamin sa amin, hindi nga daw sila dapat naniningil dahil on going pa yung registration. Kala ko ipagpipilitan nila na pumirma ako doon sa "Acceptance of Property" eh. Hahah. Nakasulat kasi yun doon di ba?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close