watch now

Author Topic: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby  (Read 173969 times)

viellemacey

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #20 on: June 03, 2013, 08:13:04 pm »
samin rin dami pamahiin/kasabihan na minsan nakakainis na sa kaOAyan

-bawal maligo sa araw na ipinanganak si baby ( for example if monday sya ipinanganak, hindi sya liliguan every monday ), bawal maligo pag tuesday and friday. hanggang mag 1 month raw si baby. di ko alam kung bakit at hindi ko sinunod. maitim si baby nung una kong sinunod to kasi hindi makalabas ng ayos init ng katawan and iyak sya lage parang naiinitan yata sya.

-pag sinisinok lagyan ng small piece of paper sa noo na medyo basa. ewan ko rin kung bakit. minsan ko lang gawin kasi pinapainom ko na lang ng water si baby

-bawal magnail cutter ag friday, magiging sakitin

-first hair cut when she turns 1 at dapat matalino gugupit para matalino rin si baby

-paglalabas ng bahay dapat may suot na onton ( yun tawag dito eh. that's a small red bag around 1"x1" with something inside ) pangontra daw sa usog

-if nausog palawayan raw dun sa nakausog ( eww! buti sana kung nakatoothbrush na )

-bawal ikiss sa doll, hindi raw agad makakapagsalita

-a month before eating solids patikimin ng kalamay ( kakanin na malagkit ) para hindi kabagin

-1st solid to eat is kanin sabaw tubig at asin para hindi pihikan.

-wag agad lalapit kay baby pag galing sa labas ( or lupa as they say ) kasi raw iiyak ng iiyak si baby, baka raw kasi may kasamang entity

-never leave baby alone, nilalapitan raw ng entity kaya minsan bigla na lang iiyak si baby

-yung natanggal na pusod ilagay raw sa pinakamataas at maliwanag na parte ng bahay para daw mataas ang boses, ang pinagaralan etc.

-if walang kasama si baby sa room maglagay ng walis tingting ( yung hindi ginagamit ) sa door para hindi lapitan ng entity

-pausukan si baby sa hapon for 3 days kapag iyak sya ng iyak. and take note dapat nalinisan na sya para kapit sa katawan nya yung amoy hanggang matulog sya ( eww talaga to, baho pa naman nung insenso )

-wag tatalikod lay baby pagnatutulog. nakalimutan ko na kung bakit

-pagnakahiga si baby wag hihilahin, dapat buhatin, magiging matigas raw ulo ni baby

-wag ipapamigay mga napagliitan na damit ni baby hanggang wala pa syang 1y/o kasi malilipat raw yung taba/lusog ni baby sa pinagbigyan

-lagyan ng itim na sinulid tyan ni baby pagnagkakangipin na para hindi magdiarrhea at magkasakit

...

rtmanaloto

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #21 on: June 25, 2013, 10:51:29 pm »
Halos nasabi na lahat mga sis... :)

hindi ko sinunod, kahit sabihan pa ako ng ibang tao ay yung paglalagay ng bigkis... At lagyan daw ng piso kapag natanggal na yung stump para hindi daw alsado pusod ni baby...


My reason is matagal mag dry yung cord stump kapag kulob... Dapat air dried, kase, kapag moist, magiging favorite breeding ground yun ng bacteria... Hindi ko ginawa, pero nakabaon naman ang pusod ni baby  ;D

Sa dami ng pamahiin, halos lahat hindi ko sinunod... Except for 2 things
Huwag iiwan mag-isa si baby (hindi ako comfortable na walang nagbabantay sa kanya kahit tulog)
At
Huwag na huwag dederecho kay baby kapag galing sa burol/lamay, i forgot bakit...
For hygienic purposes, naliligo muna ako bago pa man ako humawak kay baby, not because of pamahiin  ;D

shawliin

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #22 on: August 08, 2014, 01:45:35 pm »
mga matatanda nga naman.. eto naman yung mga pamahiin nung mga matatanda sa amin:

- bawal daw paliguan si baby ng tuesday and friday. punas lang daw. (knowing baby ko, sobrang pawising. hindi ko sinunod. twice a day pa nga naliligo at nappreskuhan siya sa gabi pag ganun)

-wag daw gugupitan ang baby sa gabi. (hindi ko din sinusunod kasi gabi lang ang time ko na magupitan siya since maghapon ako nasa work.)

-pag nagpapasirit ng laway daw si baby eh magiging maulan ang panahon. (eto ang hindi ko magets. natural, ang baby ko naglalaro ng laway kasi ganun talaga ang mga babies.nagkakataon lang na tag-ulan or masama talaga ang panahon kaya ganun..tsk)

-ang gugupit daw dapat ng buhok ni baby ang yung mga kamaganak na may magagandang profession, like doctor, lawyer, etc. para daw maging maganda din ang profession ni baby pagtanda niya

-wag daw ilabas si baby pag takipsilim na kasi may hamog (hello naman, walang hamog hamog sa baby ko. as early as 530am nasa labasan na yun kasi maaga nagigising. sa gabi naman pag nasa labasan pa kami hindi na siya nagsusumbrero kasi ayaw nya ang magsuot ng hat talaga inaalis nya. hindi naman nagkakasakit. never pa nga sinipon since birth)

husbywifey

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #23 on: January 26, 2015, 08:19:33 pm »
Mommies, have you heard din ba yung pinaka una daw na ipapasuot kay baby eh yung luma para maingat siya sa mga gamit niya at hindi agad sirain mga damit niya? Unang ipapasuot like used mittens, cloths, receiving blanket, hat and socks? I'm a first time mom kaya syempre gusto ko sana bago lahat ng unang gagamitin ni baby..hehe..

IamDindin

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #24 on: January 28, 2015, 10:57:23 am »
^Ngayon ko lang narinig yan sis. hehe

Sa amin naman, eto mga pamahiin (ng parents ko):

-huwag daw i ki kiss si baby sa ulo kapag natutulog dahil titigas daw ulo pag laki. (hindi ko mapigilan i kiss si baby eh)
-huwag babatiin ang bata pag gutom, mababalis. Lawayan daw ang paa.
-yung unang gupit na hair ilagay daw sa envelope at iipit sa likod ng encyclopedia para tumalino. (seriously?)
-kapag galing sa labas, huwag lalapit agad kay baby.  (hindi ko alam kung bakit)
-Ihagis ang bata ng hindi kataasan ng 3 beses pagkatapos maligo para hindi magugulatin.  (hindi ko to ginawa, kasi natatakot ako baka dumulas si baby pag salo ko)

Madami pa, pero hindi ko na matandaan. :D Hehe

sachism

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #25 on: January 28, 2015, 02:34:19 pm »
nakakatuwa ang thread na to.

1. re paglapit sa bata pag galing sa labas - kasi hindi kaya ng bata yong amoy na galing sa labas. baka pawis na din at dumi
2. re damit na luma. ang nadinig ko naman para mabait paglaki. hahaha.
3. re paligo ng tuesday and thursday - ito nga din kabilin bilinan talaga. sinunod ko minsan dati. hehe
4. wag papaliguan kapag hapon/gabi na. hindi daw lalaki.  :o

ilovemybaby01

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #26 on: January 29, 2015, 12:40:20 am »
mga sis sabi saken ng pedia ni baby di daw totoo yung pamahiin na wag paliguan si baby ng tuesday and friday, pinagalitan pa ko nung nalaman niyang sinunod ko yung pamahiin kaya everyday ko ng pinapaliguan baby ko..

ask ko lang mga sis alam niyo ba yung pamahiin na pag pinang gigilan ng preggy si baby papayat daw si baby? kailangan paliguan sya nung preggy.. baby ko kasi feeling ko pumayat sabi din ng parents ko. matakaw naman sya dumede. pinang gigigilan kasi siya ng sis kong preggy,iniisip ko baka kaya pumapayat baby ko haist :(

Len0523

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #27 on: February 02, 2015, 05:45:26 pm »
Pag ginupit daw pilik mata hahaba ang kakapal and tubo? Like a doll?

FayeP

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #28 on: February 14, 2015, 03:26:53 am »
ito naman mga pamahiin samin (take note taga caloocan lang kami pero madami pa din)

-lagyan ng langis un mga paa, palad, dibdib at likod ni baby bago maligo, para wag daw pumasok ang lamig sa loob ng katawan

-lagyan ng red lipstick sa noo pag lalabas IDK kun bakit

-pag sinisinok si baby, lagyan ng white sinulid na binasa ng laway un noo

-wag daw iiwan si baby mag isa dahil paglalaruan daw ng mga dwende

-pag galing daw ako sa work, wag ko muna lapitan si baby, maghilamos, magwash ng braso at paa,magpalit ng damit at uminom daw muna ng water bago ko lapitan....kaso madalas pag uwi ako dati, nasa labas si baby kasama nanay ko kaya nakita na nya ako agad bago ko pa magawa un mga to...ang reason daw is para if meron kang dalang something, be it malas or entity or sakit eh di malipat ke baby


engr_neechee

  • Guest
Re: paniniwala ng mga matatanda sa mga baby
« Reply #29 on: January 04, 2016, 12:07:58 pm »
Hi mga sis!

May question ako.  Ano yung supot/plastic or placenta ba yun ni baby na binigay sa akin ng OB?  Rare case ba na nakabalot ng ganun ang baby ko?  Swerte daw yun sa negosyo sabi ng matatanda?  Is there anyone here na alam yun?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close