watch now

Author Topic: LENDING BUSINESS PART 2  (Read 66160 times)

ceejhei

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #80 on: July 31, 2013, 03:30:40 pm »
sis jmeangeL 5% per month nalang ginawa ko. ang isa din kasi sa reason ko is to help the people at hindi sila lalong gipitin.

nag back read ako at marami akong nakuhang pointers especially from you. Let's be a blessing to others at siyempre kumita na din tayo ng konti. :)

alpha_ni_08

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #81 on: August 03, 2013, 02:06:28 pm »
sisses finally nakapagstart na rin ako.. 20k initial capital ko.. nagpahiram ako sa flowershops malapit samen.. weekly ang collection ko pero nun 1st week pa lang parang sabit na.. delayed eh.. now 2nd week na delayed pa rin.. :(

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #82 on: August 03, 2013, 10:09:52 pm »
Sis Alpha matagal mo na bang kilala yung may ari ng flower shop? and pinautang mu ba lahat sa kanya yung 20k? i hope not, one of the key in succesful lending business is always diversify, dapat hati ang pinagpapautangan mo at hindi lang sa iisang tao,incase na may tumakbo merun ka pa ding masisingil. Sana mabayaran ka pa nya kahit delay, nightmare kasi yan para sa isang nag uumpisa pa lang sa lending  :(

mommycute46

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #83 on: August 05, 2013, 09:47:27 am »
I want to do this business minsan. Lalo na sa mga taong nangungutang lang pambili ng wants. Kaya lang lagi lagi ako nadidiscouragena kesyo kakarmahain daw ang mga nag 5'6  ;D. Iisipin ko pa lang ayaw kong naghahabol ng tao para maningil. Maybe this is not my line of business din.

gelay18

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #84 on: August 08, 2013, 08:47:38 am »
kaka start ko lang ng bisnes na to.. 5k lang capital ko muna 5% per month ang interest..sana lumaki pa sya..   ;)

alpha_ni_08

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #85 on: August 08, 2013, 06:28:59 pm »
sis ma. jewel yep matagal na family friends naman yun mga owner ng flower shop dun... yun isa nga malayong kamag anak pa. hindi nila alam na sa aken yun money.. sabi ko sa friend ko yun. nakabayad naman kaso instead na friday ang bayaran nagiging monday na.. ok lang as long as makabayad sila.. hindi naman isang tao lang 4 sila tag 5k each... sana lumago pa yun business na to sis!


thank you sa thread na to for the tips...

meowgli

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #86 on: August 08, 2013, 11:21:12 pm »
flourishing tlg ang kita sa lending, nga [textspeak!] risky [textspeak!] tlg... kng gaano kalaki ang kinikita mo, mas malaki din ang risk na mwala ito...kaya tamang management at analysis [textspeak!] ang kelangan. Kaya habang kumikita pa [textspeak!] lending business nyo, better to think other source of income, dun nyo gamitin [textspeak!] kinita nyo sa lending at yun ang problema ko ngaun heheh bukod sa CC ano pa po ba ang pd I-business? salamat ;)

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #87 on: August 20, 2013, 02:06:13 am »
I'm also looking for a business that's kinda connected sa lending, any suggestions mga sisses?  :)

pinkishwhiteglow

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #88 on: September 23, 2013, 05:44:12 am »
I started my lending business on March 2013. And I am very happy to say na more than 50% of my capital na ang earnings nito. Once nag ROI na ako, I will put more funds for lending.

Though this business is risky, pero ano ba ang business na hindi?

Most of my clients are the first ones who loaned. They just kept renewing.

Goodluck mga sis. Make sure that your contract is legally binding. Make it appear that you won't hesitate to take legal action if they fail to settle the loan. Also, doing background check on the person applying for a loan, won't hurt. I also make sure na ang papahiramin ko ay employed with the same company for at least 6 mos. I also require some documents (ids, payslips, etc). I accept payroll ATMs as the collateral (usual ako magwiwithdraw ng sweldo thing) or checks.

It may sound tedious to others, pero syempre and perang pinapahiram natin ay sobrang pinaghirapan din natin regardless of the amount. I plan to have a higher loanable amount next year with longer terms.

Ngayon na malapit na magpasko, I am thinking of sending my clients a little something.

twgonzales

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #89 on: September 23, 2013, 10:02:53 pm »
Mga sis, sino dito ang may kilalang private lenders na may business na?

SOFIEMAE

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #90 on: September 25, 2013, 11:36:51 am »
I want to do this business minsan. Lalo na sa mga taong nangungutang lang pambili ng wants. Kaya lang lagi lagi ako nadidiscouragena kesyo kakarmahain daw ang mga nag 5'6  ;D. Iisipin ko pa lang ayaw kong naghahabol ng tao para maningil. Maybe this is not my line of business din.

IMO sis, why dont you try muna para malaman mo? usually yung mga nagsasabing kakarmahin pag lending ang negosyo mo, yun siguro yung mga nagpahiram ng sobra ang laki ng tubo, nanggigipit ng tao pag hindi na makabayad kaya naisusumpa ng mga nanghihiram, mga wala man lang konsidirasyon at mga nakakalimot mag dasal sa itaas para magpasalamat. ang pinag kaiba lang naman ng business namin sis e pera ang inaalok namin. gasino na yung 5% to 10% interest? kumpara mo naman sa mga items na binebenta na mahigit 50% to 70% ang tubo? halos pareho lang naman hindi ba? marami nga nagsasabi nakatulong ka pa  its a case to case basis sis... yung mga hindi marunong magbayad lang mahilig magsabi niyan pero kung malinis naman kalooban mo nothing to fear of karma 

jmeangeL

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #91 on: September 25, 2013, 01:59:24 pm »
for those requesting for a copy of my excel lending sheet, pasensya na... i made several modifications on it based on how i run the business.  maaaring di na sya user-friendly para sa iba.

simple lang naman gumawa ng listahan sa excel.  parang sa notebook lang.  iyon lang, make use of the formula of excel to do your computations automatically

exercise na rin to widen our knowledge in excel

update: hirap mag-collect ng payments ngayon kasi panay ang ulan... karamihan di makapasok sa work or maraming damages/gastos sa bahay na kaylangan unahin

jessiej199091

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #92 on: September 27, 2013, 09:31:05 am »
^^i agree with you sis sofiemae. the term 5-6 kasi refers to those with interest rate of 20% per month. yung pag humiram ka ng 5thou eh 6thou na ang balik which is 20%. kaya nauso yung tawag na 5-6. yun talaga ang mabigat. pero sa mga nababasa ko dito sa thread natin eh nasa 5% to 10% lang interest (mine is 5%) kaya hindi ako pumapayag na sabihing 5-6 ang business ko.

ilang beses din akong natakasan dahil sa sobrang pagiging considerate ko. sa sobrang pagmamakaawa ni client dahil gipit, bigay pa din ako. may client nga ako ng almost 2yrs binayaran yung loan nya pero ang interest lang na binigay ko sa kanya eh 6 mos. meron din na umiyak talaga sakin sa sobrang pagpapasalamat na pinagbibigyan ko loan nya.

hindi sa naghuhugas ako ng kamay, pero these instances prove na kahit lending ang business ko, nakakatulong din ako. which is why ayokong tawaging 5-6 ang lahat ng lending business. :)




SOFIEMAE

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #93 on: September 27, 2013, 02:52:24 pm »
^ jessiej199091 ;)

zhanne8

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #94 on: September 27, 2013, 04:08:52 pm »
hi mga sis! tanong ko lang if hinde naman ako nag wo work in a company, where target ko for lending? mga kakilala din diba? What if mang hiram and hinde bumayad, what do you do?

simplemind

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #95 on: September 28, 2013, 12:40:59 pm »
Hi mga fellow lenders... Share ko rin yong akin lending sa manila. March 2013 i start my lending biz pero balak ko gawin Legit. April yon sa office na kame with 2 employees. As of now siguro kita namin  is more than 60% na  from our puhunan.  Monthly rent 5k employee1 7k, 2nd employee 5k their salary. Me and my partner 6k a month well not bad for us at least miski wala kame may sahod din kame. My tips : pag gipit ang borrower dahan dahanin nyo lang huwag awayin orelse lalo di magbabayad. Lage ko sinasabihan ang 2 kung tao huwag magtapang at kung bad borrower talaga tiis lang pagnakabayad never na ulit. kasi kung di nila mapakiusapan collector ko sa akin sila nakikiusap pero they don't know me  kinakausap ko ng maayos at sumusunod naman sa mga pangako di maalis ang mga ganyan expected na yan.Di ako nagpapakilala miski ang may ari ng office na ni rentahan ko which is kagawad. Lastly ang target ko lahat may business small canteen sa market place at municipal and barangay workers..napahaba gusto ko lang ma inspire ang iba na gusto mag business na ganito huwag mag isip ng negative agad or karma thingy kasi lahat ng business may risk at halong masama mas worst pa ang iba kame nakakatulong naman kahit papaano. This Christmas balak ko mag pa cater sa isang place at invited lahat ng customer konting salo salo at pasasalamat  di dahil sa kanila wala naman din kame ...

heaven_charm

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #96 on: October 13, 2013, 08:25:46 am »
i learned a lot from this thread saka sa part 1. dahil jan mag-invest ako dito sa January ng 20k.

3k un pinakamalaki pwede hiramin. 6% interest monthly tapos pag nadelay yun bayad may additional na 1%. maximum of 2 months lang yun pwede nila loan period. regular employees lang pwede, hehe

pag opismates kahit di na abot yun atm as collateral pero pag outsiders, need atm. im planning kasi i-extend siya sa opis ng twin brother ko saka sa teachers near here

o5m_m5o

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #97 on: October 13, 2013, 11:51:21 am »
^ You should take their ATMs regardless.

Mas madalas hindi nagbabayad ang friends and family.
(At the back of our minds kasi, "she will understand naman"
Or "ok lang kahit next time na ko magbayad kilala ko naman")

If you can't do that, might as well not offer to friends and
family at all.

Ang malaking risk kasi ng ganitong business is kung hindi
ka mabayaran however small, maliit lang naman kasi ang
tubo ng lending. So every collection counts.

pinksapphire0821

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #98 on: October 13, 2013, 06:59:07 pm »
tama si o5m_m5o

lage po dapat may collateral kasi po talo ka kapag nadelay un bayad ...  di mo madali mapapaikot ang pera ...

sa ganitong business dapat magaling ka maningil..well i tried it once kaya lang wala masiyado market dito sa amin kasi ayaw nila un idea ng atm ..

Shin019

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #99 on: October 16, 2013, 03:54:28 pm »
Hi mga sis, anyone willing to lend us money? Wed like to put up our own business kasi.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close