watch now

Author Topic: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?  (Read 50415 times)

young_maiden

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #60 on: March 02, 2015, 11:37:06 pm »
I unsubscribed 4 of my fb friends. binackstab kasi nila ako eh. I also unsubscribed 2 friends. yung isa kasi mahilig magparinig sa fb. the other one kung ano-ano ginagawang posts tapos siya lang din mismo magla-like.

chinkywinky

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #61 on: March 04, 2015, 01:22:19 am »
Yung mga taong umaga pa lang puro bitterness na, at parang laging may kaaway. Nakakainis lang, I hate negas and always, "don't put your dirty laundry in public"

killbill

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #62 on: March 04, 2015, 01:58:33 am »
Sa mga nega na lahat ng away ng jowa nila naka broadcast.

Sa kabatch kong kalalakeng tao napakadaming drama sa buhay.

Sa kabatch ko na pati laman ng passbook at resibo ng laruan na binili nya sa anak niya pinopost pa sa fb.

Sa dating officemate na puro yabang, na hindi naman sya maglelevel up ng ganun kundi ko siya pinakilala sa manager kong foreigner dati na nanligaw sakin kaso hindi naman ako interesado. Ni thank you wala akong natanggap tapos wagas makapag yabang.

Sa kababata na puro networking ang pinopost.


cutemama

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #63 on: March 04, 2015, 05:38:30 am »
1.) Ako naman i blocked my cousin..she created a new fb account since she went to canada. And hindi niya ko inadd sa new account niya.. Tapos I sent her a PM Kinukumusta ko kung ok ba siya, kumusta buhay dyan.. Puro seen zone lang, ilang months din ako nghintay pero wala siyang reply.to think na naka online naman siya.

Ewan ko ba dun pumunta lang ng canada yumabang na, feeling niya ata magpapatulong ako sa kanya makapunta dun..

Tsaka feeling ko matagal na siyang bitter sakin, kasi when we were in college may pics kami together so tinag ko siya sa photos na yun, bigla ba naman niyan inUNTAG.. di ko alam bakit ganun, eh nung mga bata kami siya pinaka close kong pinsan kasi 1 yr older lang siya.

2.)ito malapit ko na iblock post ng post ng mga pictures nila ng jowa niyang foreigner..halos every minute na lang siya laman ng newsfeed ko. Selfie pa ng selfi nakakasuya na hitsura halata namang camera 360..mga pics pa nila puro nasa hotel, sa kama,,juicekolord!
Pati pagpapawax ng kili kili niya pinopost niya!

3.) yung officemate ko na magpopost ng good morning or inspirational quotes pero may kasamang picture niya. Ang tanda na talo pa anak niya makaselfie.. Halos araw araw may selfie feeling teenager lang. At ang malala kahit nasa bahay lang nakaporma pa, halatang nagbihis lang para magselfie.

4.) yung officemate ko din na post ng post ng sweet about sa asawa niya.. Like "ang sweet talaga ng asawa ko ilove you" mga ganun! Napapataas na lang ako ng kilay kesa alam ko story nila. Alam mong may ibang babae asawa niya at hindi sila ok pero pinapalabas niya sa iba na ok na ok relastionship nila.

5.) yung officemate ko din na magpopost ng mga gifts daw kuno ng asawa niya, eh siya lang naman talaga bumili.


djctapalla23

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #64 on: March 04, 2015, 10:39:16 am »
Dun sa mga tao na mahilig magSelfie at walang kwenta magpost ng status updates... #p***nginamaymaipostlang

red_yesha

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #65 on: March 04, 2015, 11:37:18 am »
-yung kakilala ko na puro reklamo sa buhay. Lakas makanegative vibes.
-panay selfie, ang sakit sa mata parepareho lang naman ng anggulo.
-yung mga nakakairitang tao.

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #66 on: March 04, 2015, 12:06:36 pm »
1. Yung Bagong kasal na dating colleague. Pati ba naman ang " first night na matulog sa tabi ng asawa ko!" Where the 2 of them are in bed, while her  hubby was still  sleeping. Omg, may album!  Kailangan talaga may picture sa kama? Lahat naman ng tao natutulog na katabi ng asawa after ikasal. Is this so new to her?
Baka naman ipost pa rin niya sarili niya na naka lingerie! " First night namin na mag s s*x!"  Lahat ng kibot may picture! Tapos may " lahat ng credit cards ni mahal ko sinurrender na kay Misis!" Insert picture!  Pinalampas ko pa. Pero yung " first valentines day na asawa ko na si mahal ko!"  Thankee sa gifts! #iphone6+ #longchamp #hugoboss ( with pics! ) " thankee sa pag kunsinti sa kaadikan ko! Aylabsyusomuch! " Thank you papa Jesus, at binigyan ako ng asawang binibili at binibigay lahat ng layaw ko. Iam so BLESSED!!"Nandiri ako! UNFOLLOW! At baka makakita pa ako ng album na " first time to take a bath together album!


hahaha matagal nya sigurong inasam asam na maging asawa ang asawa nya sis. Feel na feel ang pagiging misis. abangan mo na lang ang album na "ang malanding babae ng asawa ko" lol. joke lang :D

ako naman:
-people with too many selfies.
-too much negativity
-too much unreal happiness (hehe)
-religious kuno, talking about God pero alam mo naman ang tunay na pag uugali.
-flooding ang status
-ginagawang diary ang social media
-too much pictures of gadgets/cars
-people who share supposedly personal problems in facebook.
-nag e-english na masakit sa mata
-jejemon
-kadiring posts/pictures with partners

twenty5

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #67 on: March 04, 2015, 12:27:12 pm »
Sorry if OT
pero hindi ko talaga alam na meron mga feature na ganito.
Before ang ginagawa ko lang hindi ako masearch ganun pero tinaggal nila so nalaman ko naman meron din option pag  may nag tag sayo hindi automatic na nasa timeline mo... Mas ok sakin yun..

About naman sa unsubscribe...Sorry hindi ako talaga aware, though naririnig ko siya sa mga ka officemates ko pero hindi ko lang talaga pinapansin.. Meron palang ganun...

Nakita ko nga din may "Follow"

Hindi din kasi ako mahilig mag FB masyado, simula ng nawala ang Multiply na hindi ko nasavel ahat ng pictures dun kasi before dun ako masipag talaga as in parang diary ko na...

Hay...

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #68 on: March 04, 2015, 04:01:33 pm »
^sis punta ka sa profile, tapos meron dun following. Kung gusto mo mag unsubscribe, click mo lang yun, mapapalitan sya ng follow. Ibig sabihin, di ka na naka subscribe sa kanya. Di mo sya makikita sa news feed mo though friends pa rin kayo. Makikita mo lang posts nya kung sasadyain mong pumunta sa profile nya. Pwede rin from news feed, halimbawa nakita mo nag status sya, may arrow yan bandang kanan ng pangalan nya, click mo lang yun tapos click mo unfollow.

pret_ty68

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #69 on: March 04, 2015, 11:05:16 pm »
Feeling ko nag unsubscribe na ako sa lahat kasi sobrang madalang na ako magbukas nang fb pero bago pa  ito may mga inunsubscribe na ako  yung mga nakakaumay mag post like yung

1. Mga feeling reporter lahat nang makitang balita pinopost nakalimutan ata na may tv rin at marunong rin magbasa nang news ang mga k fb nya.

2. Over posting of selfie and baby photos

3. those fond of posting cryptic messages - kung ayaw mong sabihin e di sarilinin mo na lang

4. Pag may nag post nang nakakadiri na picture

In short basta nakakapuno na nang news feed palagi unless i am close to the person or i like the person nag u unsubscribe ako

twenty5

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #70 on: March 05, 2015, 11:05:37 am »
@Queen Chokolah sis thank you ah hehe oldies na ako ahaha ma try nga hahaha..

@pret_ty68 , ako din bihirang bihira, para kasi naumay din ako, halimbawa may bagong gamit or kung ano makita sa daan ultimo langgan siguro na pwede naman pabayaan nalang para lang malaamnkung okay ang camera ng mamahalin n aphone, mga ganun post ahaha nauumay din ako ewan ko ba, Isama mo na din yung mga nagaaway na mag jowa, nagaaway na kapit bahay, may pinariringgan,,, mga ganun hehe

Bihira din ako sa social media kahit viber hindi ko alam nalaman ko lang sa old friend ko na inaask ako lasy month kung meron daw ako viber, "sagot ko ano un?" haha natawa ako talaga nung na explain nya...

Oh well, nakaka miss yung physical interaction, telebabad sa phone ahahahah mga noon noon ba hehe
kaso nga masyado na kasi techy ngayon hehe

missus13

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #71 on: March 08, 2015, 09:50:58 am »
Fb friend na post ng post ng non sense status. May masabi lang. ><

gil12

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #72 on: March 08, 2015, 03:44:25 pm »
Medyo iilang tao na rin na nag-unsubscribe ako sa FB.

1. tita - madalas siyang mag-rant sa FB. tapos everyday, meron siyang good morning, me ma-post lang na status ganun?
2. a friend from HS - she borrowed money from me tapos I sent her a message on FB pero deadma. to think na I considered her a bestfriend. Nasa province kasi siya. I don't think I can trust her din, may pakiramdam kasi akong mabilis siyang madulas. Nagshare pa man din ako sa kanya ng mga secrets.
3. a friend from old work - ewan ko ba. everytime ka-chat ko siya may pagka-sarcastic siya. kung ayaw niya ko kausap okay lang naman eh.

I don't unfriend someone in FB lalo na't relative, family member or naging friend ko talaga. I did that before and I had to add her again. She didn't ask naman, all along she thought wala akong FB. I'm sure nagtaka rin siya kasi may past posts ako sa FB tapos kelan ko lang siya inadd ulit.

This is a bit OT but since wala yatang separate post about IG and unfollowing, dito na lang ako magshare. I was following this girl in IG, ex-gf siya ng friend, we're also friends in FB. Last week, I noticed nabawasan followers ko on IG and I found out siya pala yun nag-unfollow. I can see her IG but lumalabas no posts. Since I have another IG account, I searched her there, naka-public IG niya, which means she blocked me in IG. Hindi pa niya ko in-unfriend sa FB. Nagtataka lang ako, kasi halos lahat naman ng posts niya sa IG nasshare din sa FB BUT I noticed naka-filter. May certain pictures sa IG na ayaw niya sigurong makita ko. Nagtataka lang ako, why doesn't she unfriend me na lang din sa FB dba?? She has nothing to lose, unless, nakiki-silip siya. I don't want to unfriend her on FB kasi baka akalain niya may issue, siya naman nag-add sakin sa FB dati.

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #73 on: March 10, 2015, 09:11:08 am »
^lagay mo na lang sa restricted list mo sis. that way, you're still friends sa fb pero public posts mo lang ang makikita nya. Baka me sinisilip sa fb mo o ini-istalk ka kaya ayaw mag unfriend. hehe

gil12

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #74 on: March 11, 2015, 06:03:58 pm »
^ wala naman siya gano makikita sa FB ko  ;D  sa tingin ko, after a few weeks i-unfriend na niya ko sa FB. masyado kasing obvious kung sabay niya ko aalisin sa IG and FB eh

Prunella

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #75 on: March 11, 2015, 09:53:56 pm »
Just those who post disgusting images/videos.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #76 on: March 11, 2015, 10:09:04 pm »
Queen Chocolah- true! Lahat ng buhok ko sa katawan, tumindig! At eto pa ah! Yung wedding gown niya at wedding gown ni Heart E. Feel na feel niya na ginaya siya ni Heart.  "Grace Kelly ba kamo? Or Hannah Grace kelly Inspired?!Ngek!! ( first name not real name)  kasi siya daw ang ang naunang kinasal. Kaya siya daw yung ginaya. Kung si Heart daw yung mas nauna, siya daw yung nanggaya. Mukha pa lang.. Ingrown siya ni heart!   Di malayong mag album siya ng " ang malanding babae ng mahal ( name ng guy) ko!! " hinding hinding hindi malayo. At gandang ganda siya sa sarili niya!  I remember na may picture doon na  nasa CR ( then bf) niya.. Pinadala sa Norway ata fiance niya ng company.Naglalaba at nagpipiga ng pinaglabahan.( no top) tapos may mini screen sa gilid ( her picture) skype ata ito. I think, its very inappropriate to post such picture pa. Sana sinarili na lang niya yun. Parang ako yung nahihiya for the guy. Why post that pa?  Kahihiyan ng lalake yun.
« Last Edit: March 11, 2015, 10:33:51 pm by hazelbrown_eyes27 »

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #77 on: March 12, 2015, 09:39:50 am »
Ahaha at si Heart pa talaga ang gagaya sa kanya? Ang ganda nya ha. At sikat pala sya. Lol. Natawa ko sa ingrown!  ;D Nako feeling ko kasi ang mga ganyan sis, kulang sa atensyon. O kulang sa pagmamahal. Kaya dinadaan sa posts, akala mo sobrang saya talaga pero hindi naman in reality. Well di ko naman sya kilala pero madami kasi akong kilalang ganyan. Kung makapag post kala mo ang saya saya nilang mag asawa tapos may underlying problem na pala. Gusto magyabang sa mga Ex, o sa ibang babae, na ganyan mahal na mahal sya ng asawa nya. haha

O pwede ding talagang ignorante lang sya sa social media. akala nya katanggap tanggap na ang mga malalaswang bagay porke mag asawa na sila.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #78 on: March 12, 2015, 11:30:58 am »
^ yung post na " eh yung pag dating mo sa office naka bukas na ang lappie mo,software na gagamitin? Mahal ko, paki open na rin ang email ko!"

Anyway,  some of the people that I unsubscribed to sa facebook, nag unsubscribe na ako kasi:

A. Pati ba ang pag decide kung anong klase ng doritos kakainin ipag decide pa sa facebook friends?

( doritos jalapeno, doritos classic, doritos ranch) all of them nasa tabi ng led tv, caption " what to eat? What to eat?"

B. Gifts from boyfriend all laid to the floor as if she was selling them..
#milka #longchamp #rittersports #dior
#loreal #mac  caption  " iam so #BLESSED thank you lavee ko! Sana ipadala ka ulit sa ibang bansa para may pasalubong ulit ako!!"

Cant you thank your bf personally? Kailangan ipaskil lahat ng bigay?

C. Too much selfie!

D. Mga binabandera ang marraige woes nila, nagpaparinig sa kanilang mga asawa..

manhattanite

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #79 on: March 12, 2015, 08:21:50 pm »
^Sis, parang gusto ko tuloy maging friends sa FB ang mga friends mo na yan para lang makita ko for myself hahaha!  Nakakaloka sila!  Mga classic [textspeak!].

Ang tanong, meron bang nag-li-like sa mga posts nilang ganyan?  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close