hindi talaga ako naniniwala dyan,,
1. lawayan si baby para di mausog
kamusta naman, anon kapangyarihan ng laway para makapagpawala ng sakit. eh kung may tb ang gumawa niyan sa anak mo. E di kung papalawayan mo ang anak mo bakit hindi mo nalang pa duraan baka mas effective.
2.Ang bata hindi nakakaramdam ng init
maawa naman tayo sa baby natin, tayong matanda nga kung pwedeng maghubad ng damit sa sobrang init eh ginawa na natin. ang mga babies natin milk ang food nila ang milk puro proteins yan kaya mainitin ang mga babies.
3. palaging maglagay ng manzanilla sa tummy, sa paa, sa may puson para daw tumaas ang pantog
nonsense.. ok lang mag manzanilla pag may kabag pero yung araw araw maya't maya.ang int pa naman ngayon baka ma irritate pa skin ni baby..
4. Wag ilalabas pag gabi may hamog malamig na daw.
Pano yung mga bata sa America bawal lumabas kase may lamig,
5. Wag painumin ng malamig magkakasipon
ano ba yan, kawawa naman ang bata ang init init na tap water pa ipapainom mo. ikaw kaya init na init ka tas pag humingi ka ng tubig ang ibigay sayo di malamig..di ba nakaka inis
6.sa mga sinasabi ng matanda na kung ano ano, tas ipipilit sayo di nman nila anak ang anak mo. Makinig tayo dapat dun sa medically informed individuals..yung may basis ang sinasabi. Mahirap na mamya imbes na mapabuti lalong magkasakit ang bata..
baka mamaya sabihin sayo nang anak mo paglaki niya..mom bakit pinalawayan mo ko kay mang isko eh may hepa pala yun may Tb pala..
7. wag daw kikilitiin ang bata nakakapayat daw.
hello?! hindi mo naman kikilitiin ng sampung oras ang anak mo di ba.. tska kung nakakapayat ang pangingiliti eh di sana wala ng nagpa lipo,wala nang gym..magpakiliti ka nalang papayat ka na! wala ng mga slimming capsules..kiliti lang ang katapat! haha
eto may basis to, pag may pantal ang bata at walang ibang paraan para mareleive ang pangangati.. nilalawayan ng nanay yung pantal kase nakakawala ng pantal..ang explanation may anti inflammatory properties ang saliva ng tao.
dami dami pa na nakakatawa na lang kung saan nakuha.natatawa naman ako habang ginagawa ko yung post na to
