watch now

Author Topic: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?  (Read 50414 times)

Kady_14

  • Guest
Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« on: May 24, 2013, 01:21:28 pm »
Ako madami na ata, hindi ko naman sila mai-unfriend kasi baka magalit.

(1) Officemate ko dati na post ng post about her dog, hindi kami friends, magkakilala lang sa work. ngmemessge pa siya to "like" her dog's page or pics kasi sumasali sa dog shows. :P

(2) Asawa ng kaibigan ni husband, nakakaloka kasi puro ka-bitteran ang post. Parang ang gwapo ng asawa nya at lagi atang me gusto umagaw. Kamusta naman, saka itong si ate nakakaloka ang hilig mag selfie, kaso kairita ang fez, me isang beses ngpost ng henna nya as in close up. Jusme ang balat, natural na madumi, nakakadiri. (bad ko) hahahaha.... basta, punong puno siya ng confidence.

(3) Yung officemate ko na daming happy posts about her life pero alam ko naman ang hilatsya nya sa office na bitter siya sa buhay nya, pero sa fb puro pagpapanggap ang posts nya na happy siya sa jowa nya and being a mother.

.... isip pa ako.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #1 on: May 25, 2013, 12:43:01 pm »
-Fb friend na maarte,normal lang naman minsan mag arte pero meron talaga sobrang arte,nakaka irita laging ganun

-yung laging naka check in lalo na nasa mamahalin na resto/hotel kumakain,tapos nakabili ng bagong kotse,upload pa sa facebook kahit di na dapat.

-war freak friend,laging nagparinig,ayaw diretsuhin,baka takot ma demanda ng libel hahaha!

bubblepop

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #2 on: May 25, 2013, 07:27:56 pm »
Mga high school batch ko na feeling sikat pa rin hanggang ngayon eh super laki na ng pinagbago ng mukha, haisst ang bad ko

nikki09

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #3 on: May 25, 2013, 07:58:48 pm »
One is a HS batchmate, nag-join kasi siya dun sa GFI (ata yun) so maya't maya tag ng tag sa akin para todo endorse. Nung una un-tag lang ako ng un-tag tapos hanggang sa nagsawa na ako at naiirita kasi sinabihan ko na siya pero deadma kaya hindi ko na siya friend ngayon :p

May isa pa ring HS batchmate na super magbroadcast sa FB ng awayan nila ng ex (bf nya that time) niya na super nairita ako kasi yung ex niya is my HS classmate pa naman. Ang ending si HS classmate ko (the ex bf) naka-block sa wall ko then si batchmate naman un-friend din pero after ilang months (nag-break sila) nag send ulit siya ng friend request and tinanggap ko naman ulit. :)

And yung last is an Elementary classmate, nagmumura kasi and super palengkera sa FB. Yung tipong kapag may kaaway siya eh mapupuno ang wall mo ng post niya :( Eh naging parang daily basis na so naka block siya sa wall ko to date para naman hindi puro siya nakikita ko diba?

megumiii

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #4 on: May 25, 2013, 11:37:12 pm »
If memory serves me right, I haven't unsubscribed to anyone in Facebook... yet.

But when ticked off, I'd probably do this to online shops or people who flood my wall, or tag me in photos of the items they're selling.

pandalicious

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #5 on: May 26, 2013, 12:02:06 am »
1. A close friend, puro kasi endorSement ng kung ano-anong product pinopost, as in super flooding

2. Cousin, flooding din ng binebenta niyang baby clothes

3. Malayong kamag-anak ( not sure if she's a pamangkin or pinsan) puro selfies, as in puro buong mukha niya lang talaga pinopost niya everyday

quinone

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #6 on: May 26, 2013, 12:26:35 am »
unsubscribed sa friend ko nung elementary pa, masyadong nega e.
unfriend naman sa mga friends na hindi sumasagot sa PM ko.


sistah!

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #7 on: May 27, 2013, 02:49:47 pm »
I have this malayong kamag-anak na sobrang jejemon tapos flood talaga ng senseless na stuff. ang hilig magpost ng "gVd Am powh!" tapos kung ano ano pa, pero laging ganyan yung pagka-type nya. so I unsubscribed. I couldn't really unfriend kasi konti lang friends nya at baka mahalata, nakakahiya.

I started blocking certain friends from seeing my posts though. mostly some chismosas from my workplace na troll talaga.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #8 on: May 27, 2013, 03:17:00 pm »
Naku marami na.

1. Those na walang ginawa kundi mag rant everyday.. Seriously, their negativeness drags me..
2. Yung every hour, everyday iba iba ang profile pic...
3. Yung walang ginawa kundi magpost every 2 hrs ng AMEN on a religious image.
4. Yung mahangin sa FB like posting new gadgets, new cars, new bags and shoes WITH EFFECT OF ANNOUNCING THE PRICES...
5. Yung mga jejemon sa list ko
6. Yung grabe magpost ng selfie pics.. As in ultimo paggising at bago matulog eh pagmumukha nila ang ipopost nila....
6. Yung walang ginawa kundi magpost ng morbid pics, naputol ang kamay, lumuwa yung buto etc. kadiri lang.

Hay naku marami pa

iceheaven31

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #9 on: May 27, 2013, 04:46:58 pm »
If I remember right:

-an acquaintance who used to upload pictures, and then share each photo again in her timeline, which are mostly her selfies. kairita.

-a friend na walang pinopost kundi statuses like "ay sale na naman sa Coach (or Ninewest)", or pictures of flipflops, or pictures of bags (yea, from Coach).

gorgeousgem

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #10 on: May 29, 2013, 11:12:45 am »
Highschool friend na nag-ask ng help few months ago. Hindi ko sya friend sa FB but then one day request sya so accept ko naman agad. Then bigla nagmessage asking if I can help her, ako naman ask agad what kind of help. May mayoma daw sya so sabi ko just give me your bank account para makadeposit kami, buti na lang busy si hubby at wala time magdeposit. Nagmessage yung highschool barkada  ko at nagiimbestiga kase yung mga kakilala nya hiningan daw din. Yun pala bogus lang wala talaga mayoma at ang siste nito baon sya sa utang sa credit card, asar na asar ako kase awa ako sobra yun pala niloloko lang ako hmmmp

quinone

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #11 on: May 29, 2013, 04:38:42 pm »
^oo nga pala, may ganyang kwento rin yung isang friend ko sa FB before. sinabihan ako ng old close friend ko mag-ingat at ang hilig daw mangutang pero hindi magbabayad. kaya bigla ko rin yun in-unfriend.

iceheaven31

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #12 on: May 30, 2013, 01:09:30 pm »
-one openly gay guy who used to like and share pictures of gay men. i have nothing against gays but i don't like seeing almost porn-ish photos on my news feed.

Issabella

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #13 on: May 30, 2013, 01:26:04 pm »
yung walang ibang status kundi reklamo, pangungutya sa kapwa at sobrang halatang pagyayabang.
yung walang ginawa kundi magpost ng picture ng paisa isa kada segundo, minuto at oras.

sixteen16

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #14 on: May 30, 2013, 03:09:57 pm »
Yung una, panay ang post ng selfies nya bawat minuto basta online sya at mga gala pix nya kahit a year ago na yun with the caption pa "mamatay kayo sa inggit mga haters". I'm not a hater pero puro sya laman ng newsfeed ko.. Kaumay!

Pangalawa, yung panay post ng pictures ng gadgets na meron sya. Pati amount ng tuition ng anak ay pinopost pa. Lahat na lang ng amount kailangan ipost.

Pangatlo, yung mga friends ko na hinde ako interesado sa buhay. I mean the usual kumustahan lang ok na. Nasstress lang ako kapag may nababasa akong post or nakikita akong picture na ikakastress ko lang. Affected ako masyado kapag may issue. Kaya unsubscribe na lang. Walang alam, mas peaceful at tahimik ang buhay.. Hindi nadadamay sa gulo at pinagkakamalang tsismosa. Basta alam ko nasa fb lang ako to communicate with my parents/relatives abroad.

Kady_14

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #15 on: May 31, 2013, 10:57:57 am »
I really wanted to unsubscribe (soon) to two people on my FB list.

(1) Inggitera, feeling ko lang. Kasi she tends to whine sa fb like she is thinking daw if she should get an S4 instead of an iphone 5. She asks pa if it's worth the switch kasi she's been a loyal iphone user. Papayag lang daw siya if white ang bibilin ng hubby nya na parang pinipilit siya ng asawa nya. Eh parang hindi naman, gusto lang nya kasi Samsung user na yung husband nya. Infurr ang daming pumatol and naki "know-it-all" sa comparison kung anung mas OK.

(2) Me issues siguro sa buhay nya, ngpopost ng mga resibo sa kinainan, mga ginastos nya and lately yung payslip nya dati, pinang throw back Thursday ang tag. I missed working, what I used to earn in just 2 weeks. Nakalagay na base pay almost 100k. House wife na lang kasi ata ngayon.

Kaloka ang kayabangan ng mga tao sa FB, para lang masabing di sila napag huhuli sa mga bagay bagay.

FOURever

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #16 on: May 31, 2013, 11:22:33 am »
Yung friend ko na ok naman kaso ang arte arte, mapayat na sya, pero makapost na ang taba nya. Nakakaoffend lang sa mga nasa heavy side like me. Fishing for compliments lang. Tapos mga quotes na sinasabi, contradicting sa mga tweets naman nya.

-yung isa na mura ng mura.

aranses

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #17 on: June 01, 2013, 11:16:10 am »
my cousin na uber selfie! grabe wala pa ata 12 hours may bago upload ng pics niya at todo pa magkalat sa newsfeed, ginagawang twitter ang fb.

highschool friend ko na selfie din grabe kada upload ng album wala ako iba makita kundi pics niya.


manhattanite

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #18 on: June 04, 2013, 09:20:08 pm »
1. a cousin-in-law na super obsessed sa anak nya, who incidentally eh inaanak ko.  i'm not a mother yet, pero mygawd, kung makapost sha ng pics parang anak lang nya ang bata sa mundo.  and ang nakakatawa pa is hindi pala-smile yung bata, laging nakasimangot, so imbes na matuwa yung makakakita eh nagtataka pa bat mukang di masaya yung bata.  ang hilig dn nyang magcomment na, "we are the happiest family!" or something to that effect.  parang ewan lang.  kung talgang masaya ka, di mo na kelangan i-announce yun, kusang mag-ra-radiate yun sa inyo.  ang OA OA lang nya. 

2. a friend who was a former artista na feeling relevant artista pa dn hanggang ngayon kahit antagal na nyang hindi active.  lumelevelz sa sosyalan.

elainedprof

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #19 on: June 07, 2013, 01:37:07 pm »
1. HS Friend na pa-KNOW IT ALL. Irritating masyado basahin ang mga posts niya at minsan paimportante, as if naman we need his pov.
2. College Friend na SUPER EMO. Always status ang brokenhearted quotes or mga naunsyaming pag-ibig. tsk tsk tsk.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close