watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes? (Thread 2)  (Read 135469 times)

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #320 on: July 02, 2014, 10:52:33 am »
Sis dianna, di totoo yung after DP saka nila sisimulan gawin yung bahay. Yan yung paulit-ulit ko tinanong sa camella, yan din yung paulit-ulit nila na sinagot saken, na after DP sisimulan yung bahay. Ang end ng DP namin Oct 2013, nagulat ako nung bigla ako tinawagan ng account officer ng mga Sept 2013, 25% na daw bahay namin. Hindi updated ang account officer sa status ng bahay every week ko sya kausap di nya alam na ginagawa na pala bahay namin. Magbubuhos na ng semento sa 2F nung una kong nakita yung house. PAsyal pasyalan mo yung lot sis baka magulat ka naghuhukay na pala sila ng tatayuan ng house mo :)

Thank you sis Incheng. Nag email kami sis sa account officer namin na dapat tawagan nya kami o iemail bago gawin ang bahay sumagot naman sya sa email namin. Pero sis tama yung advice mo na dapat pasyalan hindi kami maghihintay nalang sa email ng Account Officer namin kung kailan gagawin ang bahay. Baka magulat nalang kami na ginagawa na pala. Thank you sis sa advice.

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #321 on: July 02, 2014, 01:24:56 pm »
Mga 2 or 3 mos before mag-end DP mo pasyalan mo lot. Nung July 2013 pumasyal kami sa lot namin may mga hollow blocks sa lot kala ko sa katabing lot namin yun kasi sabi nga ng Camella after DP pa sisimulan house construction. Wala kong kaalam alam sa house pala namin gagamitin yung mga hollow blocks. Kasama ko pa account officer nung nagpunta kami nung July dun ha, wala talaga syang alam sa status.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #322 on: July 02, 2014, 01:35:04 pm »
Ay grabe pala talaga, walang kaalam alam ang account officer. Gagawin nalang namin once a month namin papasyalan yung lot namin para sure... next month namin uumpisahan, gusto talaga namin makita at maumpisahan ang paggawa sa bahay. Thank you sis.

splmbrg

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #323 on: July 02, 2014, 03:11:23 pm »
hi again mga Mrs. :) meron ba dito nakakuha sa Camella Silang? Thank you.

mizpah_karylle

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #324 on: July 04, 2014, 07:26:31 am »
Hi, morning mga sis. Sino po dito taga camella montego?

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #325 on: July 04, 2014, 11:57:15 am »
Hi, morning mga sis. Sino po dito taga camella montego?

Me! Wow, 3 na ata tayo na from Montego. :D

mizpah_karylle

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #326 on: July 04, 2014, 06:19:53 pm »
@sexydee: wow!saang banda kayo? sinisimulan pa lang sa amin.nakalipat na ba kayo?
« Last Edit: July 04, 2014, 06:43:09 pm by mizpah_karylle »

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #327 on: July 05, 2014, 11:49:51 am »
@sexydee: wow!saang banda kayo? sinisimulan pa lang sa amin.nakalipat na ba kayo?

Block 3 kami, sis. Saan kayo banda? More than 3 months na kami nakatira dito. Kami unang move-in. :D

freiavida

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #328 on: July 06, 2014, 01:36:30 am »
meron po ba ditong nakakuha sa camella taguig?
pa pm naman po sana.. thanks po

mizpah_karylle

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #329 on: July 07, 2014, 10:21:20 am »
Block 3 kami, sis. Saan kayo banda? More than 3 months na kami nakatira dito. Kami unang move-in. :D

Block 1a kami. Sariling ilaw at tubig na  ninyo?

jaysnow

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #330 on: July 07, 2014, 10:52:18 pm »
Hello, bago lang po ako sa thread na to pero madami na akong natutunan regarding Camella :)
Tanong ko lang medyo OT pero may nagka-problem po ba sa inyo regarding sa approval ng loan sa bank? Ang co-borrower ko kasi ay yung Girlfriend ko at patapos na ang 15% DP namin ng Oct 2014. Pasok naman kami sa required combined income at humingi na din kami ng Affidavit Intent to Marry. Sinisimulan na din po ang house sa Camella Alora, Bignay Valenzuela.

Medyo kinakabahan din kami baka magkaroon ng loan difference kung di buong 85% ang ipapaloan sa amin saka baka di kami maapprove dahil hindi pa kami kasal pero since  ang Intent to Marry form galing naman kay Camella kaya hoping kami na ma-approve. Any inputs po. Salamat!
« Last Edit: July 07, 2014, 11:01:11 pm by jaysnow »

splmbrg

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #331 on: July 08, 2014, 06:40:48 pm »
kaloka...sakit na ng ulo kakabasa ng thread na to...hindi ako nagrereklamo...enjoy ako basahin (ng paulit ulit) ito. Para din akong stalker ng mga bahay nyo, naka bookmark pa yung mga picture ng mga bahy nyo :-) (don't get it wrong ha, sobrang enjoy ako sa mga picture ng bahay nyo, nakakatuwa!)

Sobra lang kasi yung excitement na nararamdaman ko kahit hindi ko pa nakikita yung lugar, as in hindi ko pa napupuntahan. Nandito na kasi kami overseas ng mag decide kami ng husband ko na ...sige, mag invest na tayo. Yung kasama ko dito sa trabaho lang ang nag suggest sa akin ng Camella Silang, sabi ko mukang maganda ang lugar and ang klima is ok din. So go na ako. Nakaka 3mos DP pa lang kami, kaya sobrang nganga pa sa update. So far wala naman kaming nagiging problema with Camella, at sana kung meron man, minimal lang :)

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #332 on: July 09, 2014, 08:01:54 am »
Block 1a kami. Sariling ilaw at tubig na  ninyo?

Sis, lapit lang! :D Sariling tubig na kami. Ilaw, submeter pa din pero dapat direct na sa Meralco eh. Di ko pa alam kung anong problema.

phexchanger

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #333 on: July 09, 2014, 10:25:40 am »
mga sis what made you decide to get from camella instead of amaia or avida in bulacan? I guess you also went around in bulacan. I just need some feedbacks. Camella in Malolos looks promising.

Sa Amaia or Avida, may bare finish sila. Ibig sabihin, turnover nila ay wala pang mga partitions, ikaw na ang bahalang magdesign sa loob while sa Camella, may bedroom partitions na for about the same price. When comparing the same lot size and floor area in the same location, mas mura si Camella.  :)

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #334 on: July 11, 2014, 09:13:50 am »
Hi jaysnow! Welcome to the group!
From Altezza ko, magkalapit lang tayo ;)

jaysnow

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #335 on: July 11, 2014, 06:19:27 pm »
Hi Incheng! thank you! Actually madami akong natutunan sa mga posts mo lalo na same area lang nakuha natin. Tumawag na pala BDO sa amin at sabi mukhang ma-approve kami :) Hinihintay na lang kung kailan next call at next steps but the same time nag submit din kami sa RCBC to compare na din sino mas okay. Sa inyo po ba anong bank nyo? kumusta ang bank charges? By the way, Marvela pala model namin cute kasi saka madaling linisin hehe

simpleemie

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #336 on: July 11, 2014, 10:47:04 pm »
sis sexydee di pa ko makareply sa pm, kasi newbie pa ata status ko. ang balita ko mid july daw start construction. sabi ko nga dont forget na sabihan ako. makikita ko na rin mga bahay nyo :)

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #337 on: July 14, 2014, 08:59:18 pm »
Hi jaysnow,
nakakuha ako ng offer sa BDO dapat dun kami magloloan pero ang laki ng bankcharges nila umabot ng 60k. loan amount namin eh 2.1M.

jaysnow

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #338 on: July 14, 2014, 10:58:29 pm »
Hello angellouise06! thank you sa response. Ang laki pala ng bank charges pero wait din namin once ma-finalize yung terms and interest rate baka bumaba ang bank charges since 1.7M ang loan amount namin. Saang bank pala kinuha nyong offer? and how much bank charges?

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #339 on: July 16, 2014, 05:55:43 pm »
Hi Incheng! thank you! Actually madami akong natutunan sa mga posts mo lalo na same area lang nakuha natin. Tumawag na pala BDO sa amin at sabi mukhang ma-approve kami :) Hinihintay na lang kung kailan next call at next steps but the same time nag submit din kami sa RCBC to compare na din sino mas okay. Sa inyo po ba anong bank nyo? kumusta ang bank charges? By the way, Marvela pala model namin cute kasi saka madaling linisin hehe

Hi jaysnow!

Sa RCBC kami, naka-3years fix term kami. Ok naman kasi may auto debit sila, though di ko alam kung meron sa ibang bank hehe! Medyo malaki bank charges namin 40k plus, 2.8M loan amount. Buti na lang after DP may 1month gap before amortization kaya binayaran ko ng isang bagsak yung bank charges pero pwede naman ata sya installment, ayaw ko lang kasi madagdagan bayarin kya binayaran ko na agad.

Maganda din marvela, palagyan mo ng balcony pagnagka extra money. Nakakita ako ng ganyan sa Altezza eh patapos palang ata gawin pinalagyan ng balcony ang laki tignan (ang alam ko Marvela yun hehe).

Kamusta pala sa likod ng bahay nyo? Tama ba hindi na Camella yung likod? If yes, magtabi ka ng budget pangpataas ng bakod sa likod.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close