Hi, guys! How to say NO sa serial mangungutang.. pero bestfriend mo? This is a long one ha.

Yung bestfriend ko kasi, since college kami talaga magkasama sa mga student loans, tutor rakets, pagtitipid, etc. kasi hindi naman kami ganun kawell-off. Pero ngayong may mga trabaho na kami (na honestly, maganda naman ang kita), parang mas lalong malaki yung utang nya. Being the bestfriend, sakin talaga sya nanghihiram. May time na monthly talaga sya naghihiram ng pera. Kasi, from what I know, nagloan kasi sya sa bangko to settle an issue with a family member. Tapos yung loan na yun sa bank, yung pinambabayad nya dun monthly, inuutang din nya. Kaya nagcompound yung utang and interests, plus yung credit card and postpaid bills nya pa before. Ako kasi talaga, I?m a Yes person, hirap ako tumanggi lalo close sakin. Nababayaran naman nya yung utang nya kahit minsan, medyo matagal. A friend advised na dapat wag daw pamihasain and learn to say No, kasi napapansin din nya na kahit may utang si BFF, panay posts at check-in sa FB na kumain sa ganitong resto, nagpunta sa ganitong lugar, bumili ng ganitong bagay. When I asked her, sabi nya libre/bigay lang daw yun. I believed her, and oo nga, hindi naman bawal magpost sa FB mo kahit may utang ka. But still it?s disappointing for me.
2013, nasettle nya mga utang nya sakin and said natapos nya na bayaran yung sa bangko. Then? kumuha sila ng kotse. So I thought, OK na siguro siya, nasettle na lahat. But no, yun pala may mga utang pa syang iba. And yung monthly nya sa kotse, hinihiram nya din sakin. So I told her na I think that was a wrong move, kumuha ng bagong bayarin nang hindi pa settled yung ibang utang. Nagtampo sya sakin noon. Ngayon (I?m married, single pa rin sya) mas malala na daw utang nya (with the interests na naipatong thru time) and sabi nya sakin, nadedepress na sya and naiisip nya na magsuicide. In-encourage ko nalang sya and told her na may iba pang paraan, work extra jobs on days off or mag apply sya as online tutor since may internet naman sila sa bahay. Sinunod naman nya, may part-time admin job na sya.. sa office namin. Yes, pinasok naming sya dito, me and our common friend (who I also work with). Pero kulang pa rin daw. Sakitin din kasi si BFF, kaya hindi nya daw kaya physically kumuha ng another job sabay sa daily job nya. Alam ko din na nangungutang din sya ibang friends namin and not sure kung nasettle na din ba. Two weeks ago, nagmessage yung isang college common friend (CCF) namin na based sa US, asking kung ano daw nangyayari kay BFF, kasi nangutang daw sa kanya more than 1 year na di pa rin nababayaran. Gusto lang daw nya malaman kung ginagawan daw ba talaga ng paraan. Shempre, dinepensahan ko naman sya. Ginagawan naman talaga nya ng paraan, kaso nagcompound nalang talaga. Tapos nakwento ko nga na may depression si BFF ganyan. Sabi ni CCF, nasabihan nya si BFF na pag di nasettle, mapipilitan sya magtake ng legal action (he doesn?t mean it naman daw; para lang daw mapilitan si BFF na gawan talaga ng paraan; he said 5k lang naman daw yun, so pwede nya naman ilet go, yun nga lang, di na makakaulit si BFF). So sabi nya nga, if it would help BFF na kahit papano may malift na utang, hindi na nya sisingilin.
(TLDR)
So eto problem ko: Nakita ko sa FB na nagtravel si BFF lately. Tapos nagmovie sila ni Office Friend last Saturday. Nakakahiya naman kay CCF na halos paawa yung kwento ko sa chat, tapos makikita nya nagawa pa magtravel ni BFF (though local lang naman). Currently, nasa 20K yung utang ni BFF, plano ko sana wag na muna sya singilin (kahit na gagamitin ko sana sa mga check-up ko yun) kasi nagmessage sya sakin na nadedepress nga daw sya na parang wala na daw katapusan ang utang, nasisira na ang friendships, at naiisip nya na iend nalang ang life ganon. Pano ko ngayon sya sisingilin? I tried being blunt with BFF before tungkol sa spending habits and financial problem nya, as in I told her na wag gastador, wag na muna magtravel, higpit-sinturon muna, wala munang luho (movie, kain sa labas, etc.). Of course dinamdam nya, and I felt like ako yung may kasalanan. We did not talk for 2 weeks ata. Sya naman ang unang nagreach out.
As a friend, paanong approach ba dapat to encourage at matulungan sya, at the same time masita sya? Ayoko naman kasi magkulang as a friend; I love BFF like a sibling pero I know scolding is also necessary lalo pag nasa lugar naman.
Sorry ang haba guys. (Or should I just make new thread?)
Thanks!