watch now

Author Topic: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby  (Read 173967 times)

lenjei

  • Guest
paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« on: April 30, 2013, 11:22:19 am »
hi mga sisses,

naisip ko lang, ang dami ko kasing nadidinig na pamahiin tungkol sa mga baby..

1. Wag daw lagyan ng electricfan ang baby dahil hindi naman daw sila naiinitan.. Pag nasanay daw sa electricfan o aircon, magiging pawisin. Pasmado na daw. Si mommy lang daw ang naiinitan kaya nilalagyan natin ng elctricfan si baby.
2. Wag daw ipapakiss sa baby na wala pang 1 year old, dahil magaantayan sila sa paglalakad at pagsasalita.
3. Bawal daw ang sitting position sa mga baby pa, dahil makukuba..

kayo mga sis? Ano na nadinig nyo sa mga lola at kapitbahay?

prix

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #1 on: April 30, 2013, 12:25:10 pm »
marami din akong alam na kasabihan..

1.) ang pinagtanggalan na pusod ni baby ibalot sa puting papel or tela at itabi daw kasi swerte daw yun. (yung sa akin nilagay ko sa bulsa ng poon namin na sto. niño.)
2.) ang unang gupit na mga kuko ni baby ibalot din sa puting papel or tela at itago para daw maging mabait si baby. (nilagay ko ulit sa bulsa ng poon namin yung kay baby ko..:))
3.) kailangan ang unang kikiss sa lips ni baby ay yung hindi bulol para di rin sya bulol pag nagsalita na sya. (kaya ako ang unang humalik sa lips nya bago pa man sya mahalikan ng mga pinsan kong bata)
4.)pag sinisinok lagyan ng sinulid ang noo. (common na common na..) ;D
5.) bawal isampa sa balikat hanggat wala pang ipin dahil magsusungki daw ang ngipin.
6.) lalawayan pag nausog.. (ito ang ayaw ko, kaso minsan may nakakalusot.. tsk!)

yan muna sa ngayon pag may naalala pa ko post ko ulit! hehe.. ;)

lenjei

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #2 on: April 30, 2013, 12:34:15 pm »
sis yung sa sinok, hindi lang sinulid pinalalagay sakin sa noo ni baby.. Sinulid daw na nilawayan at inikot ikot.. Sows! Hahaha.. :D ginawa yun ng lola nya, ayun bumaho tuloy noo ni baby.. Kainis! Nilinis ko na lang pagtalikod ng lola nya, baka kasi magtampo.

akosibulinggay

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #3 on: April 30, 2013, 12:37:15 pm »

4.)pag sinisinok lagyan ng sinulid ang noo. (common na common na..) ;D


Totoo talaga to sis, hindi siya matandang kasabihan lang, inexplain sa akin yan ng isang doctor..

Sa akin naman,
1. Haircut after ng 1st birthday
2. Yung inunan daw hingin sa hospital tapos ibaon sa lupa together with pencil and notebook para daw matalino ang baby pag nagschool na  :o
3. Wag daw papaliguan ng friday? Ewan ko kung bakit basta narinig ko lang sa matatanda
4. Ppag natutulog sa tanghali tatangkad daw  ::)

 ;D

lenjei

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #4 on: April 30, 2013, 12:51:15 pm »
^sis,ano reason daw sa sinulid at sinok? Pero hindi naman nilalawayan diba?hehe

dagdag pa pala,

wag daw gugupitan ng kuko pag friday.

prix

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #5 on: April 30, 2013, 01:14:23 pm »
1. Haircut after ng 1st birthday (Meron din sa amin nito sis@akosibulinggay at dapat matalino ang maggugupit para matalino din si baby..:))
2. Wag daw papaliguan ng friday? (ito din sis@akosibulinggay)
3. wag daw gugupitan ng kuko pag friday. (Masama daw, magiging sakitin si baby)
4. Isimba sya every first friday (ang tawag nila papa dito pa-syam, bago mag-1 year old si baby kailangan naka attend sya ng 9 na mass every friday (para daw lumaking mabait si baby.. hmmm.. nagmamadali nga ako laging mag-out sa work para lang makahabol kami ng misa sa gabi.. hehe..)
5.) pag nag-school na si baby at 1st day nya dapat pag-uwi nyo galing school wala na kayong ibang dadaanan, diretso lang sa bahay para daw hindi layas si baby.

hehe.. dami talagang kasabihan.:D

pink.sunshine

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #6 on: April 30, 2013, 02:24:23 pm »
Mapamahiin yung side ni hubby. Pinatago ng lola ni baby pusod niya para pag nagkaroon ng kapatid
ipapakain (ewww!) yung pusod sa kanila para daw maging close sila. Tapos binilhan siya ng briefs ng lola
niya bago pinasuot pinaapakan muna kay baby. Para saan yun? Di ko na natanong e.

princessrio

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #7 on: April 30, 2013, 02:41:04 pm »
nasabi nyo na lahat ng alam ko.

nung baby pa anak ko, pinapractice ko yung sinulid kapag sinisinok. i don't know how but it's effective for him.

patchi2012

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #8 on: April 30, 2013, 03:14:16 pm »
in our province eto mostly yung pamahiin at practice lalo na pag may old sa family nyo, makikialam talaga sila:

1. when the baby is teething na, di ba masakit yung gums, ginagawa nila, they cut a raw pork in chunks (fat with skin part) yung kasya sa mouth ni baby, pero yung di naman nya kayang malunok. hugasan in running water, basta hugasan daw ng hugasan, then ibigay kay baby, para kagat kagatin nya. reason daw nito is para daw di maging sensitive tyan ni baby sa mga foods. Di madaling magka tummy ache, diarrhea etc. (kaso sa panahon ngayon na medyo madumi na ang lahat, ewan ko lang, pero eto ginawa ng granny namin sa amin, i guess totoo, based sa experience ko)

2. pag toddler na si baby, at nakaka intindi na, ask mo sya to pick some egg sa place kung san nangigitlog ang manok (sorry not sure if pugad still ang tawag dito) then cook the egg boil or fry doesn't matter, then pakain mo sa kanya, dapat maubos nya, ibig sabihin daw nito, kung ano man ang naumpisahan nya, na karera sa buhay matatapos nya. e.g. schooling etc.
I just knew this nung dyan nag stay ang tita ko sa house ng grandparents ko at yan pinapagawa sa lil cuz ko.

3. Put some hair strands from baby's 1st haircut sa book, tatalino daw.

4. If nasa beach, ilibing sa sand yung legs ni baby, para mabilis daw magkakalakad.

5. Don't ever eat meals daw while nasa lap mo si baby, once na mahulugan daw kase sya ng rice, kahit anong himbing ng sleep nya, pag meal time mo na, tiyak magigising.

6. Same as din pag umuwi ka sa gabi, at nahamugan ka, never directly kiss the baby daw or batiin, kase tiyak di nya kayo patutulugin nyan or disturb na sleep nyan pag gabi.

Pamahiin lang eto mga sis, the 1st and 2nd yan lang nasabi ng granny ko na ginawa nila for us, during our toddler years, of course basta may matanda sa house, walang maka argue na.

lenjei

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #9 on: April 30, 2013, 05:15:45 pm »
ang nanay naman pag teething na, binibigyan nya chicharon para daw hindi maglaway.. Eh pag tinignan ko 1st daughter ko no0n,puro laway habang nginangata yung chicharon. Haha..;D

akosibulinggay

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #10 on: April 30, 2013, 06:02:13 pm »
^sis,ano reason daw sa sinulid at sinok? Pero hindi naman nilalawayan diba?hehe

Sis ang sabi sa akin basain ng tubig not laway   ;D kasi yung lamig daw na mabibigay ng sinulid na basa nakakacatch ng attention ng baby kaya nakocorrect ang paghinga niya.

lenjei

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #11 on: April 30, 2013, 06:08:53 pm »
Sis ang sabi sa akin basain ng tubig not laway   ;D kasi yung lamig daw na mabibigay ng sinulid na basa nakakacatch ng attention ng baby kaya nakocorrect ang paghinga niya.


ganun pala yun. At least ngayon may reason na, at hindi laway ang ilalagay.. :p hehe..

may isa pa palang dagdag, wag daw kikilitiin si baby sa paa dahil mahihirapan sya maglakad o matagal bago matuto..

mom@24born@30

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #12 on: May 01, 2013, 01:02:39 am »
Yung pusod isabit sa may bintana.
1st nail cut ni baby itabi at ipit sa bible.
Kapag ng1year na si baby yung 1st hair cut nya dapat matalino daw ang gugupit para matalino din si baby pag laki.
Kapag sininok kuha ng sinulid lawayan paikutin ilagay sa noo sabay sabihin na nagnakaw ng itlog. :)
Huwag paliliguan ng gabi.
Kapag iniwanan si baby maglagay ng knife sa ilalim ng crib.
Huwag paliliguan pag Friday.
Huwag gugupitan ng kuko pag Friday.
1st cloth na isusuot ni baby unbranded o 2nd hand use na para Hindi daw maselan sa damit pag laki.

m_lim

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #13 on: May 01, 2013, 06:54:28 am »
pakainin ng pusod at raw pork?!!!!

gosh, sana wala ng naniniwala diyan ngayon. Yuck!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #14 on: May 01, 2013, 08:49:00 pm »
My mama is punong-puno ng pamahiin na nakakiirita na minsan.

Aside from those mentioned,  Don't let my daughter sleep on the pillows above us kase daw mahihirapan daw kame sawayin.


iamgold

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #15 on: May 03, 2013, 03:28:01 pm »
hindi talaga ako naniniwala sa ganyan..
 1. lawayan si baby para di mausog

iamgold

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #16 on: May 03, 2013, 03:54:00 pm »
hindi talaga ako naniniwala dyan,,
 1. lawayan si baby para di mausog
       kamusta naman, anon kapangyarihan ng laway para makapagpawala ng sakit. eh kung may tb ang gumawa niyan sa anak mo.  E di kung papalawayan mo ang anak mo bakit hindi mo nalang pa duraan baka mas effective.

2.Ang bata hindi nakakaramdam ng init
       maawa naman tayo sa baby natin, tayong matanda nga kung pwedeng maghubad ng damit sa sobrang init eh ginawa na natin. ang mga babies natin milk ang food nila ang milk puro proteins yan kaya mainitin ang mga babies.

3. palaging maglagay ng manzanilla sa tummy, sa paa, sa may puson para daw tumaas ang pantog
     nonsense.. ok lang mag manzanilla pag may kabag pero yung araw araw maya't maya.ang int pa naman ngayon baka ma irritate pa skin ni baby..

4. Wag ilalabas pag gabi may hamog malamig na daw.
      Pano yung mga bata sa America bawal lumabas kase may lamig,

5. Wag painumin ng malamig magkakasipon
      ano ba yan, kawawa naman ang bata ang init init na tap water pa ipapainom mo. ikaw kaya init na init ka tas pag humingi ka ng tubig ang ibigay sayo di malamig..di ba nakaka inis

6.sa mga sinasabi ng matanda na kung ano ano, tas ipipilit sayo di nman nila anak ang anak mo. Makinig tayo dapat dun sa medically informed individuals..yung may basis ang sinasabi. Mahirap na mamya imbes na mapabuti lalong magkasakit ang bata..
baka mamaya sabihin sayo nang anak mo paglaki niya..mom bakit pinalawayan mo ko kay mang isko eh may hepa pala yun may Tb pala..

7. wag daw kikilitiin ang bata nakakapayat daw.
     hello?! hindi mo naman kikilitiin ng sampung oras ang anak mo di ba.. tska kung nakakapayat ang pangingiliti eh di sana wala ng nagpa lipo,wala nang gym..magpakiliti ka nalang papayat ka na! wala ng mga slimming capsules..kiliti lang ang katapat! haha


eto may basis to, pag may pantal ang bata at walang ibang paraan para mareleive ang pangangati.. nilalawayan ng nanay yung pantal kase nakakawala ng pantal..ang explanation may anti inflammatory properties ang saliva ng tao.

dami dami pa na nakakatawa na lang kung saan nakuha.natatawa naman ako habang ginagawa ko yung post na to ;D

iamkiansmom

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #17 on: May 17, 2013, 10:18:52 am »
-wag daw hahalikan si baby pag tulog, magiging loko loko daw paglaki.
-wag daw sisilipin ang mouth ni baby during teething period (??) :-\
-lalagyan ng cross sign gamit ang lipstick sa tuwing lalabas ng bahay
-papahiran ng aceite manzanilla ang head sa fontanelle part para hindi raw malamigan !!??  :o
-lalagyan ng bigkis si baby until he reaches 1 yo, para daw lumaking healthy and strong
 ::) ::)

 ;D We did not follow any of those.. So far, super ok naman si baby..

tannya

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #18 on: May 17, 2013, 10:50:16 am »
1. wag ilabas c baby beyond 6am para di mahamugan
2. gupitan ng kuko after 1month para mahaba ang buhay
3. gupitan ang buhok after 1 year, dapat matalino ang gugupit at iipit ang nagupit sa libro, say dictionary
4. ihagis ang nahulog na pusod sa bubong para di lakwatsero
5. magsuot ng pangontrang bracelets and charms

sweetiebarbie

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #19 on: May 31, 2013, 04:16:24 pm »
kailangan daw pag first time maligo si baby lagyan ng bulaklak ang pampaligo niya para lagi daw naka-smile...  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close