Author Topic: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?  (Read 92410 times)

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #460 on: January 29, 2016, 03:40:03 pm »
Too bad she became more attention seeker. Sa kwento pa lang niya sanay siya na pinapansin parati ng mga tao eh! lalo na noong bata bata pa siya. Nasanay kasi siya na parati siya yung bida. Pana panahon rin kasi yan.

la_pinay

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #461 on: January 29, 2016, 03:55:22 pm »
tendency talaga ng mga MIL/GMIL ang maging attention seeker. lagi silang bida. napansin ko lang.

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #462 on: January 30, 2016, 05:52:02 pm »
Dati nga tamad na tamad akong umuwi in hubby's house, ibang iba pakiramdam ko. Tapos parang akong nagkaka Monday sickness kahit na homebased work ko. Yung feeling na kapag umuwi ako parusa na naman, eh preggy ako nung time na yun.

ANJFinally

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #463 on: January 31, 2016, 01:59:27 pm »
We're soon to get married, but I am not considering living with my in-laws. h2b is the only son, but with 2 Ates who are married narin. Eldest has their own home, yung 2nd sis together with her hub is here in the UAE with us. Their house in PH is for h2b, but I strongly said to him na ayokong tumira dun with her mom. HAHA! Her mom solo nalang, kasama yung apo nya from the 2nd sister ni h2b since andito kami abroad.

Here in the UAE naman, we're living in a 3BR Flat kasama namin mga relatives ni h2b (Aunt, Uncle, Cousins, his 2nd Ate and Bayaw) since sila yung gumawa ng way para makapunta kami dito. But I insisted with h2b na after the wedding, whether we'll stay for good in PH or babalik kami dito sa UAE, we really need to leave and cleave. Kahit pa mag partition lang kami, gusto ko bukod kami.

OT mga sis, pero hindi ba kami mag mumukang walang utang na loob? Yung flat kasi na tinitirhan namin here in the UAE is business ni Aunt and Uncle nya. We're borders kumbaga. Sila din tumulong samin para makarating dito hanggang makahanap ng work. But after the wedding, kung babalik kami dito sabi ko gusto ko talaga bumukod, and I insist. Wala naman prob kay h2b, but I know for sure may mga masasabi ang mga kamag anak nya kapag bumukod kami. Lalo na kasama namin ate nya sa bahay.

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #464 on: January 31, 2016, 03:26:52 pm »
^Hindi naman meaning na tinulungan nila kayo sa paghahanap ng trabaho eh magiging part pa rin sila sa decision making niyo. Being married at magbukod is another different story already. Wala naman silang right to question your decision sa pagiging independent. Sila pa nga dapat maging supportive sa pagsasama niyo and you are in the right age to get married. Ang masasabi ko dyan there are different ways sa pagtanaw ng utang na loob pero hindi meaning nun ay hahawakan na nila kayo sa leeg. Kung kaya niyo naman mag independent sa abroad why not I am sure mas pabor sila run. Hindi naman pwedeng habang buhay ay hindi kayo independent as couples or family.

j.adore

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #465 on: January 31, 2016, 03:36:44 pm »
There are many ways para tumanaw ng utang na loob. Do them and there shouldn't be a problem with being independent.

sarsingkit

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #466 on: February 02, 2016, 12:09:43 am »
I think the issue here is sis ANJFinally and hubby are borders, meaning they are contributing to the income of the Uncle's rental property. I think by all means, you can leave but like what you have said, that is their business. So I suggest, talk to them and give them a few months notice before leaving.

ANJFinally

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #467 on: February 02, 2016, 02:28:08 pm »
hi sis purple_power, j.adore, and sarsingkit! Naapreciate ko respond nyo sis. =)

Yes, i know for sure kasi may masasabi talaga dito kahit yung mga taga Pinas. Since yung hub and ate ni h2b kahit 2012 pa sila nagpakasal, here in the UAE nakakabit parin sila kanila tita until now. I just don't know if iniisip ba nilang bumukod or what. Future MIL nag sabi din one time kay ate, if aalis daw kami sa poder ni tita, mag sama-sama parin daw kami 4 sa isang room/flat which is a BIG NO for me (sa isip ko lang. HAHA). Ayoko talaga. Hays hirap. Hindi naman sa walang pakisama, or what pero ang hirap kapag wala kang independence. Hehe!

Thank you mga sis!

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #468 on: February 02, 2016, 09:54:18 pm »
^Still push the independence lalo na kung kaya niyo naman. That is true mahirap ang walang independence. Ako kahit na andito na kami sa parents ko hindi ko pa rin 100% ramdam pero mas gugustuhin ko na talaga rin rito, kesa naman makasama ko na naman yung kabila. Saka may gusto rin kasi akong harangan sa bahay na ito eh!  ;D

thine29

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #469 on: February 03, 2016, 10:37:34 am »
i would say NO to this, pero hindi yun yung nangyari :( We are living with his parents and sisters also with my sister..when we get married kasi 2 years ago, we were planning to get a house na, then we get pregnant agad.. :) :) after 3 months, our angel is now 1 yr old, we were still with them since hubby and I were both working, we need someone to look after our angel, kahit may yaya na, ang hirap din kasi kapag si yaya lang maiiwan kay baby, lalo na ngayon ang daming balita na when parents were not home, pinapalo yung mga baby etc etc..that's the positive side living with them. The negative is we cannot decide on our own kasi we still need their sides..Maingay, magulo pero masaya.. ganyan naman tayong mga Pinoy..Close Family Ties ika nga ng iba.. :D :D

redberry12

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #470 on: February 07, 2016, 08:01:13 pm »
No. But right now our situation is still in the transition phase. I work abroad and my husband & son lives in my parents house. My husband agreed because he is literally in the office the whole day. He is very considerate about our baby that someone will be  looking after him if we are away.

Thankful ako na hindi naman niya ipinilit na doon kami sa kanila tumira dahil he is perfectly aware of how costly and complicated the situation will be if we live there sa kanila.

ginangganda

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #471 on: February 28, 2016, 07:45:20 pm »
Noooooo! Not again!
« Last Edit: March 23, 2016, 04:23:39 pm by ginangganda »

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #472 on: February 29, 2016, 10:24:08 pm »
^Same here nagsise rin ako kaya not again with his horrible evil Granny and NO to his mother  :D na hindi pa alam we are married with kid. Biggest mistake of my life too na living with his horrible granny yet pinaniwalaan ko pa nang husto mga sinabi ni hubby about her.

fiercemom04

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #473 on: March 05, 2016, 12:05:18 am »
BIG NO.
like other sissies here, at first ok din kami ni MIL (di pa kami kasal ni bf.at di nya tunay na anak si bf). Since magisa sya sa province walang choice kundi tumira sya sa amin. Nagiisa nya lang kasing anak bf ko. Nung unang month ok naman aba 2nd month ayun na. Konting kibot nagtatampo as in di sya iimik the whole day. Tapos lahat na lang ng binibili kong pagkain may nasasabi sya. Tapos isang beses nagaway kami ni bf, nakialam sya na sa Manila na lang daw magaral bf ko maghiwalay na daw kami. Whaaaaat?!! Hindi nya manlang naisip anak ko? Tapos kahit pagdidisiplina ko sa anak ko pinakikialaman nya. Sorry sis nobela to. Sobrang pikon na kasi talaga ko sa kanya eh. Kinikimkim ko lang kasi ayoko magkagulo at masabihan ng asawa ko na bastos. Di ko alam paano syasya paaalisin. Kaya sis tama bukod kayo.. hindi healthy kasama mil sa bahay.

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #474 on: March 05, 2016, 10:39:24 am »
^That is good thing na wala na ako sa kabila kasi for sure pati pagdidisiplina ko papakialaman rin. Ayoko pa man din nasisigawan ng ibang tao ang anak ko. Now I am enjoying motherhood especially na wala yang GMIL na yan. I know she is not the right person to listen sa advises kuno more so in terms of discipline kuno.

fiercemom04

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #475 on: March 06, 2016, 04:17:47 pm »
Totoo sis. Na tinatawanan ng mil kong hilaw mga ginagawang masama ng anak ko kaya akala ng bata tama eh. Tapos ultimo gulay na bibilhin ko sasabihin na magulang na daw hindi daw ako marunong tumingin. Kahit pa nga pagsasaing eh. Literal lahat. Sobrang pikon ko na kaya di lang talaga ako makapalag at ayoko masabihan na bastos ako ayoko magkaroon ng ganung record. Na ako nagwowork uuwi ako after work ako pag lahat sya kakain na lang. Kaimbyerna!

hisana

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #476 on: March 06, 2016, 07:54:53 pm »
Yung iba sa mga naging neighbors ko over the years, they moved out because of the in-laws. In fact, the family who used to stay right next to me just left a month ago kasi hindi na magkasundo yung wife and the MIL, pinilit lang tapusin yung contract. I think they msotly fought over how the toddler son should be raised. Sobrang drama ng screaming matches nila, I just cringed. Sayang kasi individually they seem like nice people (except when they're fighting with each other, of course), sila ang pinakagusto ko sa floor namin. Nakwento ko lang kasi even I got sad over what happened, plus I miss B, the little boy.

littlekinselle

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #477 on: March 07, 2016, 11:48:18 pm »
No!caltho mabait naman si MIL pero kasi nun tumira ako sakanila ng mahigit isang taon halos para akong katulong sa bahay nila.. Saka pansin ko lahat ng tao may nasasabi si MIL malamang saken din may nasasabi siya mabait siya oag kaharap mo pero di mo alam pag nakatalikod na.. Kaya nung nakatira ako sa bahay ng asawa ko di nako lumalabas ng room.. Wala ako pinakita na di maganda sakanila.cperocupto now parang awakward ako na tawin si MIL na MAMa.. Lagi ko pa din nababanggit na tita..  :( since nung kinasal kami never naman niya sinabi saken na tawagin muna ako mama from now on. Hay ewan ko ba..

crzysxycl

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #478 on: March 08, 2016, 11:42:03 am »
Totoo sis. Na tinatawanan ng mil kong hilaw mga ginagawang masama ng anak ko kaya akala ng bata tama eh. Tapos ultimo gulay na bibilhin ko sasabihin na magulang na daw hindi daw ako marunong tumingin. Kahit pa nga pagsasaing eh. Literal lahat. Sobrang pikon ko na kaya di lang talaga ako makapalag at ayoko masabihan na bastos ako ayoko magkaroon ng ganung record. Na ako nagwowork uuwi ako after work ako pag lahat sya kakain na lang. Kaimbyerna!

Haha, parang MIL ko lang na akala mo expert sya sa lahat. ;D Excuse me, pero nakita ko na how she cooks her food, eew hindi hygienic. Pinapatong sa lababo ang ingredients, tapos ang hilig hawakan ng kamay diretso ang food, minsan din napapansin ko kahit may serving spoon na, dinidiretso nya spoon nya pag kukuha sya ng food, yuck! Kaya minsan kahit alukin nya ako, pag naiisip ko na ganun ang way nya of preparing food, nawawalan ako ng gana. At ang pinaka ayaw ko, gumagamit sya ng vetsin, no wonder super linamnam ang luto nya, may daya pala. :P

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #479 on: March 08, 2016, 06:16:32 pm »
^Relate much here  ;D lalo na yung nilalapag sa lababo yung mga lulutuin. Saka ganyan rin maalat magluto, may linamnam pero puno ng daya masyado pang bilib sa sarili. Namention ko na ata mismo dito o sa ibang thread nakakain na rin sa amin yung Tita ko eh! tumawag agad siya sa Mama ko sinabi na ang alat ng mga pagkain. Nag-aalala tuloy sila sa health ko, kinausap nga rin ako ng Mama ko nun. Masyado siyang bilib sa sarili na masarap ang luto niya tapos gusto pa turuan ako kung ano ang dapat, grabe naman ibabad sa mantika yung pagkain. Kala mo naman kung sinong magaling na preacher ng paglilinis kaya kung makasigaw siya sa katulong ganun na lang pero grabe naman issues niya in hygiene.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close