watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes? (Thread 2)  (Read 135605 times)

simpleemie

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #360 on: August 11, 2014, 05:20:00 pm »
na sad naman ako sa mga nabasa ko.  :(

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #361 on: August 11, 2014, 05:56:52 pm »
Hi mga sis! Problema din namin sa camella after ng turnover ay leakage at plumbing issues. Sobrang lakas ng pressure ng tubig kaya nagleleak ang gripo at tubo.

BTW, magkano bill nyo sa Prime Water? Grabe naman mahal ng tubig nila! Parang 35 cubic meter eh nasa P1000+ at kapag lumampas ka lang ng 1day ay may P150 na penalty agad????

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #362 on: August 11, 2014, 09:23:53 pm »
na sad naman ako sa mga nabasa ko.  :(

Sorry sis ha, napasama ko ba loob mo. :S Masaya pa rin naman kami at may bahay kami. Siguro kahit may mga ganyang problema, mas ok sana kung maayos ka ina-accommodate ng office.

Hi mga sis! Problema din namin sa camella after ng turnover ay leakage at plumbing issues. Sobrang lakas ng pressure ng tubig kaya nagleleak ang gripo at tubo.

BTW, magkano bill nyo sa Prime Water? Grabe naman mahal ng tubig nila! Parang 35 cubic meter eh nasa P1000+ at kapag lumampas ka lang ng 1day ay may P150 na penalty agad????

Hmmm.. Maghihintay pa lang kami ng bill sis. Kaka-1month pa lang namin connected sa prime water. Huhu... Ang mahal naman. Eto ata ang wala tayong magawa vs. electricity. At least directly connected yung kuryente sa Meralco.

splmbrg

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #363 on: August 12, 2014, 12:52:21 am »
Ugh...in 2years kaya ano na mababasa ko dito? hehe sana naman positive na, sana nag improve na ang mga contractor ng Camella :) ...congrats ulit sa mga nakalipat na... And goodluck sa ating lahat... Remember mga sis, ang wrinkles.... :D

rainmirage02

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #364 on: August 12, 2014, 10:36:32 am »
despite the issues encountered by many homeowners/ soon-to-be HO, we still decided to push through with Camella. Siguro talagang nagustuhan lang namin ni wife yung location and size of community in Montego. The best we can do right now is listen to the advise of everyone and try to work things out early on with our contractor, account officer, etc.  ;)

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #365 on: August 12, 2014, 02:19:27 pm »
Ugh...in 2years kaya ano na mababasa ko dito? hehe sana naman positive na, sana nag improve na ang mga contractor ng Camella :) ...congrats ulit sa mga nakalipat na... And goodluck sa ating lahat... Remember mga sis, ang wrinkles.... :D

May mabait din naman na contractor tulad ng contractor na natapat sa amin. Maayos naman kausap at in fact tinulungan pa kami sa iba naming requests.  ;D

Mas grabe naman nababasa kong problema about profriends.

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #366 on: August 12, 2014, 03:01:04 pm »
Correct sis GABJUMZ yung samin din mabait kausap contractor namin, saka pag may repair sakanila na ko minsan nagtetext di na sa Camella hehe!

Naku nung minsang nabsa ko din sa Profriends grabe ang bigat ng dibdib ko sa mga nabasa ko, buti nalang sa Camella tayo napunta. Araw-araw ang daming complaints sa kanila. May friend din ako na kumuha dun ang dami nya din naging problem.

For the month of July ang bill namin sa water 466.80 (10cu.m) then 350 HOA fee bale 816.80php, 3 lang kami sa bahay halos everyday ang laba.

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #367 on: August 12, 2014, 05:38:39 pm »
Hi sis Incheng! Kumusta na? San na picture ng house mo? hehhehe!  ;D

Kami din sa contractor na direct nagpaparepair kapag may problema hindi na kay Camella. 4 lang sila sa house, medyo malakas lang talaga sa tubig gawa ng garden at twice a day sila magdilig ng grass. Medyo mahal talaga yong tubig nila compared sa manila water, monopolized kasi lahat sa camella pati cable cignal lang din ang pwede.

splmbrg

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #368 on: August 12, 2014, 06:56:45 pm »
May mabait din naman na contractor tulad ng contractor na natapat sa amin. Maayos naman kausap at in fact tinulungan pa kami sa iba naming requests.  ;D

Mas grabe naman nababasa kong problema about profriends.

Correct sis GABJUMZ yung samin din mabait kausap contractor namin, saka pag may repair sakanila na ko minsan nagtetext di na sa Camella hehe!

Naku nung minsang nabsa ko din sa Profriends grabe ang bigat ng dibdib ko sa mga nabasa ko, buti nalang sa Camella tayo napunta. Araw-araw ang daming complaints sa kanila. May friend din ako na kumuha dun ang dami nya din naging problem.

For the month of July ang bill namin sa water 466.80 (10cu.m) then 350 HOA fee bale 816.80php, 3 lang kami sa bahay halos everyday ang laba.

sana ok din ang contractor namin :) good luck pala sa kin lol :)

oo nga, nabasa ko din yung sa profriends, and meron din akong kasama sa work na dun kumuha, grabe yung photos na ipinost nya after nung last na malakas na bagyo (Glenda?)....hindi pa natitirahan, sobrang literal na tinamaan na ng bagyo ang itsura...

alchesa

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #369 on: August 13, 2014, 02:05:37 pm »
mga sis, ask lang sa mga taga cerritos daang hari na member dito, pwede pa ba ipagawa sa camella un pinto na nag enlarge na kasi nababasa ng ulan?. na turn over sa amin yun unit last april pa pero hindi pa kami nag move-in kasi wait ko pa ang husband ko kaso nun last visit namin after ng bagyo hindi ko na ma open yun door namin sa terrace sabi sa camella deterioration daw yun kaya hindi na pwede gawin, as per engineer na in-charge dun na nakausap ko. kung ganun, kami ba talaga ang magpagawa hindi na ba siya covered ng warranty ng house?tia po sa mga mag rereply..  :)

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #370 on: August 13, 2014, 03:34:31 pm »

Sis, same case tayo. Hidden defects tawag dyan. Naireport na rin namin yan sa Camella. We're still waiting for their action. Hindi nila pwedeng idahilan yan. Ano yan, ganyan ba talaga dapat ang pinto? Pag naulanan lalaki?

rainmirage02

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #371 on: August 13, 2014, 04:06:39 pm »
Para palang sponge yung mga pinto nila. siguro pagdating ng summer e magshshrink naman yan.  ???

anyways, i know that modifications can be done after turn-over. meron bang minor modifications na pwedeng gawin even during construction period? we were thinking of changing the door opening on our 2nd floor and replacement of main door. thanks!  :)

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #372 on: August 13, 2014, 04:10:02 pm »
Sis advice ko is palitan nyo ang  main and back door ng mas matibay. Pwede kayo mag inquire sa mga sash factory. Kasi kung papalitan man ni camella yan, malamang bigyan kayo  camella ng same quality since ganyan talaga ang normal na nilalagay nila. Dami mga masasamang loob these days at mas mas maganda na kahit papano is strengthen yong doors which has access from outside. Kung wala pa pampapalit ng door, remind ko lang kayo to change at least lahat ng lock ng mga pinto para sure kayo na walang access yong dati naggawa ng house nyo.

Nagpagawa kami ng sarili namin pinto at yon ang pinakabit namin sa contractor buti pumayag. Pinalagyan din namin ng double lock etc. Ipon muna kami at balak ko papalitan yong mga pinto sa bedrooms at pvc lang nilagay nila pati ang lock ang dali lumuwag at masira.  :-\ Parang tipong isang tadyak lang ay bibigay na agad.

alchesa

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #373 on: August 13, 2014, 05:21:02 pm »
sis sexydee tnx. sabi ng brother in law ko sa kanila sa masaito pwede pa ireklamo at palitan nila, pero kung ang ipapalit naman eh ganun din balewala lang problemahin ko uli yan much better nga siguro plastic na lang pero yun medyo maayos na brand. kaya siguro pinilit nila ma turn over sa akin last summer kasi alam nila ganun mangyayari na ang ulan at hangin palagi sa side ng terrace namin.

Para palang sponge yung mga pinto nila. siguro pagdating ng summer e magshshrink naman yan.  ???

parang ganun na nga ang mangyayari dun pagdating ng summer ok na ulet  :)

Sis advice ko is palitan nyo ang  main and back door ng mas matibay. Pwede kayo mag inquire sa mga sash factory. Kasi kung papalitan man ni camella yan, malamang bigyan kayo  camella ng same quality since ganyan talaga ang normal na nilalagay nila. Dami mga masasamang loob these days at mas mas maganda na kahit papano is strengthen yong doors which has access from outside. Kung wala pa pampapalit ng door, remind ko lang kayo to change at least lahat ng lock ng mga pinto para sure kayo na walang access yong dati naggawa ng house nyo.

Nagpagawa kami ng sarili namin pinto at yon ang pinakabit namin sa contractor buti pumayag. Pinalagyan din namin ng double lock etc. Ipon muna kami at balak ko papalitan yong mga pinto sa bedrooms at pvc lang nilagay nila pati ang lock ang dali lumuwag at masira.  :-\ Parang tipong isang tadyak lang ay bibigay na agad.

after namin magpagawa ng tiles, bakod at grills at before ng move in na lang namin papalitan pati double lock kasi kaunti pa lang naka transfer sa terraces baka wala pa 20, so halos puro construction workers makikita mo dun..

tnx  ;)

rainmirage02

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #374 on: August 13, 2014, 11:45:35 pm »
Nagpagawa kami ng sarili namin pinto at yon ang pinakabit namin sa contractor buti pumayag. Pinalagyan din namin ng double lock etc. Ipon muna kami at balak ko papalitan yong mga pinto sa bedrooms at pvc lang nilagay nila pati ang lock ang dali lumuwag at masira.  :-\ Parang tipong isang tadyak lang ay bibigay na agad.

hi GABJUMZ! nagrequest pa ba kayo ng permission sa camella or direct na lang sa contractor? we were thinking na magpagawa na din ng pinto, cement finish lang sa CR (kami na lang later on magpalagay ng tiles), change door opening sa 2nd floor and insulation sa roof. thanks!

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #375 on: August 14, 2014, 03:53:53 pm »
Sis naggawa kami ng request sa camella, sabay sabay na yong request na ginawa namin pero kinausap muna namin ang contractor bago kami magsend ng request kay camella. Hindi pumayag si camella kaya si contractor mismo ang nagsend kay camella ng request. Sabi ko nga mabait kausap yong contractor namin.  ;D Naging kaibigan na rin kasi ni hubby.

rainmirage02

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #376 on: August 14, 2014, 04:14:12 pm »
Sis naggawa kami ng request sa camella, sabay sabay na yong request na ginawa namin pero kinausap muna namin ang contractor bago kami magsend ng request kay camella. Hindi pumayag si camella kaya si contractor mismo ang nagsend kay camella ng request. Sabi ko nga mabait kausap yong contractor namin.  ;D Naging kaibigan na rin kasi ni hubby.

thanks GABJUMZ! we will try to make friends with our contractor na din pra mas madali requests. :)

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #377 on: August 15, 2014, 08:53:28 am »
hi sis sexydee, naku di pepede sa akin yan na matagal ang paglalagay ng meralco at tubig. ako na ata pinakamakulit na client nila sa SJDM. Yung mga for repairs ko di pa nasisimulan kasi tuwing weekends lang ako nakakapunta dun. Eto pa pala, since wala kaming bakod need ko pa ipagawa yun at nung magsukat kami, di pantay dun sa naka adjacent sa likod ko na property. Pinapasukat ko pa sa kanila at di ako papayag na di tama ang sukat nun! Buti wala pang nakakabili nung nasa likod namin, pero baka kasi mag kaissue kaya ipapaayos ko muna sa kanila bago ako magpatayo ng bakod.
Regarding sa pinto talagang namamaga sya kasi syempre di naman magandang klase nilagay nila at yung sa back door naku ang panget na. Parang di naman ata masasave ng screen doors yung pataba ng pinto kasi kahit dito sa bahay ng parents ko namamaga mga pinto pag tag ulan partida may screen kami.

sis simpleemie, wag kang ma-sad. mas madaming horror stories sa ibang developer. ako kahit madami akong nabasa dati dito tumuloy pa din kami, kasi mas ok sila kesa sa mga developer na malapit dito sa amin. Pag pray mo na lang mabait yung contractor na matapat sa nyo. :-)

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #378 on: August 15, 2014, 12:00:22 pm »
hi sis sexydee, naku di pepede sa akin yan na matagal ang paglalagay ng meralco at tubig. ako na ata pinakamakulit na client nila sa SJDM. Yung mga for repairs ko di pa nasisimulan kasi tuwing weekends lang ako nakakapunta dun. Eto pa pala, since wala kaming bakod need ko pa ipagawa yun at nung magsukat kami, di pantay dun sa naka adjacent sa likod ko na property. Pinapasukat ko pa sa kanila at di ako papayag na di tama ang sukat nun! Buti wala pang nakakabili nung nasa likod namin, pero baka kasi mag kaissue kaya ipapaayos ko muna sa kanila bago ako magpatayo ng bakod.
Regarding sa pinto talagang namamaga sya kasi syempre di naman magandang klase nilagay nila at yung sa back door naku ang panget na. Parang di naman ata masasave ng screen doors yung pataba ng pinto kasi kahit dito sa bahay ng parents ko namamaga mga pinto pag tag ulan partida may screen kami.

Naku sis, weekly rin kami sa Camella kasi both of us are working. So 4 months na kami pabalik-balik doon. Yung sa pinto, basta nireport namin sa kanila. Hihintayin namin yung justifiable reason nila kung bakit acceptable ang pinto na yun at wala silang liability for providing defective door. Meron naman sigurong matinong pinto. Bahay binili namin, if in the first place alam namin ganyan mangyayari, hindi kami bibili sa camella. Hassle kaya yung tuwing uulan, dadating yung araw hindi ka makalabas/makapasok dahil masikip na naman pinto namin. Ibang case din kasi ng pinto sa tiles (i think), nakakaabala sa daily living nyo 'to eh. Pero siguro nga depende sa appetite naman natin yung satisfaction from them. :D

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #379 on: August 17, 2014, 05:15:13 pm »
Hi mga sis, share ko si Drinnie. As I've said, buti mabait ang contractor na naassign sa amin, first we requested to change the layout ng kitchen/backdoor, then dami namin pinapalitan na materials including the main, back and balcony door, lagay ng insulator, tiles sa ground floor and sa banyo pati bathroom fixtures etc. We have just provided them the materials on time para hindi sila madelay sa work. I don't know if my additional na pinabayad, mukhang wala pero lahat ng materials na pinapalitan namin, hindi na namin kinuha sa kanila at syempre pakunswelo at pakisama sa mga workers. :)

Ang gate, fence and roof sa service area were constructed by my hubby's cousin isang request na lang ginawa namin ky Camella kaya isang bayad na lang kami ng bond.

Yong ibang improvements inside the house after ng turnover kay contractor na rin namin pinagawa since sila nakakaalam ng mga wiring etc at para in case may kailangan iparepair sa work nila, madali na lang paayos at hindi na rin kami nagbayad ng bond since sila din ang contractor ng house at saka mura lang ang quote nila sa amin.

Here's the link, password is Drinnie  :D

http://s1121.photobucket.com/user/gabjumz/library/Drinnie

OT: Tip lang mga sis, kaibiganin nyo rin mga guards sa subdivision, kahapon sabi ni hubby sa akin, binigyan daw nya water heater ang guard sa subdivision at wala daw magamit. Knowing their job 24hrs kaya madalas nagkakape para mawala antok, ayon lagi nila dinadaanan yong house namin kapag nagroronda sa gabi at lagi nila update si hubby kapag my nangyayari nakawan etc sa subdivision.  ;)

Latest Stories

Load More Stories
Close