watch now

Author Topic: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?  (Read 50579 times)

ohcmon

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #100 on: April 11, 2015, 09:05:44 am »
People na hindi ko naman masyadong kaclose at alam kong nakikichismis lang. Lol. Pati mga selfie nang selfie, unfriend.

Ang hindi ko lang tinanggal 'yung mga medyo walang kwenta mag post kasi madalas source of entertainment ko sila hahahaha :p

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #101 on: April 16, 2015, 04:27:41 pm »
I unsubscribe to those na super yabang sa fb.

1. Kada bili ng latest gadget (apple products)ipapaskil pa sa fb. Minsan, pati boxes ng mga gadget nakapatong patong pa.. Hashtag #di namanmasyadongmahiligsaappleproducts. #appleaddict #kinolektanalahat
Girl, di lang ikaw ang may ipod, ipad, iphone, mac air.. At di lang ikaw ang nag iisang kaya maka afford niyan!
Ang cheap lang na talagang kailangan may picture pa ng lahat ng gadgets niya.

2. Mga corny ang mga status sa fb " eh yung di kami maka get over kay Paul Walker?"  Maraming fans si Paul Walker, me included. Pero, 2 years ng wala si Paul Walker. Si Vin Diesel, Family ni Paul ( immediate and FF family) ang may K na di makaget over kasi close sila.. Sino ka para di ka makaget over? Tight kayo?
Kung maka status naman ito! Over the top! Naka trabaho mo ba si Paul? Ikaw ba si Mia Toretto? " kailangan namin mapanuod ang first FF! Who can download all the FF movies for me?! " Girl, Ever heard of TORRENT? Go Download those yourself! Or buy all the movie cd's sa store! Mag papa download ka pa eh! Sino ka? Kris Aquino?

3. May blow by blow account pa ( selfies) " going to the church to visit Papa Jesus!! ( Papa Jesus, tanda mo na.. Papa Jesus pa rin tawag mo?)
Picture sa loob ng church " waiting for the mass to start"  btw, its Papa God, not Papa Jesus! God is the Father, Jesus is the son.. God is OUR FATHER, Jesus is OUR BROTHER! ( kaya nga di ba? BRO tawag ni Santino kay Jesus?) wag ka na magpa cute! Di ka na bata!
Picture( selfie, again!) " going for lunch after mass! Bye Papa Jesus!!   Kada sunday na lang may selfie before and after mass..and same " bye papa Jesus!!
 
Nakaka pangilabot!  Unsubscribe!!

manhattanite

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #102 on: April 16, 2015, 06:48:43 pm »
^OMG sis may ofcmate din akong ganyan na panay selfie inside his car LOL.  Habang naghihintay for parking slot, pic; nung nag-anniversary yata car nya, pic; nung nabayaran na nya fully, pic.  Grabe.  Sabi nga ng isang ofcmate din, kulang na lang daw tumira sha sa car nya sa dalas nyang magpa-picture dun.  Nothing wrong with being proud of an asset, pero sana in moderation naman ang pag-post ng mga ganun.  Gym addict din pala sha so panay post din ng pics na walang shirt.  Yuck talga.  And to make matters worse, napaka-fishing ng captions.  Yung tipong kita naman na, in fairness, maganda ang katawan nya, pero ilalagay nya sa caption na ang taba daw nya, need more work, need to diet more.  Puhleeeze.  Funny lang kasi wala mashadong nag-li-like ng pics nya haha!

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #103 on: April 17, 2015, 12:29:23 pm »
I forgot to add!

 1. Selfie addict.. ( it shows na mababa ang self esteem,  na kailangan ng assurance or approval ng iba or papuri na maganda sila) I was never a fan of people na gandang ganda sa sarili nila.

2.OOTD- may hashtag ng brands na suot niya. Endorser lang?

 3. Yung mga laging nag eemote sa status nila. audition po kayo sa studio ng networks! Baka mapag kakaperahan niyo pa yan mga kadramahan niyo.

4.Mga pa sosyal.. " VIP access!! Iba na ang mga may KONEKSYONES!!"
(Alam ko na baho mo girl! Social climber ka, kung sino may kilala na alam mo na  may mapapakinabangan mo, doon ka!)  kailangan talaga i flaunt? This appalled me BIG TIME!


Queen Chokolah

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #104 on: April 20, 2015, 10:06:31 am »
hahahaha natawa ko sa mga posts mo sis hazelbrown_eyes. Buti na lang wala ako sa kahit anong nabanggit mo. Lalo na yung papa Jesus :D

cutemama

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #105 on: April 20, 2015, 10:38:43 am »
Parang gusto ko na din iunfollow yung HS classmate ko na member ng networking.. post ng post ng mga cheke.. tapos ang status puro "power! Iba talaga ang ******"
Pati yung mga nagcocomment parang member na ng mga kulto..natatawa ko dun sa cheke kasi tinatakpan pa yung amount kala ko malaki pero sa baba nung cheke nakasulat din [textspeak!] amount small font lang, nakalimutan niya ata takpan.. 1,700 [textspeak!] naman.
Tapos share ng share ng mga photos ng kamember niya daw na nakabili na ng car, house and lot.
**** yung college schoolmate ko naman na nagwowork sa toyota nagpost sa fb na nabibwiset na daw siya sa mga taga networking punta daw ng punta sa office nila para magpaalam kung pwede sila magpapicture sa mga cars with matching certificate pa kunwari..

**** kinuwento ko sa kaofficemate ko.. sabi niya yung friend niya din daw na member ng networking post ng post ng mga checks..kumikita daw ng 250k per month sa networking..yun yung pinapalabas niya sa fb..tapos nangungutang daw ng 20k sa kanya.. kaya tawa siya ng tawa..yan ba yung kumikita ng 250k per month??

Im not against sa networking kaso nakakainis lang yung pagfflood nila sa fb.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #106 on: April 21, 2015, 10:47:42 am »
@queen Chokolah- oo, Papa Jesus tawag... Napapa mukhasim ako sa kanya. Parang 29-30 na siya.. Papa Jesus pa rin..  Nung kaopisina ko pa siya mas nakakainis, kasi naririnig ko siya.. Pa baby talk pa niya sinasabi yun PJ..( parang sinapian ng sto niño ang boses. Kaya mas okay ang naka ang audio off or silent mode.) nababasa ko lang..(
Pero naiimagine ko eh!:) hahaha!!
« Last Edit: April 21, 2015, 10:50:50 am by hazelbrown_eyes27 »

shygirlme

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #107 on: April 21, 2015, 01:20:22 pm »
^^may prof ako nung college inoofferan ako sumali sa networking nila. eh ayoko talaga sa mga ganon. ginawa ko inunfollow ko sya kasi panay post nya ng cars at check. buti nalang sya lang friend ko na ganon. irita kasi ako sa pagyayabang nila na dahil malaki kinikita nila sa networking nila kotse agad bibilhin? mas importante ang bahay, negosyo etc! kung magaling ka talaga sa negosyo hindi kotse ipagyayabang mo.   eh kaya pala kotse pinapakita nila kasi niloloan nila yun at nakapangalan daw yun sa networking nila hindi sa kanila (may nakapagsabi sakin). dapat produkto yung pinagmamalaki nyo hindi yung kotse hindi naman yun ang binebenta nyo. peace kung meron man dito nagnenetworking :D

prettyness

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #108 on: April 21, 2015, 02:10:06 pm »
unsubscribe sa mga taong hindi ko feel :D

simang

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #109 on: April 21, 2015, 02:13:10 pm »
Basically i unsubscribe to people i don't personal know.

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #110 on: April 22, 2015, 10:59:59 am »
OT: pero super thankful ako sa networking. Kasi dahil dyan, naka move on ako sa ex ko! hahaha. I was so head over heels sa kanya for about 3 or 4 years din ata. Then sumali sya sa networking. At nirerecruit nya ko! At super nag iba ugali nya. Dati mayaman lang sya, ngayon mayaman na, mukhang pera pa. haha. No offense sa mga networkers, pero posting bundles of money on fb does not really work. He has I think 3 cars na, well I don't know if that's all true, patong patong na latest gadgets at laptop. Pero nangungupahan pa rin. Tapos ang anak nya sa tabi tabing clinic nagpapa vaccine. Well.

Miss Taken

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #111 on: April 23, 2015, 01:42:02 am »
Mostly yung mga kakilala ko na walang ginawa kundi magpost ng kung ano anong material things. It's okay to post your stuff every now and then pero grabe huwag naman oras oras. Sige na, nasayo na ang lahat XD O kaya yung mga nanghihingi ng likes. Nakakainis eh.

j.adore

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #112 on: April 23, 2015, 10:18:10 am »
Bread and butter ng networking yung magfocus sa dream ng mga tao na yumaman kaya ganyan. I unfollowed most of them annoying na kasi ang pagiging thankful nila sa buhay.

det060403

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #113 on: April 23, 2015, 11:09:28 am »
People i dont personally know and those i dont get to talk to... Ngayon less tahn 400 nlang ata yung nasa friends list ko hehe

jakh

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #114 on: April 23, 2015, 01:01:19 pm »

- One who was always ranting and making parinig whenever we do not give in to her requests i.e. samahan siya kumain, magsleep-over sa bahay nila etc. Aside from her rants, naumay ako sa mga "I'm the bestest friend/person-you'll-ever-have-in-your-life" tone ng posts niya. 

- The other one was always posting quotes lang naman that were copied and pasted from the internet plus puro hanash lang and flooding sa fb

-My highschool teacher na post ng post ng OOTD na sobrang baduy naman. She's goodlooking and mukhang nasa 20s pa rin ang itsura even though she's 40 na but her fashion sense is just really tacky

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #115 on: April 23, 2015, 07:08:35 pm »
I recently unsubscribed to a ex colleague..

1. Paano ba naman, kada magkakasakit, mag popost ng picture ng mga gamot na kailangan niyang inumin, mga pagkain na hinahanda sa kanya ng asawa niya. " eh yung ang dami mo dapat inumin"( nababaduyan talaga ako sa ganyan klase mag post. " eh yung kahit may sakit ka, asikasong asikaso ka ng mahal mo?" " eh yung, ( insert action here)  parang ang jologs tapos may pictures ng mga gamot.. " eh kung iniinom mo na lang yan, kesa ipost mo pa at iannounce na may sakit ka sa facebook as if may pakialam kami!"

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #116 on: April 23, 2015, 10:29:46 pm »
An FB friend that I recently unsubscribed to is a gay manager from a company I previously worked for. So he's passionate about working out blah blah blah but he just can't stop posting pics of himself half naked or wearing trunks na nagja-jumpshot. Honestly dude, nakakawalang gana kumain. Everytime I check my news feed, all I see are pictures of him and his freaking singit.

Miss Taken

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #117 on: April 24, 2015, 01:22:29 am »
I just unfollowed my bestfriend's husband who's into networking. Wala na kasing ginawa kundi magpost ng about dun sa company and mga high end cars na hindi pa naman sa kanya. Too much posts about it eh nakakairita na talaga.

annamarie88

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #118 on: April 24, 2015, 05:31:15 pm »
Madami! 😁

1. Sa post ng post ng problema nila.

2. Nagpost na 1-2 beses na naaksidente nya naburn face nya (3rd degree daw) dahil sa radiator ng kotse, pero jusko super update naman sa nangyayari sa face nya, as in sunod sunod.. one week lang okay na agad yung "3rd gldegree burn" nya.

3. Sa buntis na super post every hour, every day ng ootd or anything na tungkol sa pagbubuntis nya.. With hashtag "6 weeks 2 days", "7 weeks 4 days", 8 weeks, 3 days" ay jusko po gang ngayon 20 weeks na sya, puro ganun, kasawa na hehe ako nga never nagpost ng tungkol sa pagbubuntis kasi kaumay hahaha

4. Sa mga hashtag ng hashtag bawat status or picture ng "#blessed", "blessedbeyondbelief"
Edi kayo na blessed, kami hindi. Lol

5. Pag may boyfriend, lagi dami selfie nila, puro about sa love nila isa't isa kyeme. Tapos magbbreak, pag may bagong bf, ganun na naman. Haha

6. Sa mga proud na law student sila or magbabar sila.. Tipong araw araw post ng review ek ek nila, tapos hindi pumasa.. Lahat tuloy alam nag bar and hindi pumasa.. Aww #octobar2014 :(

7. Sa mga lalakeng post ng post halos every hour ba. Ang daming time, babad sa fb. Haha

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #119 on: April 24, 2015, 09:41:19 pm »
^^^lol sa freaking singit

 

Latest Stories

Load More Stories
Close