Hi mga sis! Please help me. I posted here my problem last July. My husband cheated on me.. kawork nya ang naka-affair nya. He told me it was just flirting, pero never daw naging sila. (Uhmm sino lokohin nya?! Eh nagtatawagan sila ng babe and may mga I miss you pa!) To cut the story shirt (just a refresher), nahuli ko sila with matinding proof kasi may tracker ako na kahit deleted messages, nareretrieve. So ayun na nga, nahuli ko na sila. After that, I gave him a second chance, aaminin ko, mahirap sa akin at sa kalagayan ko (im pregnant) pero masasabi kong pinatawad ko siya but until now, hindi ko pa din makalimutan. Sobrang sakit. So dahil pinatawad ko siya, sabi ko sa kanya, no more 2nd chance kaya huwag na niya uulitin pa. After the affair, sabi niya, wala na daw talaga. Minsan minsan hindi ko maiwasan magduda kasi until now magkasama pa rin sila sa office eh.
Im not sure mga sis, kung talagang pinutol na nila. Nagpromise yung babae niya na she learned her lesson very well and will not do it again, ganon din ang asawa ko. Naging okay naman kami ng asawa ko after ng affair. Lumalabas kami. Yung sweetness dati, binalik naman niya ngayon pero minsan hindi ako convinced! Ang kinatatatakot ko, baka dahil alam niyang natatrack ko messages niya, kahit burahin pa niya ( don ko sila nabisto eh), eh aware sya na mababasa ko pa din so iniisip ko, baka nagsusulatan or email nalang sila ng babae nya sa office. Posible naman yun eh kasi hindinlang sila basta basta magkaoffice, same department pa! Oh say mo? At boss pa siya nung babae! Haaay nakakapanghina kapag naaalala ko. At ang pinakakatakot ko sa lahat, ay yung idea na bumili siya ng extra phone at extra sim para continue ang affair nila.
At ito na nga, help niyo naman ako to see if paranoid lang ba ako or dapat nga talaga ako magduda ulit. Kasi nakita ko sa tracker niya na meron siyang shinare a load worth 100 pesos to a certain no na di familiar sa akin. So what I did, while he is sleeping, I grabbed his phone and check if nasa inbox yung 2916 text (notification from globe na nagshare a load siya) and yes, nandon naman, hindi niya binura or shall I say, nakalimutan niya burahin. But then when I checked the no kung saan niya pinasa load, walang nagrereflect sa phonebook niya. For me lang ang fishy dito would be, bakit hindi nagreregister sa phone nya yung cell no kung san niya sinend yung load. Diba mga sis impossible naman na magshare ka ng load na worth 100 pesos sa total stranger. Ginawa nya kasi yun mga lunch time eh, so malamang nasa office siya ng mga time na yun. Kaya nakakapagtaka talaga. Iniisip ko na baka pinasa load nya sa extra sim niya na prepaid kasi postpaid yung pinangpasa load nya eh or baka pinasa load nya sa extra sim nung babae. Im sure mga sis, kung lolokohin ako ng asawa ko ulit with the same girl, gagalingan na niya talaga kasi I warned him na wala ng 2nd chance and that he will not see me nor our unborn baby (hindi pa ako nanganganak). Alam niya kasi matalino ako, may pagkadetective ako kaya talagang todo ingat siguro sila and im pretty sure na hindi na niya ever gagamitin pang text nor call yung cell kung saan konsiya nahuli.
Please enlighten me mga sis. the thought of it is killing me. Pls give me an advise. Thanks!