watch now

Author Topic: first time mom, how to deal with baby  (Read 148673 times)

cerelina

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #60 on: February 08, 2013, 09:35:02 am »
6w pa lang sis mabisyo na rin gusto karga na with matching song and dance number  ::) buti na lang dito pa kami nakatira sa mommy ko sila taga alaga minsan nakakangalay na nga siya buhatin minsan nagrereklamo na rin mommy ko hehe kinikiss na lang nya pag tulog para daw makaganti sya hehe. Tapos baby ko nagtatantrums pumapadyak padyak pa parang malaking bata na saka pag nagfefeed sya or inaantok bawal sya hawakan kasi iiyak sya ng malakas kala mo kinurot ;D

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #61 on: February 08, 2013, 10:29:10 am »
I want to know how did you deal with the first weeks/months of your baby almost 3 weeks pa lang baby ko pero na iistress na talaga ako  :'(  pag umiiyak na sya na hindi ko alam reason i feel so helpless parang wala ako silbi naiiyak na lang talaga ako ang stressful samahan pa ng pagod saka puyat.  :'(. Nakakaawa naman baby ko minsan natratrauma na ako kay baby hindi ko mapatahan buti anjan mom and hubby ko sila taga pag patahan. I want to become a good mom kay baby pero hindi ko alam how :'(

Hi sis, siguro normal yung minsan na-sstress ka sa anak mo lalo na you just gave birth. It also happened to me. As in super clueless ako how to carry my baby and feed him. Lalo na yung first week na nanganak ako sobrang hirap kumilos since normal birth ako ang hirap kasi masakit pa yung tahi. I'm thankful na lang na my husband took care of me and my MIL helped us on how to deal with baby.

Relax lang, pag umiiyak si baby kausapin mo and try mo bigyan ng milk baka kasi gutom. Pag natutulog naman sya, sabayan mo rin ng rest para di ka puyat at pagod. Noon ang ginagawa namin ni hubby take turns kami sa pag aalaga kay baby. Ako sa gabi at sya sa morning. Few weeks after you'll get used to taking care of your baby. Nakaka-relate ako sayo kasi first time mom ko rin and I really had no idea. Hindi pa naman ako mahilig sa baby nung single ako. Ngayon nag iba na perspective ko na naging mom na rin ako. 

kettlekorn28

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #62 on: February 08, 2013, 11:25:23 am »
Dear Thread Starter: I'm also a first time mom. My boy is turning 11 months. Nakakaloka talaga ang iyak ng baby kasi di mo alam kung bakit sya umiiyak at kung paano sya patahanin. kaya ako umiiyak na rin. oo sis, umiiyak din ako. it's better to cry it out kesa sa kimkimin di ba. buti na lang andyan si mommy, plus I have 3 siblings, mga cousins and titas na pwede mag-alaga kay baby when im really stressed out. you really need all the help you can get. wag ka mahihiya humingi ng tulong sa mga taong malalapit sayo lalo pa't wala ka pa naman masyadong alam sa pag-alaga kay baby. ako pa eh na-CS so hirap din ako kumilos nung maliit pa talaga si baby. di ko sya basta-basta pwede buhatin.

makaka-cope ka rin sis eventually. as you go along, madidistinguish mo na yung iba't ibang klase ng "iyak" ni baby...kung gutom sya, naiinis na sa soiled diaper, may masakit or nilalagnat, pag giniginaw/nilalamig, etc. you'll be a good mom sis, just take it easy. wala namang pinanganak na marunong na agad when it come to motherhood di ba. you'll learn.

imagodei082990

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #63 on: February 08, 2013, 07:12:40 pm »
@mitch sis 4months din ang baby ko pero wala akong ganyang problema. Ginawa ko lang sa umaga nilalaro ko sya or hinahayaan ko lang sya maglaro hanggang sa mapagod na sya pag gising sya sa umaga ganon lang ginagawa ko. Then sa gabi mga 7pm tulog na sya then magigising sya ng mga 12 hahayaan ko lang sya maglaro pero night light nalang ilaw namin tapos makakatulog nalang sya. Dapat kase pag naghikab na ang baby dapat pinapatulog na sya para hindi sya pagod at hindi mahirap patulugin pag gabi and iwasan mo yung pagkikipaglaro sakanya pag gabi na ..  Para alam nya na oras na ng tulog yun .. Dapat alam nya na ang day time ay para sa play time ang night ay oras ng tulog
« Last Edit: February 08, 2013, 07:17:07 pm by imagodei082990 »

cerelina

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #64 on: February 09, 2013, 11:33:47 pm »
^Sis sinabi mo meron din sya preferred na pag karga dapat parang nakadapat sya sa dibdib pag karga pag hindi ganon karga nagiiyak parang kinurot

mitch_ay

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #65 on: February 10, 2013, 03:32:15 am »
^sis ang kulet ng baby mo :) as early as now alam na nya kung ano gusto nya :) ienjoy natin ang mga kulit moments nila at minsan lang sila magiging babies :) si baby ko naman ang bisyo pag tulog nakapatong ang paa sa mga unan tas taas dalawang kamay :) d din sya pede galawin at magigising :)

mitch_ay

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #66 on: February 12, 2013, 03:58:59 am »
^tnx sis :) will surely try that :) as of now naman natutulog na sya ng maaga (10:30 before around 2am) :) paunti unti siguro maayos na din tulog ni anak :)

imagodei082990

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #67 on: February 12, 2013, 05:04:51 pm »
magiging ok din su baby mo

mitch_ay

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #68 on: February 12, 2013, 06:32:10 pm »
^sana nga sis :) thank u ulit :)

xhien

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #69 on: February 20, 2013, 10:29:40 am »
mahirap,nakakapuyat pero  masaya..hehe..sana magbago na oras ng tulog niya, gabi kasi siya gising lage eh..1 month palang baby ko..

forumera

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #70 on: February 20, 2013, 11:00:30 am »
Sa adults kapag may sipon, more more water di ba?sa 3mos baby ba ganun din?

kettlekorn28

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #71 on: February 20, 2013, 01:16:00 pm »

forumera

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #72 on: February 20, 2013, 01:40:48 pm »
Thanks sis ah, sa bahay ko pa machecheck yan kasi naka cellphone lang me eh, hirap mag browse dito, :)

sleepless

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #73 on: February 21, 2013, 11:43:14 am »
@ Sis sleepless kamusta na si baby? I hope and pray na okay lang sya...

 Sis nagging okay na, nag switch kami ng Similac HW , nawla na yung blood kaya Lang watery naman nag popo ni baby at sobrang baho...

imagodei082990

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #74 on: February 21, 2013, 06:33:43 pm »
^sis ganon talaga ang poop sa similac .. Pero normal lang yan sis

mitch_ay

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #75 on: February 21, 2013, 08:13:15 pm »
^^ hi mga sis :) musta mga babies nyo?!? si baby ko medjo ok na sleeping habbit nya :) tanong lang mga sis talaga bang super baho ng poop ni baby?!? pati utot (sorry for the words) explosive :( tapos army green na parang evap. NAN HA milk ni baby pero lately lang naging ganyan ang poop nya :( once a day lang din naman ang poop kaso super explosive:( tia!

cheezecake

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #76 on: February 21, 2013, 09:12:10 pm »
I suddenly remembered the days when I gave birth to my son grabe talaga!  Sobrang puyat tapos yung mga friends ko tumatawag pa.  Haaaay..... Fortunately, I was able to get a yaya na talagang magaling. Before I got her, nabitawan ko yung anak ko buti na lang sa playpen nalaglag and parang wala lang dahil sa sobrang pagod ko.  Grabe naman kasi si hubby walang pakialam ang lakas na ng iyak e nag-snor pa rin naku talaga kainis. Kaya yata hindi na nasundan si Baby dahil sa gigil ko.  Well, I'm glad at malaki na siya ngayon.

About sa mga questions dito as far as I can remember Manzanilla is okay basta rub mo muna sa kamay mo before rub kay baby and dati lagi namin nilalagay sa may paanan rather konti lang sa tummy.

About sa sinok hay naku major problem din yan dati basta drink ng drink water lang.

About sa sleep effective patulugin si baby sa gabi ng nakadapa dahil tumatagal siya ng 5hours.

About allergies haay sobrang suki kami sa doctor jan sa soap kapag sensitive skin use BABY DOVE.

lastly, trust your instinct.

sleepless

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #77 on: February 22, 2013, 09:57:47 am »
Tanong ko Lang Mga sissIes,

May napapansin ako kay baby, nilalabas Nya yung dila Nya yung tipong nang bhebhelat... Ano kaya ibig yang sabihin dito? Kung may na experience kayo kasi clueless talaga ako hehe

daveigh

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #78 on: February 22, 2013, 11:35:41 am »
^ Normal yan sis, yung baby ko ganyan din. Sunod nyan subo ng kamay. :)

forumera

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #79 on: February 22, 2013, 01:58:13 pm »
Baby ko din ganyan, di ko din alam ibig sabihin hehe pero di naman ata dapat mag worry about dun e, sunod nga niya subo kamay na, kamay talaga haha, at unlimited laway

 

Latest Stories

Load More Stories
Close