watch now

Author Topic: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?  (Read 69293 times)

shygirlme

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #120 on: May 22, 2016, 09:03:07 am »
pano nagamit yung card? pineke pirma?

princeza08

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #121 on: May 22, 2016, 11:14:54 am »
Hay naku may kilala akong ganito sa office linggo linggo ata nagtetext ng pautang. To think na dalaga sya wala iba sinusuportahan. Kalat ang utang baon pa sa utang sa sobrang luho. Nakakairita yung mga ganitong klase ng tao.

IamMarieLove

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #122 on: May 23, 2016, 12:38:15 pm »
Sis Girltalker, yes nagkausap na sila sa bank recently lang and last try na namin today sa office nila pagwala talaga sa HR na kami dederetsu. I've learned din na may utang siyang cellphone, accessories at PO worth 20k sa isa pa naming friend. So siguro sabay-sabay narin sa pagpunta sa brgy. Ewan ko lang kung paano niya lahat to babayaran eh may sarili din siyang CC at baka may utang sa ibang tao din.

@shygirlme, yes sis binigyan din ng valid id yong isang friend ko para magamit niya at pinalabas na authorized siya to transact.

@ princeza08 Same sa friend ko. Dalaga tlaga siya kaso may pagka materialistic and since college confident na talaga siyang mangutang kahit wala pa siyang utang. Last month nga, she traveled pa with her friend di man lang naisip na may utang pa siyang hindi nababayaran. Yong isa kong friend ngayon tuloy ang hinahabol ng bank.

yannuh

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #123 on: May 23, 2016, 12:47:17 pm »
ako naman ibabalik ko sa kanila yung question. sasabihin ko bigla " ako nga sana mangungutang sayo e" tapos ayun awkward so di na sya mamimilit mangutang hehe :P effective naman 'to for me :)

forumera

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #124 on: May 23, 2016, 02:12:52 pm »
Sis @IamMarieLove, I'm sorry to tell you this pero many will say, your bestfriend is isa't kalahating t*nga, bakit niya ba pinahiram yung cc nya? Tiwala siya hindi magagamit sa store kasi need pirma ek ek eh kung online gamitin? Cc number, expiration date and cvv pak na yan online. Isa pa kahit kapatid pa yan wag niyo pinapahiram cc nyo unless ready kayo magbayad kung gagamitin man nila. Be ready sa tanong na yan. Itatanong yan ng bank or barangay. Hindi niyo pa rin ba mahagilap yung tao?

IamMarieLove

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #125 on: May 23, 2016, 04:10:33 pm »
Sis Forumera, yes. Actually, ako yong unang tao nagsabi sa kanyang isang katangahan ang ginawa niya lalo pa at alam na niya since college na mahilig mangutang yong friend naming yon. Ang reason kasi nong friend kaya nghiram eh kasi nahospital daw yong father niya. Yong Bestfriend naawa naman kaya ayun pinagamit yong CC. Nalaman na lang namin na sa groceries lahat yong purchases niya ng dumating yong bill sa bahay. Next step namin yong mag report sa Barangay at Sa office niya kapag hindi pa siya nagpakita sa amin.

heavenangels

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #126 on: May 25, 2016, 01:23:46 pm »
Straight to the point-wala akong extra cash.
Good thing din na wala ako fb,instagram&kung ano-ano social media chu chu so those people na kilala ka lang pag may kailangan, di nila ako mahagilap. Hehe! Since nasa abroad din kami nakatira ng family ko, madali umiwas sa ganto. Naku no, yun ipapautang ko sa kanila gastusin ko na lang or isave ko wala pa kong sakit ng ulo.
It happened to me way back 2009 yata nung kakaumpisa ko pa lang sa abroad magwork. May hs classmate ako na bigla nagtext sakin at nangungutang. Di kami close ha at talagang after a decade lang nya ko kinausap uli tapos utang agad-agad and nagpunta sa bahay namin since di na ko sumagot uli sa kanya. So ayun, after ko pawalan nagtext sa kin sana daw di na lang sya sakin lumapit. Eh hello, maglifestyle check kaya sya noh. And who cares ano tingin nya sakin, di naman kami friends 😛
Sa kin kasi di bale nang di malaki ang ipon basta wala kang utang. Or kung meron ka mang utang may intention ka talagang bayaran. Di yun after mong pahiramin nagkasakit na ng amnesia. Parang ang trend kasi ngaun yun term na utang is pahingi sa iba.
« Last Edit: May 25, 2016, 03:12:26 pm by heavenangels »

IamMarieLove

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #127 on: May 25, 2016, 04:16:46 pm »
Hello mga sis. Update lang, nakausap na namin yong friend ko na nagborrow ng CC and she promised to pay in full daw this pay day. And she also said na kapag hindi raw siya nakabayad this Saturday, puntahan lang daw namin siya ulit sa office pero pag nangyari yon we will make sure na may legal action na talaga kasi di rin madali magkautang sa bank. We asked her bakit hindi man lang siya nag feedback or nag reply sa mga messages namin and she said nahihiya daw siya pero hindi naman niya nakalimutan ang utang niya. Anyways ang mahalaga mabayaran niya yong CC as soon as possible.

Kensi

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #128 on: May 26, 2016, 10:54:08 am »
^ good luck sa kaibigan mo sis.

Nadala na ako sa mga nangungutang na hindi naman nagbabayad o yung kailangan mo pang singilin bago magbayad.

sinasabi ko either 1. wala akong pera o 2. may nauna nang humiram. kapag malapit sa akin at hindi ko matanggihan, i only lend what i can afford to lose. yung alam kong hindi ko gagamitin at kung hindi man niya mabayaran on time, hindi ako masisira budget ko.


shygirlme

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #129 on: May 26, 2016, 11:56:44 am »
nadala din ako sa 500 at 1000 na di mabayaran. pinakamalaki na utang sakin na di nabalik 2500 kaya now natuto na ko. ayoko din maningil kaya hirap ako magpautang. kung uutang ka magkusa ka. kung di mo mabayaran magsabi ka.

iampennylane

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #130 on: May 26, 2016, 12:09:20 pm »
Jus t recently, I have this friend, single mom, pero parang single lang kasi yung 3 nyang anak eh naka-scatter sa mga tita niya so parang dalaga lang din, so we were high school friends, and ang hilig talaga magparamdam lang pag uutang, so nung una okay lang kasi naawa naman ako, maliliit lang naman inuutang, lagi dinadahilan yung mga anak nya, eh etong last time, after how many months na walang paramdam, nag PM na naman sa FB, like "busy ka?" "hingi sana ako favor", eh alam ko na kagad, so di ko muna binuksan message nya haha after 2 days ako nagreply, I just said "Hi sorry busy lang. Anong favor? If financial yan mars, sorry tight din ako now." :D hehe ang reply ni friend "ay [textspeak!] ba yan, inunahan mo na ako, sige thank you, next time na lang," At talagang may balak pa rin next time hahaha

Nakakainis lang kasi, okay lang sana if nakikita mo man lang na nag-eeffort na atleast magtrabaho, kaso inalok na nga ng isang friend ko na architect to work for him, naku choosy pa!

IamMarieLove

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #131 on: May 26, 2016, 12:30:09 pm »
Hay, sana mabayaran niya na talag this pay day.

Ako before my friend borrowed 2500 tapos ako yong type na naiilang maningil mas gusto ko kasi kusang nagbabayad. Ayon until now hindi pa rin ako binayaran kay lesson learned ko rin hindi na ako nagpapautang. Maraming dahilan pero madalas hindi na tlaga.

Jeannybaby

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #132 on: May 26, 2016, 05:53:26 pm »
Sa totoo lang hirap ako tumanggi sa utang pero mas mahirap maningil kaya as much as possible ayaw ko magpautang. But sa relatives, hindi maiwasan na may nangungutang (and more often than not, wala ng bayaran). Magpapautang ako once, pag hindi nabayaran, then hindi na sya pwede mangutang ulet, ganun lang yun. Kapag malaki naman ang uutangin and I know naman na hindi kaya bayaran, I would probably give lang a very small amount na hindi sasama ang loob ko pag hindi na maibalik, but at least masabi mo na natulungan mo. Ngayon, if wala talaga mabigay, sabihin lang, pasensya na, gipit din ako.

IamMarieLove

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #133 on: May 27, 2016, 12:36:40 pm »
Sis Jennybaby mahirap pag sa relatives kasi madalas hindi na nababayaran. ok lang naman magpahirap basta ba mabigat yong reason kung bakit naghihiram at mababayaran talaga. Hirap sa tao ang galing mangutang hirap naman magbayad.

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #134 on: June 07, 2016, 04:03:54 pm »
basta salapi na ang pinag usapan, wala ng kaikaibigan....

yung kasama ko sa kumpanya lahat na ata ng kilala nya nahiraman na nya. ang style nya manghihiram ng maliit tapos babayadan agad. then sunod nahihiramin malaki na tapos ayun wala ng balikan. ang masama pa nito nag loan sa banko ng salary loan tapos car loan nun hindi na makabayad inabandona yung sasakyan tapos nag  awol sa kumpanya..

mahirap mag pautang. tapos mahiyain kang maningil tipong parang konsensya mo pa na naninigil ka ng sariling pera mo. nakakatawa lang din pag yung mga mahilig mangutang nanghiram sayo tapos kulang yung naipahiram mo, parang lalabas ikaw pa ang may utang sa umutang sayo. hehe!

IamMarieLove

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #135 on: June 07, 2016, 04:57:42 pm »
Ay tama ka diyan three8one. May friend din ako hindi ko napahiram tapos siya pa yong nagalit sa akin. Hindi ko na lang pinatulan dagdag stress lang sa akin. Hindi ako madalas nagpapautang kasi nga nahihiya akong maningil kaya on my part din kung hindi talaga kailangan hindi rin ako nangungutang or yong maliit na amount lang para madaling bayaran.

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #136 on: June 07, 2016, 05:49:36 pm »
^ ganun nga sis... yung mga nagpapautang kalimitan ang nahihiya o ayaw talaga mangutang kahit alam pa nila na capable sila mag bayad. pero yung mga delingkwente na umuutang sila talaga yung makakapal na mahilig pa umutang.

IamMarieLove

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #137 on: June 08, 2016, 09:24:33 am »
^ Yong nangyari sa friend ko sis lesson learned din yon kasi until now hindi pa rin nabayaran ng complete yong CC. Ikaw sis nagpapautang ka ba?

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #138 on: June 08, 2016, 01:52:44 pm »
^ guy ako madam. hehe... yup nagpapautang ako so far isa palang na encounter kong mahirap mag bayad. dati may regular akong pinapautang kasi good payer naman kaya lang minsan napansin ko kakasahod palang nanghihiram na uli pang budget daw kaya nag research ako pinapadala pala sa babae nya kaya ayun mula nun tinanggihan ko na at okay naman kasi di na umulit mang hiram.

 ;)

Kensi

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #139 on: June 08, 2016, 03:30:07 pm »
may nangutang sa akin, at nagpadala ako sa emosyon at pinautang ko naman.

may kaibigan ako na hindi ko nakakausap mahigit 5yrs na. paano ko alam na 5 years? kasi yung last fb message ko sa kanya 2011 pa. nagmessage bigla na na-short daw siya at pwede bang manghiram ng pera? ako naman si ga**, alam kong gipit siya, pinahiram ko, pero kalahati lang yung pinahiram ko. sabi ko sa kanya inilaan ko yung pera para sa anak ko, pero dahil mukhang mas kailangan niya, ipapahiram ko muna sa kanya. sabi ko sana maibalik niya agad, kasi may panggagamitan ako ng pera na iyan. wala siyang binigay na date, ibabalik daw niya kapag nagkapera na siya.

may natanggap akong text notification sa lbc na nakuha niya na yung money, pero ni hindi man lang siya nagsabi sa akin na natanggap niya yung pera. wala ring thank you.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close