ang bait nya... yun ang nakakainis sa kanya. parang wala kaming daddy sa sobrang bait nya. hindi nya kami dinisiplina, kaya naman, iba iba ang ugali namin paglaki. even if it's true that siblings do not have the same attitude and personalities, pero kasi kami, we did not have a model to look up to. kaya sabog kami, like may tamad, may happy go lucky, may sobrang seryoso, sobrang snob, walang pakialam sa mundo, etc.
ang bait nya... tinatapakan na ang rights nya ng mga kapatid nya, bale wala pa sa kanya. iiyak lang. pag tinaasan ng boses ng mga kapatid nya, titigil na, di na lalaban. kahit inaagrabyado pa sya.
ang bait nya... kahit sa bahay nya nakatira manugang na lalake nya at binubugbog nun ang anak nya, tahimik lang sya. ni hindi nya pinapagalitan manugang nya. nakikita na nya ang sama ng ugali ng manugang nya sa asawa nito (anak nya), tameme pa rin.
pero, love namin sya, as in....
nakakainis pa sa kanya, hindi nya pa kami nailabas as family. yung kami lang. yung si mommy at kami. never. wala ako naaalala na may nangyaring ganun. kinalakihan na namin na ganun sya.
nakakainis pa sa kanya, di nya memorize birthdays namin. as in! di nya alam edad namin, e apat lang naman kami. di nya alam kung ano tinapos namin, ano university kmi graduate, ano trabaho namin ngayon, etc. parang wala lang, di lang nya interes alamin. kaya ako ang nahihiya pag may kakwentuhan sya at magtatanong sa kanya "pare ilang taon na panganay mo?", "ano position ng anak mo sa trabaho?", "san nakatira anak mo?". Gosh!
pero pag barkada nya, alam nya. "Ay, birthday nga pala ni kumpareng Nonoy ngayon!", sabay punta sa celebration ng kumpare nya. Kami, pag birthday namin, tinatamad magpunta kung san man kami magcecelbrate.
pero love namin sya, at never kami umabsent sa birthday party nya every year.
dami ko pa gusto sabihin, pero, kahit naman humaba to, love pa rin namin sya. kahit ganun sya.