I can relate! 5 kaming siblings, 2 boys, 3 girls. Medyo hindi sila ganun ka-strict sa brothers ko, pero saming sisters, naku. Hatid sundo pa kami (sa work), may curfew, minsan ang driver, hihintayin na lang kami kung saan kami may lakad. Nakakaloka. Kunwari may field work, ipapa-drive pa kami sa driver. Kung malayo man, naku, baka sumama pa ang mommy. And they ask bakit ganito ang generation namin? Hehe.
My sister (26) broke up with her boyfriend, ngayon may nanliligaw sa kanya na officemate, tapos ang daming nasasabi ng mga magulang ko. Pag late umuwi ang sister ko, sermon ang abot. Ako, never akong nagpagabi kahit nung college pa ako. Sobrang dalang. Kasi nga, bawal naman yun. Tapos yung lalabas na nga lang ako with my boyfriend, parang ang hirap pang ipaalam. Dapat daw once a week lang. Eh hindi naman kami nagkikita madalas ng boyfriend ko. Swerte na yung magkita kami ng weekend. Siguro kung sa sister ko sila maghihigpit, maiintindihan ko kasi officemates sila, eh kami ng boyfriend ko, medyo long-distance, tapos kapag nag-date pa kami, maaga naman umuuwi. Yung kuya ko nga, halos gabi-gabi sila magkita ng gf niya.
Isa na siguro yung sobrang praning ang nanay ko. May trust issues ata siya. Masyadong takot sa mundo. Basta di niya kilala, feeling niya masama na ang balak. Tapos ayaw niya na isasama sa family gatherings. Mas mabait pa mga kamag-anak ko sa girlfriend ng kuya ko at sa suitor ng sister ko.
Sobrang nakakainggit yung friends ko na nakakapag-gimik na spontaneous. Ako kasi, kailangan planado kasi kailangang ipaalam pa sa magulang. Ang dami ko tuloy nami-miss na fun gimik.

I can't even catch up with my friends because I'm in QC tapos sila, somewhere else. Eh di gagabihin pag nagkita on weekdays. Kapag weekend naman, iba ang lakad.
Anyway, I understand that it is their house and their rules. I can't wait to move out. Pero siyempre, matagal pa yun. Haha. Hirap kaya mag-ipon!