Author Topic: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?  (Read 92278 times)

ginangganda

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #500 on: April 25, 2016, 04:08:51 pm »
Nakakalungkot, medyo natagalan kami ng alis, took me 3 yrs bago tuluyang nakalayas sa impyerno.
Ganyang katagal din ako nagtiis. Three heartbreaking years. We deserve a medal of sacrifice. Husband ko nga one week sa poder ng mother ko give up na agad hahaha.

Nakaganda din pagtitiis ko, madalas overtime sa office para less interaction sa in-laws, kaya na-promote ako at nakayanan na magsarili.  Hindi natutulog ang Diyos, laging may deadline ang mga pang-aapi.  Kaya nyo yan mga kakosa!

switblububbles

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #501 on: April 25, 2016, 06:27:54 pm »
^natawa ko sa "KAKOSA" sis! hahaha...

never again...:D

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #502 on: April 25, 2016, 08:35:50 pm »
Ganyang katagal din ako nagtiis. Three heartbreaking years. We deserve a medal of sacrifice. Husband ko nga one week sa poder ng mother ko give up na agad hahaha.

Curious ako bakit 1 week lang ang kinaya ng hubby mo?

Hindi ako makakapagtiis dyan sa 3 years. Kapag ginawa ko yan baka wala na akong respetong maititira sa in law. Baka magawa ko na yung hindi na dapat.


SIL ko nagtitiis lang rin sa Papa ko at after 10 years umalis na sila rito sa bahay, sila ni bro. Although kay hubby kaya pa niya handle tatay ko saka alam ko hindi naman siya nagkakaproblema kasi for real mas matindi naman yung Lola niya kumpara sa tatay ko.

ginangganda

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #503 on: April 26, 2016, 12:47:08 pm »
^natawa ko sa "KAKOSA" sis! hahaha...
:)

Curious ako bakit 1 week lang ang kinaya ng hubby mo?

Hindi ako makakapagtiis dyan sa 3 years. Kapag ginawa ko yan baka wala na akong respetong maititira sa in law. Baka magawa ko na yung hindi na dapat.
Si hubby kasi may choice na bumalik sa Nanay niya na mabait sa kanya. Di tulad ko, nag-asawa para din makatakas sa amin. Kung naplano sanang mabuti ang mga gastusin, nung una pa lang nag-sarili na kami. Kaya yun tiis ng 3 years.
« Last Edit: April 28, 2016, 08:17:52 pm by ginangganda »

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #504 on: April 26, 2016, 01:03:05 pm »
^Yan rin naman ang nangyari sa akin parang lumipat lang sa kabilang impyerno mas matindi pa pala.  ;D Nung nagkababy ako saka tumino yung Nanay ko lalo na nung buntis ako. Hindi naman monster in law parents ko kay hubby. Advantage in your case you are working in office kaya at least hindi mo naman kasama magdamagan ang in law. Ako hindi ko na kinaya ang buhay impyerno. Kapag nga umuuwi ako dito sa bahay noon ayaw ko na umuwi kina hubby dahil lang sa Lola niya. Ganun pala feeling tatamarin kang umuwi. Kaya habang lumalaki si baby nilayo ko na maaga pa lang.

ginangganda

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #505 on: April 26, 2016, 01:47:49 pm »
^Ganun pala feeling tatamarin kang umuwi.
Exactly how I felt, too.
« Last Edit: April 26, 2016, 03:57:49 pm by ginangganda »

GD

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #506 on: April 28, 2016, 02:13:27 pm »
It's a big no for me. Okay lang na papasyal nalang kami sa bahay nila o kaya sila ang papasyal sa bahay namin pero hindi talaga ako titira sa bahay ng byanan ko.

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #507 on: April 28, 2016, 04:50:06 pm »
Kadalasan talaga nagkakaroon na ng negative feelings to each other and gap between sa parents ni husband at sa wife nito. Yan ang hindi ma gets minsan ng ibang husband kung ano nagiging repercussion kapag pinagsama ang asawa at magulang nila. Kadalasan ang demand pa nila sa wives na sumunod lang sa magulang nila. Ganyan mangyayari. May mga husband naman na hindi nila tanggap yung pride nila na sila ang titira sa bahay ng asawa nila kung saan kasama rin ang magulang.

In my case natatabangan na rin ako sa Nanay ng asawa ko dahil sa ginawa ng Lola niya. Hindi mo rin maiiwasan yun eh! Mas gusto ko pa nga ma meet yung biological father ng asawa ko eh! Pero sa Nanay ni hubby negative na rin ako sa kanya ngayon pa lang kasi pareho lang naman sila ng asal eh! I can no longer give chance. Lalo na may issue pa sa hubby ko na damay ako.

goddessjem

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #508 on: May 05, 2016, 12:49:06 pm »
Sa ngayon, ayaw ko. Mabait naman in law ko, ang problena ayaw ko ng paraan ng pag aalaga nya sa anak ko. Kaka stress lang..

bluish_mommy

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #509 on: May 15, 2016, 08:10:23 am »
Living with my in-laws brings out my worst feelings. Pag kinukuwentuhan ko nga friend ko na single, sabi nya "pag ako nag-asawa, no. 1 qualification dapat nya, dapat ulila na sya!" .

SavannahJane

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #510 on: May 15, 2016, 09:14:29 am »
My in-laws are the best, theyre so nice but i still wouldnt want to live under their roof, it's unsettling. I have to think about every move i make if im projecting a good image. I want to be relaxed at home.
Our parents support our decision and my in-laws even lent us their new condo to live in while we dont need a big house. But if this didnt happen, we would still buy our own.


If you do not like you in-laws, its your responsibility to make sure you can afford a separate home for you guys upon marriage. Most Pinoys forced into this situation is because they havent planned it out well naman e tapos makikitira. Tapos magrereklamo. First of all, hindi ka dapat nakikitira. Wag magpakasal nang hindi financially ready.

ginangganda

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #511 on: May 15, 2016, 06:02:43 pm »
its your responsibility to make sure you can afford a separate home for you guys upon marriage. Most Pinoys forced into this situation is because they havent planned it out well naman e tapos makikitira. Tapos magrereklamo. First of all, hindi ka dapat nakikitira. Wag magpakasal nang hindi financially ready.
Napakagandang payo!  Napakaswerte ng mga makakabasa nito at susundin.  Maraming sakit ng loob ang maiiwasan.

Wish we did this before getting married.  Anyway, it's all in the past now.
« Last Edit: May 16, 2016, 02:37:09 pm by ginangganda »

crzysxycl

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #512 on: May 15, 2016, 09:29:23 pm »
Ganyang katagal din ako nagtiis. Three heartbreaking years. We deserve a medal of sacrifice. Husband ko nga one week sa poder ng mother ko give up na agad hahaha.

Nakaganda din pagtitiis ko, madalas overtime sa office para less interaction sa in-laws, kaya na-promote ako at nakayanan na magsarili.  Hindi natutulog ang Diyos, laging may deadline ang mga pang-aapi.  Kaya nyo yan mga kakosa!

Apir sis! :) Buti ka pa nakaganda pagtitiis mo, ako nakaipon lang ng konti, yun lang magandang nangyari pero the rest ang pangit na. Ako gumagawa ng assignments ng pamangkin ng asawa ko, hindi ko alam kung tamad ba yung SIL ko o talagang hindi nya alam ang mga sagot. Tumaas nga grades nung bata nung nandun ako, libre tutor. :P Bida ako sa buong compound, dahil sa mga imbentong kwento ni MIL at SIL. Worst is kung ano ano naramdaman ko sa katawan ko at hindi kami agad nagkababy dahil sa stress. Anyhow, it's all in the past, akooo ang nagwagiiii! :) Nung bumukod kami, daming blessings, bonuses, promotions, got our own car, bought a condo at ang pinaka the best, we're going to be parents very very soon (im 7 mos preggy). Totoo mga sis, hindi natutulog ang Diyos. Aja! :)
« Last Edit: May 15, 2016, 09:33:31 pm by crzysxycl »

j.adore

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #513 on: May 15, 2016, 11:52:08 pm »
First of all, hindi ka dapat nakikitira. Wag magpakasal nang hindi financially ready.

Understandable yung mga no choice like someone is sick. But the rest, life choices led to it. Hopefully, they can get out of it :)

ginangganda

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #514 on: May 16, 2016, 02:50:09 pm »
Worst is kung ano ano naramdaman ko sa katawan ko
Apir to you too, Sis!

Congratulations on your blessings especially the pregnancy!   
« Last Edit: May 16, 2016, 04:44:27 pm by ginangganda »

lovemeagain30

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #515 on: May 16, 2016, 05:06:42 pm »
Iba naman kasi talaga ang nakabukod. madami lang takot sumubok. laging pananggang rason ay pera. sabihin na natin valid reason eto, makikita mo difference ng pamumuhay niyo mag asawa kapag nag sarili kayo. mas lalo kasi nag sisikap ang couple kapag sila nalang kesa nakaasa sa magulang. so in return mas madaming biyaya dumadating.

crzysxycl

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #516 on: May 16, 2016, 07:34:30 pm »
^^Thank you sis! :)

Iba talaga pag nakabukod, less stress at mas masarap ang tulog mo. Mas kampante at makakakilos ka ng maayos. Hindi yung paggising mo sa umaga, puro mga nakasimangot na tao makikita mo, hahaha.

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #517 on: May 16, 2016, 07:49:50 pm »
Worst is kung ano ano naramdaman ko sa katawan ko at hindi kami agad nagkababy dahil sa stress. Anyhow, it's all in the past, akooo ang nagwagiiii! :) Nung bumukod kami, daming blessings, bonuses, promotions, got our own car, bought a condo at ang pinaka the best, we're going to be parents very very soon (im 7 mos preggy). Totoo mga sis, hindi natutulog ang Diyos. Aja! :)

Maswerte ka pa rin sa part na ito except of course yung sumakit ang katawan mo. Pero yung fact na hindi ka muna nabuntis agad malaking bagay yun. Mahirap maging preggy tapos kasama mo ang in law. Ganyan ang nangyari sa akin, naging masama sa kalusugan ko pagbubuntis ko dahil sa Lola lang ni hubby. Now preggy ka na at least wala nang perwisyo. Kaya next time na ma preggy ako not again with in laws especially to his mom dahil for sure isa rin yun. I will set a rule not to see their faces while pregnant. ;D I even told hubby next time that I will give birth in hospital I'll make sure to coordinate with Police, and I am deadly serious with it, because never again. No in laws shall b--- me all over again. At lalong hindi ako papayag na titira kami sa US with his mom. It is just so happened na my mom doesn't want to rent the other house here sa compound kaya doon kami pinatira.

, puro mga nakasimangot na tao makikita mo, hahaha.

You said it right kaaga aga negative vibes kaagad masasalubong mo. Literal na Depressed area ang matatwag ko sa tinitirhan ko.

crzysxycl

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #518 on: May 16, 2016, 08:11:39 pm »
^Aww, sabagay sis mas mahirap nga kung preggy ka tapos kasama mo inlaws mong mga kontrabida de primera. Buti sis ok naman baby mo nung lumabas, mahirap kasi pag stressed ang mommy. Buti nalang din wala na kami doon sa MIL ko kasi kung dun ako nabuntis at lagi ko sila nakikita ng mga SIL ko, eh baka maging kamukha pa nila baby ko, nako kawawa naman anak ko haha.

Share ko lang: Sa July ako manganganak, at July ang birthday ng MIL ko. Parang nagpaparinig itong isa kong SIL na sana raw kabirthday ni MIL anak ko. Masama ba ako kung ayaw ko maging kabirthday ni MIL si baby? Hay, hindi ko talaga maimagine. Ma-CS ako kaya may napili na akong date, at hindi birthday nya haha. Ewan ko, hindi ko talaga feel na maging magka birthday sila. Pabida kasi si MIL, edi kada birthday party ng anak ko, papabida sya? Nakow!

ginangganda

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #519 on: May 16, 2016, 10:04:28 pm »
^^Thank you sis! :)

Iba talaga pag nakabukod, less stress at mas masarap ang tulog mo. Mas kampante at makakakilos ka ng maayos.
You're welcome sis!  Very true yan mga sinabi mong advantages ng nakabukod.


July ang birthday ng MIL ko.
Grabe sis, apir na naman tayo!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close