watch now

Author Topic: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?  (Read 10416 times)

Purple_Power

  • Guest
What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« on: December 13, 2012, 12:41:21 pm »
Hate is very strong so it is better for me to ask the DISLIKES or RANTS about your father.

This is just another version of "I Hate My Mom" thread and opposite of "Close ba kayo sa Dad nyo?" thread.

I believe that there are no perfect parents or fathers but then it doesn't mean that the fact accepted would be excuse for them that we shouldn't be offended, feel the violent reactions or even hatred. We are just all humans to begin with to feel that way. We have the right to voice out our rants. 

There are some instances or situations of what they did can affect our self dignity or respect, self esteem, confidence, or even our lives.

Let us post away all the things we dislike about him for being a father.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #1 on: December 13, 2012, 02:08:36 pm »
buti naman may ganitong topic..ever since di ko kasundo papa ko.kasi baby pa lang ako galit na sa akin yon.kasi raw iyakin ako dati. :( at favorite niya lagi purihin yung ate ko,kahit na ako yung palaging may medal,iniisip niya nasuhuloan raw ng lola ko yung teacher ko (laki kasi ako sa lola ko hanggang 9 years old)so yon nga nung tapos na ako ng college umalis na ako sa amin hanggang nagka trabaho ako at nagka asawa..madami nangyari,to make it short,taon ang bibilangin bago ako umuwi sa amin para dumalaw kasi naiinis ako sa ugali ng tatay ko.napaka sungit,gusto lagi siya ang unawain at iintindhin.di naiisip na kahit anak niya kami,may sarili rin kaming isip.pag kumontra ka,iisipin lumalaban ka agad.sobrang sakal ako sa ugali ng papa ko kaya halos ayoko ng magpakita,to tell you the truth-lumaki ako na nabubugbog rin ng Papa ko.

after 4 years,uuwi ko this December pero di sa pasko,.ayan siya na naman ang masusunod.gusto niya wag ako magpa-asa sa pagpunta ko.di naman ako nagpa asa.sila yung masyado mag expect eh.tapos syempre may anak at asawa na ko,di ko hawak yung oras ko.balak ko punta ng weekdays.ayaw niya.so sabi ko weekend na lang sa Sunday,di na nag reply ate ko.mukhang yung ate ko pino-forward yung mga message ko sa papa ko,na ayokong ginagawa niya--napaka sipsip ng ate ko,nagpapa lapad lagi ng papel sa tatay ko tapos lagi nila ko pinagkakaisahan dati..sabi ko sa ate ko kung pinapasa ba niya text ko sa papa namin--aba di sumagot..kinabukasan nag text na kasi raw wag ako pa-asa.ang ayaw lang raw naman ni papa yung lumalaban.-kailan ba ko lumaban?umalis ako sa amin dahil yon sa ugali niya,konting bagay sisigawan kami,damay lahat kahit isa lang yung may mali..

mahabang kwento na nga ito pero kulang na kulang pa to para sabhin kung anong kinakainis ko sa tatay ko.basta yun.masyadong masungit,mabigat ang kamay,namimilit.akala niya pag nag asawa yung anak niya ng may kaya,pwede niya iaasa lahat dun.tingin niya sa anak niya pag kumontra sa kanya,lumalaban agad-paano kasi ayaw niya na mangatwiran kami,di kasi siya marunong makinig.

Purple_Power

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #2 on: December 13, 2012, 02:54:09 pm »
^How sad na instead na magiging tatay siya while you were a baby eh nakuha pa niyang magalit sayo just because you were crying? Bakit pa siya nag-anak in the first place?

Same sentiments here. Ang mentality kasi ng ibang Tatay is dapat sila lang ang masusunod so sila lang dapat pakinggan mo. Saka some of them are playing with your innocence na ang trato sayo ay anak lang na walang karapatan magsalita dahil ang tingin nila sayo wala kang alam.
« Last Edit: December 13, 2012, 04:00:05 pm by Purple_Power »

gripfast

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #3 on: December 13, 2012, 09:20:07 pm »
actually dati madami. like, why did you do that to mommy? Bakit mo niloko si Mommy? Bakit mo sya pinagpalit sa iba? Bakit mo kami iniwan? Bakit mo kami pinabayaan?

I never spoke to my dad for years. As in galit ako sa kanya because of what he did to my mother. Pag naaalala ko si mommy on how she tried to save the marriage, paano sya nagpaka-martyr...naiinis ako! Parang bakit nya ginago si mommy when all my mom did was work hard for us because his salary is not enough to provide me and my sister a good future.

Pero siguro, time heals all wounds talaga. I admire my mom for being strong and tinaguyod nya kami ng mag-isa. Tapos right now, I am in the same situation as her and I feel like I am lost. Inisip ko, nakaya ni mommy so makakaya ko rin. Siguro nga ako yung pambayad utang ni daddy. I am his karma kasi nagsa-suffer din ako ngayon. I have forgiven him and I am in the process of doing that to the father of my son. sabi ni mommy, magpatawad ka kasi once you did that, ikaw ang sasaya, everything will fall into place. Wala kang heavy baggage. So, kahit masakit, I am doing that now.

Sa daddy ko, thank you! pinatatag mo si mommy...she is a super mom because you left her. Pero don't get me wrong, mahal kita.

angelzero

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #4 on: February 05, 2013, 09:27:09 pm »
nakakarelate ako kay fairywinkle79122, except yung bugbog part. pero halos lahat parang nangyari na rin sa kin. it seems like sa amin 4 na magkakapatid, ang favorite lang niya si ate tsaka yung isa kong brother. ako tsaka yung mas bunso kong brother, wala syang masyadong pakialam. si bunso he doesn't care na ganun. ako, i care kasi syempre tatay ko sya. and all these years i try to get his approval. i did well in school, i got a job on my own, nag aabot ako ng konting pang gastos sa bahay. kumbaga as a daughter, i did ok. unlike si brother ko na fave nya. kahit sobrang naging pasaway nung nag aaral pa sya, sobrang concerned si papa sa kanya all the time. if he has to pick up all his sh*t, my dad would do it. siguro kasi unang anak na lalake. hanggang ngayon naman na nagwowork na kaming lahat, the mention of my sister and brother makes him light up. pag dating sa kin parang lady bedspacer lang ako dito sa min. i try to talk to him about stuff just to make conversation pero parang di sya interesado sa mga sinasabi ko. pero siguro may pagkukulang din ako. yeah, maybe like fairywinkle79122's dad, ayaw nya ng mga iyakin. cuz i'm the most sensitive one, according to him. that's all he can say about me after 29 years.

minsan ang masaklap pa, ako na nga yung pinaka [textspeak!] (literally), konting mali ko lang sasabog na sya. parang napapansin lang nya ko pag may screw-up ako. ang saya diba? eh ako wala naman akong black sheep mentality na gagawa ng gulo para lang mapansin. i just stay quiet in one corner and accept all the sh*t. on his part, hindi nya ko kakausapin for months.

maybe it'll get worse when we all get older. baka mapasa din yung favoritism nya sa mga apo. who knows.

x-y

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #5 on: February 05, 2013, 09:42:33 pm »
I am not really close to my father. I don't like him being overprotective... It's so hard to please him. I remember, I got 1.25 in Algebra when I was in college. I was actually the highest in our class. I did it for him. I studied so hard so that once he gets home, he'll be very proud of me.
Tapos when he got home, I showed him my grades. I was so excited to show my class card... Of course, he was happy din. Pero sabi niya, "Bakit hindi uno? Masmaganda kung uno." I don't know if I am just being sensitive, pero I felt unappreciated. Haha. Ang babaw ko lang.

caramelli

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #6 on: February 06, 2013, 12:28:30 am »
Super close kami.. dati. My dad is the type na ibibigay lahat sa anak kaya he decided to work abroad. Parang hindi raw nya kaya yung sasabihin ng anak nya na "Papa, gusto ko kumain sa jollibee" tapos wala syang perang pambili. Kung materyal na bagay lang, pampered naman kami nung lumaki - things for school, toys, kung anong hingin namin ibibigay nya. Hindi ko rin natandaan na sinaktan kami, meron siguro pero hindi yung tipong gulpi talaga. Very appreciative, super proud yan kapag may achievement kami sa school. In short, wala akong maipintas at maireklamo sa kanya. Pero ang dami palang nagbabago lalo pag matagal kayong nagkalayo. Hindi ko inexpect na magiging ganito kami ngayon. :(

I hate it when he breaks his promises. Kahit pa maliit na bagay, kung paulit-ulit naman, nakakawalang gana din. Nakakapagod kayang umasa sa wala. Hindi naman kasi sya dating ganun, ewan ko kung may iba na ba o nasanay na syang wala kami o naging maluho sya while kami dito sa Pilipinas eh ganun pa rin ang pamumuhay. Ayaw kong isumbat sa kanya, pero if not because of me, these would have happened: 1) huminto na ng pag-aaral ang kapatid ko / hindi nabayaran ang other needs nya for school 2) mapalayas sa nirerent nilang bahay ang mom and brothers ko 3) naputulan sila ng kuryente. Every month may alibi kung bakit kulang or late ang padalang pera. WTH! Kulang nalang sabihin ko sa kanyang ako na magbayad ng lahat kaso hindi naman kaya ng sahod ko, kung kaya nga lang sana eh, hindi ko na aasahan ang padala nya. But still, I love him sooo much at hindi ko gugustuhing magkaron ng ibang tatay ever!
« Last Edit: February 06, 2013, 12:38:11 am by caramelli »

fairywinkle79122

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #7 on: February 06, 2013, 09:35:22 pm »
masungit pero wala naman sa lugar lalo na pagiging strict niya.paranoid minsan.overprotective naman.bawal ka mag reason out kasi pag ginawa mo yon sasabhin niya nilalabanan mo parents mo.

angelzero

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #8 on: February 07, 2013, 07:49:46 am »
masungit pero wala naman sa lugar lalo na pagiging strict niya.paranoid minsan.overprotective naman.bawal ka mag reason out kasi pag ginawa mo yon sasabhin niya nilalabanan mo parents mo.

my dad was like this when i was still studying. kahit nasa classmate's house lang ako to do an overnight homework ayaw nya. pero ngayon hindi na sya nagpapaka-strict. yun nga lang para naman syang bato, no reaction. yung reasoning out bawal pa rin kaya pag nagagalit sya tahimik na lang ako.

stylishmomy

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #9 on: February 07, 2013, 07:57:52 am »
Biological Father - Irresponsible, big jerk! coz hes just like a sperm donor. I am an illegitimate child.

As for my "step-father" nice person but he's a lazy ass right now ang taas ng price kahit wala ng pera unlike before.

Doink!

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #10 on: February 22, 2013, 10:48:07 pm »
Before I used to hate my father. I didn't understand why he was extremely strict & controlling. Ang dami ko ding nightmares before seing him physically hurt my Mom. I lived in fear & terror na anyone of us would do something to bring-out the monster in him. Pero when he died, I found this peace in forgiving him as in total forgiveness. I know how difficult it maybe to forgive your father especially if on-going yung hurt but I think we owe it to ourselves to find forgiveness just to keep your sanity intact. Pray....

agape

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #11 on: February 24, 2013, 08:54:04 pm »
He pities himself...

He thinks/feels entitled to alot of things, as if he deserves it. (marami namang tao ang ganito, di lang obvious)

Sometimes I think it's better to have NO father than having a BAD father. And I dont understand people who pity themselves when they have no father.

stylishmomy

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #12 on: February 25, 2013, 05:25:00 am »
^I agree with what you said sisses, its better na walang father kesa BAD father naman. I have a stepfather, but di naman father figure... awkward lang coz I see him as a "stranger"

My mom has always been self righteous and rebellious, maybe she thought she got herself a good catch lol. Right now Im sure she regrets marrying him... no good lazy ass!

Irtwisted

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #13 on: February 25, 2013, 11:31:04 pm »
Not naman hate or dislike minsan naiirita lang. Pag meron syang idea dapat yun laging pag-uusapan nyo. Kagaya ngayon obsessed sya sa stocks nya and mutual funds yun na lang bukam-bibig nya. May phase din sya na puro inspirational quotes, then Brother Eli Soriano.  ;D

On a positive note, nung obsessed sya sa Greek and Roman history nung high school ako dami ko din naman natutunan sa kanya. Kala tuloy ng classmates ko dati history professor tatay ko sa daming alam eh taxi driver lang sya. Ganun ka-thorough ang obsession nya. Aabot sa expert level.

mspepot

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #14 on: February 27, 2013, 09:18:24 pm »
Ive got this problem with my dad hindi ko na talaga alam gagawin ko. Biyudo father ko and he got someone pregnant ok lang sana sa akin ang masakit lang dun yung babae kasambahay namin na almost ka age ko im 32 my dad is 62. Nag usap kame ng mga kapatid and we decided na accept the child yun lang pero sabi ko hindi ako papayag na sa haws pa rin namin magstay yung babae. My dad ask me na kung pwede mag stay pa ng 1 month yung girl until maka recover na ng maayos o sige fine i didnt say yes pero alam ko na wala ako magagawa.
Then after a month dumating na yung iniiwasan ko nagkabanggaan kame nung girl partly ma mali ako nag dilim lang paninin ko maybe sa sobrang sama ng loob ko na tinatago ko. the nerve sabihin sa akin na nagtimpi lang daw siya mag stay sa amin na hindi naman daw niya gusto yung nangyari sa kanila ng tatay ko kung hindi niya gusto bakit niya ipinamukha sa amin ng kapatid ko na matagal na sila may relasyon ng tatay ko e di may iba siyang motibo. Ngayon umalis na yung girl sa bahay namin ang problema ko galit ang tatay ko sa akin dahil sa ngyari sa amin nung babae sabi niya sa akin puro lang daw sarili ko iniisip ko hindi daw ako marunong umintindi at magbigay hindi niya ko pinapansin hindi rin kinakausap.
Balak ko ipa dna test yung bata dahil medyo nagduda ako 62 y.o na dad ko diabetic siya for 15 years na and under maintenance of different medicines for diabetes. Sabi nung cousin ko na doctor ang liit lang daw ng chance na makabuntis pa dad ko with his medical history. I already got tissue sample from the child yung sa dad ko na lang ang kulang and may referral na din ako sa clinic na would do dna test.
Sorry for the long post and if this is the right thread to post this..wala lang talaga ko mapagsabihan.

Purple_Power

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #15 on: February 28, 2013, 10:50:41 pm »
^Kung sa Dad mo na lang kulang, diba pwedeng strand ng hair na galing sa suklay niya?
May masamang ugali ba talaga yung nakarelasyon ng Dad mo?


May Tito akong ganyan na matanda na tapos yung karelasyon niya noon bata pa. Nagkaroon rin ng anak yung babae na for a long time inakala namin na it was our Tito's kid pero sa simula pa lang may duda na kami dahil iba ang kinalabasan nung bata. Mashado siyang singkit na maputi at ni hindi niya kamukha Tito ko ni kahit Nanay niya. Morena Nanay niya at hindi singkit, Tito ko naman hindi rin singkit. Parang intsik na intsik yung bata. May banat nga Mom ko na gusto rin niya pa DNA. Pero nalaman rin namin na hindi nga kasi ata may gustong magclaim.

mspepot

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #16 on: March 01, 2013, 07:44:22 pm »
Ngayon lumalabas tunay na ugali niya...san ka naman nakakita na kasambahay sa bahay pumayag na nga kame na sa amin nakatira yung 2 kapatid niya saka isang pamangkin libre pagkain although tumutulong naman sila sa trabaho sa bahay tapos yun pala nilalandi na yung tatay ko. Kung ayaw niya nung nangyari sa kanila sana sinabi niya sa akin hiniyung ganun na pala katagal tapos sasabihin niya di niya gusto yun nangyari. Another thing na naiisip ko kung matagal na talaga sila like ng claim nung girl bakit ngayon lang siya bigla nabuntis?

caramelli

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #17 on: March 01, 2013, 08:28:21 pm »
Kapag nagpapaasa lang sya.. puro salita, wala namang gawa!

Purple_Power

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #18 on: March 02, 2013, 12:40:04 am »
 ;D mspepot, ano ang hindi niya ginusto yung may nagbunga sa kalokohan na ginagawa niya? kung ayaw niya yung nangyari eh di sana naging responsable siya sa kinilos niya.

mspepot

  • Guest
Re: What are the things you DISLIKE or RANT about your FATHER?
« Reply #19 on: March 02, 2013, 09:07:10 am »
Sabi nung  girl hindi naman daw niya ginusto na mag karoon sila ng relasyon ng tatay ko. [textspeak!] yun pinilit siya? O [textspeak!] given na nung una pinilit siya sana nagsabi na siya para naiwasan na yung hindi dapat nangyari saka pano siya pipilitin kung iisipin ko at that time around 22 na siya nun hindi na siya minor

 

Latest Stories

Load More Stories
Close