since i'm the elder child and the only one working, at parehong senior citizens na ang parents ko, i give them 23-24k monthly. kasama na doon yung electricity, water, maintenance medicine nila, food expenses, etc. sarado yun monthly. iba pa yung sa matrikula ng bunso kong kapatid na college.
bukal naman sa loob ko, dahil syempre pamilya yun e, kung walang ibang aasahan, matitiis mo ba yun. ang papa ko namang more than 30 years nagtrabaho sa abroad para sa amin, naparenovate ang bahay namin at napaaral ako through college. yun nga lang hindi magaling humawak ng finances ang mama ko, maraming business ventures na lugi, may bisyo pa, kaya ang ending nung forced retirement si papa 7 years ago, hanggang three yeares lang ang inabot ng ipon nila. from then on, ako na.
isa pang dahilan bakit kahit mabigat sa bulsa, wala akong qualms, kasi pakiramdam ko binigyan ako ng diyos ng trabaho for this very reason-- para may mag-alaga sa mga magulang ko, financially. god takes care of us in different ways, and i really do believe that him giving me a job that can provide for my nuclear family is his way of taking care of my parents and brother.
i'm already married with one daughter, mabuti na lang din at mabait ang husband ko, never akong nakarinig sa kanya, at never naging issue sa kanya ang pagbibigay ko sa parents ko. dahil nakatira kami sa poder ng in-laws ko, hindi ako ang nagmamanage ng gastusin sa bahay (thank you lord for that! less sakit sa ulo) kaya we can afford na magkanya-kanyang savings--- sweldo nya sya ang hahawak, sweldo ko ako. kaya hindi kumplikado.
pagdating sa basic needs ng anak namin, sya ang bahala, tumutulong ako paminsan-minsan pero di obligado. sa house expenses as much as i can (bigas, paminsan-minsang delivery ng pagkain, monthly water bills, etc).
kaya nakakaya kong magbigay sa parents ko ng medyo malaki, feeling ko din dinesgin lahat ni god yun---na mabait ang asawa ko pagdating sa pera, na mababait ang in-laws ko, etc para hindi mahirap for me to take care of my parents.
nakakapag-ipon pa naman ako, nakakapag-invest sa mfs, small buy-and-sell business, etc. one thing na natutunan ko sa nangyari sa parents ko, you really should save as much as you can. prepare for your old age. kasi kung malakas ka kumita ngayon, hindi natin masasabi kung hanggang kailan. mabilis maubos ang pera unless may multi-millions ka. kaya nagtabi na ako sa mf for our retirement years, nagdadagdag din ako dun occasionally. hahayaan ko lang yun dun for the next 30 years.