watch now

Author Topic: LENDING BUSINESS PART 2  (Read 66280 times)

pinksapphire0821

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #20 on: May 06, 2013, 04:11:10 pm »
wow ang saya naman sis....so OK na rin pala talaga 20K ...

one more thing sis...sorry makulit ha?? paano po ba ang payment scheme ng mga pinapa-lend nyo and how much ang interest?  ;)

peenitokss

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #21 on: May 06, 2013, 04:17:12 pm »
^

I was thinking of this business. I thought maliit yong 50k as starting capital dito. Possible pala.

hmmmmm


jessiej199091

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #22 on: May 06, 2013, 05:13:23 pm »
hi mga sis! sa ganitong business, mas maganda kung mag start sa small capital lang. 50k is too much as starting capital. di pa kasi kilala masyado mga clients kung ok ba sila magbayad or hindi. kaya be very cautious sa mga clients at dapat, kilatisin mabuti. :)

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #23 on: May 06, 2013, 10:41:11 pm »
Hi mga sis, ako i started 20k last Oct 2011, by this time nasa 100k na sya  :D
Ang problema ko ngayon is naihahalo ko sya sa personal money ko kaya parang di na sya lumalago kasi mas malaki nagagasto ko kesa sa salary ko, so ibig sbhin yung iba galing na sa business ko.
 Hay tips naman mga sis para maiwasan to  >:(

jmeangeL

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #24 on: May 07, 2013, 09:39:48 am »
wow ang saya naman sis....so OK na rin pala talaga 20K ...

one more thing sis...sorry makulit ha?? paano po ba ang payment scheme ng mga pinapa-lend nyo and how much ang interest?  ;)

i started at only 6% per month.

let say umutang 1k, payable in 1 month.  ang interest nyan ay 60pesos.  since 15 at 30 ang payroll, hinahati ko sa dalawa ang payment scheme nila.  530 sa 15th at 530 sa 30th.

minsan, walang pang-hulog si client.  ang hinihingi ko na lang ay ang tubo for that payroll or 30pesos.  next payroll 1030 ang dapat nya ihulog.  or kung hindi pa rin, pwedeng 530 lang, at 530 ulit sa susunod na cut-off.

ngayon nagbaba na ako ng interest, 4% per month na lang ang interest charge ko.  I like an even number of interest para mas madaling i-compute ang tubo.  usually 500pesos + interest lang ang hulog sa akin ng mga nautang every payroll.  kaya magaan sa bulsa nila at mas mataas ang chance ko to collect.

kapag 5k ang inutang, dapat may atm na yan at guarantor.  hindi na rin 500+interest ang hulog.  Usually, payable sa akin yan ng 8 gives or 4months; which is only 725 per payday.   ;D ;D

5k lang ang max na mauutang mo sa akin.  anything more than that are privileged people of our lives na.   ;) ;)

Hi mga sis, ako i started 20k last Oct 2011, by this time nasa 100k na sya  :D
Ang problema ko ngayon is naihahalo ko sya sa personal money ko kaya parang di na sya lumalago kasi mas malaki nagagasto ko kesa sa salary ko, so ibig sbhin yung iba galing na sa business ko.
 Hay tips naman mga sis para maiwasan to  >:(

the main reason kung bakit nagpapa-utang ay business... kung hindi mo gagamitin ang kinita mo sa business to pay for other expense, ano pang purpose nito?

what i did was set a goal.  goal ko lang parati ay 100k na nakalabas na pera.  anything na sobra ay hindi ko na ilalabas at gagamitin ko na.  either to pay for tuition of the kids, pay for a monthly bill, or invest the amount on stocks or trust fund.

let's remember na ang 100k na iyon ay maaaring mawala ng isang iglap kung hindi magbayad ang mga pina-utang mo.  so go ang enjoy the fruits of your labor.

ibig sabihin din nyan na wala kang market for expansion.  suki-suki rin kasi ang pagpapa-utang.  pare-parehong tao lang ang pina-uutang mo throughout the years.  kaya lumalaki ang capital ay dahil sa pag-ikot ng pera at paglaki rin ng customer base.  kung wala ng uutang, di ka na maglalabas ng pera.  naranasan ko rin yan, i have cash pero walang nautang.

pinksapphire0821

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #25 on: May 08, 2013, 05:00:02 pm »
thanks po sa lahat ng ng answer ng queries ko lalo na po kay sis jmeangeL

sana po may mag post pa ng success stories nila about sa lending business :)








sugar20060

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #26 on: May 10, 2013, 11:21:08 am »
Good day, ask ko lang kung taxable ba ang ganitong business especially kung wala namang physical office? I mean mga friends at kakilala lang ang market mo? Kung government employee ka, dapat din ba itong i-include sa SALN as business interest? TIA sa mga magrereply. Have a good day :-)

geldmagnet

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #27 on: May 13, 2013, 09:22:02 pm »
wow nakaka-inspire naman, can I start with an even smaller capital, like say P8,000.00?

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #28 on: May 13, 2013, 10:41:56 pm »
Thanks sis jmeangel, ill try to do that too, also mahigpit na minomonitor ko na din ang expenses ko ngayon, nilolog ko lahat sya, usually kasi after payday and bayaran ng mga clients ko, after few days lang di ko na alam kung ano mga ginasto ko at mabilis naubos ang money.

pinksapphire0821

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #29 on: May 14, 2013, 04:13:18 pm »
^^ oo naman sis greymaj ... palaguin mo na lang ... sino ba target customers mo?  ;D

alpha_ni_08

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #30 on: May 15, 2013, 12:14:03 am »
pajoin din ako.. i want to start this kind of business kaya lang di ko alam kung sino yun mga magiging client ko

jmeangeL

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #31 on: May 15, 2013, 02:09:54 pm »
Good day, ask ko lang kung taxable ba ang ganitong business especially kung wala namang physical office? I mean mga friends at kakilala lang ang market mo? Kung government employee ka, dapat din ba itong i-include sa SALN as business interest? TIA sa mga magrereply. Have a good day :-)

it's good to declare and give your share to the government.... but, personally? no i don't
masyado ng malaki ang tax na binibigay ko sa withholding.  pati ba naman sideline ko, i-tax nila?!

Thanks sis jmeangel, ill try to do that too, also mahigpit na minomonitor ko na din ang expenses ko ngayon, nilolog ko lahat sya, usually kasi after payday and bayaran ng mga clients ko, after few days lang di ko na alam kung ano mga ginasto ko at mabilis naubos ang money.

budgeting is a prerequisite of doing good business as well as investing... but truth be told, magulo rin ako sa ganito kasi marami akong extra source of income

what i do is assign each earnings for each expense

example, my online/offline selling biz will pay for my monthly internet expense and any personal usage of the product.

my smart money service pays for my monthly post-paid expense.

target for my lending business is to pay the monthly SSS contribution for hubby and the yaya's

pinksapphire0821

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #32 on: May 15, 2013, 04:12:45 pm »
ang galing mo naman mag budget sis..sana ganyan din ako

kasi minsan pag may pera ako gastos agad eh..heheh :)

pero im sure matutunan ko din yan since hard-earned money na yan :)

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #33 on: May 17, 2013, 08:39:07 pm »
^ hihi pareho tayo sis pinksapphire, ano kayang ang magandang business that goes along with lending?
« Last Edit: May 20, 2013, 08:40:14 pm by Ma.Jewel_1987 »

pinksapphire0821

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #34 on: May 18, 2013, 12:21:04 am »
ako din nag iisip ng ibang business ..

depende kasi sa client di ba? if ever may kaya naman siguro accessories, rtw, etc ...

minsan talaga kelangan lang i-offer di ba?  ;D


celsky

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #35 on: May 18, 2013, 04:43:25 pm »
hi all,

buhay pa din pala ang thread ng lending ;D doon sa mga gusto mag start, mag start na kayo...Start small, dream big nga diba...so kahit 5k lang yan, go na! sa 5k pahiram mu 1k per head, 1100 balik pagdating ng pay out, eh di may 5500 ka na...paikot mu ulit, another 500 na profit...lalaki din yan :)

jmeangeL

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #36 on: May 20, 2013, 10:00:02 am »
ako din nag iisip ng ibang business ..

depende kasi sa client di ba? if ever may kaya naman siguro accessories, rtw, etc ...

minsan talaga kelangan lang i-offer di ba?  ;D

yup... it all comes down to your target market... ano ba ang kaylangan ng market mo na kaya mong i-offer

i know someone who uses her CC as leverage... karamihan kasi sa mga factory worker, walang CC.  kung gusto nilang bumili ng gamit sa bahay, uutang sila sa SSS or sa Pag-ibig then bibilhin ng cash ang gamit.

what this person did is offer her CC as payment option.  Kinukuha nya ang item sa mall ng 0% interest, payable kung ilang months nila napagka-sunduan ni client.  patong lang sya ng 2% a month as interest sa loan ng tao.  as collateral, kinukuha nya ang atm ni client.

alam ko pati cellphone, ino-offer nya rin ang ganyan scheme

benefits:
1.  no capital, sagot na ng CC ang capital
2.  points earned on CC purchase
3.  points earned kung sa SM binili (SM Advantage card)
4.  healthy credit rating

jamberryknots

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #37 on: May 20, 2013, 10:36:06 am »
ako din i want to start this for my mom..she works sa city hall (metro manila) for so many years na din so kilala na niya mga tao pero ang gusto ng mommy ko capital lang then ipapasa sa pagador (if i got that right - basta yan daw ang magpapautang at sisingil) kasi ayaw matoxic ng nanay ko sa paniningil kaya lang ang mangyayari hati kami 5% ng profit sa amin tapos 5% doon sa pagador eh parang hesitant ako sa ganun parang nakakahinayang din tapos ganun nga monthly din ang bayadan

kayo ba mga sis tingin niyo ok na yan?

gusto ko nga dito ako sa SG magpautang haha pero hindi sa workplace ang yayaman na ng mga tao dito kaya lang ang hirap mamaya nakauwi na pala ng pinas haha me kilala ako na nagpapautang dito 20% ang tubo monthly anlaki no

jmeangeL

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #38 on: May 20, 2013, 11:05:28 am »
ako din i want to start this for my mom..she works sa city hall (metro manila) for so many years na din so kilala na niya mga tao pero ang gusto ng mommy ko capital lang then ipapasa sa pagador (if i got that right - basta yan daw ang magpapautang at sisingil) kasi ayaw matoxic ng nanay ko sa paniningil kaya lang ang mangyayari hati kami 5% ng profit sa amin tapos 5% doon sa pagador eh parang hesitant ako sa ganun parang nakakahinayang din tapos ganun nga monthly din ang bayadan

kayo ba mga sis tingin niyo ok na yan?

gusto ko nga dito ako sa SG magpautang haha pero hindi sa workplace ang yayaman na ng mga tao dito kaya lang ang hirap mamaya nakauwi na pala ng pinas haha me kilala ako na nagpapautang dito 20% ang tubo monthly anlaki no

i highly discourage that scheme you're thinking... may cousin lost 200k in that scheme
meron silang collector.  akala nila magaling mag-collect kasi araw-araw may remittance at araw-araw din may re-new or new client.

arawan ang sa kanila kasi ang clients nila ay mga padyak operators.  ang collateral ay ang registration card ng padyak.

ang di nila alam, iyong ipinapasok na pera sa kanila sa gabi ay iyon din ang pera na kinuha noong umaga; dahil kunwari daw may mag-renew.

napansin na lang nila, laging merong mga pass na hulog "daw".  nagsimula na rin magdatingan ang mga padyak operator sa bahay nila para kunin ang registration card dahil bayad na daw sila sa collector, at ang dahilan ni collector ay out-of-town ang pinsan ko.

noong gabi na pupuntahan nila sa bahay si collector kasama ang mga padyak operator at si barangay captain, wala na si collector.  nakapag-tago na at nakatunog, tangay ang pera nila.

ang mga collection na hindi nila nakuha at mga bagong pautang ay umabot ng 200k.

kung magnenegosyo ka, dapat ikaw mismo ang gagawa.  kung gusto mong kumikita lang ang pera, ilagay ito sa bangko, mutual fund, UITF or stocks.

iyan, naka-upo ka lang, kikita ka at walang sakit ng ulo.

jamberryknots

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #39 on: May 20, 2013, 11:17:49 am »
thank you for your feedback sis..eto naman kasing mommy ko me pagkatamad haha although i undertsand her point mahirap maningil pero parang manageable naman kasi if ever kilala na niya din yung sa treasury ba nila (or kung ano mang department yan na nagbibigay ng sweldo) ganun kasi sa kanila [textspeak!] nagpapautang na ang kumukuha ng sweldo haha

naisip ko sayang yung time plan ko non eh magstart last january (gamit yung bonus ko sana  as capital) but my mom ayaw na siya ipasa na lang daw nga namin sa collector..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close