Author Topic: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?  (Read 186185 times)

rea11

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #200 on: October 15, 2013, 12:04:01 am »
Bakit kasi may mga lalaki hindi makuntento sa isa. Huwag naman sana mangyari pero pag nahuli ko husband ko makikipag hiwalay na talaga ako yun din ang sinabi ko sakanya kapag nahuli ko sya hiwalay na talaga kami wala ng paliwanagan mahirap na kasing mabuo ang tiwala kapag nasira na.

simang

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #201 on: October 15, 2013, 05:40:21 pm »
^sis most likely may ES doon, kase if gusto nya lang ng masahe to relax, he couldve invited you para kayong 2 amg magpaspa. Very seldom ang guys na magpapaspa magisa, if not for the ES

dquiambao

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #202 on: October 16, 2013, 04:31:55 am »
hay di na ako nakatiis, I confronted hubby na. Last Monday night, maaga umuwi. Nun pala magpapaalam din na aalis ng bahay. Paalam nya magbabasketball daw. Kumuha lang pala ng gamit. 2 or 3 times na nya ginawa yun eh..Akala ko naman, nagtatry na sya umuwi ng maaga to spend more time with us, nun pala aalis din. Ewan ko, biglang pumasok yung instinct na may something. So nung nakaalis na, I tried to log in na naman dun sa forum site to check if he has logged in. Yun nga, at di lang nag log in, may bagong post pa and only at around 7:30 pm asking again for a certain Thera. Favorite nya yung therapist na yun eh kasi twice na nya tinanong yung pumasok. Last time was in September and then recently nga nung Monday. Nung nakita ko na ininquire nya if pumasok yung Thera na yun, di na ako mapakali. Sabi ko pagdating nya, titingnan ko talaga yung gamit nya if totoong nagbasketball sya. When he arrived, nakiramdam muna ako at nagkunwaring tulog. He took a shower and after I heard that he went to the kitchen to prepare food. Mahilig yung kumain sa sala while watching TV pag magisa lang sya kakain. Kaya nung nagpunta na sya sa sala, I looked for his basketball bag. Luckily, he just put it outside our bedroom door. Yung mga damit nya na gamit wala na sa bag so I thought for sure nilagay na nya sa marumi. So I went to check it sa laundry basket, at nung amuyin ko, his shirt and even his basketball clothes smelled like he just wore it. And then I went to check his bag again for some more evidence and found his sock still unrolled and smelling fresh and his supporter briefs also smelling fresh and unworn. Yung basketball clothes nya ni hindi man amoy pawis or basa ng pawis which is weird dahil super pawisin ang husband ko. So I concluded, he really went to the SPA and did not went to play basketball. Nanginginig ako sa inis , yung sa sobrang galit ko, hindi ako makaiyak pero I was shaking. At first sabi ko, papalipasin ko muna, and I will gather more evidence before confronting him para wala syang ligtas. Pero di ako nakatiis...naisip ko tutal naman, I already had taken a screenshot of all his post dun sa forum and saved it in the computer beforehand sa naisip ko, enough na yun. if magdeny sya, may ipapamukha na ako sa kanya...

And so the confrontation began. I went to the sala and asked him san sya galing. Sabi nya nagbasketball daw, sabi ko saan, sabi nya sa Makati. At first alam ko medyo kinabahan na sya, i know when my husband is lying eh. When I asked him again another question, nagreact na sya at nagtaas ng boses, being defensive. When he kept on insisting that he really went to play basketball, kinuha ko yung mga damit nya sa laundry basket saka ko binato sa kanya, sabi ko, yan ba yung amoy ng nagbasketball. Still, di pa din umamin, sabi nya nagpalit daw kasi sya at sabi pa nya, may damit pa daw sya na isa yung ginamit nya andun sa basket. Sabi ko yung hinahanap nya yun yung binato ko sa kanya...nung ayaw pa din umamin, kinuha ko yung socks at supporter nya at binato ko din sa kanya. Pero ang tibay pa din, at sya pa ang galit. So decided to go for my last resort. Sabi ko sa kanya pag  napatunayan ko na may pinuntahan talaga syang iba lagot sya sa akin. Eh he dared me, akala nya siguro Im stupid. So pinakita ko lahat ng screenshots ng forum. Nagulat sya. Pero kahit na ganun he still kept on lying, ngayon naman sabi nya wala lang daw yun...at sabi nya o sige daw, aaminin nya nagpunta sya dun, pero nagbasketball din daw sya talaga. When I asked him ilang beses, he lied again at sinabing once lang daw. Sabi ko, basahin nya lahat ng posts nya na pinakita ko sa kanya at saka nya ako ulit sagutin. And then, he tried to hug me pero sobrang galit ko I pushed him na saka sinisipa ko na sya at dun na lumabas yung iyak ko... hagulgol talaga ako.

Kahit na nagsorry sya, and didnt let me go the whole night sa tabi nya na kahit lumipat ako ng pwesto sinusundan nya pa din ako, wrapping his arms around me kasi I can't stop crying, sa dibdib ko at sa isip ko, may galit pa din. Im still not at peace. I am asking myself now, should I let him go this time. Kasi nagsorry naman na sya? At the back of my head, naiisip ko pa din yung kung ano ang pinaramdam nya sa akin kahit na nung unang nalaman ko pa lang. Looking at those sexy pictures of those therapist, I feel so low and ugly, dahil after giving birth last year, di pa ako pumayat. Ang laki pa ng tummy ko and I still look buntis. Ang sakit sa loob ko. Sobra. Parang naisip ko tuloy, he couldnt appreciate me anymore because I look like this...losyang na. dahil wala man akong time na magayos na dahil unang una, busy na ako sa trabaho (I have two jobs) tapos busy pa sa pagiging nanay. Pero sya, nakakapagpasarap pa ng ganun. Ilang beses ako nagsasabi sa kanya masakit ang likod ko kasi because work, pero di man lang nya mahaplos likod ko, much more pa yung yayain nya ako makapagpamasahe. Tapos, pagnagyaya ako na idate naman nya ako at manuod ng sine, palagi nya lang sagot next week na, wala pang pera pero after waiting a week, hindi naman nya naaalala. Kaya pala, yung pera nya, nilalaan nya lang sa SPA...800 ang alam kong bayad nila dun.

I know this is getting long na, but being anonymus here, dito ko lang ito naishare. I couldnt share it even to my best friend dahil kaibigan din nila asawa ko at ayaw kong masira image nya sa kanila this time....but kahit anong tikom ng bibig ko, I couldnt help it. So dito ko na lang nailabas. Please bear with me.

simang

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #203 on: October 18, 2013, 02:34:49 pm »
^sis im so sorry to hear that. Na-sad ako. At least now he knows na alam mo kalokohan nya and it's up to him kung magmake up sya for that. Ilang taon na baby nyo?

quinone

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #204 on: October 18, 2013, 03:11:33 pm »
^^bawat babae kasi i think iba-iba ng tolerance sa mga kapilyuhan ng mga bf or hubby nila. ang pinakamali na nakikita ko diyan e parang nakalimutan ka niya. may iba pa bang nagbago sayo bukod sa looks mo? magpaganda ka na lang ulit.

mhy_pie03

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #205 on: October 18, 2013, 04:43:38 pm »
^^^Nakakaiyak naman to. Hughug! Marami talagang lalaki ang hindi nakakaintindi ng marriage at commitment. Hayzzz.  :'(

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #206 on: October 19, 2013, 11:04:58 am »
^^^Nakakaiyak naman to. Hughug! Marami talagang lalaki ang hindi nakakaintindi ng marriage at commitment. Hayzzz.  :'(

Tingin ko may mga lalaki din naman na loyal at hindi nagloloko.  Ang problema lang mas mahirap sila hanapin. moreso, because of wives' tolerance to their hubbies' infidelities, mas maraming lalaki nga gumagawa nito.

The more i-accept ng wife ang pinagagawa ng asawa, the more kaya kayanin lang nila at gawin ang gusto nila, without any regard to your feelings or to the marriage.


lovely_carrot

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #207 on: October 19, 2013, 12:18:36 pm »
Walang specific strategy kung pano mo siya mahuhuli, guys have different ways of hiding it. May tan6a na andaling mahuli at mapaamin, meron naman kahit magkapitpitan na ng itlog wala ka pa din mapipigang info.

But to answer your question, deep in your gut, ramdam mo yan bilang asawa. Esp if you've been together long enough and you notice some changes sa behavior or routine nya na bago sa pakiramdam mo. So follow your instincts.

But if you want an unsolicited advice, wag mo na alamin. Masakit yun, the moment you realize na tama ang kutob mo para kang pinagsakluban ng langit at lupa, lalo na kung ito yung huling bagay na ineexpect mong gagawin nya sayo.

Ano ba yung purpose kung bakit gusto mong alamin? Hihiwalayan mo ba pag nalaman mong tama ka? kung yun ang plano mo, eh maghanap hanap ka na ng hindi nagsisinungaling na ibidinsya para matapos na ang paghihirap mo.

Pero kung hindi naman, wag ka na lang magimbestiga. wala naman sikreto na hindi mabubunyag, one way or another lalabas ang totoo, posibleng makunsyensya at umamin, posibleng may maiwang sabon ng motel sa bag or love letter or text na wrong send, basta malalaman at malalaman mo din yan, just be prepared sa kung ano ang gagawin mo pag nalaman mo na yung totoo.

Whether you choose to stay with him or leave him afterwards, gawin mo yung tama at makakabuti para sa sarili mo. Wag magpadikta sa ibang tao. Ikaw ang makikisama, kaya ikaw lang ang makakapagsabi kung ano ang tama para sa buhay mo.

scornedwife2001

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #208 on: October 21, 2013, 02:24:51 pm »
expect mo na na maski nagdudumilat na ang evidence di pa rin aamin. ako nga nahuli ko na ang exchanges ng emails nila deny to death pa rin. tama din ang payo ng iba nating sisses here. hanap tayo ng hanap ng ebidensya ng panloloko ng asawa natin but then pag may nahuli tayo handa ba tayong iwanan sila o as my sister said to me konting lambing lang sa iyo at pag papaawa eh papauto ka na naman... ako naman kasi feeling ko vindicated na ako may makita lang akong evidence na nuno sya talaga ng sinungaling atleast di pala ako praning na isip lang ng isip. but then di ko pa rin maiwan... dami kasi dapat iconsider... hay buhay....

ankyneMD

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #209 on: October 23, 2013, 10:20:15 pm »
minsan kasi kahit di maghanap ng evidences, God will find his own way para makita natin ang dapat makita, matuklasan ang dapat matuklasan. Katulad ng nangyari sa akin. Hiniram ko cp ni hubby. Ang tagal niya binigay kasi nagtext daw kapatid niya pero bigla ko inagaw cp niya at nakita ko na hindi naman pala kapatid niya nagtext. Kundi girl na officemate niya. Noon ko pa nakikita na may mga text yung girl na yun kay hubby na mga quotes lang naman kaya hindi ko pinapansin. At eto na nakita ko na siya pala nagtext pero sabi ni hubby kapatid niya. Pagkabasa ko ng message tinignan ko siya ng masama at sabay bawi siya na "ay akala ko si lyn ang nagtext" parang ang layo naman ng lyn sa jenny diba... And take note nakaopen na yung message nang maagaw ko sakanya cp niya meaning nabasa na niya yung message tapos sasabihin niya kapatid niya daw nagtext? Duh! Sadyang mabilis lang kamay ko kaya naagaw ko agad cp niya at hindi na nabura yung message. "ano gawa mo"? Yan lang naman yung message ng jenny. Pero ewan ko ba that time tinulungan ako ng kutob ko. Kinutuban ako bigla at di ko namalayan na ako ang nagreply dun sa girl. Yep nagpanggap ako na ako si hubby (gamit cp niya). So sumakay ako sa mga text niya at paniwalang paniwala ang malandi na ako nga si hubby. To make it short may reply ako sa kanya na "hindi ka ba natatakot sa asawa mo?" at reply niya "bakit naman ako matatakot hindi naman siya pumapatay" so reply ulit ako "pag nalaman niya tong ginagawa natin". Sagot niya "bakit yung asawa mo ba may alam na?"
Asar na asar ako that time. So malinaw na yang ganyang sagot niya diba. Malandi talaga. Sabi ni hubby pinagtitripan niya lang daw yan. So hindi na ako kumibo that night at until now more than a week na kami di nag uusap. Wala man lang effort na magpaliwanag. Nakakasama lalo ng loob :'(

lovely_carrot

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #210 on: October 24, 2013, 09:14:06 am »
^When men were created, unfortunately hindi kasama yung mind reading ability sa kanila. I think you can only solve your problem if you and your husband will talk about it. Minsan mas mabuti pa nga yung magsigawan/maglabas kayo ng sama ng loob kesa yung hindi naguusap, saves you both time and stress.

Tell him what you felt nung nalaman mo na pini flirt syang iba. Ask him kung ikaw ba yung gumagawa nun sa kanya, magugustuhan nya? the golden rule will always apply here, kung ayaw nyang gawin mo sa kanya, wag nya din gawin sayo.

ankyneMD

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #211 on: October 26, 2013, 01:53:49 pm »
ngayon ko lang natuklasan na nagkaroon ng company outing sila hubby last july. Yun yung natatandaan ko na ang paalam niya sakin work pa din daw kaya hindi siya umuwi ng magdamag. Ang sakit sakit na malaman kong nagsinungaling siya para lang makasama sa swimming nila. Bakit di na lang niya sinabi totoo? I confronted him last night nagsorry siya at sabi niya baka daw kasi hindi ko siya payagan kung magpapaalam pa siya. Ang sakit for me unang una he judged me na agad na hindi ko siya papayagan. Paano niya naman nalaman na yun ang sasabihin ko? Pangalawa hindi niya ako sinama pwede naman pala magsama ng mga asawa. Yung mga officemate niya nga kasama mga asawa nila. Pero bakit ganon siya sakin. So nadagdag nanaman yan sa kasalanan niya na nakikipagflirt siya sa text sa officemate niyang araw araw niya nakikita pero sabi niya text lang daw yun.
So kagabi finally nagka-usap din kami about the two. Nagsorry siya, tinapon na daw niya cp niya. (tinatry ko ngayon tawagan phone out of reach nga). Sorry din daw about the outing. Pero sobrang sama talaga ng loob ko sis kaya nasabihan ko siya na wala na akong tiwala sakanya at alam kong hindi na siya magbabago. Before kasi meron na rin siya nakaflirt sa text pero pinalampas ko yun kasi hindi naman niya nakikita at according to him nakipagtextmate lang daw yun at napagtripan niya. Pero iba kasi ito. Officemate niya, everyday naman sila magkasama sa office pero nakikipagflirt pa din siya sa text. Kaya yun ang mga sinabi ko. Feeling ko nasaktan siya kasi sumagot siya sakin ng "sinasabi mo kasi sakin na hindi na ako magbabago". After that wala na siya iba sinabi. At hindi na rin ako nagsalita pa kasi iyak na ako ng iyak. Tama ba ginawa ko mga sis. Magkahalo kasi nararamdaman ko ngayon eh! Guilty ako sa mga sinabi ko sa kanya pero sobra kasi ako nasasaktan sa ginawa niya. Please enlighten me

adikako

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #212 on: October 29, 2013, 09:00:01 pm »
ang sakit sa bangs lang. I feel each pain sa mga post ditto.

Come to think of it, Ang PUNO (Hubby) at ang DULO (Malalanding Pumapatol).

Bihira na lang talaga ang asawang di nagloloko. Kaya ang swerte ng mga misis na iba to find one. Kaso yung iba naman si Misis ang nagloloko.

Mapaglaro din talaga ang buhay.

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #213 on: November 01, 2013, 02:07:10 pm »

The best gift a hubby can give to his wife is a lifetime of faithfulness to her.

simang

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #214 on: November 01, 2013, 02:21:27 pm »
Q: How do you keep the marriage strong?

A: Simple, we just go back to the first 90 days of the relationship, and repeat.

alex.g

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #215 on: November 05, 2013, 04:37:18 am »
I can relate mga sis..

Sobrang ok kami ng husband ko before thats why di ko ineexpect na may gagawin siyang kababalaghan. Sa mata ng ibang tao, para siyang isang santo. Maalaga, mabait, mahal na mahal ako, very good provider, and lahat na ng positive traits. Kaya pagsinabi kong babaero yung asawa ko, walang maniniwala saken, thats why I suffer inside.

There was this one time, 2 yrs ago, christmas party nila sa office, kunyari ayaw niya pumunta, pero last minute nagdecide siya pumunta, napipilitan pa daw siya. Pupunta na lang daw siya kasi baka last christmas party na nila. Pero take note, last minute nagshopping siya ng kumpletong outfit niya.  Pumayag naman ako, naisip ko , sige para makapagenjoy naman siya. THat time kasi parang sobrang stressed out siya since kakapanganak ko pa lang with our 2nd baby tpos siya lang nagwowork and I still ask him to help me at home.  Eto ang linya nya non, diko makalimutan. "Are you sure ok lang pumunta ko?" Me: "ok lang, para magkapagenjoy ka nman." "So pwede ako magwala?" Me: "?!?" "Joke lang!". Pinalagpas ko na na lang.

He left at 7pm, and he came home at around 6am na. Ang sabi niya saken, bago siya umalis, sandali lang siya, 2-3 hours lang. Nakatulog nako and nagising wala pa siya. Di ko siya tinext or tinawagan dahil ayaw ko maistorbo siya. When he came home, hes drunk, kinamusta ko, ok naman daw, wala daw doon yun mga kakilala niya. Sa kwento niya, parang ok na ok. Walang nangyaring kakaiba. DI ko na kinuwestiyon yung storya niya. Sabi ko sa sarili ko, ok na yon, at least makalaya naman siya sakin paminsan minsan. Pero eto na.. Mga 3-4 days after, nagcheck ako ng facebook, napopost na yung mga workmates niya ng pics nila nung christmas party, at doon na gumuho ang mundo ko.. So many pictures with a girl, nung una kita sa mga pictures na parang tumatanggi siya, pero madami eh, may nakayapos, may magkatabi, etc. Makikita na mo na silang dalawa magkasama the whole night. HE looked so happy. Di ko alam kung pano ko siya kokomprontahin.. Ang ginawa ko, ginawa kong wallpaper and screensaver yung mga pictures nila. Pero ang matindi, nung nakita niya, siya pa ang galit. Anjan na nga ang lahat ng ebidensya, todo deny pa rin. Yun ang mas nakapangliliit, kasi niloko ka na nga, ginagawa la pang tang* lalo. Grabe yung confrontation namin non, talagang binugbog ko siya, kalmot, suntok, sipa, lahat na. Hanggang ngayon nakikita ko parin yung mga peklat ng kurot ko sa kanya. Gusto ko kasi non tuklapin yung balat niya sa sakit ng nararamdaman ko. Di ko na inalam kung ano pa mga ngyari non, kasi lalo lang ako masasaktan. I guess after a month humupa yung galit ko, nakaya ko na siya tingna. Nakita ko naman yung effort niya, hanggang ngayon di siya lumalabas ng hindi ako kasama.
Pero ako? Wala na.. Sayang..Sobrang ok naman kami dati, pero after non, nawalan talaga ako ng gana. Magkasama kami sa house, we have 3 kids, but its never gonna be the same. Pagtinitingnan ko siya, naiirita ako. Iba pagtrust ang nawala. Nasira na kaming dalawa. I guess were still together because of the kids.  I can never trust him. Naususuka ko pagnaiisip ko yung trust.

Sorry mga sis if I sound bitter. Ako kasi yung tao na mahirap talaga makalimot at magpatawad pagdating sa ganyang issue. Kasi para saken, yung mga lalaki, wala silang karapatang ganyanin tayo.

mooncake and leaves

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #216 on: November 05, 2013, 05:34:07 am »
^ i'm aghast. you assaulted your husband over something he might not have done if he was sober and might not have meant anything at all. from what you posted, there might have been flirting but no way to confirm a full-blown affair. and even if he did have an affair, nothing ever warrants physical violence. wala ka ring karapatang saktan ang asawa mo.


maiandra

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #217 on: November 05, 2013, 06:08:28 am »
So sis, ok lang sayo makipagflirt ang hubby mo? Diba papunta na rin doon yun pag pinabayaan?

alex.g

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #218 on: November 05, 2013, 06:29:43 am »
^ i'm aghast. you assaulted your husband over something he might not have done if he was sober and might not have meant anything at all. from what you posted, there might have been flirting but no way to confirm a full-blown affair. and even if he did have an affair, nothing ever warrants physical violence. wala ka ring karapatang saktan ang asawa mo.

I guess, normal lang na reaksiyon ng babaeng nasaktan, and normal din na reaksiyon ng babae na habang lalong pinipigilan, lalong nagwawala. Hindi ako eskandalosa, hindi rin ako nagger, usually if Im hurt, I keep it inside, kaya siguro pagnapupuno ako, matindi yung galit ko. Actually, inamin niya naman, after so many months na. And that girl resigned right away when she realized na nalaman ko.  I dont want to go into details na, pero di naman siguro ganon katindi ang galit ko kung walang ibang dahilan. Sorry kung sobrang violent yung tingin mo saken, but I guess kung alam mo ang strength ng lalaki, walang wala naman yung ginawa ko, aside sa mga scars ng kurot, ako pa nga yata yung mas nasaktan. I just wanted to vent out and share, I thought it would be okay, and makakahanap ako ng kakampi, but I guess not.

*CuTiE*

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #219 on: November 08, 2013, 05:38:01 pm »
expect mo na na maski nagdudumilat na ang evidence di pa rin aamin. ako nga nahuli ko na ang exchanges ng emails nila deny to death pa rin. tama din ang payo ng iba nating sisses here. hanap tayo ng hanap ng ebidensya ng panloloko ng asawa natin but then pag may nahuli tayo handa ba tayong iwanan sila o as my sister said to me konting lambing lang sa iyo at pag papaawa eh papauto ka na naman... ako naman kasi feeling ko vindicated na ako may makita lang akong evidence na nuno sya talaga ng sinungaling atleast di pala ako praning na isip lang ng isip. but then di ko pa rin maiwan... dami kasi dapat iconsider... hay buhay....

sis, i've been in your situation. it will really take time before you can finally say it is over.  you can only take so much of his cheating escapades and then one day you will just realize, you've had enough. when that time comes, everything will seem to be working to your favor. Promise sis, all the things you are worrying now will vanish. Parang, it is gonna be all about you na lang and your kids, if you have. You will be so much happier. :-) and of course, hindi ka na praning. :-) God bless! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close