Author Topic: BEING A "MISTRESS"  (Read 171023 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #360 on: March 26, 2016, 06:47:18 pm »
^The difference is in the intent. If you have been separated for a long time and there's no chance of reconciliation, there's no cheating involved. The legal spouse is just that, legal wife meaning sa papel lang. Ang mistress kasi, in my understanding, ay yung mga nakikipagrelasyon sa mga lalakeng very much married. We gotta give people some slack sometimes.

Yan din sis ang naiisip ko and kaya ako napatanong kasi nga wala naman ibang term para sa babae or lalaki na nakipagrelasyon sa mga tao na matagal ng hiwalay sa mga asawa nila. Kabit pa din ang tawag sa kanila and most of the time kahit wala sila kinalaman sa hiwalayan nasisisi sila and naja-judge. Sa hirap, gastos at tagal naman kasi ng annulment process gustuhin man magfile nito wala silang resources. Parang yung may panggastos lang sa annulment ang may karapatan magmove on from their failed relationship.

@dismembered mahirap kasi sabihin bro na wag muna pakasal paghindi ready. Karamihan ng mga ikinakasal ready naman sila e, nagkakataon lang na iba na talaga pagkasama mo sa isang bubong ang tao and hindi ko naman irerecommend na maglive-in para lang malaman kung compatible sila. Siguro dapat magkangipin ang batas para ma-regulate ang mga babaero. Parang paradise na kasi sa mga lalake ang Pinas e, kahit pa kasal kayo at nagloko siya ang hirap maghabol maski pa sustento para sa mga anak.

Girltalker2

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #361 on: March 26, 2016, 07:08:09 pm »
^ good points you brought up.

Regarding sa ready pakasal, problem kasi sometimes or maybe most of the time, kala ng karamihan ready na sila magpakasal because of the age, but in fact Hindi pa. Lalo na Yung mga guys na feeling binata pa, gustong gusto pa mag good time, umuwi ng madaling araw or mahilig pa makipag landian with office mates. Some naman don't even know how to 'nourish' their relationship with their spouse - na Isa din iyan sa main responsibility ng couple. most kasi only see sex and procreation lang ang responsibility ng mga nagpapakasal.

« Last Edit: March 26, 2016, 07:11:41 pm by Girltalker2 »

TomHansen

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #362 on: March 26, 2016, 09:10:52 pm »
Question: kung kunwari pumasok ang mistress sa buhay ni hubby nung time na matagal na silang hiwalay ng misis, paano yun? Dapat pa din ba magalit kay mistress? Deserve pa rin ba ni mistress na makarinig ng harsh words or salita like kakarmahin din siya or magbagong-buhay na dahil nakakasira siya ng pamilya at kung ano pangsalita na nabanggit sa thread. Given na sira na ang family ng guy bago pa siya pumasok and responsible father naman si guy. Anong take ninyo sa ganun situation?

Hindi na, kasi kung gusto naman nilang irepair yung marriage dapat dati pa nung wala pa si mistress nagawa na nila. Though this should expected na rin ni girl na once in a while magkakaroon ng ganyan scenario, it's just a part of being in a relationship with someone whose already married. The husband just have do everything to protect the girl from his wife, gawa na lang siya ng paraan para di sila magpang-abot.


mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #363 on: March 27, 2016, 02:07:39 am »
Sis Girltalker naalala ko tuloy yung guy sa kabilang team. Naririnig namin na pinagkkwentuhan yung asawa niya. Naatat lang daw kasi siya sa sex kaya napangasawa niya yung girl. He's calling his wife names kaya pati tuloy yung mga teammates niya binabash na yung wife niya. Ginawa nilang katatawanan yung girl to think ba officemate lang din namin yung babae.

@TomHansen nakakatakot nga pagnagpang-abot si girl at wife. Pero kung minsan naka-move on na pareho ang mag-asawa, yung mga tao sa paligid nila Hindi pa kaya pinagsasabong pa din

mooncake and leaves

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #364 on: March 27, 2016, 03:07:45 am »
^ that's unfortunate. on a completely separate note, regardless of the circumstances of their marriage, the husband should respect the wife. i mean dafuq, that's the mother of his kid. ang nakakatawa diyan and sad at the same time, pinagtatawanan din siya syempre. he doesn't respect himself and he may not realize it but by bashing his wife, he's humiliating himself. that's just not the kind of man any woman should associate with. hindi lalaki yan.

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #365 on: March 27, 2016, 03:32:59 am »
^I totally agree. I expect my man to be my protector and not to be the first person to hit me hard with unkind words or to humiliate me in front of his friends and officemates.

dismembered

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #366 on: March 28, 2016, 12:02:33 pm »
Na stress ako sa mga mga pangyayari ngayon. hahaha

Yung mga panahon na hindi naman kailangan super well off at financially stable ang couple bago mag asawa. In a way na pagtutulungan nila i-establish ang family nila. Magiipon at sabay mag grow kahit kakarampot lang ang sahod. Nagagawa yan ng iba dati, nagagawa din ng iba ngayon. Bakit ba nagiging complicated lahat ng bagay?

Yung mga panahon na kayang magtiis ng bawat isa sa hirap at ginhawa dahil sa devotion nila sa family nila. ngayon wala na. Nakakalungkot lang. Sa TV at sa mga mainstream entertainment lagi na lang focus ang kwentong mistresses. Ganun na lang ba na-expose ang society sa mga ganitong bagay kaya mas nagiging common at accepted ang maging at magkaroon ng mistresses? I miss the feudal times! lol

TomHansen

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #367 on: March 28, 2016, 03:34:52 pm »
^ yeah and unfortunately most filipinos worship these babaeros, look at pacquiao napakaimpokrito niya pero ang daming nagtatanggol sa kanya, theres duterte na proud pa na may kabit siya, robin, cesar montano, erap, fpj na kung ituring e santo pero daming anak sa labas..

dismembered

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #368 on: March 28, 2016, 04:21:44 pm »
^ Not to mention na yung Vhong Navarro issue din. Na overlook yung root cause na nagulpi sya during times na sya ay nambababae. I would say na yun ang consequence ng ginagawa nya... pero hindi eh.. meron pa ring sympathy ang tao kay vhong.

Andyan din yung issue ni Ogie Alcasid na naghiwalay na sila ng tuluyan ni Michelle para magsama ni Regine Velasquez. Harap harapan ang mga pangyayari pero na overlook ang issue tapos mga tao tuloy pa rin ang suporta at excited at natuwa pa sa naging kasal nila.

Oh anyway... Hindi na mapipigilan yata :p

young_maiden

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #369 on: March 28, 2016, 06:33:20 pm »
Pag lalaki may kabit, lagi na lang justified. Losyang, tumaba o pumangit na daw kasi si misis kaya dapat lang nambabae si mister. Hindi kasi pinagbibigyan ni misis sa kama kaya naghanap ng iba. Nasa abroad kasi si misis kaya naghanap ng iba si mister. Napaka-BS lang. Ang wife o ang kabit ang laging nasisisi samantalang ang nangaliwang lalaki scot-free sa issue. Napaka-unfair lang. Kung may pagkukulang man si misis o may attitude problem, dapat pag-usapan ng mag asawa iyan. Hindi solusyon ang maghanap ng kabit.

dismembered

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #370 on: March 28, 2016, 06:57:33 pm »
^ Oi hindi din. Kahit saang anggulo walang justification sa pagkakaroon ng 3rd party! Kinamumuhian ko ang mga lalakeng ganun to the fact na ayoko na rin sa pagkatao nila. Rude pero nakakainis kasi. For me, their actions define their personality.

im fine!

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #371 on: March 28, 2016, 07:06:41 pm »
kalma ☺
both parties gumagawa nyan at oo tama ka bro.. walang justification pero admit naman natin na tama rin si sis. Sa society mas panget tignan pag babae ang gumawa.
Sabi nila pag girl ang nagloko mas malalim ang dahilan kesa sa guys. Kase diba guys do it for fun lang minsan while girls do it with feelings involved talaga.

Girltalker2

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #372 on: March 28, 2016, 07:11:17 pm »

^ well just look around you, mga politiko, at least 50% dyan malamang nambababae. The society breeds philandering men and mistresses. Di ko nga masikmura, lantaran pa kasi, eh napaka Catholic-oriented country pa naman ng pinas. Ending... Ako nalang umalis, kasi di ko na ma take. I thought to myself, kahit iwan ko ang babaero kong asawa (mind you nambabae lang kung Kelan Kami kasal), I cannot ever have a peaceful life there. Kasi kahit makahanap ako ng partner, laging kabado at Baka mambabae din or kahit hindi, the women around him will definitely be more aggressive. Kaya yoko na dyan talaga.

Tapos mga anak ko, ayaw ko lumaki sa ganyang environment. Kahit na I was comfortably living in Manila before, I chose to leave. Bwiset kasi talaga for me iyang issue na iyan. Most people don't know how to respect marriage or any bf/gf serious relationships. Hay...

young_maiden

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #373 on: March 28, 2016, 07:57:41 pm »
Heto pa napansin ko this time sa mga kabit. Pansin ko mga kabit lately sila pa iyong mga babaeng may pinag-aralan. Hindi tulad dati na iyong mga kabit kadalasan mga katulong o GRO. Naalala ko nung bata pa ako during the 90s uso ang mga palabas na si mister may affair sa maid nila. Ngayon may mga babaeng kahit edukada pumapayag maging kabit. Naisip ko nga nagkakaubusan na kaya ng lalaki dito sa Pilipinas kaya dumami na mga mistresses?

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #374 on: March 28, 2016, 08:10:40 pm »
I think nagkakaubusan na talaga ng "totoong lalaki" kasi yung mga beks nakikiagaw, then madami ako kilala na lalaki naman dati but eventually nagkaruon ng jowang gay, then puro gay na ang jinojowa after that. Maaring front lang talaga yung past girl relationships. May isa akong kilalang mistress mas marami akong kilalang philanderer lol.

imyourangel

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #375 on: March 28, 2016, 10:38:31 pm »
Maybe takot maubusan ng lalaki yung mga babaeng pumapatol sa mga ganun. Lols

alexmack

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #376 on: April 08, 2016, 06:25:17 pm »
I know someone (girl) who has gone into a relationship like that pero ang ikinatuwa ko lang ay natutunan nyang kumalas. Tumagal din ng two years yung relationship nila and worst, nag-live in pa sila. Ang sabi kasi ni guy e hiwalay na sila ng wife nya pero naiwan sa kanya yung three kids. Ang liliit pa! Yung eldest is like 6 years old.

They broke up early this year so free na si girl. Bumalik na sya sa apartment na inuupahan ng mga kapatid nya. Then as days pass by, napansin ko palagi syang may kausap sa phone nya. Her boss na married with 1 child at hindi naman hiwalay sa asawa! At malakas ang kutob ko na may relasyon na sila nung boss nya.

Ang sad lang kasi of course alam naman natin na once na nalaman ng guys na pumapatol sa may asawa ang isang girl lalo at maganda pa, for sure ipupursue nya yun kahit na hindi naman sya seryoso.

Hinayang lang ako sa friend ko na ito kasi she's young and very pretty.  :(

dismembered

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #377 on: April 08, 2016, 06:27:22 pm »
^ Wala bang ibang suitor? Sayang! Take advantage lang ng mga predators.

alexmack

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #378 on: April 08, 2016, 06:35:20 pm »
^ Wala bang ibang suitor?

Meron at single na good looking naman pero hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili nya pa yung committed.

lovemeagain30

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #379 on: April 10, 2016, 03:34:41 pm »
^ Maybe you can share some thoughts on how's your friend relationship with her own father while she's growing up. from there you can also see the trail on how she handles her own relationships now with her men.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close