watch now

Author Topic: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?  (Read 69162 times)

IamMarieLove

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #140 on: June 08, 2016, 03:49:08 pm »
@three8one Sorry :( naman brother haha. Nadala lang na sis ang gamit ko dito.

Anyways highways hindi ko rin maintindihan yang kakasweldo lang tapos uutang agad. Diba may cycle yan like yong salary mo pinambabayad mo sa utang kaya ang ending uutang ka ulit para sa expenses mo. Personally iniiwasan ko talagang mangutang kahit CC wala nga ako kasi mahirap na baka ma temp ako though hindi naman ako magastos na to pero mas mainam pa rin ang prevention diba.

@kensi sis ganyan din nangyari sa head ko sa office. Yong classmate niya pinautang niya though matagal ng wala silang communication kasi need daw kasi pregnant yong classmate niya that time. So ayun to cut the story short, pinautang niya yong classmate niya and hindi na niya macontact afterwards. nag thank you naman siya sis pero same pa din hindi na nakabayad.

Ilang relationship na kaya ang nasira dahil sa utang?

lyrahs

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #141 on: June 09, 2016, 02:27:00 pm »
Mahirap talaga magpa-utang, kadalasan nauuwi sa kalimutan. Kaya pag may nangutang, be firm sa pagtanggi or ang gawin na lang, magbigay ng kaya mo ng kalimutan.
Ang ginagawa kasi ng iba nang-gi-guilt trip. Papalabasin pa na kasalanan mo may pag mangyaring di maganda sa kanila pag di mo pinautang. Haynako.


miss resilient

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #142 on: June 20, 2016, 01:06:01 am »
Hello ladies! I'm sure once or many times meron kakatok sa bahay mo para mangutang. Iba iba ang reasons nila, kesyo pang matrikula, pambili ng bigas, pang ganito pang ganyan. Meron iba na talagang wala na malapitan kundi ikaw, at meron naman na umaabuso na. Paano ba sila tatanggihan. Or ano ang sinasabi ninyo or ginagawa sa kanila para matanggihan sa kanila? Thanks sa mga sasagot! :)

ako di ako tumatanggi. Ang turo sa amin ng pastor puede mo siya pahiramin ng amount na willing kang i let go kahit di na niya mabayaran. siyampre ang mundo bilog what if ako naman ang mangailangan next time? kaya ganon ang rule ko.

ang di lang maganda nasira yung friendship namin ng kumare ko dahil sa utang. nagsanla siya sa akin ng atm dahil wala raw pambili ng school supplies mga anak niya. that was last year june. and wala rin siya pambayad sa inutangan niya. ako naman sige pautang kahit medyo considerable ang amount. kahit di ko gawan tinanggap ko atm nila. naawa kase ako sa mga anak niya.

ang  problema pagka singilan na ...dun na lumabas ugali nila. kaya nagkaron ng conflict. yung isang kumare ko naman nalaman na pinautang ko nangutang rin..kako ayoko na...ayoko nang may makasamaan ng loob dahil sa utang :(

nawalan ako ng kaibigan dahil sa pagpapautang na yan.

imijin

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #143 on: July 07, 2016, 07:40:00 am »
marami talagang ganyan... nagpapahiram din ako... pero pag medyo malaking halaga nag, portion lang ng total amount ang pinahihiram ko. Alam ko naman ang may mga kakayahang magbayad at wala. nang sa ganun kung di man ako mabayaran, ako lang ang makakatingin sa kanya ng diretso.. :) at sure na dina makakaulit pa..

ang rule ko naman dito eh, pag nag utang, dapat bayaran... kasi yung nagpahiram sayu, di magdadalawang isip magpahiram ulit sakaling mangailangan ka. kung di ka magbabayad, liliit ng liliit ang mundo mo. sayang at parang niloko mo yung mga taong magpapautang pa sana sayu kung nagyabad ka lang.. :)

pinkpotato

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #144 on: July 19, 2016, 01:26:21 pm »
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang? -- I just tell the truth. wala akong budget or extra para ipa-utang. baka si ganito may extra. :) tapos dun na sya mangungulit. sorry. :)

tealover

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #145 on: October 25, 2016, 08:27:51 pm »
Probably not a good idea din to lend unless you know the person is the type who would not get offended when it comes to the point na maniningil.  Sayang din ang relationship when ito nagiging reason.  Some people don't pay up. :-[

black_opal

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #146 on: October 29, 2016, 01:16:32 am »
As much as possible I really don't like the idea of utang to my friends/co workers or employees.  First, I really don't like the idea that I owe somebody money.  Same goes to my friends and to those of employees.  For me Id rather wait for my salary or other income before I buy something.  So if my friends ask I just smile and politely tell them that sorry I don't have money right now even if I really have.  Its for their own good naman unless of course it is an emergency :)

hAnhaN

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #147 on: October 29, 2016, 12:59:41 pm »
Dami ko naman stories to tell about this. Minsan kasi kahit alam mo na may history na ang mangungutang minsan nadadala ka pa din kapag harapan kayo at nag uusap eh. Parang ang hirap din tumanggi. But I have a lot of share ng sama ng loob when the bayaran time is due. Ikaw pa masama at hindi nakaka- intindi sa "situation" nila. Like, bakit responsibilidad ko ba sila? I have my own bills, problems, and future na pinag- uukulan. Minsan, ang hirap lang din talaga.

Ikaw na nga ang pinag take advantage ikaw pa yung magku- consider if okay lang ba na i- push mo talaga sila na magbayad. Grrr! Bakita kaya may mga taong ganun?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #148 on: October 31, 2016, 02:26:12 am »
^true yan sis, inutangan ka na tapos pagsiningil mo after ng MATAGAL na panahon at wala sila pambayad sasabihin ginigipit mo sila. Ako sis di ako naniningil pagnakikita ko na wala talaga e. Pero yung nakikita ko na kumakain sa labas at naga-out of town pagdating sa singilan sasabihin walang pera dun ako gigil e. Kakatwiranan ka na nilibre lang. Maga-out of town ka ba ng de-eroplano pa ng wala ka man lang pocket money. Yung iba may utang pa sa iyo uutang na naman. Pagsinabi mo na wala talaga di pa maniniwala, sasabihin ginigipit at pinagdadamutan sila. Nakakaloka mga umuutang ngayon.

lovely_carrot

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #149 on: November 08, 2016, 08:02:27 pm »
Sakto may nanghihiram sa akin kaninang umaga, former colleague whom I haven't spoken to for over a year. sabi nya pang tuition daw ng anak nya and for other expenses.

Yes may pera ako pero I told her na nagpadala ako sa sister ko. Truth is pauwi kasi ako sa Pinas by end of this month. Syempre naman panggastos ko na yun sa anak ko at family ko, di ko na yun ipapahiram.

We talked a little pa I told her that I understand her situation since we're both single mom. Umechos nalang ako na hindi pa nga kako ako makaahon sa utang at placement fee ko when I left.

She then asked how much was my placement fee and how much my salary is. Hindi na ko nagreply.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #150 on: November 08, 2016, 11:35:05 pm »
^As in tinanong ka pa kung magkano ang sweldo mo? I would have answered, "That's nobody's business!" LOL!

IamMarieLove

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #151 on: November 09, 2016, 10:00:24 am »
Yong isang friend ko nman mga sis nanghihiram ng pera sa akin eh mas malaki pa sweldo niya sa akin and mas Marami Ako sinusuportahan compared sa kaya pero mas may savings Ako. Di ko pinahiram Kasi Naman dapat she will learn how to spend not more than she earns mahirap na baka masanay.

shinies

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #152 on: November 09, 2016, 05:01:11 pm »

Serena.

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #153 on: April 14, 2017, 09:41:22 pm »
I'd initially say "sis parehas pala tayo, walang pera, naghahanap nga din ako e" :) tameme na sya

Or If he/she knows im traveling in and out of the country, id suggest,

PAG IPUNAN MO. Ganyan din ginawa ko, nag ipon para magawa mga gusto ko.. Kinokonsensya ko talaga, "Imagine i saved up for this for about 6 months."

Hay nako minsan kaylangan din nila ng lecture otherwise they'd just keep on doing it

DeathToMondays

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #154 on: April 15, 2017, 12:05:57 am »
If they feel entitled to borrow money habitually, then you're certainly entitled to say no accordingly.

lonely_dad

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #155 on: April 17, 2017, 07:40:03 am »
me pinaglalaanan na kasi ako
para sa tuition ng anak ko ito
wala akong pera
ituro si mrs  ;D

love_chaycko

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #156 on: May 12, 2017, 10:37:25 pm »
me pinaglalaanan na kasi ako
para sa tuition ng anak ko ito
wala akong pera
ituro si mrs  ;D

lol..this might work but instead of pointing to husband (w/c i dont have), drop ko name ng ibang friends namin sabay link ng FB page nila.

tealover

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #157 on: May 08, 2018, 04:09:06 pm »
Mahirap tumanggi lalo na sa yaya or maid, wala naman way around it unless wala ka talgang pera to lend.

gab54

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #158 on: May 09, 2018, 01:40:28 am »
Mahirap tumanggi lalo na if kamag anak o kaibigan. So ang style ko, pauutangin ko, if mabayaran sige pwede umulit. If hindi mabayaran, hindi na makakaulit. Ex brother in law umutang ng 80k, ni singkong duling hindi nagbayad, after 2 yrs uutang na naman ng 250k, gustong pautangin ni hubby pero sabi ko, bayaran muna ang 80k bago sya makakautang uli. Eh hindi nagbayad, so wala na.
After 1 year, humingi nalang ng pera dna umutang. Busit!

exquisitegem

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #159 on: May 09, 2018, 06:45:15 pm »
I have experienced na na inutangan ako ng 10k ng close friend ko, and nahirapan ako singilin. Dumating sa point na blinock niya ako sa social media and di ko na sya matawagan. Siguro narealize din niya yung mali niya kaya after a year, during my wedding day, she called and asked for forgiveness. Okay na kami ngayon, it's just that di pa siya nagbabayad kasi maliit sahod niya and I just let it go. Sabi ko bayaran niya na lang pag okay na siya.
May experience din ako sa officemate na nagkasakit yung nanay. Inutangan ako ng 5k, nagbayad paonti onti hanggang sa kinalimutan nya na yung 2k haha and ang dami niya ding utang sa iba kong officemates.
Lesson learned: wag na magpautang. Good thing, simula 2017 pag may umuutang sakin ginagawa ko nang alibi na may hinihulugan akong investment, nagpapagawa kami ng bahay (totoo naman ang mga ito) para iwas na sa pagpapautang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close