nung High School at College days ko (2001-2009), i have Citibank and HSBC. ginawa kasi akong supplementary ng Ate ko. madalang ko lang gamitin pero ok naman sila.
HSBC - pag malaki ang spending mo, iincrease ka nila agad. kay Ate, from 40k to 70k less than a year. voluntary increase by HSBC. ok din kasi sa ATM pwede magbayad. no hassle. meron sila sa the Fort.
Citibank - di masyadong nagamit ni Ate ito.
both HSBC at Citibank eh masipag maningil!

lalo na pag third party na.
pag graduate ko, yon, pina cut ko na lahat. nagkaroon ng work, naka ipon ako ng sarili. kaso pinadalhan naman ako ng BDO (eto walang keme keme pinadala na lang basta) at ng BPI (at least eto tumawag muna pero para lang i confirm address at what type of card)
BDO
- pinadala lang saken ng bank
- nung unang bigay nila, 20k ang limit then pwede mag increase either by them or your request
- ayos naman kasi you can pay online or thru ATM
- ok EXCEPT:
- may unauthorized charge na nacredit agad on next billing cycle dahil inaraw araw ko ng tawag at email. FYI: if you want a new card with new digits, babayaran mo yung replacement. p400? p500?
- na double charge ako sa shakeys (feeling ko mali ni merchant ito. kasi minsan delayed response so isaswipe nila ulit)
- monthly i chacharge ang annual fee! (wais! lalo na para sa mga may balak na putulin mid year) so, annual fee / 12 = monthly charge
- nag purchase ako one time online, denied by card issuer. well, this happens naman talaga (i know because i used to work in PayPal)
- free ang annual fee for first year ? free mag apply ng 1st supplementary? di ko na matandaan e. matagal na kasi.
- may points keme keme kaso suntok sa buwan dapat ang purchase e.g. 3700points = p500 sodexo
- may promo promo din kaso min. purchase na hindi naman ako umaabot. usually, 1k above sa specific establisment
BPI
- pinadala lang saken ng bank
- unang limit P40k
- nirequest ko yung BPI petron para may rebates when i gas up
- no more points kasi may rebates na
- madalas mag host ng bazaar so free passes na
- mas madaming perks at discount compared sa BDO
- same din na may promo promo with min. purchase na hindi naman ako umaabot. usually, 1k above sa specific establisment
- free for life ang 1st supplementary (kaya nilipat ko ang nanay ko dito kasi di nya madalas gamitin. sayang bayad ko sa BDO annual fee)
mas OK BPI for me.