watch now

Author Topic: tips on moving on...  (Read 59219 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #240 on: December 21, 2015, 02:09:44 am »
^Sis ginawa yan ng bff ko, tawa ko ng tawa kasi memorized naman daw niya yung # kaya useless pagbura. Kaya ako I don't memorize their #'s e para pagdelete wala na talaga.

annmitch

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #241 on: January 09, 2016, 01:42:45 am »
@chinablue. Hi sis. Matagal ko na din gusto mag travel ng solo para mag muni muni and magisip kasi hirap padin tanggapin yung break up. 8 years e. Effective ba? Nakatulong kahit papano? Hindi naman ba mas lalo nakakalungkot mag isa nun tnry mo? And hindi rin ba nakakatakot mag isa magtravel?
Thank you in advance.

chinablue

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #242 on: January 09, 2016, 02:24:34 am »
^hi sis. hindi naman nakakalungkot magtravel solo. for me, it's liberating nga eh. as long as you're still cautious of your surroundings, you're good to go. :) during that travel, i got to meet and talk with different kinds of people. nakikipag usap ako with girls na nakakasabay mag-abang ng jeep, nakikipagkwentuhan sa driver, sa bellboy, sa owner ng isang coffee shop, etc. somehow, it made me realize there's a big world out there. hindi lang pala sa akin at sa heartbreak ko umiikot ang mundo. sabi nga ng isang girl na nakakwentuhan ko, ang lakas daw ng loob ko magsolo travel. ang layo pa ng pinanggalingan ko, hehe. pero naisip ko, kung kinaya ko magsolo travel, eh di mas kaya kong magmove on. at dahil din dun, narealize ko that losing that person is a blessing in disguise kasi i became a better version of myself. nag enjoy talaga ko ng bongga kaya i'm planning to travel solo again pag-uwi ko ng Pinas.

go sis! go out of your comfort zone! balitaan mo ko ha! :)
« Last Edit: January 09, 2016, 02:27:50 am by chinablue »

chinablue

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #243 on: January 09, 2016, 07:32:46 am »
I work abroad sis, specifically in Saudi. I have a yearly vacation na sinasamantala ko para makapagtravel kung saan-saan. :)

Sa una, mahirap talaga sis. May mga times nga noon na napapaiyak ako sa work kahit may nakaharap na ibang tao. I feel miserable that time. Pero nakakapagod din pala maging malungkot.

Live your life too sis. Kung space gusto niya, samantalahin mo din ang chance na yun para irediscover ang passion mo in life. Enjoy and have fun. Go out, travel, meet new people, have a new hairstyle, buy new clothes, learn to cook a new dish, learn a new hobby, basically, do the things na di mo nagawa during that 8 years na nakatali ka sa kanya. Push mo ang travel sis. Ang daming airline promos, ang dami mong pagpipilian. Distract yourself whenever you're haunted by negative thoughts. Make yourself busy sis.

Don't pressure yourself too much sis. Yung 8 years na yun, hindi ganun kadaling kalimutan yun. Pero trust in His wisdom sis. May reason si God bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Baka something even greater is in store for you. At the end of the day, you and you alone can help yourself.

Question lang sis, if he is the one who is asking for space, bakit nakikipagkita pa siya sa iyo? Ang hirap magmove on kung may constant communication pa din kayo.

Alam mo sis, at times, naiisip ko pa din ang ex ko. We're both in the healthcare field kaya may mga little things that remind me of him. You don't totally forget about someone you used to love, yun ang narealize ko. But you have the choice if you'll let the memories hinder you from moving forward or let it be a gentle reminder that the past should be best left in the past.
 

annmitch

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #244 on: January 09, 2016, 01:52:21 pm »
@chinablue: Siguro dahil sa pinagsamahan? Nakasanayan? Or dahil mabait padin siya sakin and nagcacare? Minsan din kasi tinutulungan pa din niya ako pag my kailangan ako. Binibigay padin niya needs ko. Nagpunta din siya nun noche buena dito sa bahay and new years eve. Yung usual namin ginagawa na sabay uuwi samin from manila. Pero wala pa din pala. Wala padin progress kahit nagkikita kami. Space pa din gusto. Inatake nanaman nga ako kagabi ng lungkot. Kaya naglakas loob ulit ako mag ask. Pano 9 months na kami hiwalay. Ilan beses nadin ako nag aask. Halos 9 mos din naman kami nagkikita and nagkakasama. Pero kahit my ok siya na gestures, yun padin sagot niya space. Pag inaask ko naman if ayaw mo na ba foor good. Hindi alam, ewan daw. Basta lage niya sinasagot is space, peace of mind, mapag isa muna. Hangang kailan pa ba yung space na yun? Wala naman assurance yun e. Siyempre nag eenjoy siya na single and if ready na siya ulit hindi rin naman sure if ako pa din gusto niya. Pero bakit siya pa din? Araw araw nalang, buong araw naiisp ko siya kung ano ginagawa at nasa labas nanaman at sino kasama. Nakakaparanoid. And bakit ganito sis, hindi ba dapat mas tanggap ko yung break up kasi nakita naman siya last year ng cousin ko na my kasamang babae? Oo pwede ko paniwalaan na pwedeng kasama niya lang gigimik yun, nauna lang sila, na hindi date etc. Oo pwede ako maniwala sa iba niya sinabi, but still my mali padin dun siyempre, i think my cheating pa din dun. Kala ko nun nanahimik lang sa bahay, yun pala nasa labas na. Pero hindi ko nagawa makipaghiwalay. Siyempre hindi maiwasan lalo away after nun, mas lalo kailangn gusto ko magkita, kaya eventually siguro kaya nakipaghiwalay kasi nasakal, nafed up. Pero hindi ba dapat mas tanggap ko kasi ganon naman ginawa niya? Or dahil wala nako tiwala? Pero bakit ako pa naghahabol? Bakit siya pa din? E wala naman na ako tiwala sa kanya. Ang hirap. Bakit ganito. Kung tutuusin my mga red flag nadin dati pa. Pero mapag pasensya talaga ako. Like paulit ulit takas padin pala sa gimik, tinatakasan ako hangng boracay makapag party lang dun pag holyweek or laboracay. Pero sige padin ako. Mahal ko e. Pero naiisp ko he's 32 turning 33 years old. Yun padin ba gusto niyang gawin???? Hindi padin ba siya sawa???? Ngyn break kami yung gngwa niya dati ganon din naman for sure ngayon diffrence lang is wala na kami and mas madalas lang niya pwede gawin kasi dati halos 4 or 5 times a week kami magkasama. Pero now na hiwalay, ganon padin ba talaga siya? Kasi paulit ulit lang niya yun ginagawa sa 8 years. Pwede hindi na ganon kadami, pwede nabawasan but still my lies padin dati yun. Sabi niya kagabi, ayaw daw niya kasi ng nirararat siya, yung kailangn magpaalam kung nasan siya, yung kailangan magreport. E hindi nga ako mahilig magpa update. Pero ayoko talaga kasi before ng gimiks niya and bora. Since hindi talaga katiwa tiwala pag nagsama sama mga kaibigan niya sa ganon. Bad record din kasi yung group of friends niya na un. Oo alam ko din sis na umikot mundo. Dati nun una siya yung lage galit. Ako yung iiyak iyak. After ilan years. Siya naman yung lage suyo ako naman lage galit. Nagawa din niya lahay ng responsibilites niya sakin, nabigay niya lahat. Yung lang my feeling ng fed up netong huli na. Alam ko my pagkukulang din ako nun huli kasi palage ko talaga siya naaway, as in madalas kami mag away. Pero mas madami padin siya mali sakin. Kaya bakit ganito sis? Bakit siya padin? Bakit hindi ko matanggap na hiwalay kami e kung nun huli naisip ko naman yun nun nahuli siya my kasama yung nga lang hindi ko kasi kaya. Bakit ang weak ko? E kung ang tingin ko naman sa  kanya is cheater or liar. Bakit hinahabol habol ko padin siya. Hay. Dati sabi niya kaya hiwalay para my changes samin like maiwasan away, maging light nalang, magbago.  Pero hirap na kasi maniwala sa ganon since dami pwede magbago e. Pero bakit hindi ko padin kaya?

annmitch

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #245 on: January 09, 2016, 02:07:30 pm »
Alam ko din naman sis na minahal niya talaga ako and gusto pakasalan. Kasi napapag usapan naman namin yun. Tingin tingin ng property. Pero hindi lang talaga niya kaya itigil yung immature na ginagawa niya e. Kaya nakakasira. Late bloomer kasi kaya napakatagal siguro magsawa. Kahit for 8-9 years e nagagawa na niya yun. Patago nga lang sakin. E ngayon free na siya. Yun wala na need paalam paalam pa or need itago sakin. Tapos kahit serious siya sakin hindi padin niya ako mapanindigan, ang tagal ng paghihintay kasi he's too  Kaya parang oo mahal mo ako, gusto mo ako pakasalan. Pero kelan ba talaga? Lage niya sinasabi approval pa ng momy niya. Papayag din daw yun pag tingin niya ang tanda na niya, gusto kasi approval ng momy niya. E kelan pa yun? Ma pride momy nun kasi chinese. Kaya umabot kami ng 8 years na hindi padin kasal. Kung tutuusin yun nalang kasi kulang samin. Since yung relationship namin before, yung feeling and pinagsamahan is parang mag asawa na yung treatment. Eto isa pang red flag. Pero bakit hindi ko padin matanggap? Ang weak weak ko naman. 1 1/2 years nalang 30 nako. Hay.

cybelekronos

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #246 on: January 09, 2016, 02:19:01 pm »
sis annmitch, tama ka immature ex mo.. mahirap kasi yan ginagawa mo, instead na mag move on ka na, naghihintay ka pa rin sa kanya, kung ano ang decision nya, dapat sis, ikaw na ang mag decide at may gawin action, kaya sya ganyan kasi alam nya anytime pwede sya bumalik sayo  ayun ay pag sawa na sya  sa buhay binata nya.


space.. yan ang request ng lalake gusto makatikim ng freedom na di sila ma guilty gawin kasi legal para sa kanila dahil d sila committed. like, tumikim ng ibang babae.

sis, mag syota pa lang kayo naglilihim na sya kung san sya pupunta, sino kasama nya, tinatago pa nya sayo dapat dun pa lang stop na talaga, delubyo buhay mo pag naging asawa mo pa yan. saka
kasi sa tagal nyo dapat open na kayo pag usapan mga bagay bagay.

yes, dahil matagal na kayo kaya nahihirapan ka mawala sya, at yes dahil mahal mo kaya nagiging weak ka sa kanya,
pero ang tanong masaya ka pa ba? 

if not, need mo na mamili, sarili mo o sya ang dapat na prio?



annmitch

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #247 on: January 09, 2016, 03:15:18 pm »
@cybelekronos. Thanks for replying. Yes. Tama ka naman e. Dapat ako na my gawin. Dapat magdecide nako kung nakapag decide nadin naman siya na hiwalay and space. Wala naman din ako magagawa kahit siya piliin ko since ayaw padin naman niya e. Ang weak ko lang talaga. Siguro dahil sa haba ng pinagsamahan, hirap magumpisa at hindi alam pano. Hirap tanggapin na akala mo siya na, na bumuo na kayo ng plans. Dahil din sa naghhold on pa ako kaya ganito. Hindi ko padin kasi tanggap. Nagfafake lang ako minsan na ok but deep inside parang back to zero ako pag nadedepress. Alam ko naman na nakakafed up na yung away namin and yung pang aaway ko sa kanya before pa yung babae or flirting issue niya. Siguro yung babae issue, away and conive issue nlng yung nagpa trigger ng break up since after nun siyempre alam niya nawala yung trust, nasaktan niya ako and nag conive ako sa isang asawa nun friend niya na lage niya kasama sa gimiks and bora kaya siguro mas nagalit dahil dun ako kumampi. Kaya mas nagtrigger ng break up. Naisip ko nga before. Hindi ba dapat mas tanggap ko yung space na to kasi para mag heal yung sakit na nabigay niya sakin nun nakita siya my babae? Na para maibalik sakali kahit papano yung trust ko sa kanya?  Na mawala lahat ng sakit? Na dapat hayaan ko muna siya tulad ngayon malapit na din yung laboracay. Kung magging kami. problemahin ko nanaman if tatakas siya dun. Kaya dapat nga tanggapin ko muna talaga tong space e. And kung hindi man bumalik. Atleast hindi ako back to zero na nagmumukmok lang and napapagiwanan. Nahihirapan lang talaga ako mag umpisa. Natatakot ako na baka makalimutan na niya ako. Pero bakit ko paba iniisp to e kung nakipaghiwalay na nga siya. Hay.. Sabi din niya kagabi, ang start over hindi daw pinipilit. Hindi daw yun bigla switch on and off na bigla ok na kayo. Nasa kusa daw yung sa sariling tao. Sabi ko kasi mag start over kami. Sabi ko kasi may natutunan naman ako sa break up namin and gusto ko din maitama kung ano man pagkukulang ko. Pero yun nga. Ayaw padin. Kasi palage lang naman daw kami nag aaway e. Ayaw nadaw niya ng away and drama. Gets ko naman yun. Kasi sobra talaga yun away namin. Madalas. Alam ko naman mali ko yun. Kaya gusto ko din itama. Pero space padin e. Kaya wala na ako choice but to accept that. Naiinis lang ako sa sarili ko kasi my mga red flag na sa kanya even before pero bakit nahihirapan ako ilet go siya e dapat nga galit ako sa kanya. Hay. Hindi ko naman din mapipilit ang ayaw. Sana lang makaya ko na mag umpisa. Sorry kung madrama and mahaba ah. Ang hirap lang kasi talaga

chinablue

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #248 on: January 09, 2016, 05:10:32 pm »
Sis, contradicting naman mga sinasabi niya. He said he wants space but he still sees you every now and then. tama si sis cybelekronos, ayaw lang niya na ipaalam o pagbawalan mo siya sa mga gimik niya. he wants the freedom yet he wants you to hang on too, and it's been going on for nine months. wow. he's selfish sis. ang siste eh he will enjoy his life in the meantime and if something doesn't work out, he'll come back to you. ikaw ang fallback niya.

pwede bang maging selfish ka din sis? this time, yung sarili mo naman iprioritize mo. wag mo panghinayangan yung 8 years ninyo. ang panghinayangan mo sis eh yung mga panahon na masasayang if you'll continue to hold on. you're still waiting for him until now. ang tanong, may hinihintay ka nga ba talaga sis? baka umaasa ka lang sa wala.

i'm also in my late twenties sis. wag ka matakot regarding this. a more positive way to think of this is that you're aging gracefully. na sa ganyang edad, ang dami mo ng pinagdaanan. eh ano naman if mawawala na sa kalendaryo ang age mo? tell yourself "so what, i'm still hot." :)

wag ka din matakot na makalimutan ka niya. be more afraid na makalimutan mo ang sarili mo because you're still stuck in love with him.

sa mga times that longing and sadness strikes, birit ka lang ng song ni Ariana Grande na Break Free sis. :) especially the chorus part.

beginnings are scary sis. pero you gotta take that leap of faith. 2016 na sis. panahon na para iwanan ang pain ng 2015.

Uridessey

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #249 on: January 09, 2016, 05:17:56 pm »
Hi sis. Buti na lang I came across this topic. Na-experience ko yan. Officemate ko sya. May iba kasi akong type nun. It so happened na type din pala nya yun guy. What he did is pinormahan nya ko para maiba attention ko para wala syang kaagaw. Grabe ako nun, sinasabayan pa nya ko umuwi tapos nagcocoffee break pa kami. We even went out on a trip together. In love na in love ako sa kanya. Nagulat ako one day di nya na ko kinakausap. Ni isang text wala. Yung guy lang yung kasama nya. And masama, nalaman ko sa guy na type namin na di daw nya ko gusto at sinabi nya pa yun sa ibang officemates namin. So ako parang wtf?! Nagmukha akong t**** sa harap ng iba nun. Umasa ako and all. Sa sobrang brokenhearted ko, naghanap ako ng ibang work. Ngayon di na kami gano nagkakausap pero nakipagbati ako sa kanya bago umalis. Naka move on na din ako and mas maganda wala na din akong sama ng loob. And yun nga bading nga na sya ngayon, naaawa na lang ako dahil pinagpipilitan nya pa din sarili nya sa guy tho may ibang gusto na yung guy. Pinasa Diyos ko lang lahat. After nun sabi ko no office romances na haha. You will get over din. Focus ka sa friends and family mo teh. Magiging ok din lahat :)

TomHansen

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #250 on: January 10, 2016, 01:34:24 pm »
^ ayos din yung strategy niya ha sobrang kasuklam-suklam sarap siyang kutusan..

@annmitch, mas mabuti kung tigilan mo na ang communication niyo ng ex mo kasi ang nangyayari ginagawa ka lang niyang backup just in case. I know its hard to move forward alone pero you have to do it for yourself, tama si chinablue be selfish - sarili mo lang ang isipin mo. Ayain mong lumabas ang mga kaibigan mo, mas lalo mong maiisip si ex kung palagi ka lang mag-isa. Plan an out of town trip kasama mga kaibigan mo para maramdaman at mapractice mo ang sarili mo na gumawa ng happy memories nang wala siya.. Mahirap lang ngayon dahil 8 years kayo(tagal) and iniisip mo siya lang ang lalaki para sayo pero hindi totoo yun sis, maraming lalaki ang may qualities na katulad ng nakita mo sa ex mo, some better pa.. No contact na sis, yun ang first thing na kailangan mong gawin..
« Last Edit: January 10, 2016, 01:50:20 pm by TomHansen »

lovemeagain30

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #251 on: January 10, 2016, 02:14:17 pm »
@annmitch tama ang mga advice dito na dapat no contact ka na sa taong yan. pinapahirapan mo lang sarili mo. kung gusto mo ng real pain kuha ka nalang ng bato sa labas ng bahay tapos ipukpuk mo sa ulo mo, same effect lang yun. Hay buhay eh ano naman sis kung 30 ka na? hindi naman karera ang pag aasawa. unahan sa finish line. kadalasan ang mga taong pumapasok sa ganyang commitment na may ganyan rason nagsisisi sa bandang huli. itago mo na yang 8 years na pinagsamahan niyo. lam ko hindi madali pero ano paba ang gagawin mo dun kung ayaw na ng tao. Wag ka narin maniwala sa kasinungalingan niya about sa nanay niya about sa approval ng pagpapakasal-- kamo joke niya lang yun sa sarili niya. tanda tanda na eh pinapanangga pa ang nanay.

naawa kami sayo sis pero mas maawa ka sa sarili mo. kung gusto mo balang araw makapag pamilya at magka anak, iwasan mo na ang ex mo ngayon palang. bilisan mo ang pagmove on. dahil sa kahihintay mo yan sa ex mong magbago ay baka malipasan ka ng panahon. imbis dumating na agad yung tamang tao para sayo eh nade delay lang kasi naka stuck ka pa sa maling tao.

annmitch

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #252 on: January 10, 2016, 03:06:41 pm »
@lovemeagain30. Thanks sis for replying. Oo nga sis e. Tama naman kayo lahat. Naiisp ko din yan. Pero bakit ang hirap hirap gawin. Siguro dapat nga tanggalin ko na yung hope kasi yun yung nakakalason sa isip ko bakit pa ako naghhold on. Tska kahit my mga sinabi siya before nun bago palang kami mag hiwalay na time lang, para magbago kami, iwas stress, kasi palage kami nag aaway before kahit siguro totoo yun, pero months ago na niya sinabi yun. madami na pwede nagbago. Pwedeng eventually mas nag enjoy na pala siya ng single. Edi ako talaga yung mapapag iwanan. Na siya baka nag papakasaya na pala pag hindi kami nagkikita tapos ako abang lang ng abang. Malay mo ganon na pala. Hay. Dati kasi iniisp ko, minsan choice niya mkipagkita, ginagawa padin niya minsan yun bf stuff, dala food, sabay pauwi, dinner kami, pagluluto ko siya etc. Kaya naisip ko ay baka my progress since minsan ginagawa padin namin yun. Pero minsan napapaisip din ako. Kaya ba niya ginagawa yun dahil nakasanayan lang and mabait padin siya sakin kahit break na kami kaya binibigay padin niya needs ko, siyempre iba din talaga yung relationship namin dati and pinagsamahan. Parang mag asawa na before. Pero narealize ko na hindi pala progress yun. Kasi everytime iaask ko siya. Space padin gusto niya. Kaya nga siguro kailangn ko na dumistansya. Kasi wala rin naman ata progress kahit magkita kami e. Ang hirap pa na pagkatapos namin magkita. Pano na?  Ano na? Wala nanaman? Aantay nanaman? Sino kasama if hindi kami magkasama? Yun lage nasa isip ko siyempre wala naman ako magawa and hindi pwede mag ask since hindi naman na kami. Wala nadin ako control dun. Nahihirapan nadin ako. Kahit mga friends ko tinatanong hindi padaw ba ako pagod sa ginagawa ko. Sana lang talaga magkalakas loob na ako gawin na mag let go and move on. Sana mawala na yung takot. Kasi tama ka.  Ayaw na e. Wala nadin talaga ako magagawa. Ginawa ko nadin yun part ko na sabihin ayusin, itry. Pero ayaw padin. Kahit maglumpasay pa ako at sabihin na itatama ko rin yung mga pagkukulang ko sa kanya before, kung ayaw. Ayaw. Hay. Hirap pala lalo. Tingnan mo, 9 mos na kami hiwalay pero parang back to zero nanaman yun lungkot ko. Kailangan talaga firm decision na.

@chinablue. Tama ka sis. Kailangn ko din talaga maging selfish and mahalin naman yun sarili ko. Kasi kahit ako naawa nadin sa sarili ko. Nag aantay ako kung kelan kami magkikita. Pag nagkita na kami. Iaask ko sa sarili ko, paano pagkatapos neto? Hindi rin naman niya ako binabalikan pa. Yung ganon. Lage ko nilalagay sa note ko sa phone yung mga reminder na to. Yung mga advice ng friends ko,  Pero bakit hirap na hirap ako gawin. Lage ko nireremind din sa sarili ko yun mga pagkakamali niya sakin, lalo yung part na baka naglalandi siya dati and yun iba niya takas. Yung hindi padin siya nagbago and nag grow sa tinag tagal namin. Na bakit hindi pa siya sawa e kahit nun kami nagagawa niya na un nun bago pa kami then dumating na sa 8 years pero ganon pdn? para magalit ako sa kanya ulit para mas makatulong na mag let go na talaga ako e. Mahirap lang talaga siguro mag umpisa. Kailangn talaga mag simula sa acceptance. Na wala na. Hindi na magkakaayos. Para wala na holding on. Sabi nga din ng friend niya na guy sakin, dapat hindi na kayo nagkikita kasi pano daw maramdaman nun ex ko yung nawala kung andyan padin daw ako. Mag let go na daw ako, kung babalik, babalik naman pero  if hindi atleast daw tuloy tuloy lang ako nagmomove on. Tama naman kayo lahat e. Sana lang matulungan ko talaga yun sarili ko kasi sakin talaga to mag uumpisa e. Mabait siya sakin and nagawa niya responsibilities niya sakin and time niya. nabigay lahat ng needs ko. Pero dapat ipasok ko din sana sa isip ko na. Hindi naman siya nagbabago e. Immature padin naman minsan e. Kahit mag 33 na siya. Siguro my factor din na nasakal kasi habang tumatagal kami halos 4 to 5 times a week kami nagkikita. Hay. Lakas lang talaga ng loob para makapag umpisa ako mag isa.


annmitch

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #253 on: January 10, 2016, 03:17:12 pm »
@tomhansen. Thanks for replying. Tama ka sis. Dapat no contact talaga. Eto talaga yung way para mabawasan yun pain and makalimot. Kasi pano din ba ako makalimot if nag uusap padin kami. Naiisip ko nga minsan, dble sama if my progress e. Ok lang mag usap and magkita e. 9 months na kami ganito. Wala padin pala. The way pa ng sinabi nya 2 days ago na ang start over hindi daw parang swith on and off na ok na.  Na kusa yun sa tao. It means talaga na pinipilit ko padin siya, Edi talaga wala lang pala yung pagkikita namin kasi the way nun sagot niya na yun is malayo pa ang tingin niya sa pagging okay namin. Kaya lang siguro talaga niya makipagkita ng civil sakin. Pag tinatanong ko naman kung for good na yun. Hindi naman makasagot. Sana talaga magkalakas loob na ako. Na mawala na yung takot. Yung matiis ko na siya. Yung i live ko din yung life ko. Kasi nakakainis isipin na baka siya nagpapakasaya lang at hindi naman nalulungkot tapos ako ganito? Naiisp ko naman to. Sana lang talaga maumpisahan ko na. Na tama na pagging weak and pagging martyr. Kasi sayang ang new year kung lalaban padin ako e kng yung pinaglalaban ko e ayaw naman.

ohcmon

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #254 on: January 10, 2016, 07:55:18 pm »
Sis annmitch, sorry to say this but your ex seems like a first class @ssh0le.

Gusto ng space pero hindi makalayo sa'yo? He still does things withyou pero ayaw niya mag commit? Ang swerte niya naman.

At dahil alam niyang deads na deads ka sa kanya at hindi mo siya maiwan, sinasamantala niya naman.

Ikaw naman si devoted gf, umaasa pa rin na one day mauntog siya at marealize na retired na siya sa partying habits niya at ayain ka magpakasal. Based on your stories, that doesn't seem to be happening anytime soon.

You know what he's doing? He's a master dragging a chewy bone all over the place while his pet (ie., you) sniffs and sniffs and hopes that he'll finally get tired of playing games and give you the bone instead.

The sooner you realize that, the better.

lovemeagain30

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #255 on: January 10, 2016, 08:58:24 pm »
kapag naka buntis si ex mo or bigla mo nalang nalaman na nag asawa sa iba i swear gugustuhin mo ng magbigti nun! maawa ka nanaman ulit sa sarili mo kung bakit pinatagal niyo pa ang harutan niyo. madami ng sis nagshare dito ng ganyan ganyan line of story dito.. kaya kung ako sayo wag mo talaga patagalin pa yan. ang pagmo move on ay nagsisimula lahat sa isang desisyon at pinaninindigan eto -- yun ang kulang sayo kapatid.

chinablue

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #256 on: January 13, 2016, 02:38:54 pm »
how are you na sis annmitch? sana naenlighten ka na sa lahat ng advices ng mga sis at bro natin dito. if need mo ng kausap visit ka lang sa forum. andito kami para dumamay sa iyo pero sana have the strength to let go sis. alright sis? kaya mo yan! believe that you can!

frankmary

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #257 on: February 17, 2016, 04:38:36 pm »
hi sis, it's so happen nakita ko tong topic at i got interest to join kasi mas malala pa kasi yong akin eh. i was about to get married to my 5 yrs bf in fact my engagement ring na kami when problem came out ayon nakabuntis daw.. sabi niya he was drunk with his friends at that time happened but he didn't think of that coz the girl is cg just everybody's gf wala akong sinagot dahil hindi ko rin inisip na magkaproblema kami till one day i got home my parents told me a certain girl came to our house was looking for my bf with 2 guys then my mom advised me to visit him to make things clear. he was not there anymore his aunt talk to me and told me the brothers of the girl threatened my bf that if he will not marry their sister something will happen. hindi ko naabutan hindi ko rin ma contact kasi sabi nila pinaiwan daw yong fone sa mga kapatid to avoid talking to me. ansakit non parang nawala ako sa sarili even at work hindi n ako lumalabas iyak ng iyak then i lose a lot of weight. pray lang ako ng pray then i told my self this is not me i have to pick up all the remaining pieces of me and start from there. i choosed to move on it's because i still have my family who needs me. i admit hindi madali pero f gustuhin natin kahit small steps lang everyday. just turn negative things into positive, count your blessings, have FAITH in GOD and ask His presence and guidance...

mimiku

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #258 on: February 17, 2016, 06:10:02 pm »
^I'm sorry to hear that. I have been cheated on as well and I could imagine what you are going through. When I read your post, I was really moved. There are no words for me to say to make the pain go away but let me say this to you: Moving on will be difficult, but I believe God has redirected you to a better path. You may not understand it today but someday you will. I personally experienced an earth-shattering moment like what you are going through but after 5 years I finally learned why. God had a better man reserved for me. I am finally married to a great guy, a better man than my past. So take refuge to this thought. As long as you do good, God will give you the best that you deserve, in time.
« Last Edit: February 17, 2016, 06:57:35 pm by mimiku »

frankmary

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #259 on: March 08, 2016, 03:52:08 pm »
yes, sis all people who are into relationship may pagdadaanan talaga but in different way. it just a matter of doing your part to make it work pero huwag ibigay lahat. mahirap talaga sa umpisa lalo na you did everything to save it. just accept the fact and tell yourself maybe God put you in that situation to make you stronger and there's someone out there he prepared for you!!!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close