halsimkarim nakakarelate ako sayo pero while reading your post hindi ko kinaya ang situation mo at kahit nagbabasa palang ako parang halos hihimatayin na talaga ako rito. I can say I am still far lucky to be compared with your situation. There are already too many red flags sa situation mo in which I can say it is really time for you TO GO OUT of their house. Teka kasal na ba kayo? I will really tell you straight to the point each of your statement.
It is true na literally nakikitira ka with your husband but please don't ever ever call yourself as sampid because the truth is you are NOT sampid. Bakit? Eh gusto naman ng asawa mo na tumira ka dyan kasama niya eh! Bilang lalake, asawa, at ama ng anak mo RESPONSIBILIDAD KA! ng asawa mo at KARGO ka niya not unless kung ang relationship story niyo is ikaw mismo nagpumilit na makipagrelasyon sa asawa mo noon kahit hindi ka niya gusto and if that was the case then ako mismo masasabi ko na sampid ka nga lang talaga dyan. But then again it boils down to the point na inasawa ka pa rin niya and he must be willing to take responsibility sa pagpapamilya niya. Kaya magpakalalaki siya dyan. Dahil naman siempre ASAWA KA! understood na parte ka na ng pamilya nila at dahil dyan you have all the privilege to demand RESPECT from all of them lalo na sa mga biyenan mo. Hindi excuse ang pagiging gurang nila para ikaw lang ang rumespeto sa kanila. They should also EARN it from you kahit na ba ikaw lang ang panibagong salta na tumira dyan. Ang mga namamasukan ngang helpers makakapal na mga mukha ngayon at mayayabang pa samantalang binabayaran naman sila pero ikaw asawa ka at hindi ibang tao, I tell you may karapatan kang maging confident sa ikikilos mo kahit na literally hindi mo bahay yan. Ano trato sayo ng asawa mo? babae lang na dinala dyan?
When it comes to finances ikaw pa rin ang responsibilidad ng asawa mo rito at dahil inasawa ka niya or let me say kahit inanakan ka lang niya, IKAW ANG PRIORITY rito tapos nagkaanak pa kayo kaya dapat lang magdemand ka ng pera sa asawa mo. Kung nauubos ang pera ng asawa mo dahil sayo DAPAT LANG MAY KARAPATAN KA RUN ikaw asawa eh! Mas dapat pa nga magreklamo ka na nauubos pera ng asawa mo dahil sa mga biyenan mo eh! In reality masakit man pakinggan hindi naman responsibilidad ng asawa mo yung magulang niya eh! And actually may thread na dyan regarding sa topic na yan so I don't have to elaborate more regarding that topic.
Regarding naman sa pagpapalaki ng anak mo you mentioned na pinapakain mo ng cerelac ang anak mo then I myself would tell you na I won't recommend that as well, malaking advantage na pakainin mo ng fresh vegetables and fruits ang anak mo at doon mo siya sanayin. This is to avoid being picky eater at masanay siya sa healthy foods.
Pagsisimba ba kamo? Ano ba saysay nun sa kanila mismo yang religious practices na yan kung wala naman silang spiritual maturity? Hindi ba dapat sa pagsisimba nakakabawas na ng pagiging negative at mainitin ang ulo? Hayaan mo na silang magalit to the highest level kung nilalabas mo na pero hindi mo naisisimba. Nagkakasakit kapag nilalabas? KALOKOHAN YAN nasa pag-aalaga pa rin yan. 1 year old nung napabinyagan ko na yung anak namin pero baby pa lang ang lalayo na ng narating nyan at hindi ko pa madalas maisimba pero I tell you never na never siyang nagkasakit at never kaming nagkaproblema run. Nilalagnat normal yun kasi nagngingipin siya habang lumalaki pero never nangyari na na-ospital yung bata.
Kasi before nagmuka na ako masama sa mga kamag anak nya di ko kasi alam na nalubog sya sa utang ang alam ko lang na utang nya is un operation ng dad nya..
Wala ka na dapat pakialam kung ano iisipin nila sayo, problema na nila yan basta dapat gawin mo ang karapatan niyo sa pag-aasawa at pagpapamilya niyo. Sabihin mo sa asawa mo humingi ng tulong sa PCSO hindi yung siya gagastos. Tapos sabihin mo rin sa asawa mo pagsabihan niya tatay niya tama na pagiging basag ulo para hindi magkasakit at hindi rin nauuwi sa operation.
Baka daw mag asawa ako ng iba gaya ng gnawa ng mom nila.
Hindi na ako magtataka kung bakit nag-asawa ng iba mom nila kung ganyan pagkatao ng tatay nila.
Problem ko pano ko makakawala sa sitwasyon na ito 9months na ako dito. Di ko na talaga kaya..
MAG ASSERT KA! that is the only best way. I tell you yan ang ginawa ko kaya ang paninirahan ko umabot lang ng taon pero yung topak ng Lola ng asawa ko towards me umabot lang ata ng kalahating taon yun.
Lalot ngayon na naconfirm ko na sinabi ng pinsan nya na ayaw sakin pati mga tita at kapatid nya.
Ayawan mo rin sila at huwag kang magplease. Sabihin mo sa kanila na pinagdudusahan mo rin lang sila.
Lalot sinabi din ng hubby ko na oras meron ako makatalo sa pamilya nya iiwan daw nya ako at kukunin ang anak ko. Syempre ayaw ko naman non kaya ako na lang nagtitiis kaso di ko alam gang kelan ko mattiyaga un.
Nag-init talaga ulo ko rito sa statement na ito which is feeling ko sinampal na ako talaga rito. Yun nga lang pagtatanggol ng asawa ko tungkol sa Lola niya hindi ko na maatim ito pa kaya? Sabihin mo sa kanya eh di PAKASALAN MO pamilya mo lalo na yang Tatay mo kung gusto mo silang protektahan.
Alam mo sa totoo lang parang hindi mo siya asawa kundi kakompetensya mo sa buhay. Tumitira ka sa mga buwaya at isa rin ang asawa mo na ang masaklap katabi mo sa pagtulog. Sige pumayag ka na sa deal na ikaw ang kumayod kapag nagrent or nagbukod kayo pero ito ang sasabihin ko sayo DAPAT IKAW NA ANG REYNA hindi ka na dapat kontrolado ng asawa mo at ng pamilya niya. Pamukha mo sa kanya yan ng paulit ulit na bahay mo yan.
Anong hindi valid reason yung na stress at nadepress ka na?

VALID YAN! ako nga sinabi ko sa asawa ko magkakasakit na ako dyan sa Lola niyang topak eh!
puwede mo rin ipalabas na bibisita ka muna sa parents mo kasama si baby, then wag ka na bumalik.
Ito ginawa ko noon tapos nakikipag away na ako sa husband ko over the phone. Pinipilit niya akong bumalik pero ininsist ko talaga na ayaw ko na sa Lola niya. In the end yung hubby ko na ang tumitira dito until now. Lalo na ngayon mas pabor pa sa work niya.
halsimkarim ito sasabihin ko sayo, dati dati nung una akong tumira kina hubby, pa martyr, humble and tiis effect ako nun. Kasi ba naman ang bango bango ng sinasabi ni hubby about her Lola kahit na ba ako mismo may duda na sa Lola niya kasi nakikita ko na yung pagiging basagulera niya. Just back read marami na rin akong naipost rito. Buntis ako nung pinagdudusahan ko rin yang Lola niya at sumakit ang sikmura ko sa mga verbal abuse niya kahit na hindi towards sa akin yung pananalita niya. Nakipag-away talaga ako ng matindi sa hubby ko tungkol sa Lola niya na hindi na makatarungan mga ginagawa niya. Nakiusap ang hubby ko sa Lola niya kaya yung topak niya hindi na napupunta sa akin kundi kadalasan kay hubby at sa Tito niya which is yung anak nitong Lola. Umayos na yung pakikitungo niya at hindi na nakikipag away ang Lola na ito pero minsan nauulit. Umabot rin sa point na sinabihan ko asawa ko na pasalan na lang niya Lola niya. Kapag nagrarant ako about sa Lola niya he is just listening kasi nagsawa na rin siyang kakatanggol. I gave a huge warning to my husband regarding his mother lalo na for a fact na kasal na kami at hindi pa niya alam since nakapetition si hubby. So expected ako rin ang target nitong mother at sinabi ko na rin sa hubby ko 2 ang kalaban ko sa pamilya niya. Habang ako handa na ako sa mother niya si hubby handa na rin siya ayusin ang situation para hindi magkaroon ng conflict.
Inayawan ako ng Lola at Nanay niya for the lame reason kasi ayaw raw nila itsura ko samantalang sila mga lapitin ng mga lalake noong araw. I told my hubby ang babaw nila and for real they are not pretty as beauty queens, they don't have that aura feeling naman nila. Lalo na sa Nanay ni hubby sabi ko pang night club or beerhouse naman yung beauty niya. Siempre nag react si hubby saka niremind niya sa akin na nakuha rin nya yung features ng baby namin kaya wag raw akong ganyan. Tapos I told my hubby my mom even asked me baka naman nag GRO noon mom niya. Kasi nga itong Lola puro kwento mga lapitin sila ng mga lalake at mga high profile kuno pa.
When hubby is planning na bumisita ang Lola niya on our baby's 2nd bday, I gave him a huge warning too na umayos siya sa pamamahay namin at huwag siyang akala mo kung sino as what she did during the pamamanhikan. I told him matuto yang Lola mong mahiya sa pamilya ko.
In the end rin naman, her Lola learned to respect my decision lalo na nung last year's party, when I say no it is really a no. Alam ng Lola niya na ayaw akong pinapakialaman ako so chances are hindi na niya ginawa.
Kaya ngayon sinasabi ko sayo ACT NOW! dahil kahit ang mismong asawa mo hindi mo kakampi. Seems that anak mo na lang ang pag-asa mo. If you need to be a single mom then DO IT! kesa naman kasama mo asawa mo tapos ang utak niya puro sa pamilya lang niya eh di sana hindi ka na lang niya pinakasalan.
Ito ang naipost ko sa facebook page ko just read it
https://gyazo.com/2e4d41520a09147a552e03e80abe2607