hay di na ako nakatiis, I confronted hubby na. Last Monday night, maaga umuwi. Nun pala magpapaalam din na aalis ng bahay. Paalam nya magbabasketball daw. Kumuha lang pala ng gamit. 2 or 3 times na nya ginawa yun eh..Akala ko naman, nagtatry na sya umuwi ng maaga to spend more time with us, nun pala aalis din. Ewan ko, biglang pumasok yung instinct na may something. So nung nakaalis na, I tried to log in na naman dun sa forum site to check if he has logged in. Yun nga, at di lang nag log in, may bagong post pa and only at around 7:30 pm asking again for a certain Thera. Favorite nya yung therapist na yun eh kasi twice na nya tinanong yung pumasok. Last time was in September and then recently nga nung Monday. Nung nakita ko na ininquire nya if pumasok yung Thera na yun, di na ako mapakali. Sabi ko pagdating nya, titingnan ko talaga yung gamit nya if totoong nagbasketball sya. When he arrived, nakiramdam muna ako at nagkunwaring tulog. He took a shower and after I heard that he went to the kitchen to prepare food. Mahilig yung kumain sa sala while watching TV pag magisa lang sya kakain. Kaya nung nagpunta na sya sa sala, I looked for his basketball bag. Luckily, he just put it outside our bedroom door. Yung mga damit nya na gamit wala na sa bag so I thought for sure nilagay na nya sa marumi. So I went to check it sa laundry basket, at nung amuyin ko, his shirt and even his basketball clothes smelled like he just wore it. And then I went to check his bag again for some more evidence and found his sock still unrolled and smelling fresh and his supporter briefs also smelling fresh and unworn. Yung basketball clothes nya ni hindi man amoy pawis or basa ng pawis which is weird dahil super pawisin ang husband ko. So I concluded, he really went to the SPA and did not went to play basketball. Nanginginig ako sa inis , yung sa sobrang galit ko, hindi ako makaiyak pero I was shaking. At first sabi ko, papalipasin ko muna, and I will gather more evidence before confronting him para wala syang ligtas. Pero di ako nakatiis...naisip ko tutal naman, I already had taken a screenshot of all his post dun sa forum and saved it in the computer beforehand sa naisip ko, enough na yun. if magdeny sya, may ipapamukha na ako sa kanya...
And so the confrontation began. I went to the sala and asked him san sya galing. Sabi nya nagbasketball daw, sabi ko saan, sabi nya sa Makati. At first alam ko medyo kinabahan na sya, i know when my husband is lying eh. When I asked him again another question, nagreact na sya at nagtaas ng boses, being defensive. When he kept on insisting that he really went to play basketball, kinuha ko yung mga damit nya sa laundry basket saka ko binato sa kanya, sabi ko, yan ba yung amoy ng nagbasketball. Still, di pa din umamin, sabi nya nagpalit daw kasi sya at sabi pa nya, may damit pa daw sya na isa yung ginamit nya andun sa basket. Sabi ko yung hinahanap nya yun yung binato ko sa kanya...nung ayaw pa din umamin, kinuha ko yung socks at supporter nya at binato ko din sa kanya. Pero ang tibay pa din, at sya pa ang galit. So decided to go for my last resort. Sabi ko sa kanya pag napatunayan ko na may pinuntahan talaga syang iba lagot sya sa akin. Eh he dared me, akala nya siguro Im stupid. So pinakita ko lahat ng screenshots ng forum. Nagulat sya. Pero kahit na ganun he still kept on lying, ngayon naman sabi nya wala lang daw yun...at sabi nya o sige daw, aaminin nya nagpunta sya dun, pero nagbasketball din daw sya talaga. When I asked him ilang beses, he lied again at sinabing once lang daw. Sabi ko, basahin nya lahat ng posts nya na pinakita ko sa kanya at saka nya ako ulit sagutin. And then, he tried to hug me pero sobrang galit ko I pushed him na saka sinisipa ko na sya at dun na lumabas yung iyak ko... hagulgol talaga ako.
Kahit na nagsorry sya, and didnt let me go the whole night sa tabi nya na kahit lumipat ako ng pwesto sinusundan nya pa din ako, wrapping his arms around me kasi I can't stop crying, sa dibdib ko at sa isip ko, may galit pa din. Im still not at peace. I am asking myself now, should I let him go this time. Kasi nagsorry naman na sya? At the back of my head, naiisip ko pa din yung kung ano ang pinaramdam nya sa akin kahit na nung unang nalaman ko pa lang. Looking at those sexy pictures of those therapist, I feel so low and ugly, dahil after giving birth last year, di pa ako pumayat. Ang laki pa ng tummy ko and I still look buntis. Ang sakit sa loob ko. Sobra. Parang naisip ko tuloy, he couldnt appreciate me anymore because I look like this...losyang na. dahil wala man akong time na magayos na dahil unang una, busy na ako sa trabaho (I have two jobs) tapos busy pa sa pagiging nanay. Pero sya, nakakapagpasarap pa ng ganun. Ilang beses ako nagsasabi sa kanya masakit ang likod ko kasi because work, pero di man lang nya mahaplos likod ko, much more pa yung yayain nya ako makapagpamasahe. Tapos, pagnagyaya ako na idate naman nya ako at manuod ng sine, palagi nya lang sagot next week na, wala pang pera pero after waiting a week, hindi naman nya naaalala. Kaya pala, yung pera nya, nilalaan nya lang sa SPA...800 ang alam kong bayad nila dun.
I know this is getting long na, but being anonymus here, dito ko lang ito naishare. I couldnt share it even to my best friend dahil kaibigan din nila asawa ko at ayaw kong masira image nya sa kanila this time....but kahit anong tikom ng bibig ko, I couldnt help it. So dito ko na lang nailabas. Please bear with me.