Author Topic: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?  (Read 92339 times)

heykath

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #480 on: March 12, 2016, 04:11:51 pm »
I am living with my in-laws, pero thank God they're not monsters-in-law.
Madalas din kase nasa room lang ako. They never ask me to do anything nga eh.
Ako na nahihiya kase feeling ko wala akong silbi :P
Minsan pag nag-huhugas ako ng pinggan babawalin pa ako at sila na daw ang bahala. :P

Although we actually have my mom's home for ourselves kaso medyo malayo sa work kaya pag AM shift ako dito kami sa in-laws ko mas malapit kase, eh 7pm pa ang uwian ko.

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #481 on: March 13, 2016, 09:59:26 am »
^You are lucky enough for that, magkukusa naman tayo kahit hindi diktahan eh! Saka tayo naman ang mahihiya. Nakakawalang gana lang kapag diniktahan ka. Dati nga naghugas ako ng dishes, ang lakas ng loob na bulyawan ako nitong Lola na mali raw ginagawa ko, abah! nakakairita kasi hindi naman ako namamasukan sa kanya and one more thing mali pa magturo. Mula nun hindi ko na talaga siya sinunod.

halsimkarim

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #482 on: April 13, 2016, 03:32:22 pm »
Hi hinanap ko talaga itong thread na ito para look for some advice. I am living with my in-laws sa bahay ng husband ko. Lahat ng kapatid is babae and ok naman. Kaso ang hirap lang pati sa father-in-law ko sobrang mainitin yung ulo actually ilag ako sa kanya kasi natrauma ako mga sis. Naduruduruan na ako non eh. Kala ko ok lang at kaya ko kalimutan kaso hindi kasi second time napahiya naman ako sa harap ng kapatid ko na bisita ko sa bahay nila napagtaasan nya ako ng boses. Now, last year after ko manganak nag away kami ng hubby ko. Un hubby ko medyo tulad ng dad nya kasi broken family sila. So nagagalit un dad nya pag nag aaway kami. naiintindihan ko naman kaso parang ako un may kasalanan lagi. Expected ko na yun kasi ako un sampid. Ilang beses ko na gusto umuwi sa bahay namin kaya lang tuwing ibbrought up ko nagagalit un asawa ko. Ang ayaw ko kasi sa house di ako makakilos baka mabasag ko un baso mapagalitan ako ganon. Di pa naman ako sanay sa ganon kasi di ganon un parents ko sa akin. Masakit pa nito is wala kahit may anak na kami may work ako di ako nahingi sa asawa ko kahit singko kasi sinasabi ng family nya nauubos un pera ng asawa ko kasi sa akin napupunta. Pero sa akin ok lang un.. pero ang pinaka masakit sa akin pinapakielaman un pagpapalaki ko sa anak ko. Bumili ko ng cerelac pero gusto ni MIL wag daw yon so bumili ng fruits. Then, 1 month pa lang kasi si baby di ko sinasama pag magsimba. Nagalit din un biyanan ko kasi puro lang daw labas di daw sinisimba un bata. Sabi kasi ng kapatid ko na may mga anak na din wag daw muna ilalabas gang mag 4 months kasi sakitin pa. So ginwa namin sinama namin magsimba. Ngkasakit nagka ubo pero ang sinabi naman ng biyana ko nilalabas daw kasi namin. 3 months na anak ko non may mittens pa din. Sabi ko un anak ng kapatid ko wala na mittens after 1 month kaya tinangal ko. So ni-question nila bakit ko daw tintangal kaya daw tuloy ngkakamot ng muka. Ang hirap kasi sila never ngkaroon ng baby sa bahay. Ako kasi palaki ko din mga pamangkin ko na dalawa non dalaga pa ako. Ang hirap ng situation ko kasi kahit gusto ko umalis ayaw ng asawa ko nauuwi kami sa away. Parang di ko na kasi kaya magstay sa biyanan ko eh.. parang nadedepress na ako di ko na kaya....

j.adore

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #483 on: April 13, 2016, 07:07:35 pm »
Sorry to hear this.. Ano ang reason ng husband mo bakit ayaw niya bumukod kayo?

halsimkarim

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #484 on: April 13, 2016, 10:18:32 pm »
^di pa kasi kakayanin sis.. dahil lahat ng sweldo sa gastusin and utang lang nappunta. Un husband ko nga naglilihim ng mga finances nya.. masakit lang sakin kahit may anak na kami ok lang sakin kahit kanya kanya kami pero un naglilihim sya ayaw ko. Kasi before nagmuka na ako masama sa mga kamag anak nya di ko kasi alam na nalubog sya sa utang ang alam ko lang na utang nya is un operation ng dad nya.. 
Ang gusto ni hubby ok lang daw bumukod kami basta ako magbabayad. Di ko din naman kakayanin pa. Kaya sabi ko mag abroad na lang ako at ipapadala un pera. Baka daw mag asawa ako ng iba gaya ng gnawa ng mom nila. Problem ko pano ko makakawala sa sitwasyon na ito 9months na ako dito. Di ko na talaga kaya..

halsimkarim

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #485 on: April 13, 2016, 10:44:29 pm »
Gusto ko nga sana mga sis makipaghiwalay na lang sa husband ko. Di talaga kami in good terms ng dad nya. Lalot ngayon na naconfirm ko na sinabi ng pinsan nya na ayaw sakin pati mga tita at kapatid nya. Dahil ako un napangasawa kaya parang tinangap na lang. Mahirap talaga tumira sa iisang bahay. Di lang MIL ang problem kahit ang father in law problem din. Napaka maldito ng biyanan ko kahit pamagkin nya sinasabihan ang yaya ko na mainitin ang ulo. Natatakot ako na di ko na kayanin at masagot ko na sya. Lalot sinabi din ng hubby ko na oras meron ako makatalo sa pamilya nya iiwan daw nya ako at kukunin ang anak ko. Syempre ayaw ko naman non kaya ako na lang nagtitiis kaso di ko alam gang kelan ko mattiyaga un.
« Last Edit: April 13, 2016, 10:48:53 pm by halsimkarim »

sarsingkit

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #486 on: April 13, 2016, 11:01:49 pm »
Lalot sinabi din ng hubby ko na oras meron ako makatalo sa pamilya nya iiwan daw nya ako at kukunin ang anak ko.

Isn't this borderline abusive? I don't think I can put up with someone who gives threatening words such as these. I understand may anak kayo pero it is time to put your foot down. Umuwi ka muna sa inyo. Napakadami ng stresses sa buhay at sa mundo, the last thing you want is to be stressed dahil ayaw mo sa bahay na inuuwian mo. Ang hirap kaya nun. 

SARAHnghae

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #487 on: April 14, 2016, 04:36:57 am »
halsimkarim - is your husband aware sa ginagawa sayo ng inlaws mo? and does he know how you feel towards his family? how is he reacting to all of these?
obviously mas kinakampihan nya ang pamilya nya kahit na mali sila. to think na kaya ka nyang iwan para sakanila.
pag-usapan niyong mag-asawa yung sitwasyon. kung ayaw nya makinig, well, ako lalayas na ko.

momentum

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #488 on: April 14, 2016, 07:51:55 am »
mahirap talaga makisama sa inlaws, been there, done that.

halsimkarim, lahat na ata ng dahilan to think twice about your marriage is anjan na sa harap mo.
from what I understood sa posts mo, he doesn't help you financially sa baby nyo? kasi nililihim niya finances and he even threatened you na kung magbubukod kayo, ikaw magbabayad. like, wtf? alam kasi niya hindi mo kakayanin kaya yun lang yung choice na binigay niya para "pumayag" kuno na bumukod. obviously sis, he doesn't want to leave, he wants you guys to stay there for good.

I'm sure alam ng husband mo how your inlaws treat you, kaya nga sinabi niya na oras na makipag away ka sa kanila eh iiwanan ka na niya. another wtf...mas mahalaga sa kanya family niya kesa sayo..masakit pero yan pagka gets ko sa kwento mo.

then another issue nanaman is that he doesn't want you to leave..ano yan, house arrest?! if I were you sis, kapag talagang desidido ka na umalis, magpasundo ka sa parents mo! don't let your husband know anymore, baka kung ano pa magawa niya sayo kasi he is showing signs of abusiveness. does your parents know about this? if not, then it is time to let them know if desidido ka na talaga umalis diyan but you feel helpless. let them help you. walang mangyayari sayo diyan kung di ka gagawa ng aksyon. since hindi mo kaya mag-isa, then its time to ask someone's help. or puwede mo rin ipalabas na bibisita ka muna sa parents mo kasama si baby, then wag ka na bumalik.

pero before you do anything, try 1 more time to talk to your husband heart to heart. i-timing mo na hindi mainit ulo or pagod..talk in a malabing way and don't fight with him. ilabas mo lahat ng sakit and say na you cannot live like this..you know you cannot change your father in law, he is what he is..so it's either magtitiis ka jan until maloka ka, or bumukod na kayo and magtulungan sa gastos coz that's what husbands and wives do. ask him bakit ayaw niya bumukod? tell him sana naman isipin niya rin situation mo and that if he is the one experiencing all this kakayanin ba niya?. basta try one more time to get your message across. kung pumalag uli or doesn't even hear you out, then ayan na sagot mo. alam mo na dapat mong gawin.

as for your father in law..wala ka na talaga magagawa sa kanya. and while you are under their roof, sila talaga pagpapasensyahan mo. I know mali ginagawa nila and all, pero just try not to get in their way..try to extend more patience and just keep your silence..until makaalis ka diyan. mahirap na kung makipag away ka, hindi mo pamamahay yun and walang kakampi sayo, so don't put yourself in harm's way. iwasan mo sila hanggat maari. play your cards well. you and your kid's safety is the most important thing.


p.s: more than anything, prepare yourself to be financially independent. sana nagtatabi ka na ng money for emergencies/future should this marriage go down the drain. Do not let him know.
« Last Edit: April 14, 2016, 07:56:39 am by momentum »

halsimkarim

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #489 on: April 14, 2016, 10:53:27 am »
Yes sis andon sya non napagtaasan ako ng boses ng dad nya. Pag akyat sa kwarto umiyak talaga ako sabi ko yan un ayaw ko sa dad mo napaka mainitin ng ulo. Un hubby ko un humingi ng pasensya kaya tinanggap ko and admitted naman sila magkakaptid na mainitin ulo ng dad nila. Sabi ng pinsan nya naging ganon daw un dahil niloko ng mom nila tas nag asawa ng iba and un mga letter ng mom nila sa dad nila is puro hatred. Alam ko di nya ako gusto kasi before mag BF pa lang kami ni hubby. Ang sinasabi na lang nila sakin is wag ko daw pansinin normal lang daw un. Pero un point ko kasi mahirap eh sila sanay sa ganon ako hindi ayaw ko ng napapahiya ako lalot may ibang tao. Wala syang boundary kahit sakin. Kinausap ko husband ko tuwing paguusapan namin un pagbubukod nagaglit sya paulit ulit daw kasi ako at paulit ulit lang din un sinsagot nya if rent ako magbayad. pagumuwi sa amin di nya ako tutulungan sa gastusin. breadwinner din kasi ako sa family ko. 2 lang kami magkaptid ang gumagastos. So prang better option is to have our own house or magrent pero ayun nga ako un dapat kumayod. :( Actually sinabi ko if pwede umuwi na muna ako samin kasi nasstress and depress na ako sa bahay. For him di un valid reason, dapat kasama sya at anak ko then un end ng usapan di nya ako mahehelp sa gastusin sa bahay. Ang hirap mga sis nagiisip nga ako ano ang gagawin ko  :'( lumapit ako sa kaptid ko pero ayaw nila manghimasok kasi buhay asawa ko daw ito. Pakiramdam ko Im hopeless  :'(

duhyan

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #490 on: April 18, 2016, 05:59:18 pm »
Currently living with the in laws...and wants to move out!  ::)

ri-anne

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #491 on: April 20, 2016, 04:01:32 am »
^^sis halkimsarim *hugs* nakakainis yang hubby mo. I suggest umalis na muna kayo ng baby mo dyan ASAP. Eh ano kung sabihin nya hindi valid sa kanya? Ibig sabihin okay lang sa kanya na ginaganyan ka ng ama niya?!  Dapat nga pinagtatanggol ka nya from him eh.
The longer you stay there, the more you'll be immune to it and eventually, numb ka na at masasanay ka ng ginaganyan ka. Yun ba gusto mong mangyari?
You always have a choice. He doesn't own you. You can leave if you want to kahit ayaw nya. Love yourself and your kid more.

Hehe sencia na masyado akong nadadala sa bugso ng aking damdamin ;D



Anyway, regarding the topic, my in-laws are okay naman. But it's really a good thing nakabukod kami. Mas feel namin talaga ang pagiging mag-asawa and my husband really feels like he is the head of the family, the leader of the household. And as the wife, siempre iba talaga pag sarili nyong bahay walang pakelam ang in-laws diba. ;D
As the saying goes, there can't be two tigers in one mountain. Or, there can only be one queen...etc etc

Good luck mga sis kaya nyo yan! Fighting!


Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #492 on: April 20, 2016, 05:21:16 pm »
halsimkarim nakakarelate ako sayo pero while reading your post hindi ko kinaya ang situation mo at kahit nagbabasa palang ako parang halos hihimatayin na talaga ako rito. I can say I am still far lucky to be compared with your situation. There are already too many red flags sa situation mo in which I can say it is really time for you TO GO OUT of their house. Teka kasal na ba kayo? I will really tell you straight to the point each of your statement.

It is true na literally nakikitira ka with your husband but please don't ever ever call yourself as sampid because the truth is you are NOT sampid. Bakit? Eh gusto naman ng asawa mo na tumira ka dyan kasama niya eh! Bilang lalake, asawa, at ama ng anak mo RESPONSIBILIDAD KA! ng asawa mo at KARGO ka niya not unless kung ang relationship story niyo is ikaw mismo nagpumilit na makipagrelasyon sa asawa mo noon kahit hindi ka niya gusto and if that was the case then ako mismo masasabi ko na sampid ka nga lang talaga dyan. But then again it boils down to the point na inasawa ka pa rin niya and he must be willing to take responsibility sa pagpapamilya niya. Kaya magpakalalaki siya dyan. Dahil naman siempre ASAWA KA! understood na parte ka na ng pamilya nila at dahil dyan you have all the privilege to demand RESPECT from all of them lalo na sa mga biyenan mo. Hindi excuse ang pagiging gurang nila para ikaw lang ang rumespeto sa kanila. They should also EARN it from you kahit na ba ikaw lang ang panibagong salta na tumira dyan. Ang mga namamasukan ngang helpers makakapal na mga mukha ngayon at mayayabang pa samantalang binabayaran naman sila pero ikaw asawa ka at hindi ibang tao, I tell you may karapatan kang maging confident sa ikikilos mo kahit na literally hindi mo bahay yan. Ano trato sayo ng asawa mo? babae lang na dinala dyan?

When it comes to finances ikaw pa rin ang responsibilidad ng asawa mo rito at dahil inasawa ka niya or let me say kahit inanakan ka lang niya, IKAW ANG PRIORITY rito tapos nagkaanak pa kayo kaya dapat lang magdemand ka ng pera sa asawa mo. Kung nauubos ang pera ng asawa mo dahil sayo DAPAT LANG MAY KARAPATAN KA RUN ikaw asawa eh! Mas dapat pa nga magreklamo ka na nauubos pera ng asawa mo dahil sa mga biyenan mo eh! In reality masakit man pakinggan hindi naman responsibilidad ng asawa mo yung magulang niya eh!  And actually may thread na dyan regarding sa topic na yan so I don't have to elaborate more regarding that topic.

Regarding naman sa pagpapalaki ng anak mo you mentioned na pinapakain mo ng cerelac ang anak mo then I myself would tell you na I won't recommend that as well, malaking advantage na pakainin mo ng fresh vegetables and fruits ang anak mo at doon mo siya sanayin. This is to avoid being picky eater at masanay siya sa healthy foods.

Pagsisimba ba kamo? Ano ba saysay nun sa kanila mismo yang religious practices na yan kung wala naman silang spiritual maturity? Hindi ba dapat sa pagsisimba nakakabawas na ng pagiging negative at mainitin ang ulo? Hayaan mo na silang magalit to the highest level kung nilalabas mo na pero hindi mo naisisimba. Nagkakasakit kapag nilalabas? KALOKOHAN YAN nasa pag-aalaga pa rin yan. 1 year old nung napabinyagan ko na yung anak namin pero baby pa lang ang lalayo na ng narating nyan at hindi ko pa madalas maisimba pero I tell you never na never siyang nagkasakit at never kaming nagkaproblema run. Nilalagnat normal yun kasi nagngingipin siya habang lumalaki pero never nangyari na na-ospital yung bata.

Kasi before nagmuka na ako masama sa mga kamag anak nya di ko kasi alam na nalubog sya sa utang ang alam ko lang na utang nya is un operation ng dad nya.. 

Wala ka na dapat pakialam kung ano iisipin nila sayo, problema na nila yan basta dapat gawin mo ang karapatan niyo sa pag-aasawa at pagpapamilya niyo. Sabihin mo sa asawa mo humingi ng tulong sa PCSO hindi yung siya gagastos. Tapos sabihin mo rin sa asawa mo pagsabihan niya tatay niya tama na pagiging basag ulo para hindi magkasakit at hindi rin nauuwi sa operation.

Baka daw mag asawa ako ng iba gaya ng gnawa ng mom nila.
Hindi na ako magtataka kung bakit nag-asawa ng iba mom nila kung ganyan pagkatao ng tatay nila.

Problem ko pano ko makakawala sa sitwasyon na ito 9months na ako dito. Di ko na talaga kaya..

MAG ASSERT KA! that is the only best way. I tell you yan ang ginawa ko kaya ang paninirahan ko umabot lang ng taon pero yung topak ng Lola ng asawa ko towards me umabot lang ata ng kalahating taon yun.

Lalot ngayon na naconfirm ko na sinabi ng pinsan nya na ayaw sakin pati mga tita at kapatid nya.

Ayawan mo rin sila at huwag kang magplease. Sabihin mo sa kanila na pinagdudusahan mo rin lang sila.

Lalot sinabi din ng hubby ko na oras meron ako makatalo sa pamilya nya iiwan daw nya ako at kukunin ang anak ko. Syempre ayaw ko naman non kaya ako na lang nagtitiis kaso di ko alam gang kelan ko mattiyaga un.

Nag-init talaga ulo ko rito sa statement na ito which is feeling ko sinampal na ako talaga rito. Yun nga lang pagtatanggol ng asawa ko tungkol sa Lola niya hindi ko na maatim ito pa kaya? Sabihin mo sa kanya eh di PAKASALAN MO pamilya mo lalo na yang Tatay mo kung gusto mo silang protektahan.

Alam mo sa totoo lang parang hindi mo siya asawa kundi kakompetensya mo sa buhay. Tumitira ka sa mga buwaya at isa rin ang asawa mo na ang masaklap katabi mo sa pagtulog. Sige pumayag ka na sa deal na ikaw ang kumayod kapag nagrent or nagbukod kayo pero ito ang sasabihin ko sayo DAPAT IKAW NA ANG REYNA hindi ka na dapat kontrolado ng asawa mo at ng pamilya niya. Pamukha mo sa kanya yan ng paulit ulit na bahay mo yan.

Anong hindi valid reason yung na stress at nadepress ka na?  ??? VALID YAN! ako nga sinabi ko sa asawa ko magkakasakit na ako dyan sa Lola niyang topak eh!

puwede mo rin ipalabas na bibisita ka muna sa parents mo kasama si baby, then wag ka na bumalik.

Ito ginawa ko noon tapos nakikipag away na ako sa husband ko over the phone. Pinipilit niya akong bumalik pero ininsist ko talaga na ayaw ko na sa Lola niya. In the end yung hubby ko na ang tumitira dito until now. Lalo na ngayon mas pabor pa sa work niya.


halsimkarim ito sasabihin ko sayo, dati dati nung una akong tumira kina hubby, pa martyr, humble and tiis effect ako nun. Kasi ba naman ang bango bango ng sinasabi ni hubby about her Lola kahit na ba ako mismo may duda na sa Lola niya kasi nakikita ko na yung pagiging basagulera niya. Just back read marami na rin akong naipost rito. Buntis ako nung pinagdudusahan ko rin yang Lola niya at sumakit ang sikmura ko sa mga verbal abuse niya kahit na hindi towards sa akin yung pananalita niya. Nakipag-away talaga ako ng matindi sa hubby ko tungkol sa Lola niya na hindi na makatarungan mga ginagawa niya. Nakiusap ang hubby ko sa Lola niya kaya yung topak niya hindi na napupunta sa akin kundi kadalasan kay hubby at sa Tito niya which is yung anak nitong Lola. Umayos na yung pakikitungo niya at hindi na nakikipag away ang Lola na ito pero minsan nauulit. Umabot rin sa point na sinabihan ko asawa ko na pasalan na lang niya Lola niya. Kapag nagrarant ako about sa Lola niya he is just listening kasi nagsawa na rin siyang kakatanggol. I gave a huge warning to my husband regarding his mother lalo na for a fact na kasal na kami at hindi pa niya alam since nakapetition si hubby. So expected ako rin ang target nitong mother at sinabi ko na rin sa hubby ko 2 ang kalaban ko sa pamilya niya. Habang ako handa na ako sa mother niya si hubby handa na rin siya ayusin ang situation para hindi magkaroon ng conflict.

Inayawan ako ng Lola at Nanay niya for the lame reason kasi ayaw raw nila itsura ko samantalang sila mga lapitin ng mga lalake noong araw. I told my hubby ang babaw nila and for real they are not pretty as beauty queens, they don't have that aura feeling naman nila. Lalo na sa Nanay ni hubby sabi ko pang night club or beerhouse naman yung beauty niya. Siempre nag react si hubby saka niremind niya sa akin na nakuha rin nya yung features ng baby namin kaya wag raw akong ganyan. Tapos I told my hubby my mom even asked me baka naman nag GRO noon mom niya. Kasi nga itong Lola puro kwento mga lapitin sila ng mga lalake at mga high profile kuno pa.

When hubby is planning na bumisita ang Lola niya on our baby's 2nd bday, I gave him a huge warning too na umayos siya sa pamamahay namin at huwag siyang akala mo kung sino as what she did during the pamamanhikan. I told him matuto yang Lola mong mahiya sa pamilya ko.

In the end rin naman, her Lola learned to respect my decision lalo na nung last year's party, when I say no it is really a no. Alam ng Lola niya na ayaw akong pinapakialaman ako so chances are hindi na niya ginawa.

Kaya ngayon sinasabi ko sayo ACT NOW! dahil kahit ang mismong asawa mo hindi mo kakampi. Seems that anak mo na lang ang pag-asa mo. If you need to be a single mom then DO IT! kesa naman kasama mo asawa mo tapos ang utak niya puro sa pamilya lang niya eh di sana hindi ka na lang niya pinakasalan.

Ito ang naipost ko sa facebook page ko just read it
https://gyazo.com/2e4d41520a09147a552e03e80abe2607

crzysxycl

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #493 on: April 21, 2016, 09:20:42 pm »
Sis halsimkarim, mahirap talaga pag malayo ang ugali ng mga biyenan mo sa magulang mo. I've been in the same situation, wala ako napalang maganda. Naranasan ko nung unang sigawan ako ni MIL, kahit sa office umiiyak ako. Noon kasi hindi ako lumalaban, hinahayaan ko lang hanggang sa lumala ng lumala ginagawa sa akin. Ang paniniwala ko kasi, kahit masama sa iyo ang tao, pag pinakitaan mo ng maganda marerealize nya yung mga mali nya. Pero hindi ito applicable sa biyenan at SILs ko. Nung maghasik ata si satanas ng sama ng ugali, sinalo nila lahat. Ayaw din ng asawa ko umalis sa kanila noon, pero kahit sya naman din kasi nakikita ugali nila. Yes, nandon pa rin yung feeling nya na "pamilya" nya yon, pero hindi na kasi yun ang point lalo pa may asawa na sya. Tayong wife na dapat ang priority, hindi naman ibig sabihin non pababayaan na nya family nya. Ang kitid lang ng utak kasi ng ibang inlaws. Nakakalungkot, medyo natagalan kami ng alis, took me 3 yrs bago tuluyang nakalayas sa impyerno. Ang pinaka pangit na naging effect sa akin, kung ano ano tumubong cyst sa akin na dati namang wala ako, wala rin sa lahi namin. Sabi ng doctor, stress is one of the factors kung bakit. I was once hospitalized din (ito yung last) dahil sa galit ko sa MIL ko, nahirapan ako huminga. Natakot ako kasi hindi ko alam kung bigla nalang ako madeads. Sayang naman ang buhay ko diba kung madeads lang ako dahil sa mangkukulam na yon at ang saklap naman na mauna pa ako mamatay sa kanya. Alam ko hanggang sa mismong araw ng pag alis namin doon, hesitant ang asawa ko kasi naiisip nya pa rin na matanda na ang mom nya. I told him kung ayaw nya umalis, ako nalang ang aalis. No hard feelings. I was really willing to do it, kahit pa magkita nalang kami at dalaw dalawin nalang nya ako sa amin basta makalayas lang ako sa kanila kasi HINDI KO NA TALAGA KAYA. It might happen to you sis or sorry to say baka worst pa. Wag mo na hintayin lumaki yung issue, MOVE OUT. You have your family naman din so meron pa rin tutulong sa iyo. If your husband refuses to give you your baby, ask your family for help. Pamilya sa pamilya nalang mag usap, mas mabuti nga yung malaman ng family mo kung anong buhay ang meron ka dyan sa puder ng inlaws mo.
« Last Edit: April 21, 2016, 09:24:04 pm by crzysxycl »

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #494 on: April 21, 2016, 10:07:43 pm »
Good thing in my case never kong pinag-aksayahan ng luha o never kong iniyakan yang biyenan na yan pero sa totoo lang kamuntikan ko nang murahin talaga, sumakit ang sikmura ko habang buntis ako. May pinagpipilitan pa siyang ipagawa sa akin na ikamamatay pala ng baby ko yun. Dahil over confident siya sa paglalatin niya na nakakagaling raw siya ng mga may sakit, nilalait naman niya mga doctor. Samantalang na try ko na rin sa kanya yang ganyan ang sasabihin lang pala niya nausugan raw ako.  >:( Hay nako! Pati magulang ko naweirdohan sa kanya.

halsimkarim Kung ako lang Nanay mo nakipag-away na ako sa asawa mo and worst case pati pamilya ng asawa mo hinarap ko na lalo na kapag sobra na. Hubby ko nung dati pinapatahimik niya ako sa situation ko sa Lola niya kasi siya naman ang natatakot na ano na lang raw ba sasabihin ng Nanay ko? As I mentioned in earlier post and other thread, ayaw ng hubby ko yung idea na siya ang titira sa amin. Pero in the end tanggap ng hubby ko na nagsalita ako sa Nanay ko tungkol sa attitude ng Lola niya at yung mga comments. Yet mali iniisip niya about sa pagtitira niya sa amin in fact mas gusto ng Nanay ko na kaming family ang tumira dito sa bahay. Kapag naglolokohan kami dahil nagrereklamo si hubby sa init ng kwarto ko sinasabi ko parati mas hindi ko kaya yung init at bigat ng dugo ko kapag andun Lola mo. Ito sobrang harsh ito pero nasabi ko rin sa hubby ko na kapag yung Nanay niya may ginawa sa aking hindi maganda hindi na ako magdadalawang isip na baka masapak ko na. Wala na akong pakialam sa sasabihin sa akin ni hubby at ibang mga tao kahit na ba in the end ako masama pero ang pasensya ko ay may limitasyon lang rin. Hubby understands how I feel at siya mismo nagsalita rin na kapag may ginawa ang Nanay niya sa pamilya niya which is of course kami ni baby yun, siya mismo maglalayo sa apo niya at hindi na nila makikita anak namin. Saka yung sinabi ko na makakatikim sa akin binalewala lang niya but he understands what I mean at lalong ayaw niyang umabot sa ganun.

ri-anne

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #495 on: April 22, 2016, 12:32:27 am »
Re-posting this link from a few pages back...

Leave and Cleave..
http://www.relationshipmatters.ph/2014/11/leave-and-cleave/

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #496 on: April 22, 2016, 07:37:39 am »
^Thanks for the link again I read it already

This is exactly my point

But if a wife feels her “In-Laws” are the priority of her husband, she then, can turn into your WORST ENEMY.

Again kung ang asawa ay sobrang guilty sa utang na loob at hindi niya maiwan ang magulang niya tapos ikaw kokonsensyahin ka pa, more so balewala lang sa kanya yung ginagawa sa inyo ng magulang ng asawa niyo,  again ang masasabi ko rito pakasalan niya magulang niya.

I asked my husband already kung gusto ba niya mangyari sa daughter namin yung ginawa sa akin ng Lola niya? Ang sagot niya HINDI!

ri-anne

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #497 on: April 24, 2016, 07:04:14 am »
Yeah nabasa ko na rin yun lots of times and it's realy an eye opener. Really a good read to those who haven't read it yet.

 I also agree dun sa 3 Rewards mentioned in the posts.
1. Stronger Husband Leadership
2. More Secure & Prioritised Wife
3. Discover Your Unique Road

Proven yang 3 sa aming mag-asawa :) and especially the third one. Hubby ko lang ang umalis sa bahay nila, at eto nga we've been reaping something miraculous that he never thought was possible or even dreamed of when he was in their family home.

Nung naging mag-asawa at nagsarili kami, i'm his #1 cheerleader (no.2) and it of course boosted his esteem as the team captain (no.1) at ayun nahawa sya sa dreams ko and we are dreaming and living our dreams together in Canada with our own family na (as husband and wife and our kids) (no.3) .

kim28

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #498 on: April 25, 2016, 11:28:47 am »
Advise lang magsarili kayo

Nasira marriage ko isa sa reason MIL ko ok naman kami before na nasa province syapero nung lumipat sila malapit sa house namin ni husband lahat na lang nakikita nya lahat ng sulsol nagawa nya lahat na ng mali ko sinilip nya ayun hiwalay na ako ngayon.

Alam ng MIL ko na nambabae ang asawa ko sya pa taga load ng yaya phone 3 months na wala pa akong kaalam alam.  kinunsinti nya talaga sobrang sakit pero wala naman ako magagawa.


Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #499 on: April 25, 2016, 12:26:48 pm »
Good move  ;) kapag hindi ka gusto ni MIL pero pinaglalaban ka ng sarili mong partner I believe the relationship itself will strongly work pa. Pero kapag both ay tagilid that is already a sign.

Ito lang ang uulitin ko sabihin rito, always let your partner know mga kalokohan na ginagawa sa inyo ng magulang nila. Kapag binalewala ito ng partner niyo aksyon na! Unfair yung situation na kapag magulang nila nagsalita at kahit sa maliit na bagay lang ikaw agad ang aawayin.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close