watch now

Author Topic: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?  (Read 69216 times)

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #160 on: May 09, 2018, 06:59:46 pm »
^Same here, 2017 and 2018 natuto nako magdecline politely. Dami kong ill experiences the past year sa mga nanghihiram. Tayo na nagpahiram, tayo pa mahiya maningil, or tayo pa taguan, tayo pa magmukang masama kapag nag follow up. Ang awkward din maningil, and ang hirap maghintay sa wala. Kaya isa lang solusyon, wag na magpahiram.

det060403

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #161 on: May 09, 2018, 09:20:49 pm »
One thing i learned sa CLP, kapag nagpautang, let go na yun. Kung magbayad, very goof, if not, bigay na yun.  Hehe

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #162 on: May 10, 2018, 06:13:35 am »
^True yan sis. Kaya ako pagnagpahiram yung di ko iindahin kapag di nabayaran. Bihirang-bihira na din ako magpahiram.

exquisitegem

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #163 on: May 10, 2018, 02:08:28 pm »
Oo nga mga sis. Ang hirap pa maningil kasi una, ineexpect mo na magkukusa silang magbayad. If not, sabihin nila specific date kung kelan mababayaran. hindi yung ni ho ni ha, wala. Tas kung imemessage mo, sila pa yung galit. They make it sound na parang ginigipit mo sila. Kalerks! haha

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #164 on: May 10, 2018, 06:09:47 pm »
off topic lang...

medjo nakakalito yun title nitong thread sa unang tingin... "Pano Tatanggi sa mga Mahilig....
tapos nasa second line yung Umutang/Nangungutang?" kaya kala ko kung paanong mahilig. hehe..  ;D ;D ;D

yun lang bow!

AprilGal26

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #165 on: May 10, 2018, 06:40:30 pm »
Ako, talagang na-master ko na yata ang "Art of Making Tanggi to Mangungutang" :D
Dami ko na kasing bad experience sa mga ganyan :D As in
Umaabot pa sa barangayan :D

Kaya hindi rin ako mahilig magpost sa fb or social media na kumain sa gantong restaurant, nagpurchase ng kung [textspeak!] ano, hahaha, kasi iisipin nila, "nakakain sa mamahaling resto, tapos wala daw pera" :D
I have an excuse naman. Lagi kong ginagamit yung power of being a single parent :D
Sasabihin, naku, pang-tuition kasi ni baby e :D
yun :)

Valkerie

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #166 on: May 10, 2018, 06:53:41 pm »
Nilelecturan ko   ;D hahahaha

twinklestar16

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #167 on: May 10, 2018, 07:42:26 pm »
Ako naman ngayon,  hindi na talaga ako nagpapautang sa di ko naman ka-close at di ako sure kung babayaran ako . As I already had bad experiences din sa pag papautang at marami na ring mga utang na di ako nabayaran.  Lagi ko sinasabi pasensya na wala din talaga ako ngayon mapapautang sayo.

At ito na nga dahil sa nagpapautang ako sa mga ka close ko na friend. May pinautang ako na isang friend sabi nya babayaran nya daw ako after 3 days kasi sahod nya na daw. Sabi ko i-transfer nya nalang online or deposit nya  sa bank ko . Then after 4 days nag text check ko daw kung pumasok na sa account ko nakisuyo lang daw sya sa friend nya kaso wala namang dumating then hanggang umabot ng ilang days, nagchat ako at nagtext na di pa pumapasok [textspeak!] pera kaso di na ako nirereplyan after 2 weeks saka tumawag sabi i-check nya daw sa friend nya kasi naibigay nya na daw, hanggang ngayon mahigit isang buwan na di pa ako nababalikan at di na ako kinakausap. Sayang lang kasi super close ko pa naman sya.  Sinira nya tiwala ko sa kanya. Kakalungkot lang...

gab54

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #168 on: May 20, 2018, 11:27:30 pm »
I have a friend umutang sakin ng 150k more than 10 years ago, usapan 1 month later babayaran ako pero hindi na ako binayaran. Para hindi masira ang friendship I said, its ok pay me when able nalang. This year nag message sya sakin uutang ng 200k, I declined sabi ko marami din akong babayran, humurit sya ng 100k then 50k, kasi daw palalayasin na sila sa uupahan nila, 1700 US dollars ang rent nila sa Las Vegas, tumanggi parin ako kasi hindi naman ako nabayaran nung 1st utang... Ayan, hindi na kami friends now. Siguro nagtampo sakin, pero sorry ha, ako rin nagtatampo. Ganun lang ba ang pagkakaibigan namin?

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #169 on: June 05, 2018, 12:55:07 pm »
Hi, guys! How to say NO sa serial mangungutang..  pero bestfriend mo? This is a long one ha. :(

Yung bestfriend ko kasi, since college kami talaga magkasama sa mga student loans, tutor rakets, pagtitipid, etc. kasi hindi naman kami ganun kawell-off. Pero ngayong may mga trabaho na kami (na honestly, maganda naman ang kita), parang mas lalong malaki yung utang nya. Being the bestfriend, sakin talaga sya nanghihiram. May time na monthly talaga sya naghihiram ng pera. Kasi, from what I know, nagloan kasi sya sa bangko to settle an issue with a family member. Tapos yung loan na yun sa bank, yung pinambabayad nya dun monthly, inuutang din nya. Kaya nagcompound yung utang and interests, plus yung credit card and postpaid bills nya pa before. Ako kasi talaga, I?m a Yes person, hirap ako tumanggi lalo close sakin. Nababayaran naman nya yung utang nya kahit minsan, medyo matagal. A friend advised na dapat wag daw pamihasain and learn to say No, kasi napapansin din nya na kahit may utang si BFF, panay posts at check-in sa FB na kumain sa ganitong resto, nagpunta sa ganitong lugar, bumili ng ganitong bagay. When I asked her, sabi nya libre/bigay lang daw yun. I believed her, and oo nga, hindi naman bawal magpost sa FB mo kahit may utang ka. But still it?s disappointing for me.
2013, nasettle nya mga utang nya sakin and said natapos nya na bayaran yung sa bangko. Then? kumuha sila ng kotse. So I thought, OK na siguro siya, nasettle na lahat. But no, yun pala may mga utang pa syang iba. And yung monthly nya sa kotse, hinihiram nya din sakin. So I told her na I think that was a wrong move, kumuha ng bagong bayarin nang hindi pa settled yung ibang utang. Nagtampo sya sakin noon. Ngayon (I?m married, single pa rin sya) mas malala na daw utang nya (with the interests na naipatong thru time) and sabi nya sakin, nadedepress na sya and naiisip nya na magsuicide. In-encourage ko nalang sya and told her na may iba pang paraan, work extra jobs on days off or mag apply sya as online tutor since may internet naman sila sa bahay. Sinunod naman nya, may part-time admin job na sya.. sa office namin. Yes, pinasok naming sya dito, me and our common friend (who I also work with). Pero kulang pa rin daw. Sakitin din kasi si BFF, kaya hindi nya daw kaya physically kumuha ng another job sabay sa daily job nya. Alam ko din na nangungutang din sya ibang friends namin and not sure kung nasettle na din ba. Two weeks ago, nagmessage yung isang college common friend (CCF) namin na based sa US, asking kung ano daw nangyayari kay BFF, kasi nangutang daw sa kanya more than 1 year na di pa rin nababayaran. Gusto lang daw nya malaman kung ginagawan daw ba talaga ng paraan. Shempre, dinepensahan ko naman sya. Ginagawan naman talaga nya ng paraan, kaso nagcompound nalang talaga. Tapos nakwento ko nga na may depression si BFF ganyan. Sabi ni CCF, nasabihan nya si BFF na pag di nasettle, mapipilitan sya magtake ng legal action (he doesn?t mean it naman daw; para lang daw mapilitan si BFF na gawan talaga ng paraan; he said 5k lang naman daw yun, so pwede nya naman ilet go, yun nga lang, di na makakaulit si BFF). So sabi nya nga, if it would help BFF na kahit papano may malift na utang, hindi na nya sisingilin.

(TLDR)

So eto problem ko: Nakita ko sa FB na nagtravel si BFF lately.  Tapos nagmovie sila ni Office Friend last Saturday. Nakakahiya naman kay CCF na halos paawa yung kwento ko sa chat, tapos makikita nya nagawa pa magtravel ni BFF (though local lang naman). Currently, nasa 20K yung utang ni BFF, plano ko sana wag na muna sya singilin (kahit na gagamitin ko sana sa mga check-up ko yun) kasi nagmessage sya sakin na nadedepress nga daw sya na parang wala na daw katapusan ang utang, nasisira na ang friendships, at naiisip nya na iend nalang ang life ganon. Pano ko ngayon sya sisingilin? I tried being blunt with BFF before tungkol sa spending habits and financial problem nya, as in I told her na wag gastador, wag na muna magtravel, higpit-sinturon muna, wala munang luho (movie, kain sa labas, etc.). Of course dinamdam nya, and I felt like ako yung may kasalanan. We did not talk for 2 weeks ata. Sya naman ang unang nagreach out.

As a friend, paanong approach ba dapat to encourage at matulungan sya, at the same time masita sya? Ayoko naman kasi magkulang as a friend; I love BFF like a sibling pero I know scolding is also necessary lalo pag nasa lugar naman.

Sorry ang haba guys. (Or should I just make new thread?)
Thanks!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #170 on: June 05, 2018, 01:38:27 pm »
^Mukhang nadedepressed lang naman ang friend mo kapag may naniningil lol. Ok lang naman magtravel and kumain paminsan-minsan ng masarap kung nahuhulugan ang utang maski papaano. Pero yung totally walang ibawas at naga-accumulate pa iba ng usapan. Pagsabihan mo na lang ng matindihan one last time, give her advice, kung need mo bilhan ng books tungkol sa pagaayos ng financial matters gawin mo. At WAG NYO NG PAUTANGIN. Kasi hindi yan titigil hanggat may kumakagat sa pagpapaawa niya. Give her an ultimatum kung di magbabago pabayaan mo na. You did your part as a friend pero siya mismo ayaw tulungan sarili niya e. Walang makakatulong sa kanya kundi sarili niya.

fifi_girl

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #171 on: June 05, 2018, 01:50:55 pm »
May officemate akong ganyan. Kaliwa't kanan ang utang, at may mga issue pa na dispalko ng pera sa isang coop dito. Nag-try sa akin umutang one time, sabi ko wala akong extra. Sakto lang sa budget yung sweldo ko. Never na siya nag-try ulit umutang sa akin.

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #172 on: June 05, 2018, 01:58:31 pm »
^^thank you sa advice sis.

yan din sabi ng ibang friends ko, pag may singilan nadedepress na sya. Nagconsult pa nga sya sa psychologist para sa depression nya, and paid 2k per session (not sure kung covered ng healthcard nila). Then for a year, in-isolate nya sarili nya saming group of friends nya. Most of us kasi married na rin, so pag nanghihiram sya, hindi sya mapagbigyan kasi nga naman nakajoint account at nakabudget na rin pera nila. Nahihiya na din daw sya kaya in-unfollow nya kami sa IG at nagprivate account. Yun ngang last message nya na sabi nya hinihila na sya pababa dahil sa mga utang nya and "just want to let go nalang", grabe panic ko pagkagising: tinawagan ko sya, tinext, tinext ko kapatid nya to check kung ok ba sya, kasi nga akala iniisip nya naman magsuicide. Then 2 days after, nagmovie sila ng office friend nya. Sabi nya kasi, kailangan din daw nya yung minsang pag uunwind like movie, travel etc., or else mababaliw na daw sya. I have another friend na malaki din utang (200k ata, kasi sa negosyo naman nila yun, nalugi), pero in 2 years nabayaran nya lahat by having a 9-5 job + being an online English tutor + buy&sell ng mga anik anik. Office mate ko sya before kaya nakikita ko paano sya magtipid sa food, sa gamit, sa lahat. Kinuwento ko rin yun kay BFF to somewhat motivate her (kilala nya rin kasi itong friend na to). Pero sa personality nya kasi at environment, parang di daw nya kaya yung ganun.

We've been friends for years, at alam kong di sya masamang tao. Nalulungkot lang ako sa sitwasyon nya and ayoko naman na financial lang ang maitulong ko sa kanya. Kaso, siguro talaga mahirap mag-advise pag wala ka sa sitwasyon.

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #173 on: June 05, 2018, 02:02:01 pm »
Nagawa ko rin yung ganyang alibi, sis fifi_girl: sakto lang sa budget, may babayaran ako, nakay hubby ang ATM etc. Pero kasi minsan naggigive in ako, lalo pag sinabi nya na wala na syang ibang malapitan.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #174 on: June 05, 2018, 02:34:59 pm »
Pero sa personality nya kasi at environment, parang di daw nya kaya yung ganun.

Nalulungkot lang ako sa sitwasyon nya and ayoko naman na financial lang ang maitulong ko sa kanya. Kaso, siguro talaga mahirap mag-advise pag wala ka sa sitwasyon.

I agree with her na she needs to take a break din paminsan-minsan pero set niya priority niya. Pero actually mas masarap kumain sa labas at magtravel kung wala kang utang na iniisip kesa yung after mo magpakasaya back to reality ka na ay tambak pala ang utang ko. Saka paano matatapos ang bayarin kung mangungutang ka para ipantakip sa dati mo ding utang? Magiging cycle lang siya kaya ang financial help na ibinibigay mo band aid solution lang siya at hindi talaga nakakatulong sa friend mo. Andun din yung thought na andyan ka lang naman at di ka makakatanggi kapag kailangan ng pera. Siya din mismo ayaw niyang mag-adjust base sa sinabi mo na sa personality at environment niya, di niya kayang tularan ang ginawa ng isang friend ninyo. So mukhang ang gusto niyang mag-adjust e yung mga nautangan at inuutangan pa niya. Ay naku wag niya na antayin may magbanta sa kanya na papatayin siya dahil sa utang.

hushush

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #175 on: June 05, 2018, 04:13:01 pm »
^^ kung nagawa mo na lahat ng alibi at sayo na nanggaling na malambot ang puso mo dahil naawa ka sa kanya, tanggapin mo na na passion mo na ang magpautang o magpahiram sa nangangailangan at saludo kami sayo pagdating dyan.

Angkaso, hindi kaya parang tinuturuan mo syang maging depensent sayo lagi? For sure may way naman para makaahon sa utang. Like live within means. Im sure alam ng ng bff mo yan. Pero pag may urge sya na gumastos beyond her means, hindi nya mapigilan ang urge nya kasi lagi nyang naiisip na may maaasahan syang mauutangan na tulad mo na dadramahan lang nya eh
buminigay na...so parang nagiging "accessory" ka pa to her crime na maging bulagsak or tamad magpigil.. Just a thought lang naman. ☺

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #176 on: June 05, 2018, 05:05:13 pm »
^Hi sis. Yun din nga naiisip ko eh, parang by giving in, kinukunsinti ko yung ganung money habits nya at hindi nga siya nako-correct. Pag hindi naman ako nagbigay, I feel bad na parang kasalanan ko pa rin. Huhu.  :'(  Dami ko na din nasuggest sa kanya na pwedeng gawin to earn more (na legal!) and/or ilet go para makabawas sa gastos. Ayoko/Pangit man sabihin, in a way napapagod na rin ako, kasi of course, may sarili din akong buhay saka problema tapos minsan dumadagdag pa sya parang ganun. Yung may money na ngang involved, may emotional burden ding kasama.

@sis mysterioza_me : hindi ko naisip yung may magbabanta sa buhay nya, sis, pero sabi ko nga may nagsabi na magtetake ng legal action, so hindi malayo yung ganung scenario. Di ko pa naman alam kung saan sya nakakautang na iba. Dami nya nga excuses, kaya nauubusan na rin ako ng positive na suggestions.   :(

Thanks for all the inputs pala, mga sis. Ang hirap kasi pag friend mo din yung involved, hirap mag unload sa ibang friends kasi ayoko naman mag-iba impression nila kay BFF.

asianguy33

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #177 on: July 16, 2018, 01:54:01 pm »
I said direct to the point na "hindi kita mapapahiram" then sabhin ko yung reason why. thats it.

gab54

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #178 on: July 21, 2018, 02:56:59 am »
I think minsan ADDICTION na ang mangutang sa ibang tao. Kahit lumaki ang income, lalaki din ang spending at utang. Sad but true

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #179 on: July 21, 2018, 03:39:07 am »
^Isa sa mga factor yan. Yung iba nangungutang para makasabay sa mga nakikita nila sa socmed.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close