Author Topic: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?  (Read 186225 times)

crazybeautiful_

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #160 on: July 23, 2013, 07:05:58 am »
My husband cheated on me thrice if I am not mistaken. Yung isa todo parang affair talaga. Til now ang saya magisip how I "ruined" the girl's life. Pero anyhoo, that's the past. I realized na kahet no matter what we think na wala tayong ginawa to trigger him to cheat, meron talaga. It can be the slightest thing. Mali man, pero this is actually controllable.

Personally, I disagree about checking phones etc, I noticed naiirita lang si hubby when I do this that can and may actually have the men thinking to cheating na nga lang talaga. Instead yung security ko is knowing his passwords in everything. The fact that I know and he knows that I have access to these, kampante na ako. He allows me to check with or without me saying. Di tulad dati, pag uwi nya "akin na cellphone mo" tapos lantaran na naka open FB nya and email.

Players change - I know I have. Hindi mawawala mag ka type tayo sa iba. We're human. So if yung tanong nyo is paano muhuhuli is if may kabit si mister? Instinct lang yan. It's not in how often you check his phone, or how he holds you, or if ilan ang Facebook account nya - it's how you feel towards your relationship. Once may onteng kirot yan woman's instinct mo, do what you need to do :)

palamig

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #161 on: July 23, 2013, 01:33:02 pm »
Quote
ngayon ko naiintindihan ang sinasabi ng  MIL ko dati na pakiramdam mo nililibing ka ng buhay kasi di ka makahinga sa sakit na nararamdaman mo. dumating na ako sa point na gusto ko na tapusin buhay ko
ramdam na ramdam ko yan. napakasakit talaga.kaya yang mga kabit o malalanding nilalang na yan dapat ibaon sa lupa.

di ko nahuli asawa ko pero ramdam na ramdam ko na may iba,lagi sya galit,tapos di na din kami lumalabas tulad ng dati,di na nya ko sinasama kesyo ano daw gagawin ko dun.para daw ako tang* at sasama pa ko.samantalang sa loob ng ilang taon ganon gingawa namin..

parati kasi sya may katext na di ko malaman kung sino..may password pa ngayon ang phone dati wala.wag ko daw sya pakialaman at hangang text lang naman daw at friend lang daw nya.sabi ko kung friend nya ipakilala nya sakin. pero ang laki talaga ng ipinagbago nya.pag tinatanong ko sya kung ano problema sakin san ako nagkulang wala naman sya masabi. napakahirap talaga ng ganitong sitwasyon.

tungkol naman sa FB status ng asawa ko,dati nakalagay dun married to syempre sa name ko,ngayon inalis na nya name ko ginawa pa nyang in a relationship ang status.ano yan lantaran na gaguhan.ang sakit sa puso grabe

jonielle

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #162 on: July 23, 2013, 04:53:00 pm »
My husband cheated on me thrice if I am not mistaken.

But now kayo pa din?

@palamig

sakit naman ng ginawa sayo ng mister mo, why dont you try hulihan talaga yung tipong sunduin mo sya sa office baka sakali mahuli mo.

palamig

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #163 on: July 23, 2013, 08:54:00 pm »
gustong gusto ko malaman ang number na tinetext nya at ng magkaalaman na.request ko kaya sa sun?  :-\  nakaline naman un

crazybeautiful_

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #164 on: July 24, 2013, 06:41:54 am »
But now kayo pa din?

@palamig

sakit naman ng ginawa sayo ng mister mo, why dont you try hulihan talaga yung tipong sunduin mo sya sa office baka sakali mahuli mo.

Yes, sis kami pa din. Some may say ang t**** ko, maybe I am. But he has been his most faithful for tha past 3 years. Obsessed na nga siguro sa akin eh.  :o Haha. But I can say we are at our happiest. Ironic as it seems, hindi ako nagsisisi binigyan sya ng "last chance".

jonielle

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #165 on: July 24, 2013, 03:52:00 pm »
gustong gusto ko malaman ang number na tinetext nya at ng magkaalaman na.request ko kaya sa sun?  :-\  nakaline naman un

di din ibibigay ng sun yun kahit i request di naman sayo nakapangalan eh. malamang sa alamang naka sun din yun so di din lalabas sa billing nya, ganito na lang kumuha ka ng copy ng billing pagdasal mo na ibang line si babae para lalabas dun yung mga number na madalas nya tawagan.  :P

Quote
Yes, sis kami pa din. Some may say ang t**** ko, maybe I am. But he has been his most faithful for tha past 3 years. Obsessed na nga siguro sa akin eh.  :o Haha. But I can say we are at our happiest. Ironic as it seems, hindi ako nagsisisi binigyan sya ng "last chance".

Wow ang tibay mo te 3 beses nagawa mo pa ding patawarin I salute you ( to the tune of papa jack )  :P

may martir pa pala talaga sa panahon ngayon.

btw bro ako sis  :P

palamig

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #166 on: July 24, 2013, 05:08:57 pm »
confirmed mga kapatid,, babae mismo nakipagusap sakin. natakot ata sa banta ko na pag nalaman ko kung sino yan guguluhin ko buhay nya.  natakot ang babae umamin sa boss nila at nagpunta ko sa opisina ang ending tanggal sila pareho at kami tinapos ko na. napakasakit ng mga nalaman ko lahat ata ng santo nasambit ko mawala lang sakit na nararamdaman ko.
umikot ang paningin ko namanhid  buo ko katawan. na parang gusto ko na lang maglaho bigla

hyeuna03

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #167 on: July 24, 2013, 05:24:20 pm »
@palamig
sis, you did the right thing!! tama lang yan, give them what they both deserve. i will do the same thing if i were in your shoes.  ;)

ang masasabi ko lang sa mga sisses natin dito na niloloko ng mga asawa nila...
Be REALLY sure you want to know if your husband is cheating, because once you find out your suspiscions are true, life as you know it will cease. At dahil nga, mababago ang buhay mo after finding out the truth, you should know the consequences at dapat din na alam mo ang susunod na gagawin..

Kaya nga sinabi ko na sis palamig did the right thing kasi she knows what to do next after the discovery.  Buong tapang sya nagpunta sa office ng asawa nya to report their immorality at tinapos na nya ang namamagitan sa kanila ng hubby nya.

Ang ibang sisses kasi natin dito, after finding out na may kabit nga ang husband nila, nagiging helpless na at nagiging parang lantang gulay na kaya hindi na makapg decide what to do next, and worse, wala ng gagawin after malaman ang katotohanan. wala na NGANGA na lang. :(

Kaya sis palamig, normal lang yan, talagang sa umpisa mahirap, pero malalampasan mo yan, been there, done that sis  ;).. ako nung niloko akong husband ko, tinapos ko na agad ang relasyon namin kasehodang may anak kame, he tried to come back pero i don't believe in second chances kasi.  ;D
« Last Edit: July 24, 2013, 05:31:56 pm by hyeuna03 »

palamig

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #168 on: July 24, 2013, 11:43:12 pm »
kaya pag gusto nyo talaga malaman ang katotohanan make sure ready kayo sa kung ano mang sakit na idudulot nito.iba pa rin talaga pag ayan na sa pagmumuka mo ang katotohanan. iba ang sakit na di mo kaya i explain

ang bababoy nila di ko kinaya yun.lalo nung dinala nya sa bahay ng in laws ko ang girl wala ginawa byenan ko kinunsinte pa nila.ayun wala na wala na dahilan para ituloy pa.akala ko di ko kaya palayasin awa ni Lord nagawa ko

sayang ang ganda ko kung iintindihin ko pa sila. mag sama sila sa hell. magsisisi sya at niloko nya ko. karma katapat nyan

crazybeautiful_

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #169 on: July 25, 2013, 07:03:53 am »
@jonielle

Di naman martir, alam lang ang gusto sa buhay. Haha. I did leave him - I went back to my province dito na ako based now, and he after around 3 or 4 months relocated na din dito with the risk na wala sya kilala dito, di nya alam ang dialect and di nya alam kung ano balak ko. :) so in the end - yun nga. I have no twinge of regret na binigyan sya ng chance. :) lucky him. Besides, mahal mag pa annul! Haha.

@palamig

Ouch sis. I hope yo're okay though I know you're not right now. In time though, you will be whole again. *hug*

scornedwife2001

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #170 on: July 25, 2013, 11:59:33 am »
confirmed mga kapatid,, babae mismo nakipagusap sakin. natakot ata sa banta ko na pag nalaman ko kung sino yan guguluhin ko buhay nya.  natakot ang babae umamin sa boss nila at nagpunta ko sa opisina ang ending tanggal sila pareho at kami tinapos ko na. napakasakit ng mga nalaman ko lahat ata ng santo nasambit ko mawala lang sakit na nararamdaman ko.
umikot ang paningin ko namanhid  buo ko katawan. na parang gusto ko na lang maglaho bigla

Mabuti ka pa sis ang bilis mo nadesisyunan ang lahat. Ako ata 100x ng namatay at nabuhay sa sobrang sakit pero eto pa rin. Ang bagong sakit na ibinigay nya when he didnt show up ng 2 weeks mula ng sinita ko sya dahil may nahuli na naman ako sa email nya. kasi depressed daw sya dahil hinihingan sya ng pera nung kabit nya para sa bata wala sya maibigay. At ng tinanong ko sya ano plano nya sa amin di pa daw nya napapag isipan. Kaya I told him na since nahihirapan ka ako na mag dedecide, tutal mas naiisip mo ang bastardo mo kesa sa aming mag iina mag sama sama na lang kayo. Ayaw nya pumayag nag iiyak pero wala na akong nararamdaman kundi galit sa kanilang lahat.Sumasama daw loob nya sa akin kapag tinatawag kong bastardo ang anak nya sa labas. I consulted a lawyer friend na and best thing is to go to his work din at ireport sila. Di man daw sila aksyunan atleast nakaganti ako at naipahiya ko sila sa work. Sobrang kapal ng mukha nung babae grabe wala daw ako maisusumbat na sinabihan nya ang asawa ko na iwanan kami para sa kanila sumama. asawa ko daw ang di makatiis kaya wag sya ang sisihin ko.

leizel83

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #171 on: July 25, 2013, 03:43:20 pm »
Thanks to Mr. Trololo... Nahuli ko husband ko noon na may ka flirt sa internet,  gumawa pa ng account sa tagged.com. Buti na lang same password lang sa fb niya ang gamit niya sa tagged. Kahit mahilig siya mag erase ng history, huli pa rin sa history spy ko. Todo away ang nangyari. Masakit kasi kahit sa chat lang. Sabi ko gagawin ko rin ang ginagawa niya para patas lang kami pero panakot ko lang naman yun. Isang linggo hindi ko siya kinausap but nagbati naman kami ulit.  :D

autophobic

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #172 on: July 25, 2013, 03:57:59 pm »
Sisses i need your advices. Nagbabrowse ako gamit ang FB ni hubby then nakita ko tong profile ng kawork nya. Mahilig kasi ako tumingin ng mga pics. hindi sila friends ni hubby sa fb. Nagulat nalang ako my pic silang dalawa. Yung girl ang my hawak ng cam. Ang pose eh papasa ng magbf/gf. Di ko nagustuhan yung nakita ko kahit na may ibang pic sa album kasama iba nilang kawork and same spot iba parin yung kanila. As in sila lang dalawa. Ni wala man lang photo bomber, or kahit braso, buhok na nasingit sa pic. so nagbrowse pa ko. Napadpad naman ako sa profile ng kawork din nila na gay. I saw a pic din magkasama silang tatlo. And take note ginawang display pic and cover ng  gay na yun yung pic nitong june lang. And again hindi sya friend ni hubby sa fb. So that triggers me na mag imbestiga pa. Sakto i have my hubbies phone with me that time. And nga pala nakita ko na minsan na my pic si hubby nung girl sa phone nya. But binura nya agad. Di ko lang pinansin. So ang ginawa ko gumamit ako ng card recovery to recover pics na posible he takes and delete sa cp nya. It took me hours huh pero keribels lang. And yun i saw some pics nung girl. Dun na ko naiyak, and btw i am 5 months pregnant. Without thinking i posted a comment sa pic about respect. Tingin nyo madumi lang ba utak ko or i should fish for more info? Sana maliwanagan nyo ko.

mhy_pie03

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #173 on: July 25, 2013, 05:40:16 pm »
^Hindi pa ako married pero naranasan ko yung sakit na sinasabi ninyo sa first bf ko. Ako kasi family-oriented ang prinsipyo ko. Unang una, hindi naman yata tama magpapicture ng ganun at isave pa sa phone mo tapos hindi mo naman kilala diba? What for? It only stirs suspicions. Mahirap sa kalagayan mo kasi buntis ka kaya advice ko wag mo munang alalahanin yan hanggang sa makapanganak ka. Mahalaga muna eh maibigay niya yung pangangailangan mo habang buntis. Mahirap mastress. Maaapektuhan ang bata sa sinapupunan mo. hugzzzz

crazybeautiful_

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #174 on: July 26, 2013, 05:45:42 am »
@autophobic

try to confront your husband muna. you'll never know may valid naman na explanation. mahirap din sa atin MINSAN - haha - is that paranoid na din tayo sobra. not all men lie all the time. pakinggan mo si hubby. and ingat sis :)

thistimearound

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #175 on: August 13, 2013, 06:00:20 am »
Hi mga sis! Please help me. I posted here my problem last July. My husband cheated on me.. kawork nya ang naka-affair nya. He told me it was just flirting, pero never daw naging sila. (Uhmm sino lokohin nya?! Eh nagtatawagan sila ng babe and may mga I miss you pa!) To cut the story shirt (just a refresher), nahuli ko sila with matinding proof kasi may tracker ako na kahit deleted messages, nareretrieve. So ayun na nga, nahuli ko na sila. After that, I gave him a second chance, aaminin ko, mahirap sa akin at sa kalagayan ko (im pregnant) pero masasabi kong pinatawad ko siya but until now, hindi ko pa din makalimutan. Sobrang sakit. So dahil pinatawad ko siya, sabi ko sa kanya, no more 2nd chance kaya huwag na niya uulitin pa. After the affair, sabi niya, wala na daw talaga. Minsan minsan hindi ko maiwasan magduda kasi until now magkasama pa rin sila sa office eh.
Im not sure mga sis, kung talagang pinutol na nila. Nagpromise yung babae niya na she learned her lesson very well and will not do it again, ganon din ang asawa ko. Naging okay naman kami ng asawa ko after ng affair. Lumalabas kami. Yung sweetness dati, binalik naman niya ngayon pero minsan hindi ako convinced!  Ang kinatatatakot ko, baka dahil alam niyang natatrack ko messages niya, kahit burahin pa niya ( don ko sila nabisto eh), eh aware sya na mababasa ko pa din so iniisip ko, baka nagsusulatan or email nalang sila ng babae nya sa office. Posible naman yun eh kasi hindinlang sila basta basta magkaoffice, same department pa! Oh say mo? At boss pa siya nung babae! Haaay nakakapanghina kapag naaalala ko. At ang pinakakatakot ko sa lahat, ay yung idea na bumili siya ng extra phone at extra sim para continue ang affair nila.
At ito na nga, help niyo naman ako to see if paranoid lang ba ako or dapat nga talaga ako magduda ulit. Kasi nakita ko sa tracker niya na meron siyang shinare a load worth 100 pesos to a certain no na di familiar sa akin. So what I did, while he is sleeping, I grabbed his phone and check if nasa inbox yung 2916 text (notification from globe na nagshare a load siya) and yes, nandon naman, hindi niya binura or shall I say, nakalimutan niya burahin. But then when I checked the no kung saan niya pinasa load, walang nagrereflect sa phonebook niya. For me lang ang fishy dito would be, bakit hindi nagreregister sa phone nya yung cell no kung san niya sinend yung load. Diba mga sis impossible naman na magshare ka ng load na worth 100 pesos sa total stranger. Ginawa nya kasi yun mga lunch time eh, so malamang nasa office siya ng mga time na yun. Kaya nakakapagtaka talaga. Iniisip ko na baka pinasa load nya sa extra sim niya na prepaid kasi postpaid yung pinangpasa load nya eh or baka pinasa load nya sa extra sim nung babae. Im sure mga sis, kung lolokohin ako ng asawa ko ulit with the same girl, gagalingan na niya talaga kasi I warned him na wala ng 2nd chance and that he will not see me nor our unborn baby (hindi pa ako nanganganak). Alam niya kasi matalino ako, may pagkadetective ako kaya talagang todo ingat siguro sila and im pretty sure na hindi na niya ever gagamitin pang text nor call yung cell kung saan konsiya nahuli.
Please enlighten me mga sis. the thought of it is killing me. Pls give me an advise. Thanks!

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #176 on: August 13, 2013, 01:37:02 pm »

Pinost ko na ito several months back on this thread.  Bakit mo gusto hulihin na may kabit si Mister.  Ano naman ang magagawa mo? 

Ang point is, it does not end sa "paghuli kay mister".  You have to have a game plan on how to attack this, depending on his reaction. 

1) anong gagawin mo kung nagdeny
2) anong gagawin mo kung umamin at nagsorry, at di na RAW uulit
 - tapos mas magaling lang sya magtago this time, pero sige parin ang ulit
3) anong gagawin mo kung umamin at sasabihin sayo iba na ang mahal nya

^ sis, you have to learn muna how to relax kasi may baby ka pa kelangan isipin. not healthy for the baby kung lagi kang stressed out na ganyan.

Kung nakapagdecide ka na what to do when you confirm na meron parin ang affair nila, then you can further investigate. Why not use a different phone to call that number na pinasahan nya ng load.  Or ask a friend to call and look for his name. Kung nagyes sya eh di confirmed may 2nd cp sya.  Kung babae sumagot, then look for the girl's name.

Matanong ko lang sis, when he said na wala na talaga, ano ang hakbang na ginawa nya to show you  na wala na?  Does he come home on time na?  Pinagharap ba nya ikaw at yung babae nya saying sorry to both of you and ikaw ang pinili nya? What did he do to convince you na wala na? 

 





thistimearound

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #177 on: August 13, 2013, 04:46:47 pm »
Actually sis girltalker2, ako ang nagharap sa kanilang dalawa, kasama kami na mga karelasyon nila. Inspite of my delicate pregnancy, nagawa ko pa yun. Parang pelikula. Sinabi ko sa babae na isama nya ang lalaki at ako ang magsasabi ng katotohanan cause he deserves the truth. Sinama ko rin ang asawa ko pero pinasunod ko lang, nauna muna kaming tatlo na magharap harap kasi gusto ko muna kausapin ng matino yung bf ng babae na naka affair ng asawa ko kasi I dont want naman na magsuntukan sila or magkasakitan. Ang sa akin lang, kelangan nilang humarap sa amin parehas na naloko. From then on, nakatracker pa rin ang asawa ko, and wala naman ako nakitang text pa sa babae. Meron ako nakikita na calls, pero sinasabi niya, ano daw magagawa niya eh, kelangan icoordinate nila yung sa work. Kasi minsan lumalabas ang hubby ko sa office nya doing field work, so pag may need na iverify sa kanya, tumatawag yung babae kasi nga need sa office.  Wala naman ako way na matrack pa or marecord ang conversations nila eh. Eversince naman sis, di naman sobrang nadedelay umuwi ang asawa ko eh. Siguro minsan madedelay kasi magOT sya ng 30mins, and the rest, would be caught in traffic aince malayo ang house namin sa work nya. Bumabawi naman siya sis, nagdedate kami pag weekends. And sinabi nya nga sa akin na ayaw na niya pagdaanan yung stress na nafeel nya (sya pa nastress ah?!) Nung nagkagulo na nga kami. Kasi sabi ko rin sa kanya na hinding hindi niya na ako lolokohin cause he learned his lesson well. Gusto ko naman maniwala, kaso minsan siguro paranoid lang ako. Masyado pa kasi fresh sa isip ko and yung agony na araw araw kong naiisip na magkikita at magkakasama sila sa opisina, yun ang ikinakamatay ko eh. He said he cant afford to resign kasi paano daw kung manganganak ako, san kami kukuha ng panggastos. Pero hindi ko naman nakikitaan ng eagerness na gusto lumipat ng ibang company kasi 1 time pa lang siya nagsubmit ng resume, at referal pa ng client nya.
Sis, tama ka naman eh, dapat isipin ko ang anak ko, kaso im just human, nasasaktan ako pag naiisip ko mga ginawa nya behind my back and kung paano sya maglambing sa girl sa text. Para siyang walang asawa! Kaya naiisip ko na pwede niya yun gawin ulit kasi wala akong laban. Alam nyang di ako makakadrive so hindi ko sya masa-spy-an. Kasi doc advised me na bawal na ako magdrive.
Sa akin lang naman kasi, kung patuloy pa rin silang dalawa inspite of mga promises nila na hindi na nila gagawin yon, eh sana hiwalayan na lang niya ako. Bigyan na nya ako ng peace of mind para sa health ko at ng bata. Mas gugustuhin ko pa iyon kesa naman na kasama ko nga siya pero iba naman nasa isip nya

smoothie

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #178 on: August 14, 2013, 07:45:41 am »
Honestly, Mahirap din yan for your husband kung palaging nakikita si girl. Hindi naman pwedeng basta ganun ganun na lang, platonic na agad sila.
I really think dapat lumipat siya ng work. Same goes for you, mahirap mag move-on knowing na palaging nandyan yung babae.

crazybeautiful_

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #179 on: August 14, 2013, 09:19:31 am »
@thistimearound

sis, medjo ganon din si hubby before. he was superior to the girl. so since medjo nag scandalo ako dun sa office nila, what they did was change the girl's department. kase normal employee lang sya, so it was easy to move her. but then, maldita ako.. di ko tinigilan yung girl -- haha!

now andun na sya kasama mga kaola sa australia (y)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close