This is why you need to encounter "adversities" to serve as a wake-up call; for character-building. Siguro wala ka masyado'ng problema, sa pera, wala ka'ng nakakaaway na ipagsisigawan ano'ng mga defects o kamalian mo; di mo nararanasan yung sitwasyon na kailangan ipagtanggol mo sarili mo whether tama o mali sila sa 'yo. Yung mga sitwasyon na napahiya ka, nahihiya ka, nanliit ka, at unti-unti natuto ka'ng mag-isip na baka nga tama sila, o kailangan i-improve mo sarili mo o di kaya'y i-prove sa kanila na mali yung inakala nila o pagturing nila sa 'yo.
Kase yung pagbabago, minsan hindi nadadaan sa pabasa-basa ng mga self-help books. Kailangan talaga may "pinanghuhugutan" -- based from some (painful) experience. Di ba sabi sa Bible, "consider it pure joy, my brothers and sisters, whenever you face trials of many kinds, because you know that the testing of your faith produces perseverance." Kung may perseverance ka, ibig sabihin, mapasensya ka'ng tao at di basta-basta sumusuko o nangangagat, lol...at ito'y bunga ng iyong mga pinagdaanan, natuto ka'ng maghintay. Kung may pasensya ka, that means, you're more considerate at nakakaintindi ka sa iyong kapwa. Hindi ka nagrereklamo kung may konting pila o traffic.
Ganun pa man, kahit kulang ka sa karanasan, maaari mo namang turuan ang iyong sarili unti-unti. Siyempre may saysay ang mga self-help books o mga inspirational material. Kahit mag-facebook ka na lang buongmaghapon, marami ka'ng makukuha'ng mga nuggets sa mga shared items sa iyong wall.
Pero ika nga, experience is the Best teacher. Why not try subjecting yourself to "uncomfortable" situations? Kung nasanay kang mag-drive papunta'ng work, bakit di ka mag-try sumakay ng pampasahero? O maglakad kaya ng ilang bloke habang hindi pa nananghalian? Magdonate ka kaya o magbigay sa mga nangangailangan kahit na it means di mo mabibili yung designer bag na pinag-iponan mo ng ilang buwan? Huwag ka muna kaya'ng kumain sa favorite Japanese rastaurant mo at dun na lang sa isang karinderya o sa tabi-tabi? I-experience mo'ng magutom, mauhaw, mapagod...mahirapan. Tiyak mas lalalim ang pananaw mo sa buhay at magiging "mas" mabait ka at maunawain kesa sa dati...Sorry, ang haba. -p