guy here. pasensya na kung nakisawsaw ako dito. please, wag nyo naman akong batuhin.

i don't have kids of my own pero ako'y isang ulirang tiyo/lolo sa aking mga pamangkin/apo.

wag na wag nyo lang ako utusan magpalit ng diaper.

napadpad lang kasi ako sa thread na to:
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,258822.0.html ...at sadyang makabagbag-damdamin ang mga kwento ng ilang kapatid natin dito.
nakakalungkot lang malaman na kung sino pa ang walang kakayanan at walang karapatang maging magulang, sila pa yung masipag nagpaparami at nagkakalat ng kanilang lahi.
samantalang heto, dito lang sa Barangay GT, ang daming mag-asawa na karapat-dapat maging magulang pero hindi man lang mabiyayaan ng kahit na isang supling.

mmm, baka sadyang itinadhana ng Panginoon na hindi kayo mabiyayaan ng sarili nyong supling. let's face it, VERY risky na rin talaga mabuntis lalo pag nasa 30s na. baka may ibang misyon Sya para sa yo.
NO need to "really" adopt a child. ang alam ko may program ang DSWD at mga orphanages. yung parang kayo ang maging foster parents muna while hinihintay ang pag-adopt ng bata. sa ganung paraan, maisakatuparan nyo kung paano ang maging isang magulang, at malalaman nyo rin kung karapat-dapat nga ba kayo maging isang "ina".
aba, malay nyo, pag nakita ng inyong mga esposo na masaya kayo sa ginagawa nyo, baka magbago rin ang isip nila.

by the way, we all know that the likes of Angelina Jolie, Madonna, Nicole Kidman and Oprah have adopted children... nagulat lang ako na si "What is the essence of being a woman", Miss U 1994, Sushmita Sen, eh, childless rin pala at 38?

kasama yung mga pinag-papantasyahan ko dati na sina Charlize Theron at Katherine Heigl?... and they have adopted kids ha?