First of all, introvert or not, be happy of what you are. We are created the way we are for a purpose. We may not see it, pero at the end of the day, everything is made perfect for every situation. It's just on how we view and handle things. Maging masaya lang tayo palagi.

Introvert din ako pero i am trying to get out of my shell. Sabihin na nating baliw (in a sense) na introvert din ako. I mean, introvert na medyo may pagka-extrovert. Nabago naman kasi yan. Hindi dahil pinanganak kang introvert, mamamatay ka nang introvert. Gaya ko, pinanganak akong maingay, iyakin.
Isang araw kasi naglinis ako ng mga files namin. Nakita ko pa yung report cards and certificates ko nung nag-aaral pa ko simula nung preschool. Ang laging comment ng teachers ko, masyado daw akong maingay. Fast learner but slow worker. Mas mabilis dumaldal kesa magsulat kaya lagi akong nahuhuling umuwi. Naaalala ko pa, lagi akong naiiwan sa room kasi di ko pa tapos isulat yung assignment tapos yung lola ko na naghahatid-sundo saken inip na inip na kakahintay saken. Kulang na lang, sya na magsulat nang matapos ko. Haha! Pero nung nag-grade 3 na ko, ganito na: Try to cooperate in other classroom activities. Nag-iba na ang ihip ng hangin. Napaisip tuloy ako. Ganun ba talaga? May certain point ba sa buhay ng isang bata na bigla syang nagbabago? Nung nasa college na ko, na-trace ko na baka somewhere may nangyari.
As i can remember, may isang incident pala nung grade 1 ako kaya ganito ako ngayon. Eto ang kwento.. Sa school, klase. Sa sobrang kadaldalan ko habang nagtuturo ang teacher, nagalit sya saken, pinatayo nya ko sa isang gilid. E pasaway na bata. Madaldal pa rin kahit napatayo na. Napikon na ata yung teacher ko kaya pinalo nya ko sa harap ng mga kaklase ko. Syempre at that time, wala pang effect saken yung ginawa ng teacher ko aside sa medyo mapaiyak ako dahil sa palo. As my school years went by, dun na nagkaron ng effect. Nagsimula na yun nung grade 3 ako. Tahimik na, naging mahiyain. At ngayon, ngayong time na to na isinusulat ko to, may mga naalala pa ko: kasi pala may nang-bully saken before. Yung isa kong classmate nung grade 2. At saka yung kapitbahay namin na medyo ahead saken. Ngayon ko lang na-realize. Grabe sila: yung grade 1 teacher ko, yung classmate ko nung grade 2, tsaka yung kapatbahay namin. Sila yung dahilan kung bakit naging tahimik ang school years ko. Na hanggang ngayon, hirap na hirap pa rin akong i-overcome.
Pero okey lang naman. Ngayon, natututo na kong unti-unti lumabas sa shell ko. I'm proud to say na kahit tahimik ako at mahiyain (usual comment at first), marami pa rin akong friends. Marami akong kabatian, kasi yung pagiging tahimik ko, sa umpisa lang e. Isa pang first impression saken, suplada or mataray or masungit kasi nahihiya ako. Pero nung nakilala na nila ko, ang sabi nila, baliw din pala ko.
Kaya kayong mga kapwa ko introvert na nasa thread na to, gusto ko kayong maging friends. Lalo na yung mga may gustong makipag-friends, pero nahihiya (syempre) at di alam kung pano, tara.

I think I'm an introvert. I am hesitant in socializing with other people. First impression ng mga officemates and friends ko is that "shy type" daw ako. Laging ganito ang comments sa akin promise.
For your second question - No, I don't like being this way. As much as possible, I want to be socially active. Parang masaya kasi yung pagiging extrovert, daming nakikilalang ibang tao. Open to the outside world kumbaga.
@hanshellite
It's good na may desire kang maging socially involved. masaya kaya maraming friends or i should say, acquiantance para kahit san ka mapunta, di ka mao-op. Kahit naman sanay na tayong nananahimik sa sarili nating mundo, at times nabo-bore din tayo tama? Remember: No man is an island. Kailangan natin ng ibang tao para di mapanisan ng laway. Haha! Di naman laging uubra ang self-talk kasi baka mapagkamalan na tayong baliw.

Ako rin sis feeling ko introvert ako. Minsan kasi ayoko makihalubilo sa tao. Dineactivate ko nga fb ko haha! I don't know pero mas safe yung pakiramdam ko pag walang nakakaalam ng nangyayari sa buhay ko. Pero like now, gusto ko naman ng friends ang problema wala naman ako mahanap ng friends.
@lady-game
ako rin nagkaron ako ng time na natako ako sa maraming tao. alam mo yung tipong parang ayaw mo nang tumuloy pag may nakita kang maraming tao sa dadaanan mo. parang abnormal lang pag naaalala ko ngayun. haha! ok lang yan.. tip: pag may gusto kang gustong makilala, alamin mo muna name nya. maybe sa ibang tao kung hindi mo kayang itanong sa kanya yung pangalan nya. pag alam mo na yung ilang basic info sa kanya or even his/her name, pag nagkita or nagkasalubong kayo, batiin mo sya, mentioning his/her name. that way, makukuha mo yung attention nya.

i am an introvert. pati boss ko napagod kakaaya sakin everytime na may kainan or okasyon sa office. i am maingay pag close friends but pag madami na or may mga ibang tao na, i usually keep mum.
@ishani
ako dati, naitatanong ko rin sa iba kung hindi ba sila napapagod saken kasi sila lang yung kwento ng kwento. hanggang s amaubusan na sila ng maiku-kwento. pero ok lang yan. siguro paunti-unti. pag may isang topic na makaka-relate ka, try to share insights or experiences kahit short lang.
Eating alone is fine naman for me. Kahit magmall magisa, mas gusto ko pa nga minsan kasi pag may kasama ka need mo sila samahan kung saan nila gusto. Pag ikaw lang, you have your own way. You're free.
@BubblyAya
yan ang isang advantage na pagiging introvert. we are able to enjoy things kahit mag-isa lang. maglakad sa mall mag-isa, kumain mag-isa. tipid pa kasi wala kang ibang iintindihin, solo gastos.
minsan magpopost tapos idedelete ko rin after 3 days. hahaha
@alphastar
haha! ang kulet! masabi lang na nag-post. hehe..
I really hate this, gusto kong mawala to kasi mas masaya kapag marami kang kaibigan pati studies ko affected din sa ganitong gawi ko.
@mishai07
ok lang yan. the more you accept yourself the way you are, mas maiintindihan mo yung sarili. ikaw rin mismo makakahanap ng way for yourself para makadiskarte or makalabas sa sarili mong shell. kaya m yan!

What if lahat tayong mga introverts magkita kita, ano kaya mangyayari?
Mag-uusap usap ba kaya tayo? hehe 
@momentum
hahaha! ganda nang tanong eh. hahaha! XD
pero ako, pag alam kong mahiyain yung bagong kakilala, mas nag-eeffort ako na dumaldal para hindi kami mapanisan ng laway pareho. that way, mae-encourage ko din sya na nag-speak up ng konti kung di man sya mag-open up that very moment.
siguro may trust issues ka rin noh? pero i think, as your name (momentum) siguro, momentum lang kelangan mo para maka-connect sa iba pang tao aside from your trusted few.
hindi naman ako snob, i talk and smile naman pero i'm not just the type of person to start a conversation with a total stranger. i have friends and they find me witty and funny. when im in a room full of strangers, i just do my thing. tingin tuloy ng iba sa akin suplada ako. but im not.
@freelancebuddy
most of the times.. with S kasi marami. hahaha! most of the time, kahit kilala ko na at mga kaibigan ko parin, lagi pa ring makadikit saten yung word na "tahimik". sanay kasi tayong gumawa on our own, kahit na maingay at magulo na ang paligid, basta ako, gagawin ko yung ginagawa ko dito. bahala kayo dyan. parang may sariling mundo tuloy. pero lahat naman ata tinatablan ng hiya. yung pag-i-initiate ng conversation with a stranger, lakasan lang ng loob.
hello! count me in. i love being alone. i have few friends. ok naman ako makisama, sabi nila makulit naman daw ako and sometimes moody.
@sweetjobel
pareho tayo.. aside sa pareho tayong may sweet sa username, moody din ako sobra! pero hindi ko love mag-solo. yung keri lang pag solo mode. ang question ko nga sa sarili ko: sanay naman ako mag-isa pero bakit lately, naghahanap ako ng makakasama. na sana may kasama naman akong kumain, gumala or sana may ka-kwentuhan ako palagi.. hindi kaya naghahanap na ko ng partner? haha! NBSB din po kasi ako..
It gets lonely at times, especially when I was in college. Imagine living in a dorm room alone (kasi I don't like sharing din) near the university where you can practically hear people after school hours talking to friends, having fun or eating out in nearby restos. I never had that. My friends were all too busy. I usually drop by a restaurant after class, buy takeout and bring it over to my room. My company? My laptop and some movies.
@05149S2
ahhh! ang boring lang ng buhay..

pero di naman kita masisi.. kasi ako, kahit gusto kong humanap ng kausap, wala. di naman sila pwede. its either, busy sila or may mas importanteng ginagawa.. kaya i have no choice.. i'll just keep what i feel.. hanggang sa lumipas na lang.. may mga times din naman na pag may gustong makinig, di ko feel mag-share.. like these days.. ayoko kasing magtunog nagrereklamo or anything sa mga nangyayari sa work, yung pagod and stuff.. iilan lang kasi yung trusted friends ko.. yung laging nandyan, yung isang guy friend na gusto ko.. ayoko namang sa kanya lagi mag-open up ng mga ganung negative kong nararamdaman kasi nga kahit na kaibigan ko sya, a part of me really likes him.. na sobrang naco-confuse ako.. kasi hindi ko alam gagawin ko.. alam nyo yung gusto ko na ayaw na mag-share sa kanya.. ay, basta.. haha!
I am confused. ang introvert ba gustong gustong gusto maki halubilo sa mga tao pero nahihiya lang O ayaw talaga nila ng maraming friends?
@saltandpepper001
yes dear.. pareho lang introvert.. pero yung iba, ayaw ng maraming friends.. yung iba, gusto pero nahihiya lang.. ako, marami akong acquaintance mga kabatian pero yung trusted friends na nakakaalam talaga ng mga bagay-bagay saken, konti lang.. yung iba virtual pa.. hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit s dami ng tao sa mundo, e hindi ba naisip ng mga extrovert out there na mag-take effort naman na intindihin ang mga introvert sa tabi-tabi na naghihintay lang ng mag-aapproach kasi gusto rin naman namin ng friends.. nahihiya lang kami.. pero may kasabihan nga.. WALA KANG MAPAPALA KUNG LAGI KANG MAHIHIYA.. ang masasabi ko lang, KUNG GUSTO, MAY PARAAN.. labas-labas din ng kweba pag may time.. kung gusto mo chat tayo or maging
[textspeak!] din.. haha! pm mo po ko.. haha!

>>nakakatuwa lang yung names ng mga nagpo-post.. hindi naman masyadong obvious na introverts eh. haha.. ayos tong thread na to ah.. pasensya na sa haba ng post ko..

December 24 na bukas.. Merry Christmas GTalkers..

sino kaya mag-aaya saken ng date sa Christmas? meron kaya? hahaha!
another thing before i leave..
sino po sa mga introvert dito ang may lovelife?
