watch now

Author Topic: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?  (Read 50573 times)

chinkywinky

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #80 on: March 12, 2015, 11:05:33 pm »

B. Gifts from boyfriend all laid to the floor as if she was selling them..
#milka #longchamp #rittersports #dior
#loreal #mac  caption  " iam so #BLESSED thank you lavee ko! Sana ipadala ka ulit sa ibang bansa para may pasalubong ulit ako!!"

Cant you thank your bf personally? Kailangan ipaskil lahat ng bigay?



Ayaw na ayaw ng asawa ko 'to :D Sabi nya sakin bakit kelangan pang i-post sa fb kung nagkikita naman, sabihin na lang ng personal o kaya kung malayo hindi pwedeng i-private message na lang? :D Tapos ayaw din namin pareho na nagpopost ng mga emo messages to each other online (like others do pag valentines, anniv, at kung ano-ano pang event sa buhay, mga tipong 'I thank God for you' na mga drama). Sabi ng asawa ko, eh di sasabihin na lang nya sakin sa personal, bakit pa nya ipopost :D

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #81 on: March 12, 2015, 11:13:16 pm »
Manhattanite- really sis? Gusto mo makakita ng ganito? Nakakasuya lalo na pag bawat kibot at bigay, purchase or kakainin.. Ipapaskil. Parang deprived eh. First time?:) 


Chinky winky- maybe, Iam also not the type na ipopost at mag papasalamat via fb. I thank the giver kasi via viber or in person. I dont post whatever that was given to me. And well, for me.. Parang.. Di sincere dating.( for me lang ah!)

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #82 on: March 13, 2015, 03:20:08 pm »
Meron pa, yung kung makapag post ng status kala mo ang buti buti ng ugali! Grabe napaka ipokrita na alam naman ng lahat na ubod ng sama ang ugali nya. Kala mo pa kung sinong marunong para magbigay ng advice sa mga status nya eh hindi nya nga magawa sa sarili nya.

Tapos yung, magpaparinig ng kung ano ano sa kaaway nya. Pero naka friends only naman ang status. Pano naman mababasa ng kaaway nya yun? Friends sila? lol.

Jem17

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #83 on: March 13, 2015, 04:11:45 pm »
yung mga poser sa fb na ultimo pagutot eh gusto pa ata ibroadcast, hehe.
and yung mga couple na kelangan pa ng audience para malaman ng friends niya sa fb na sweet at as if perfect couple sila..wala daw pakialaman sabi nila, kaya much better unsubsrcibe na lang kita,hehe.

Ahim de Famille

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #84 on: March 13, 2015, 04:35:58 pm »
^ haha! Yup, meron mga couple na sila lagi suki ng wall ko. Maya't maya post na naman. Pati nga joint account nila pinost pa kaloka! Eh hindi pa naman sila kasal. Lahat nalang ng kilos kelangan kunan ng picture sabay post sa fb.

Meron din akong friend sa fb kasabay ko sa training. Puro parinig lagi sa kaaway nya with matching english pa yun haha! Tapos naka all caps pa. Ang sakit tuloy sa mata tignan tapos nakakasira pa ng umaga pag yun ang nababasa. Ang masama pa dun kada minuto pa magpost ng status para sa mga kaaway nya na kesyo trinaydor sya, kukuha sya ng abogado, nadiagnosed sya na may depression kelangan daw nya ng psychiatrist..
Hay naku! wag nalang syang mag post ng ganun madami kasi nakakabasa at saka parang wala na siyang tinira sa pagkatao niya. Lahat ng friends nya eh nababasa nya yun at magtira naman sana siya ng privacy niya.  ::)
« Last Edit: March 13, 2015, 04:39:19 pm by Ahim de Famille »

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #85 on: March 13, 2015, 07:00:30 pm »
Queen chokolah- my EX gradeschool bestfriend ganyan. LIFE COACH siya as her profession.. May page pa sa fb! Pero yung mga guintong aral niya di niya ma apply sa sarili. Iam just wondering how she can handle a class or a company teambuilding for that matter, but sa sarili niya.. Di niya magawa gawa.

manhattanite

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #86 on: March 13, 2015, 07:32:58 pm »
Sis hazelbrown_eyes27 - Ayoko nung mga kadiring pics, sis LOL!  Na-curious lang ako kasi claim nya ginaya daw sha ni Heart dba?  ;D  Gusto kong makita kung kasing-ganda din ba sha ni Heart haha.  Actually yung mga ganyang tao, I take them as source of entertainment na lang para less inis  ;D 

Ang pinaka-ayoko talga yung humble braggarts.  I'd rather full-on bragging na lang, no apologies lalo na kung justified naman, like kung successful sa career or may bonggang achievement, kesa dun sa mga pa-simpleng yabang. 

may12

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #87 on: March 15, 2015, 02:14:17 pm »
Nag-unsubscribe ako dun sa dati kong classmate na puro naka-bikini ang laging post ng pics niya. Gusto ko na sana mag-donate sa kanya ng mga damit at baka wala siyang damit kasi laging naka-bikini.  ::)

Nag-unsubscribe din ako dun sa mga puro negative nalang ang post. Yung araw-araw may kaaway. Kaloka.

Hindi ako masyadong marami in-unsubcribe sa account ko, pero sa account ng bf ko dati madami. Haha. Selosa lang ang peg.  ;D
Ayaw ko kasi dun sa mga nagpopost ng sexy pics  (naka-bikini kahit di naman nagswi-swimming, yung kita ang cleavage lagi, yung mga laging provocative ang mga pose). Ayoko nakikita ng bf ko. Haha. Pero sinasabi ko naman sa kanya after kung sino ang in-unscribe ko.  ;D

insanelypurpleprincess

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #88 on: March 15, 2015, 11:58:45 pm »
Fairly recently, my last ex... well, I guess, I just can't stand the fact that his new 'girl' has the same name as mine. I mean, c'mon? Sana man lang iba ang pangalan. It's just too weird. Haha!  :o

mebpa

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #89 on: March 16, 2015, 02:39:31 pm »
couples who post pics almost every day, ginawang photo album FB. Buti sana if nasa vacation, at least kahit papaano may background na maganda, eh pader lang naman background or common resto/fastfood/mall lang naman pinuntahan.

people who complains and rants on FB almost every day. lahat nalang, traffic, people, work, politics.  sana gumawa nalang sila ng diary and dun nila isulat lahat ng negative thoughts nila.

yun mga pa-good vibes kuno yun post pero alam mo naman nanglalamang and iba ugali sa personal.

yun may mga OOTD. sorry to say this, pero pag hindi naman talaga kagandahan masakit naman talaga sa mata yun mga ganyan. feeling fashion model.

lastly, yun mga mayayabang na lahat nalang pinost about material things. parang lahat ng binili big deal.

gwyne21

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #90 on: March 17, 2015, 09:59:36 am »
May 2 tao na:
1. high school teacher ko na sobrang feeling model sa fb. everyday may selfie at lahat ng pinupuntahan nya na lugar or kinakainang resto, nakapost (with receipts pa ng kinain sa resto) pati ulam ng lunch at dinner nakapost. ginawa ng diary ang fb. pets, damit, accessories posted lahat.
2. gay high school batchmate na sobrang hilig din magselfie (halos araw-araw). meron pa yung "close-up sleeping shot (kunyari tulog pero may selfie)".. pati pag nasa cr at nakaupo sa toilet bowl, may selfie.. napa-WTF ako nung nakita ko yun sabay unsubscribe agad..ewww... :o

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #91 on: March 18, 2015, 05:32:49 pm »
Sis Manhattanite: unfortunately NOT! Hindi niya kasing ganda, or kasing payat.( wealth wise, hindi rin!)
Ewan lang at talagang naka side by side pa wedding pictures nila ni Heart. Pinag didiinan na si heart ang nanggagaya sa gown niya. Aim high pinay ah! Side by side talaga! Nakikita talaga ang difference nilang 2. Gowns naman di magkapareho. White kay Heart, sa kanya parang grayish violet. May parang palikpik ng isda sa likod yung kanya. Normal na gown kay Heart. Kung titignan mo, parang hand me down ng isang nag Golden Jubilee wedding anniversary yung gown niya. Kasi, parang pang matrona. Kaya di sila totally same ng kay heart.
« Last Edit: March 18, 2015, 05:34:24 pm by hazelbrown_eyes27 »

simang

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #92 on: April 08, 2015, 12:03:28 am »
Malapit na akong mag unsubscribe sa isa kong friend who recently got married.. At first natutuwa ako sa mga updates nya about her wedding but it became too much. As in pati wedding gown nya, bouquets and all, pinost nya before the wedding. The day after ng wedding flood na naman sya ng mga photos as in almost 5 mins apart lang. Mga more than 10 kada araw. And then sadly, pati honeymoon nya mega post sya na for me ay medyo inappropriate na parang dapat for their eyes only na lang yun. Medyo nalungkot ako kasi i was looking forward to their wedding tapos naumay na ako -_-

crzysxycl

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #93 on: April 08, 2015, 09:27:47 am »
- ex boss ko, wala lang. hindi ko lang gusto maka receive ng updates tungkol sa kanya, haha.

- mga nagpopost ng sexy pics or videos ng kung sino sinong girls. pwede naman pagpantasyahan nalang ng tahimik, ipopost pa sa fb.

- yung mga alam mong naka data plan or unli, kasi everyday may fb status. ginagawang diary ang fb, lol.

- mga GGSS :P

- mga nagyayabang at social climbers. pinopost pa na kumain sila sa chowking, anuber!




cutemama

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #94 on: April 08, 2015, 10:46:45 am »
May ka officemate din ako post ng post ng pics everytime magstarbucks.. My God ano bang meron sa starbucks.. everytime na lang bibili ng coffee kelangan talaga magselfie?? First time lang ang peg??
Ok lang naman magpicture sa resto or coffee shop lalo na kung kasama mo yung mga friends mo and ngayon lang kayo nagkikita kita ulit, or may occasions to celebrate o kaya naman first time mo sa isang place ok lang naman magtake ng photos..pero kung lagi lagi na ultimo sa jollibee and dunkin donut eh may selfie..

Natahimik na newsfeed ko nung inunfollow ko yung friend ko na addict magselfie.. naalala ko siya kaya viniew ko timeline niya , wala pa rin palang pagbabago every hr ang selfie.. kahit nasa bus may selfie,.puro duck face naman lagi hitsura..

crzysxycl

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #95 on: April 08, 2015, 10:58:07 am »
^hahaha! GGSS siguro yang kaofficemate mo sis.

- may gusto pa pala ako iunsubscribe.. yung SIL ko, panay selfie! dating camera shy yun eh, ngayon kahit nasan nagseselfie.. araw araw nalang.. kung hindi ko lang SIL yun eh. lol this is one of the reasons kaya once in a blue moon nalang ako kung mag fb. kaumay! :P

ajang

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #96 on: April 11, 2015, 12:30:21 am »
i don't know if counted din ang pag-restrict or pag-block..

restricted:
my boss - mahilig magbasa mode sabay pagdating sa office dun sya mamamahiya o magb-broadcast ng nagyayare sa buhay mo
some of my officemates - plastik kasi ng sobra lutang na lutang, sa fb close close pero sa work deadmahan lang.

blocked:
specific officemate - nag add lang para magpa like ng pic ng anak nya. so pagka add ko sa kanya sabay blocked.
ex bf - stalker type sya ang dami nyang ginawang dummy accounts para lang malaman ang nangyayare sa buhay ko.

un-followed/un-subscribed
ex officemate na kung maka broadcast ng pagmamahal nya eh wagas pero alam naman naming niloloko nya, mga taong negative vibes ang dala sa araw ko, mga taong puro mukha lang nila nakikita ko sa fb ko na tipong wall na nila ang news feeds ko.

17glut

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #97 on: April 11, 2015, 12:44:13 am »
good thing i decided to drop from the social media circus...too much BS to deal with. 8)

manhattanite

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #98 on: April 11, 2015, 04:29:54 am »
Parang malapit na din akong mag-unfollow sa mga pinsan kong over-sharing sa mga anak nila.  As in bawat galaw ng mga anak nila, naka-post, with matching nobelang text  ::)

tomatostellar

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #99 on: April 11, 2015, 06:49:56 am »
A lot! Especially yung mga share ng share ng kung anek anek that I don't find interesting nakakagulo lang sa news feed..and of course yung mga GGSS.
I like Twitter and IG better :p

 

Latest Stories

Load More Stories
Close