watch now

Author Topic: tips on moving on...  (Read 58994 times)

hushush

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #300 on: January 20, 2017, 01:14:03 pm »
hi po makano po yung babayaran?

Hi Sis!wala pong babayaran.maglaan ka lang ng budget for the fare at snacks.usually 500-1000 ang dinadala ko kapag umaakyat ako.lalo na kung dayhike.very cheap lang ang expenses..
Dayhike lang to.easy climb.no need to bring special hiking equipment..pls pm me kung interested ka :)

agape

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #301 on: January 30, 2017, 12:06:50 am »
Travel.
I traveled a few months in the US and met a lot of people, met a lot of different foreign guys on the way, who saw me for the real me, they were very appreciative of my character and personality, they were such ego boosters, it helped me realize my worth again, and find my happy self again and they reminded me how a great guy is supposed to cherish a great girl. :) BTW, they had no idea I was broken hearted that time, I just enjoyed myself and live life fun.

ohmygorjosh

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #302 on: April 18, 2017, 01:53:25 am »
as per most of the comments I read, forgiveness and acceptance daw dapat. Panu ba magpatawad?

Ms. Undecided

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #303 on: May 30, 2017, 02:56:47 pm »
Thank you kasi may mga forum na ganito. Kahit papaano gumagaan loob ko. My bf and I broke up last May 21. Napaka-recent lang :( Nagkapatong patong na yung reasons ng break up namin pero umiikot lang naman yun sa kawalan ko ng tiwala sa kanya at sobra niyang pagtatago ng mga bagay bagay sakin :( Sobrang hirap mga sis ang pinagdadaanan ko ngayon. For 1 week di kami nagkita at no communication pero friends parin kami sa FB, he always reacts sa mga post ko and vise versa. Kagabi nagkita kami, at super wrong move ako na nakipagkita ako kasi feeling ko nag back to zero ako. For the past week, madalang na ko umiiyak, nakakangiti nako pero simula kagabi, umiyak na naman ako. I miss him so much, I kissed him and hugged him tight before we separate ways. He even says that pag uwi ko daw sa bahay wag na daw akong umiyak, wag magpuyat cause he noticed na nanlalalim na talaga under eyes ko :( Ngayon nasa office ako, madalas ako mag-cr hindi para umihi kundi para umiyak :( Feeling ko mababaliw na ko. We?ve been together for 3 years and a half pero super attached ako sa kanya. As of now hindi muna ako nag oopen ng fb. Ayoko siya makita sa totoo lang pero natetempt ako na i visit account niya or even open his account, I still have his password. Gigising ako ng umaga na parang ayoko na bumagon :( super depressed ako mga sis. Paano ko ba ioovercome to :( I always pray to God. Bumalik narin ako sa chirch namin simula nung Sunday. Sabi nga ng isa kong ka-church, binalik daw ako ni Lord sa kanya. Kasi active ako before sa church pero kinalimutan ko si Lord, every Sunday kasama ko si bf tas pag inaaya ako sa church tinatanggihan ko. Balik loob talaga ko. Lagi kong dinadasal na tulungan niya ko makalimot. Kahit sa pagkain wala akong gana kahit gutom na gutom ako pero ayoko ibuka mga bibig ko. Physically I?m alive pero emotionally and spritually dead :( Sometimes I think I need psychiatrist :( Help mga sis :(

Ms. Undecided

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #304 on: May 30, 2017, 04:19:45 pm »
this is my first time to post here...

I am finding ways on how to lessen the burden that I have to go through everyday to overcome the most painful breakup I had just recently, so I am posting my story.

My boyfriend and I were together for almost 4 years. I am confident and I trust him that he won't cheat on me. Come 2015, for some reasons I just felt odd, when we are together, sometimes he calls me "baby" when in fact we call each other "babe". The first time I just let it go, but the "Baby" calling repeats, so I asked. He got angry and told me that that's what he hates about me, keep on insisting when there's really nothing. One time I saw him sending a picture of himself through imessage to someone, I asked him, para kanino yan? he said for my Mom, but of course I didn't believe that. The last time I remember, he sends me pictures pag naglalambing siya, and then again since he sid that's nothing I believed his explanation.

Then, the big day came. I was out on a Saturday night to meet up with some friends i haven't meet in years. I was excited to party that night. Then an unknown number called me twice which I missed. Then he texted me, don't answer the call. I asked him why, sino yun? Then he asked me to call, so I called him up. He is asking me to pick him up somewhere so I asked why are you there? He said don't ask just pick me up and I will explain everything later. I was already in a panic situation so I called the number, it was a girl she asked me who am I. To cut the story short I just found out that my boyfriend is living in with another girl, a girl he met 4 months ago. She checked the phone of my ex and found my number on blocked numbers. (so ganun if magkasama sila nakablock pala yung # ko kaya pala minsan ang tagal nya sumagot sa texts ko).

Yes we are both victims here, but the sad part is, he texted me to still pick him up but i didn't show up. And then i just found out from the girl that she forgave him as he promised to fix everything for them. I also found out that this girl is married and her husband is overseas.

I called him the next day I asked him where he is he said "andito ako sa girlfriend ko" i asked where, he said "hindi mo na kelangan malaman". Then he hung up. I received a text saying "Mahal ko ang girlfriend ko so please stop, I can't live without her". Asan naman ang justice? 4 years kmi sila 4 months? may mas sasakit pa dun?

So now, I am really having a hard time moving on. I have a lot of questions, I cannot function normally. And what's worse is we are working on the same office and i see him everyday. :(

What can I do to at least ease the pain.....

God, I know matagal na 'to. How are you na po? grabe. Walang wala yung pinagdadaanan ko sa pinagdaanan mo :(

Mayah111

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #305 on: May 30, 2017, 10:24:09 pm »
last jan. I ended up my 5 1/2 years relationship wala akong masabihan, pati friends wala, umikot yung mundo ko sa kanya... what I did? the 1st month di ako maka iyak maybe in shock kasi or ewan... basta ang pakiramdam ko lang sobrang nasasakal nya hanggang sa nakarating ako sa page na to I post asking an advice eto yung mga binigay nila sakin:
1.Learn to love yourself (Di ko magawa kasi super down ako masyado nya kong sinira bago ako nakapag decide na tama na)
2.Feel all the the pain, Iiyak mo kung kailangan, magkulong ka pero make sure babangon ka after. (Dahil sa sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko di na ko lumabas ng bahay for 2 months :D lumabas lang ako nung masyado nang nagalala yung friend namin ni ex, at pinakilala nya ko sa mga kawork nya)
3. Magtravel pumunta sa lugar na di nyo pa napupuntahan or magtry magadventure (kaso by that time wala talaga na kong pera kasi nawalan din ako nang work before nung break up, tapos naubos din yung savings ko kasi nadiagnose ulit yung mama ko ng cancer. So ang ginawa ko pinilit ko yung sarili kong maghanap ng trabaho, ngaun nakahanap naman ako kapag nakaipon na try ko pumunta sa mga mura at malalapit lang at magbundok ulit 2nd week ng june gogora na ko :D)
4.Learn to forgive (but how? sa post ko may nagtanong nyan I really dont know yung sakin naramdaman ko lang super mahal ko kasi sya ang sabi ko lang sa kanya 'kung talagang masaya ka sa kanya ako na ang magigiveway para sa inyo, napatawad na kita at napatawad ko na din sya' pero by that time I did not realized na kaya ko pala nasabi yun kasi I took all the blame sinisisi ko yung sarili ko sa bagay na wala akong alam sa bagay na sinisisi nya sakin for the sake of his ego kasi di nya maccept na sya ang may mali, Na ang tanging kasalanan ko lang is naging mahina ako na for the first time I needed him yo be there na ako naman ang may kailangan ng comfort at positive vibes kaso hindi kasi ginamit nya yun para lalo akong itulak palayo.)

My own advice:
1. Kahit anung advice sayo o mabasa mo sa net, hindi gagaan yung loob mo kasi mahirap kumilos sobrang bigat, walang mangyayari kung wala kang gagawin try to talk to other people lumabas labas, makipag comunicate ulit sa mga old friends, magbasabasa, magtrabaho yung alam mong di mo sya kailangang iplease sa career choice mo at sa salary.
2. Talk to your family although minsan wala nang sense yung sinasabi nila pero dito mo malalaman kung gano ka nila kamahal at mararamdaman mong di ka nagiisa.. mapapansin mo ding gumagawa sila ng bagay na sa tingin nila mapapagaan yung loob mo.
3.Learn to appreciate yourself kahit di ka kasing galing nila, kasing talino, stable sila.. be proud kasi may mga pinagdaan ka na alam mong di nila kakayanin kapag sila na ying nasa situation na yun.. at tsaka ano naman kung successful na sila di naman porket nahuhuli ka di na ibig sabihin nin di mo na maachieve yung naachive nila.

As for them sila na after nung break up namin nakipag break up nadin yung girl sa boyfriend nya. tas nagtratravel na sila kung saan saan ngaun.. pano ko nalaman? dahil sa mga ala nbi ko na pinsan :D nakablock kasi silang dalawa sa lahat ng social media account ko lalo lang akong nadodown lalo na kapag naiisip kong pano nila nagagawang maging masaya sa idea na may nasasktan sila.

Anyway if you need someone to talk pwede ako :) so far di ko masasbing move on na ko kasi until now super sakit padin pero as of now I am genuinely happy despite of everything that I've been through, nagkaroon pa ko ng reason to be thankful sa kung anung merin ako ngayon.

itlogspambot

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #306 on: September 06, 2018, 10:14:16 am »
God, I know matagal na 'to. How are you na po? grabe. Walang wala yung pinagdadaanan ko sa pinagdaanan mo :(

Reading it at work right now and sh*t ansakit naman nito. Going thru same stuff right now :(

annmitch

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #307 on: October 17, 2018, 11:09:15 pm »
Ang hirap mag move on. Lalo na kung kinakamusta ka pa din tapos hindi mo mapigilan hindi magreply.  Alam ko mali ako kasi nagrereply ako. Hay. Yung kahit alam mo hindi na dapat umasa, mapapaasa kahit papano. Minsan sasabihin mahal pa, pero not now kasi madami problema, business, emotionally, mentally etc. Alam ko yun. Kasi baka need din talaga namin magpahinga. Since dami din namin away before.

 Sasabihin iniisip padin minsan if kaya pa bumalik, minsan sasabihin ayaw na. Pero kamusta pa din siya. Ako naman si t****, hindi mapigilan hindi magreply kahit wala assurance na bumabalik. Ayaw pa bumalik, naguguluhan pero gusto sumama sakin magbakasyon sa states next year if my chance. Ang labo diba?

Masakit kasi pinapasok ko ulit siya sa buhay ko kasi i thought baka build rapport kasi kaya ko padin naman siya tanggapin basta siya mageffort. Pero puro isip padin siya 1 year na kami hiwalay. Puro texts lang? Alam ko minsan kaya siya nagtetext dahil sa guilt, bored, nagccare, pero sige padin. eto ako naman ngayon ang naluge kaka reply kahit alam ko wala assurance na nakikipagbalikan siya.

 Pinakamasakit pa sa lahat, malalaman mo na baka yung kalandian niya ngayon is yung nahuli ko before kaya ko nakipaghiwalay last year is baka nakakausap at kasama niya ulit ngayon. Tipong tumigil then naglandian ulit?  Oo alam ko wala direct na nakikipagbalikan kahit nagtetext siya.

Pero ganon ba siya ka insensitive sa feelings ko? Parang nakaka g**o. Landi sa iba tapos text sakin? Sinasabi pa mga yun na makakapag pagulo sakin minsan.  Kagabi nag away kami kasi sa kanya ko nalaman yun, kesho hirit pa siya na dapat talaga hindi na isipin or umasa na magkakaayos kami. Iniisp daw niya kasi bawat buwan daw tumatanda na kami, pano nadaw siya, pano na ako. Iniisp pala niya yun. Pero nakikipaglandian pa siya?!!! Dun pa sa babae na nahuli ko nun. Kaya sobrang sakit!!!

Mali ko minessage ko ulit yung girl kagabi and kanina. Yung iba lang binasa nun girl. Pero seenzoned lang. Ang sakit sakit. Bumalik lahat ng pain nun nahuli ko siya last year october. Ang hirap mag move on. Lalo na nagkahope kahit konti. Lalo buong buhay ko sa 11 years, binigay ko sa kanya. Alam ko mali ko din kasi bakit ko pa siya nirereplayan kung gusto ko maka move on.


Pero hindi lang naiwasan sa tagal ng pinagsamahan namin gusto ko man lang mafeel na habulin ako. Hay. Paano ba makalimot sa sakit na 11 years nawala nalang? Na niloko ka? Para sa kanya kaya daw siya humiwalay na kaya hindi nageffort kasi sa mga away. Pero mali padin na niloko niya ko. Sobrang sakit na sa panahon kelangan ko siya kasi niloko niya ko, hindi man lang niya pinaramdam na magsorry ng sincere, magmakaawa at maghabol nun. Paano ba makalimot sa sakit na to?
Sorry ang haba. Sobrang back to zero ako. Im so lost.

sweet21

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #308 on: October 20, 2018, 12:17:06 am »
^If you're hurting sis let go. Toxic na masyado. Iblock mo sya, let go. One thing na natutunan ko after a break up, is mahalin at magkaron ng respeto sa sarili. Wag na wag mo hayaan ka na itrato ng mali. Kung nagbibigay ng stress ang isang relasyon at masyado ng toxic bitaw na. Naalala ko dati sobrang broken hearted ako. To the point na akala ko hindi ko makakaya, it turned out na blessing pala yung break up. Pano ako nakamove on? Kinaya ko. Kasi wala akong choice but to move on. I prayed. I endured the pain, until napagod na ako umiyak hehe. Tapos enjoy ko na lang kung ano meron ako. Ngayon sobrang nagpapasalamat pa ako sa break up. Kung pwede ko i rewind yung past, mas pipiliin ko parin na nakipag break yung bf ko sakin haha. Marami ka pang makikilala sis.  Be strong.

ana mimi

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #309 on: October 20, 2018, 04:51:23 am »
Ang pinaka effective for me is:

1. Block him on all social media website
2. Block him on your phone either
3. Iwasan na magkita kayo
4. Iwasan na i-stalk ang social media account niya
5. Magpaganda;focus on yourself
6. Meet new guys
7. Go out, have fun
8. Focus your energy somewhere else.

Grabe, I have an ex na 2 years kaming friends sa social media. Even though wala kami communication masyado, nakikita ko mga post niya and he sees mine. Di mo maiiwasan na ipakita sa kanya kung gaano ka kasaya sa buhay mo ngayon para lang masabi na nakapag move on ka na kahit pang front mo lang talaga yun. Tapos ayun, after 2 years nagkausap kami, nagkaron ng spark ulet dahil naghiwalay sila ng gf niya then just months after nung nagstart kami ulet, nabuntis niya yung ex niya bago sila magbreak so I have to let him go.

Ever since, blocked na siya saken sa lahat ng bagay. 1.5 years na din ulet siyang blocked, iniwasan kong magstalk sa account niya until recently. OK na sila ng ex niya with their kid. Kasal na din siya.  Wala na masyadong pain, konti nalang. paepal kase ako, nag stalk nanaman.

annmitch

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #310 on: October 20, 2018, 01:58:39 pm »
 @sweet21. Thank you sis. Yup, tama na. Hindi ko na siya kinakausap. Sobra sobra na yung 1 year na usap after break up pero hindi naman pala bumabalik pa. I know lahat naman my right makipagdate, fubu, rebound, hiwalay na e. Pero sana hindi nalang dun sa babae na yun. At sana hindi nalang din siya nagpapa asa asa kahit konti at nagtetext sakin kung naglalandi lang din sa iba. Ayaw ko kasi ng ganon.

 Hindi ba daw siya pwede mag move on? Sarap pala ng buhay niya e, nagmmove on na, tinetext pa ako. How insensitive sa feelings ko. Pagod na ako isipin na ipapalaban ako. Wala e.  Ang hirap lang kasi hindi ako ganito nun nagbreak kami last year. Dunno bakit ang sakit ngayon to think 1 year na kami hiwalay. Siguro bumalik yun pain nun nahuli ko siya dun sa babae na yun last year. Pero this time. Bahala na siya. Nabigay ko na lahat ng pwede itry.  Stop na ako.

annmitch

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #311 on: October 20, 2018, 02:10:11 pm »
If meron din dito na mga sissies natin na gusto ng kausap, kasama. Andito lang din ako. We can go out. Maglibang. Sabay sabay natin kalimutan mga yun. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close