watch now

Author Topic: For introverts!!  (Read 23365 times)

sweet.hann

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #40 on: December 23, 2014, 05:16:53 pm »
First of all, introvert or not, be happy of what you are. We are created the way we are for a purpose. We may not see it, pero at the end of the day, everything is made perfect for every situation. It's just on how we view and handle things. Maging masaya lang tayo palagi. :)

Introvert din ako pero i am trying to get out of my shell. Sabihin na nating baliw (in a sense) na introvert din ako. I mean, introvert na medyo may pagka-extrovert. Nabago naman kasi yan. Hindi dahil pinanganak kang introvert, mamamatay ka nang introvert. Gaya ko, pinanganak akong maingay, iyakin.

Isang araw kasi naglinis ako ng mga files namin. Nakita ko pa yung report cards and certificates ko nung nag-aaral pa ko simula nung preschool. Ang laging comment ng teachers ko, masyado daw akong maingay. Fast learner but slow worker. Mas mabilis dumaldal kesa magsulat kaya lagi akong nahuhuling umuwi. Naaalala ko pa, lagi akong naiiwan sa room kasi di ko pa tapos isulat yung assignment tapos yung lola ko na naghahatid-sundo saken inip na inip na kakahintay saken. Kulang na lang, sya na magsulat nang matapos ko. Haha! Pero nung nag-grade 3 na ko, ganito na: Try to cooperate in other classroom activities. Nag-iba na ang ihip ng hangin. Napaisip tuloy ako. Ganun ba talaga? May certain point ba sa buhay ng isang bata na bigla syang nagbabago? Nung nasa college na ko, na-trace ko na baka somewhere may nangyari.

As i can remember, may isang incident pala nung grade 1 ako kaya ganito ako ngayon. Eto ang kwento.. Sa school, klase. Sa sobrang kadaldalan ko habang nagtuturo ang teacher, nagalit sya saken, pinatayo nya ko sa isang gilid. E pasaway na bata. Madaldal pa rin kahit napatayo na. Napikon na ata yung teacher ko kaya pinalo nya ko sa harap ng mga kaklase ko. Syempre at that time, wala pang effect saken yung ginawa ng teacher ko aside sa medyo mapaiyak ako dahil sa palo. As my school years went by, dun na nagkaron ng effect. Nagsimula na yun nung grade 3 ako. Tahimik na, naging mahiyain. At ngayon, ngayong time na to na isinusulat ko to, may mga naalala pa ko: kasi pala may nang-bully saken before. Yung isa kong classmate nung grade 2. At saka yung kapitbahay namin na medyo ahead saken. Ngayon ko lang na-realize. Grabe sila: yung grade 1 teacher ko, yung classmate ko nung grade 2, tsaka yung kapatbahay namin. Sila yung dahilan kung bakit naging tahimik ang school years ko. Na hanggang ngayon, hirap na hirap pa rin akong i-overcome. :(

Pero okey lang naman. Ngayon, natututo na kong unti-unti lumabas sa shell ko. I'm proud to say na kahit tahimik ako at mahiyain (usual comment at first), marami pa rin akong friends. Marami akong kabatian, kasi yung pagiging tahimik ko, sa umpisa lang e. Isa pang first impression saken, suplada or mataray or masungit kasi nahihiya ako. Pero nung nakilala na nila ko, ang sabi nila, baliw din pala ko.

Kaya kayong mga kapwa ko introvert na nasa thread na to, gusto ko kayong maging friends. Lalo na yung mga may gustong makipag-friends, pero nahihiya (syempre) at di alam kung pano, tara. :)

I think I'm an introvert. I am hesitant in socializing with other people. First impression ng mga officemates and friends ko is that "shy type" daw ako. Laging ganito ang comments sa akin promise.
For your second question - No, I don't like being this way. As much as possible, I want to be socially active. Parang masaya kasi yung pagiging extrovert, daming nakikilalang ibang tao. Open to the outside world kumbaga.
@hanshellite
It's good na may desire kang maging socially involved. masaya kaya maraming friends or i should say, acquiantance para kahit san ka mapunta, di ka mao-op. Kahit naman sanay na tayong nananahimik sa sarili nating mundo, at times nabo-bore din tayo tama? Remember: No man is an island. Kailangan natin ng ibang tao para di mapanisan ng laway. Haha! Di naman laging uubra ang self-talk kasi baka mapagkamalan na tayong baliw. :P

Ako rin sis feeling ko introvert ako. Minsan kasi ayoko makihalubilo sa tao. Dineactivate ko nga fb ko haha! I don't know pero mas safe yung pakiramdam ko pag walang nakakaalam ng nangyayari sa buhay ko. Pero like now, gusto ko naman ng friends ang problema wala naman ako mahanap ng friends.
@lady-game
ako rin nagkaron ako ng time na natako ako sa maraming tao. alam mo yung tipong parang ayaw mo nang tumuloy pag may nakita kang maraming tao sa dadaanan mo. parang abnormal lang pag naaalala ko ngayun. haha! ok lang yan.. tip: pag may gusto kang gustong makilala, alamin mo muna name nya. maybe sa ibang tao kung hindi mo kayang itanong sa kanya yung pangalan nya. pag alam mo na yung ilang basic info sa kanya or even his/her name, pag nagkita or nagkasalubong kayo, batiin mo sya, mentioning his/her name. that way, makukuha mo yung attention nya. :)

i am an introvert. pati boss ko napagod kakaaya sakin everytime na may kainan or okasyon sa office. i am maingay pag close friends but pag madami na or may mga ibang tao na, i usually keep mum.
@ishani
ako dati, naitatanong ko rin sa iba kung hindi ba sila napapagod saken kasi sila lang yung kwento ng kwento. hanggang s amaubusan na sila ng maiku-kwento. pero ok lang yan. siguro paunti-unti. pag may isang topic na makaka-relate ka, try to share insights or experiences kahit short lang.

Eating alone is fine naman for me. Kahit magmall magisa, mas gusto ko pa nga minsan kasi pag may kasama ka need mo sila samahan kung saan nila gusto. Pag ikaw lang, you have your own way. You're free.
@BubblyAya
yan ang isang advantage na pagiging introvert. we are able to enjoy things kahit mag-isa lang. maglakad sa mall mag-isa, kumain mag-isa. tipid pa kasi wala kang ibang iintindihin, solo gastos.

minsan magpopost tapos idedelete ko rin after 3 days. hahaha
@alphastar
haha! ang kulet! masabi lang na nag-post. hehe..

I really hate this, gusto kong mawala to kasi mas masaya kapag marami kang kaibigan pati studies ko affected din sa ganitong gawi ko.
@mishai07
ok lang yan. the more you accept yourself the way you are, mas maiintindihan mo yung sarili. ikaw rin mismo makakahanap ng way for yourself para makadiskarte or makalabas sa sarili mong shell. kaya m yan! :)

What if lahat tayong mga introverts magkita kita, ano kaya mangyayari?
Mag-uusap usap ba kaya tayo? hehe ;D
@momentum
hahaha! ganda nang tanong eh. hahaha! XD
pero ako, pag alam kong mahiyain yung bagong kakilala, mas nag-eeffort ako na dumaldal para hindi kami mapanisan ng laway pareho. that way, mae-encourage ko din sya na nag-speak up ng konti kung di man sya mag-open up that very moment.

siguro may trust issues ka rin noh? pero i think, as your name (momentum) siguro, momentum lang kelangan mo para maka-connect sa iba pang tao aside from your trusted few.

hindi naman ako snob, i talk and smile naman pero i'm not just the type of person to start a conversation with a total stranger. i have friends and they find me witty and funny. when im in a room full of strangers, i just do my thing. tingin tuloy ng iba sa akin suplada ako. but im not.
@freelancebuddy
most of the times.. with S kasi marami. hahaha! most of the time, kahit kilala ko na at mga kaibigan ko parin, lagi pa ring makadikit saten yung word na "tahimik". sanay kasi tayong gumawa on our own, kahit na maingay at magulo na ang paligid, basta ako, gagawin ko yung ginagawa ko dito. bahala kayo dyan. parang may sariling mundo tuloy. pero lahat naman ata tinatablan ng hiya. yung pag-i-initiate ng conversation with a stranger, lakasan lang ng loob.

hello! count me in. i love being alone. i have few friends. ok naman ako makisama, sabi nila makulit naman daw ako and sometimes moody.
@sweetjobel
pareho tayo.. aside sa pareho tayong may sweet sa username, moody din ako sobra! pero hindi ko love mag-solo. yung keri lang pag solo mode. ang question ko nga sa sarili ko: sanay naman ako mag-isa pero bakit lately, naghahanap ako ng makakasama. na sana may kasama naman akong kumain, gumala or sana may ka-kwentuhan ako palagi.. hindi kaya naghahanap na ko ng partner? haha! NBSB din po kasi ako..

It gets lonely at times, especially when I was in college. Imagine living in a dorm room alone (kasi I don't like sharing din) near the university where you can practically hear people after school hours talking to friends, having fun or eating out in nearby restos. I never had that. My friends were all too busy. I usually drop by a restaurant after class, buy takeout and bring it over to my room. My company? My laptop and some movies.
@05149S2
ahhh! ang boring lang ng buhay.. :( pero di naman kita masisi.. kasi ako, kahit gusto kong humanap ng kausap, wala. di naman sila pwede. its either, busy sila or may mas importanteng ginagawa.. kaya i have no choice.. i'll just keep what i feel.. hanggang sa lumipas na lang.. may mga times din naman na pag may gustong makinig, di ko feel mag-share.. like these days.. ayoko kasing magtunog nagrereklamo or anything sa mga nangyayari sa work, yung pagod and stuff.. iilan lang kasi yung trusted friends ko.. yung laging nandyan, yung isang guy friend na gusto ko.. ayoko namang sa kanya lagi mag-open up ng mga ganung negative kong nararamdaman kasi nga kahit na kaibigan ko sya, a part of me really likes him.. na sobrang naco-confuse ako.. kasi hindi ko alam gagawin ko.. alam nyo yung gusto ko na ayaw na mag-share sa kanya.. ay, basta.. haha!

I am confused. ang introvert ba gustong gustong gusto maki halubilo sa mga tao pero nahihiya lang O ayaw talaga nila ng maraming friends?
@saltandpepper001
yes dear.. pareho lang introvert.. pero yung iba, ayaw ng maraming friends.. yung iba, gusto pero nahihiya lang.. ako, marami akong acquaintance mga kabatian pero yung trusted friends na nakakaalam talaga ng mga bagay-bagay saken, konti lang.. yung iba virtual pa.. hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit s dami ng tao sa mundo, e hindi ba naisip ng mga extrovert out there na mag-take effort naman na intindihin ang mga introvert sa tabi-tabi na naghihintay lang ng mag-aapproach kasi gusto rin naman namin ng friends.. nahihiya lang kami.. pero may kasabihan nga.. WALA KANG MAPAPALA KUNG LAGI KANG MAHIHIYA.. ang masasabi ko lang, KUNG GUSTO, MAY PARAAN.. labas-labas din ng kweba pag may time.. kung gusto mo chat tayo or maging [textspeak!] din.. haha! pm mo po ko.. haha! :)


>>nakakatuwa lang yung names ng mga nagpo-post.. hindi naman masyadong obvious na introverts eh. haha.. ayos tong thread na to ah.. pasensya na sa haba ng post ko.. :)

December 24 na bukas.. Merry Christmas GTalkers.. :)

sino kaya mag-aaya saken ng date sa Christmas? meron kaya? hahaha!

another thing before i leave..

sino po sa mga introvert dito ang may lovelife? :)

imprincessfiona

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #41 on: December 24, 2014, 03:20:33 pm »
Ako po may lovelife kasi im getting married on January 2015 tee hee!. Actually, im a combination of INTRO & EXTRO. Hirap ako magstart ng conversation pero once na nakuha ko na yung kiliti mo hala baliw baliwan din. Im happy to find someone na INTRO din pero baliw baliwan din pag close na kayo. Malaki talagang factor ang childhood experience kaya nagiging INTRO or EXTRO but as time passed by maoovercome mo din yun with positive people in your life.

Jcblue

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #42 on: December 25, 2014, 08:36:15 pm »
Hi I am an introvert as well..I have social anxiety and panic disorder

sweet.hann

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #43 on: December 26, 2014, 09:34:03 am »
yes. nao-overcome naman talaga. kahit introvert, lakasan lang ng loob to step out. its a battle within ourself kasi. masarap lang yung feeling pag nakalabas ka. :)

saltandpepper001

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #44 on: July 23, 2015, 02:11:34 am »
Badtrip yung napagkakamalan kang mahiyain. Di ba pwedeng di lang talaga ko interesado sayo? Naliliitan kasi ako sa sarili ko pag sinasabihan akong mahiyain. Eh umaalis nga ako magisa. Nakain ako magisa. Nagshoshopping ako magisa. Nag grocery ako magisa. Pag naliligaw ako kung sino Sino tinatanong ko makarating lang sa pupuntahan ko. Pano mo magagawa lahat yan kung mahiyain ka. Wala lang talaga tayong energy makipagmingle sa iba. Gusto lang natin laging magisa. Nakakadrain yung maraming tao. Mas gusto ko lang sa kwarto maghapon magdamag with my phone.

grace.kelly

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #45 on: July 26, 2015, 02:18:04 am »
Naiirita ako sa officemate ko na sobrang extrovert to the point na nakakaistorbo na siya sa iba. Lagi niyang sinasabi na boring daw siguro sa office kung wala siya. Lagi kasi siyang nakasigaw. And those people na not so talkative kapag sobrang busy, he thinks they're boring, like me. He would often call me boring because I don't join his idea of fun. Gusto niya lahat ng tao katulad niya. Ito ang mga tipo ng extrovert na kinaiinisan ko. He thinks if we're not like him, we're not having fun. When I'm with the people I'm close with, I am definitely having fun! People should stop assuming that the life of an introvert is boring.

Nabasa ko sa isang website na sa mga introverts, there are a group of people that they feel at ease or yung may energy sila and then there are a group of people that sucks out the energy from them. Ganoon kasi ako. I can have fun naman with others pero there are people talaga na even if I try to keep up with them, hindi ko trip talaga. So ganoon ako siguro sa officemate ko ngayon. But still, his attitude towards introverts is getting on my nerves.

SarSi_Em

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #46 on: August 05, 2015, 02:01:31 am »
http://www.quietrev.com/the-introvert-test/

nag try daw ako if ano nga ba ako, result nya introvert nga ako,

sguro dahil claustrophobic ako, kaya mas type ko na sa bahay lang ako,
ayoko kasi sumasakay ng bus, mrt, lrt, fx, lalo na elevator.

pero masaya naman ako pag may kasama sa labas, group man o kahit 2 lang kami
yun lang pag uwi ko sa bahay drain na drain ako, tapos halos 2 days na puro tulog.




Ahim de Famille

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #47 on: August 26, 2015, 02:58:53 pm »
I'm Introvert. Elementary palang ako ganito na talaga ako. Ako yung type na person na hindi ako masyado mahilig sa mga parties tsaka yung magsama ng group of friends. Mas gusto ko pang magsolo pag mamasyal sa mall. Ayoko kasi yung may makulit pag may kasama ako. Konti nga lang friends ko sa totoo lang yung tipong mabibilang ko lang talaga sa kamay haha! Tahimik din ako kung di mo ako kakausapin tsaka pag hindi ko close ang isang tao. Pero once nagkapalagayan loob natin lumalabas ang pagkakulit ko hehe... Pag nagsama nga kami ng mga high school friends ko, ako yung pinaka kalog sa amin.  ;D

Madalas napagkakamalan akong suplada, mysterious, mahiyain and weird. Sa mga di nakakakila sa akin yan daw ang first impression nila sa akin. Pero pag nameet naman daw nila ako mabait naman ako at may sense kausap haha! Hindi ko lang trip sumama sa mga malalaking grupo na magkakaibigan and parties feeling ko kasi napapagod ako. Mas gusto kong mag isa lang.


reighnyielle

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #48 on: August 26, 2015, 05:08:21 pm »
Actually, im a combination of INTRO & EXTRO.

There's actually a term for people who are both intro and extro. Ambivert ang tawag sa kanila and I'm part of that group :)

imprincessfiona

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #49 on: August 27, 2015, 07:26:24 am »
There's actually a term for people who are both intro and extro. Ambivert ang tawag sa kanila and I'm part of that group :)
^count me in sis!

mimiku

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #50 on: August 27, 2015, 11:20:05 am »
Introvert din ako. I have a few friends whom I only travel with although kaya ko namang makisalamuha sa ibang tao. I don't mind eating alone or shopping sa mall. I could stay at home and watch DVDs all day. I hte celebrating my birthday and most of all I hate being the center of attraction. Ayaw ko ng madaming tao. Nadradrain ang energy ko. Noong bata kasi ako kinulong lang kami ng mama ko sa bahay. Being an introvert herself, di kami pumupunta sa mga parties or any event na may tao. Super bihira lang. And my mama, she rarely interact with her friends. At the same time, when I was young, lagi akong nacricriticize even my parents na ugly duckling daw ako. Considering kasi na ang kapatid ko na lalake eh may itsura at maputi, lagi kaming kinocompare. I grew up in an environment wherein appreciation of my physical aspect is zero balance- that's why I was led to believe that I am ugly. Umiiwas tuloy ako sa tao noon.

However, things changed a little bit when my ex left. It was very difficult to me because he was the only one who reinforced na maganda ako so when he left, my confidence sunk to sub-zero. And then in order to lessen the pain, I went out from my comfort zone. Nakisalamuha ako sa ibang tao and gained at the same time lost a few friends. I was a late bloomer. I even started a career in HR- imagine a job wherein you need to be hyper and requires a lot of interaction with people. Nakakapagtaka kasi professionally, I deal well with people. Lol. And then, I met a new set of friends in 2012. Most of them they are very extrovert. Naging close kami. And since then sila na lagi kasama ko sa out of town travels. It was one of the best moments of my life.

Hindi ko masasabi na totally over na ako sa pagiging introvert. The fact that I only have a few friends whom I can rely with and still dread in interacting with people on personal level means I am still an introvert at heart. Pero learning to explore made me a little open. Plus I have friends na super extrovert not to mention a fiance na na extrovert din. Lol. It seemed that the universe is making a way for me to become a little more of I am. My fiance before ko siya sinagot sinabi ko sa kanya na introvert ako, and he said it was ok. He totally accepts me of who I am.

yasameen_desu

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #51 on: September 05, 2015, 01:25:36 am »
Ang saya naman ng thread na to.  ;D While I was reading the previous posts, I felt like I was looking at myself in different people.

When I took Myers-Briggs about 5 years ago, I think I got ENTJ. I know I was leaning more on Extroverted that time but the gap between the Intro and Extro was really slim. In fact, I was told I was kind of an ambivert. Until I got into an IT-related job and worked from home, things changed. Started to love doing things by myself. I treasure my time alone. Naramdaman ko, I started to become introverted na.

Personality types may change and there are some factors that can affect our personality. But going back to being introverted, YES. I loooove spending weekends with a good book, or a great movie, or a painting inspiration. I go to coffee shops alone. It's great spending time with myself alone. Yes, nakakasuffocate minsan pag madaming tao.

Although I join certain events and activities from time to time and meet people. I have a little problem with small talk, minsan I can do it. Pero more often, I feel burdened knowing na I have to small talk some people since medyo social yung activity. Thing is, pag magstart na mag-add sa Facebook, then mag-aaya ng another run or climb medyo umaatras na ako.  I had my FB deactivated for this reason, when people I am not really close with will start chatting me to join this and that, nakakapanic. It's been more than a year that I have no FB and wala naman akong na-miss sa buhay. Yun nga lang, may mga social media jokes/trending na hindi ko alam.

I laughed at the previous post daring everyone in the group for a meet-up. Wala atang magsasalita pag ganun. Hahaha!

TomHansen

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #52 on: October 12, 2015, 11:41:13 pm »
^ or baka walang sumipot? :)

Introvert din ako, bata pa lang mas gusto ko na na nasa bahay or if may pupuntahan man gusto ko mag-isa lang. Maaga rin akong naaddict sa computer, games and techy stuffs lalo nung naging mas accessible ang internet. I joined different forums nuon(praning.com, pakemo.com, pex, reddit) dahil konti lang ang kaibigan ko at hindi ako mahilig maglakwatsa.. Natutong magdownload ng movies at series kaya lalong hindi lumalabas puro nuod na lang..

Minsan naiisip ko rin ano kaya ang feeling ng maging extrovert, parang ang saya kasi nila lalo na sa mga pics..

sweet.hann

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #53 on: October 15, 2015, 04:59:27 pm »
ok din naman maging extrovert.. pero ganito talaga tayo eh..

pero ngayong oras na to.. i dont feel like talking.. parang gusto ko lang today, manahimik.. siguro kasi nagising ako kaninang umaga ng maingay ang mundo.. kaya ganito ako.. hayy..

pero inside, naghahanap pa rin ako ng someone na nanggugulo saken.. yung isa or dalawa or more na tao na masasamahan ako, makakakulitan para mawala kung anuman tong nararamdaman ko.. pero wala kong ganang maghanap ng kausap.. kung sino lang yung dumating at guguluhin ako in a good way.. haha!

peor eto pa rin naman ako.. di ko rin napigilan ang sarili ko na hindi mag-express kahit writting lang.. kahit papano nakaka-release..

px17

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #54 on: November 15, 2015, 12:36:10 am »
May classmate ako na gusto palagi may kasabay maglakad palabas ng school or sa sakayan. Kanina pinipilit niya ko na sabay na kami eh gusto ko nga maglakad mag-isa. Nanindingan talaga ako sabi ko mauna na siya. This term ko lang din naman siya naging classmate so hindi naman kami close para sabay pang maglakad. Yung mga super close ko nga gets na nila na gusto ko talagang mag-isa pag hindi ako sumabay sakanila.

Minsan hirap ipaintindi nung I want to be alone at ayoko ng kausap please lang. haha. Tumanggi na nga ako eh wag na ipilit. Pag inaya naman ako usually pinagbibigyan ko pero not all the time. Masaya talaga ako mag-isa bat ba! 
 

planb

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #55 on: November 15, 2015, 07:39:57 pm »
I'm an introvert too! Though when I was little mahilig akong sumali sa mga contests, kumanta, makipag friends, etc. But as I grew older naging introvert na ko. I have a handful of friends and I also have social anxiety. Gusto ko rin ng maraming friends pero tanggap ko na na hirap talaga akong mag make friends and to trust other people. I also love eating and shopping alone. Minsan kapag may maraming events and lakad sa isang week I try to at least have a day in between to recharge! Haha! I can go a day without talking to anyone and I love my "me"-time :) I actually enjoy watching my extrovert friends kapag magkakasama kami... taga tawa lang ako lagi. Haha.
Malas lang at may resting b*tch face ako tapos shy pa kaya lagi akong nasasabihang mataray or nakakatakot. Pero baliw din naman ako pag kasama ko na friends ko!
It may be cliche but I love long walks... by myself! Haha! And ayoko rin ng may kasabay pag nagcocommute. Ewan naiirita ako kapag may kumakausap sakin pag nagcocommute eh. Quiet time ko ata yun. Haha!

yojir

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #56 on: December 04, 2015, 02:20:26 am »
I am proud to be one. I like solo travels, magpakalunod sa eBooks ko, mag-mall mag-isa,manood ng sibe mag-isa. Socializing I can handle but give me an hour, I am starting to get bored and I so wanna leave the place already. I find peace, serenity and happiness during these times

im fine!

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #57 on: December 04, 2015, 05:05:57 am »
I am more of introvert din. Yes I have so many friends pero di ako sanay sa maramihang group of friends. I love to be alone, basta may book, food at cellphone ok na ko. Ayoko rin ng may nakakasabay sa pag commute feeling ko Im obliged to talk to them.
I can go crazy rin naman pag trip ko pero asahan mo kinabukasan 'leave me alone' ang drama ko.

reighnyielle

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #58 on: December 14, 2015, 12:15:39 pm »
When I was in highschool, I was an extrovert pero nung nag college na ako ay naging introvert na ako. I love talking to people before and socializing but I eventually got tired of it kasi I find it exhausting. I don't know kung symptom ba ito ng pagtanda lol pero I'm just in my early twenties palang naman.  ;D Kung before game na game ako every weekend na may pupuntahan pero ngayon I prefer staycations nalang pero once in a while ay game ako sa mga trips.  I'd rather have a quiet weekend than to travel with my family and friends to different places. Minsan hindi na ako nasama sa kanila because I feel like having my me time. I find comfort knowing that I don't have to get up and fix myself pa when I'm at home. Being an introvert though doesn't make me socially awkward. I actually do like attending parties because I get to dress up and stuff but I just don't wanna move around a lot kasi mapapagod ako.


Minsan kapag may maraming events and lakad sa isang week I try to at least have a day in between to recharge!

Relate ako dito sis kaya if I know an exhausting event is up, I have to make sure na nakapagpahinga ako the day before that ng bongga  :)
« Last Edit: December 14, 2015, 12:22:28 pm by reighnyielle »

minnie99

  • Guest
Re: For introverts!!
« Reply #59 on: January 07, 2016, 03:29:39 pm »
Sali ako dito! I'm an introvert, pero makulit naman ako when I'm with my closest friends. But I also enjoy being alone, actually mas madali yon para sakin, walang kailangang hintayin. Hay medyo nahihirapan lang ako ngayon sa work kasi suddenly I'm supposed to parang manage clients as in parang account manager, but di ko nga forte yun. :( Anyways, I'm trying my best pa rin naman to improve, pero you really can't just choose to be an extrovert overnight.

:)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close