time does not heal all wounds. a more apt saying is, it’s what you do with the time that heals. if we keep poking at it, keeping it fresh and raw, it will never heal.
been there, done that. for almost two years, na experience ko na lahat pain ng iniwanan, pinalitan, kinalimutan, binalikan, iniwan ulit etc etc..
tips ko...same lang din ng mga payo dito, pero add ko lang na iyak mo lang pag nasasaktan ka, wag mo pigilan, wag mo rin pilitin kalimutan lahat. trying to suppress a thought about ex, mas lalo pa natin naiisip, (white bear effect) usually, nasa dreams pa rin natin sila, mas malakas pa ang rebound effect nya, mas nakakabaliw.
iwasan mo na lang may malaman ka about sa ex mo, stop stalking his fb, any social networks na meron sya, lalo na kung may kapalit ka na, lalo ka lang masasaktan and please stop comparing yourself sa new found lover nya, kung maganda man sya o mas higit ka pa, hayaan mo na sya, kahit sya pa reason bakit kayo naghiwalay, wag ka mag paka bitter, hayaan mo na dating basura mo i recycle na lang ng iba. humanap ka na lang ng brand new.
stop asking about your ex sa common friends nyo, better wala ka na lang alam about them. para sa ikakatahimik ng utak mo at sa ikaka sarap ng tulog mo sa gabi.
ME time.. ayan pinaka ok mo gawin, mag paganda ka lalo, mag paka sexy, healthy, at higit sa lahat mag pakasaya ka.. revenge na magagawa mo sa ex mo, ipakita mo masaya ka pa rin ng mawala sya, na hindi sya kawalan, na hindi sa kanya lang umiikot mundo mo, ituloy mo mga plans na hindi mo magawa dahil nauubos time mo kakasama sa kanya. mag add ka ng bago sa buhay mo, wag naman lalake agad i add mo, pwede adventure, travel, sports, new friends, pets, books etc
last, mag patawad.
madali sabihin, mahirap gawin, pero kelan mo gagawin? pag losyang ka na kakaisip, habang ang ex mo nagpapakasarap sa piling ng new found love nya. pwede naman unti untiin mo, baby steps, wag bilisan para di ka naman madapa,bagong sugat naman yun..
madami pa rin ako ginawa para maka move on, hindi ko pa rin masabi na 100% ok na ko, may unting kirot pa rin, tinutulungan ko si self, mahirap na pag pati si self iwanan din ako, aba kaloka na yan noh!