watch now

Author Topic: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?  (Read 50519 times)

aquacharly

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #20 on: June 13, 2013, 10:38:26 pm »
1.   May FB friend kami na makati (not MAH-Kati City ha; but mahkah-TI!)
      She leaves over-flirty loaded with sex words  " messages of concern"  for hubbies/BFs/partners who are having spats or troubles with their wives /GFs/partners.   Adds more complications.  Nympho ata; so we girls all froze her out.

2.  A female relative who regularly posts photos of herself in very sex-plicit   provocative poses attired in slutty/striptease attires.  Susko!  Our younger generations are also on FB; our  social groups, etc. hello? Ano ba?!  The nieces & nephews have gawked; then complained.  Kasi nakikita ng friends din nila. Gross, euww, yuck sabi daw. (Oh, the little hypocrites! lol)

Sinabihan na namin; titigil for a week or so --tapos Eto na naman a full feature again of  her in various contortions & Agent  Provocateur (yon ba brand?? Basta pokpok style). Eh di ako again assigned to address the problem --  so I told her privately, paki email not FB your photos.  If you want to send us DVDs or USBs - ok din, basta hwag na FB.
Hay, stopped for a month --tapos Eto again on FB! na report na yan, aba ewan  eto again.
Kapag natatapat ata sa swimming pool or beach, basta tubig (patulan kaya nya canal? That I still don't know. Lol) --  lumalabas her syrena  DNA.    Susko.

I posted on FB before blocking her:   Pag medj ampalaya ka na, you oughta dress appropriately to give yourself respect & indicate to others you have a sufficient grasp of Sociology (The study of man in society ek-ek). 

Kady_14

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #21 on: July 24, 2013, 11:05:25 pm »
^ sobrang tawa ko ditto aquacharly,

dahil sa serena dna. naalala ko yung pinakita kong pool party pics ng MIL ko with her friends sa asawa ko and he hated me for it and everytime I remind him of it he wants to throw up. hahahaha.....

whatswithjuly

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #22 on: July 24, 2013, 11:13:07 pm »
1. sa mga taong addict sa selfie. meron pa kong friend sa FB na.. ang description lagi.. "sorry naman..haggard", "ang panget ko!". ayos ah. pagktapos magpacute sasabihin ang panget nya.  >:(

2. dun sa isang guy friend ko na masakit sa bangs mag-english. pwede naman magtagalog..

angelzero

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #23 on: July 25, 2013, 08:45:08 am »
-former professor na intelligent nga, super nega naman. parang wala na syang nakitang magandang nangyari sa paligid nya.

-former officemate na explicit ang parinig sa ex na namimiss na nya sya. not just in her status, minsan may pictures pa nila nung sila pa.

-a number of fb contacts who always give too much info all the time. i guess posting trivial stuff like what you ate for lunch or what your kid did is ok as long as you don't do it ALL THE TIME. diba mas maraming mag lilike or magcocomment sa post mo kung minsan ka lang magparamdam? pag palagi kasi nakakasawa diba.

ching-chung-chang

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #24 on: July 25, 2013, 09:02:44 am »
- yung dati kong kapitbahay na nakakahilo ang mga posts... mahilig syang mag hmmmmm, super trying hard mag-English and hindi marunong gumamit ng punctuation marks. yung tipong ang post eh pang short stories tapos walang period :D

-yung hubby ng cousin ko na ang hilig mag share ng mga porn clips. Ano ba? may mga bata kaya siyang ka FB, hindi marunong mag-isip!

-a few contacts na ang hilig mag post ng selfies. ok lang sana kung pa isa-isa lang eh. my gulay,ang newsfeed ko flooded ng mga duck face. hindi pa nakuntento, ni-collage pa!

meron pa isa na gusto ko I-unsubscribe pero hindi ko pa nagagawa kasi nabubuhay ang pagiging chismosa ko sa mga posts niya - may kabit ang hubby, naghiwalay ng hubby, bumalik ang hubby, inaaway ang kabit, iniwan ulit ng hubby. abangan ang susunod na kabanata. haha ang mean ko :)

minatay91

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #25 on: September 23, 2013, 03:18:43 pm »
jusko ayoko makita yung mga post sa ibang tao, grabe nakabobo ang english, hay
pwede magtagalog nalang sila or mag.dialect please? as in SUPER PAST TENSE (i used to placed,)
super negative (I dont need no one like you!) or making parinig na wrong grammar, wrong
words, tYPiNG LiKE tHis (sira keyboard mO puH?) or super textspeak.

Sheesh, for my sanity and the others, spell out your damned words.

friendlyneighbor

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #26 on: September 24, 2013, 11:18:06 am »
Ex-friend and colleague. We are no longer working on the same company at nangutang via facebook, sine close naman kami before at maganda naman credit history nya sa akin at sa workplace namin, I still trust her at pinadala yung money via western. I told her na kailangan ko  na yung pera, ayun, samu't saring excuses, pero kung magyabang sa fb, starbucks dito, bakasyon dun. Naimbyerna ako at mega unfriend sa fb. Buti nga di ako nag post sa wall nya, dami pa naman naming common friends.  >:(

Starapple168

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #27 on: September 24, 2013, 04:53:23 pm »
- isa na gusto ko I-unsubscribe pero hindi ko pa nagagawa kasi nabubuhay ang pagiging chismosa ko sa mga posts niya - may kabit ang hubby, naghiwalay ng hubby, bumalik ang hubby, inaaway ang kabit, iniwan ulit ng hubby. abangan ang susunod na kabanata. haha ang mean ko :)

Haha pang teleserye ah :D

jeune

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #28 on: September 24, 2013, 09:17:00 pm »
I don't unsubscribe, I unfriend people who doesn't need to stay in my fb :D

mischa04

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #29 on: October 04, 2013, 11:34:53 pm »
hindi lang unsubscribe, in-unfriend ko rin..hehe.. mga highschool batchmates ko na bully pa rin hanggang ngayon..nung una unsubscribe lang kasi ayoko na mabasa yung mga posts nila ng pagyayabang at pangbubully pero nung sinali nanaman ako sa pangbubully nila (naka tag pa talaga ko) well diretso unfriend sila..hehe.. Naka move on na ko sa pangbubully nila nung hs kami dahil hindi ako popular like them nung hs.. At ngayon after so many years eh iba na ang situation noh wala ng pwede magbully sakin haha.. kaya kahit sabihin pa nilang  nagre-reminisce lang sila eh unfriend pa rin..hindi ganong mga bagay ang nire-reminisce ko hehe..

Yung isang pinsan ko rin malapit ko na rin i-unsubscribe kasi nakakastress ang mga post puro pagpaparinig sa ex hubby at family ng ex hubby nya..papansin pa sa mga post na halata namang iniinggit lang ex hubby nya..as if naman naiinggit eh di pa rin nga sya pinapansin..hindi na lang kasi mag move on eh sya naman humiwalay..hmp..kaloka!

inluvewithmikewesten

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #30 on: October 05, 2013, 06:06:50 am »
Ni unfriend ko a girl at work who got promoted as may manager dahil sa pagsisipsip, and her alipores.

Konti na lang and I will block this cousin, flooder nang posts about kay Sarah Geronimo, biggest fantard kasi ni SG. Every time na check ko ang newsfeed, puro mukha ni SG nakikita ko. Kasira ng araw minsan! 

An SIL malapit ko na din i-block. Grabe kung maka selfie. She's pretty naman in fairness but she's almost 30 so hindi na talaga bagay. Saka dapat talaga 20 pics in 1 day! Kaumay!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #31 on: October 10, 2013, 09:57:41 am »
1. Friends oozing with negativity -- mga OA mag-vent and magmura sa status and yung parang walang nangyaring maganda sa buhay nila. Madalas, I unfriend them. I don't keep negative people in my life.

2. Friends who flood my newsfeed with their selfies -- don't get me wrong, I love doing selfies too pero once in a while lang ako mag-post and I don't post all 100 takes on the same angles. Jeez.

3. Friends who share kadiri photos/videos/posts.

4. Friends who like to post status messages in English na super sakit basahin. I'm sorry pero this is one of my pet peeves. Pwede naman kase mag-tagalog and hinde kelangan makipag sabayan sa English. On top of it all, pwede naman icheck muna ang grammar bago i-post. A good example is my cousin who worked at a night bar and met an Australian guy. Aba, nung naging sila ni ni Aussie, nakakaloka na ang mga posts in English na literal walang makaintindi kaya sya lang din nagla-like. One time, I couldnt help myself, nag-comment ako na 'ang sakit sa ulo ng English mo.'.
« Last Edit: October 10, 2013, 10:01:33 am by twelvth_goddess »

hsinnerac

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #32 on: October 10, 2013, 10:14:42 am »
- yung HS classmate ko na araw araw nakaka produce ng 50 pictures or more siguro sa isang araw na iisa lang nman itsura nag iiba lang ang damit at parang responsibilidad nya sa fb friends nya na mag selfie ng ganun kadami with different collage design.

- yung college classmate ko nman post ng post na madami syang haters every day iba iba.


Nhetskii

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #33 on: October 10, 2013, 11:32:18 am »
malapit na... yung isang pinsan ko na walang ginawa kundi paringgan nang paringgan yung mga ex ng bf nya.. kung hindi yun ang post nya, mga walang katuturang status like, nagugutom na, kakagising ko lang, sakit ng ulo ko, magkakape na muna ako, iidlip muna... haler! FB lang ang kausap mo? malapit na kong maumay..

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #34 on: October 10, 2013, 09:11:59 pm »
Basically, I block people. Or let's say, I do not accept their friend request kahit matagal ko na silang kilala like kahit high school pa lang. I don't want negativity in my life anymore (and/or AT ALL, period!) that's why I don't like to accept it, but still won't reject it. HAHA. (:

Love your posts, sissies. I learned a lot from them, though.

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #35 on: October 10, 2013, 09:31:39 pm »
pano ba mag-unsubscribe? iba sa unfriend yun? may mga gusto kong tanggalin sa list ko pero yoko naman tablahin heheh

oreo08

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #36 on: October 11, 2013, 11:34:21 am »
yung pinsan kong uboddddd ng yabang na ultimo flip flops na "branded", pinopost... pati manika na pinapadala sa pinas, pinopost... pati picture ng asawa na nagbabayad sa lacoste shop ipopost... lahat!!! palibhasa kasi ngayon lang nagkapera. Harsh but true! Sa kapampangan, "meniglo"

incorrect

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #37 on: October 11, 2013, 01:41:42 pm »
I unfollowed a guy way back when I had extremely strong feelings for him, to the point na grabe ang sakit kapag nakita ko yung posts niya sa FB, lalo lang mare-live yung memories namin..

izabelle

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #38 on: October 12, 2013, 02:39:28 am »
- yung mga OA kung maka defend ng religion nila. Ok lang naman pero not to the extent na naninira na ng ibang religion. Napaka sensitive topic nyan, so mas maganda sana respeto nalang sa bawat isa.

- Yung mahilig mag post na mga kadiri stuff. Seriously, nakakastress sila.

- Yung feeling nya maganda sya at sobrang papansin haha. Iba kasi yung nagshashare sa nagpapansin na. parang facebook nalang ang buhay ang hilig mag flood. Feeling artista lang. :P

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Kanino ka nag-unsubscribe sa FB? Why?
« Reply #39 on: October 12, 2013, 03:42:29 pm »
- yung mga OA kung maka defend ng religion nila. Ok lang naman pero not to the extent na naninira na ng ibang religion. Napaka sensitive topic nyan, so mas maganda sana respeto nalang sa bawat isa.

Same here. Kung sino pa ang hindi religious or lezzay, atheist, sila pa ang open-minded. And they don't talk about religion usually, unless they're hardcore atheists talaga (as in anti-theist na ang peg).

 

Latest Stories

Load More Stories
Close