watch now

Author Topic: Everything Shih Tzu - Thread 9  (Read 179786 times)

babykat

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #240 on: December 03, 2014, 04:59:52 pm »
^It's available sa Vet Clinic and also at True Value stores.  It's around 350 to 400 per bottle pero madami naman sya.

fizzifinfun

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #241 on: December 14, 2014, 08:57:08 pm »
mga sis may vaccine ba ng anti galiz mga tzu nyo? sabi kasi ng vet maganda daw yun..  :-\

minabey

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #242 on: December 30, 2014, 01:09:55 pm »


^babykat

Hi! Thanks for the advice  ;) We stopped using human conditioner na... Btw, where can we buy Pepe Karno and how much?

TIA!

^It's available sa Vet Clinic and also at True Value stores.  It's around 350 to 400 per bottle pero madami naman sya.

Add ko lang. Just make sure you're getting the right variant for your dog because (at least to me) the labels looked the same. I went for picking yung pinakamaraming laman (the contents went highest sa neck ng bottle) only to find na for tick and fleas pala yun, and what I wanted was bright white. hehe. greedy kasi.

aerianmae

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #243 on: January 04, 2015, 09:41:10 am »
Hi mga sis!

Update ko lang kayo about my tzu puppy. I got Coco when he's 7 weeks old and now, 10 weeks old na siya, yey! Super hyper niya. Ayaw niya minsan ipahawak yung mukha niya mangangagat. akala niya nakikipaglaro ka pa rin at napatunayan kong picky eater nga ang mga tzu. Kailangan kong mag-mixed ng veggie sa dog food niya para maubos. pati meat din naghahalo ako.

Ang nakakatuwa, He knows na to sit and give his paw. tapos wala pa siyang one week sa house, sa basahan lang siya nagpo-poop and pee.
Hinarangan ko yung way papuntang dining room so sa sala lang talaga siya. Kase pag hinayaan kong gumala naku po, lahat ng basahan naihian na niya :D minsan din hindi siya makapagpigil so sa kung saan na lang siya naiihi. Pati sa crate niya umiihi din siya.


Pero ang nakakaloka talaga, kumakain siya ng poop niya. kapag walang nakatingin, susugurin niya yon. pero pag alam niyang nakatingin kami, aalis lang siya.May time pa nga na natawa ako. nagkunwari akong di nakatingin, siya naman iniwanan niya [textspeak!] poop niya tapos maya-maya unti unti siyang lalapit tapos i-stop tapos iiling tapos lalakad nanaman tapos iiling hanggang sa magdesisyon siyang lapitan na, i-shhh ko na lang tapos aalis na siya haha di tuloy ako makatulog ng maayos kase natatakot akong magpoop siya tapos tulog ako edi kakain niya yon, hilig pa naman nung ilick [textspeak!] face ko.
« Last Edit: January 08, 2015, 01:49:08 pm by aerianmae »

babykat

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #244 on: January 05, 2015, 08:52:27 am »
^My youngest, Chichi, used to eat her poop din.  According to the vet, it's either a case of worms or behavioral causes.  But she stopped kasi everytime she did that, we would say No! to her.  Plus there was one time that we put hot sauce on the poop to dissuade her.  I don't really remember which method worked but she did eventually stop doing it as she got older.

One sad effect of that though is that she doesn't lick faces like her ate.  I had to dissuade her kasi nga she was eating her poop.  As she got older, she stopped eating poop.  But she also wouldn't lick faces anymore.  But we're getting around to it.  Nagpapakipot pa pero malapit na bumigay.

Just to share, my bunso is so malakas ang loob.  She actually learned to climb up the stairs by herself, kahit na her ate still couldn't.  Very protective pa sa territory namin, lalo na our room.  And she loves having her teeth brushed.  Whenever she sees the toothbrush, lalapit na sya sabay papakita her front teeth na parang nakasmile.  She never lost her milk teeth kaya doble doble ang mga canine teeth nya.

aerianmae

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #245 on: January 07, 2015, 10:20:30 pm »
sis babykat ask ko lang yong about sa pag brush ng teeth. how did you introduce it to chichi?tsaka okay na kaya gumamit nun kahit halos wala pang ngipin si coco?
tried it with coco and kailangan ko pa siyang itihaya para mabrush kahit gums niya.

tinry ko naman  lagyan ng pepper yong poop niya before, yun kase sabi ng breeder. nung una di niya ginalaw nung sumunod wala ng effect. sana maovercome niya kapag lumaki na siya

babykat

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #246 on: January 08, 2015, 08:01:43 am »
^ mahilig kasi sya gumaya sa ate nya.  Eh since nageenjoy din si Luckie sa pagtoothbrush ko sa kanya, di ako nahirapan introduce yun sa kanya.  And I think gusto kasi nya yung flavor nung toothpaste nila.  Chicken flavor ata yun.

Sana matigil din si Coco sa pag-eat ng poop.  I read somewhere na mawawala din yun as they grow older.  Dapat lang vigilant sa pagtanggal agad para di kainin. 

micatinalyn

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #247 on: January 10, 2015, 05:24:38 pm »
Seems like my shih tzu is opposite to most of your dogs. Hawhaw is a 4mo old baby girl, lahat nalang kinakain kahit hindi pagkain. Lahat ng dumi sa floor pinupulot at kinakain.

And she eats indefinite amount, as long as there is food in front of her, no matter how much the amount is, hindi nya titigilan hanggat meron.

One time, nakapag breakfast siya twice and ate the 2nd one na parang gutom na gutom pa rin siya because i didnt know that she was already fed

aerianmae

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #248 on: January 11, 2015, 12:11:54 pm »
Good thing na matakaw siya pero sis hinay-hinay lang sa pagpapakain sa kanya baka maging overweight hehe

Yung sakin nagwoworry ako at first kase ang onti lang ng napapakain kong dog food tapos hindi pa niya yon inuubos. Pero nang magstart ako i-homecooked siya, mas naging magana na and nauubos na niya yung food. :)

babykat

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #249 on: January 12, 2015, 11:48:30 am »
^ Maganda naman na good appetite dog mo sis, pero I read somewhere na it's not a good idea to free feed dogs kasi they might become overweight. 

micatinalyn

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #250 on: January 13, 2015, 10:39:13 am »
Thanks for the concern sis babykat and aerianmae. Mu puppy is really sooo hyper. YOu cannot calm her down from the cage when she sees her food. Parang nanginginig at hindi mapakali sa cage. Super hyperactive. Hindi mo na sya mapapakiusapan gumawa ng any trick. Tapos bawat action nya, de-suhol. She cannot run straight in our street without suhol. Whenever she sees me eating, humihingi. Pag hindi binigyan tatahol.

I dont know if theres something wrong with her, parang patay gutom, but she is properly fed twice a day naman.

babykat

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #251 on: January 13, 2015, 11:59:00 am »
^ wala naman ba syang worms?  Baka dahil puppy pa siya. You just have to try to be firm with her and train her.

aerianmae

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #252 on: January 14, 2015, 11:20:55 pm »
hay nako sis parehas tayo. may puppy is so hyper din. Kapag nakita na niyang pumunta akong kusina and nagstay ako ng matagal alam na niyang hinahanda ko food niya, hindi yon titigil sa kakatahol tapos kapag ibibigay ko na sa kanya pipilitin niyang abutin and tatahulan pa niya ko. What I do is hindi ko kaagad binibigay. Pinapa-sit ko siya and paw until sa magcalm down siya tapos tsaka na niya makukuha food niya :)

Kailangan ko siyang itrain na maging masunurin kahit pa gusto ko na siyang pagbigyan baka kase mamihase. Siya pa naman yung mahilig mangagat kaya ayon, I have to be firm sa lahat. Natatakot din akong mapilayan siya kapag panay siya takbo tapos pabalik-balik lang.



>sis babykat, paano natuto yung panganay mo magbrush ng teeth? as in okay na agad sa kanya? Si coco mas type ngatngatin yung toothbrush niya eh

babykat

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #253 on: January 15, 2015, 05:35:43 pm »
^ Inumpisahan ko by letting her taste muna yung toothpaste. Paglagay ko sa toothbrush, ilalapit ko and let her smell it and have a little lick.  Pag nakita ko na nasarapan sya, dun ko sa nya ibabrush.  Nung una, gumamit pa ako ng toothbrush na nilalagay sa finger lang.  Until nasanay sya and nagustuhan na nya ang magtoothbrush.

aerianmae

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #254 on: January 16, 2015, 10:04:20 pm »
ginawa ko rin yan sa kanya kaso talagang lumalayo siya sa amoy pa lang ng toothpaste. Mint kase haha


ngayon naman ang prob ko sa kanya is may bukol siya sa likod. dahil dun sa 6-in-1 injection niya kanina. ayaw niya pahawakan nasasaktan siya so ang tendency is mangagat. tapos, ginawa ko is hot water ( not too hot though, enough lang yung init para di siya mapaso) nakalagay sa bottle tapos nilagay ko dun sa bandang bukol. Malaki-laking bukol din yon. okay lang ba na ganon ang gawin? wala kase kami nung mismong compress so nag-improvise lang ako.


aerianmae

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #255 on: January 17, 2015, 12:28:11 am »
mga sis sino ng nakaexperience sa inyo na parang may malaking bukol sa part ng ininjection-an ng vet?
Napansin lang namin yon mga 4 hours after ng shot niya. Hindi ko na siya mabuhat kase nasasaktan siya. Konting galaw ko lang and if tingin niya malapit dun sa bukol yong nahawakan ko, iiyak na siya.

naaawa na ko sa kanya. Ilang days ba bago gumaling and need ko bang lagyan ng hot compress from time to time? pero kase kahit dun naiyak siya. pag nakitana nga niya yong bottle (improvised hot compress) nalayo na siya.

Advice naman mga sis. TIA!

babykat

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #256 on: January 19, 2015, 08:29:24 am »
Yung dogs ko, nagkakabukol din pag minsan after getting their shots pero di naman malaki.  And di masakit, kasi dedma lang sila kahit nahahawakan o natatamaan yung bump.  Pag nilalagyan ng hot compress,  dedma lang sila.  After a few days, mawawala na din ng kusa yung bukol.

Maybe you should check with your vet kasi bakit masakit yung sa dog mo, sis?  First injection ba nya?  Baka naman natrauma kaya ayaw pahawak pag akala nya tatamaan yung tinurukan sa kanya.

aerianmae

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #257 on: January 19, 2015, 09:19:10 am »
3rd na niya actually. ngayon ngalang nangyari to eh. Though ngayon nagpapahawak naman na siya. mga 2 inch siguro yung haba tapos 1 inch yong lapad. Naawa lang talaga ko sa kanya kase kahit sa paglakad nasasaktan siya kaya ayon, isang buong araw yata siyang matamlay non. natakot pa ko kase nakagat niya ko sa baba and talagang nagsugat, inisip ko na baka may rabies...

ilang days bago mawala? babalik kami this friday para sa deworm niya. eh diba may injection din yon? baka mastress nanaman siya.


babykat

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #258 on: January 19, 2015, 10:37:20 am »
sa akin, yung deworming, gumagamit lang kami ng tablet na Drontal.  Ano ba yung itinurok sa kanya, sis?  Although normally tumatamlay talaga mga alaga natin pa navaccine. Ilang days sya naging matamlay at in pain, sis?

obsessivecompulsivegeek

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #259 on: January 22, 2015, 11:32:11 pm »
Hi. I'm a would be owner of a shih tzu and it is my first time (to own a dog) and i'm excited! but also apprehensive  Hehe. Tomorrow, I'd be going to Cartimar to buy things for my soon to be little bundle of joy

Can anyone kindly give me a list of things I need to buy (and if possible, some suggestions/recommendations)?

Would be greatly appreciated!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close