Me too, im super guilty talaga doon sa panganay ko, every week meron siyang new toy. May time pa na kahit weekday, bibilhan namin siya. She was the first apo and only child before, so, sunod sa lahat ng luho. She's very popular sa Rustan's, Toy Kingdom, Toys R Us and Kidz Station. Makita lang siya ng mga SA, nagkakandarapa na sila. Cheapipay toys, expensive toys, name it, bibilhin namin yan sa kanya. Minsan, same toys na pala nabibili namin kasi nakakalimutan namin na meron na pala siya nun. Yung house namin, parang toy store, as in literal na toy store. Hanggang sa dumating yung time na siya na yung umayaw sa toys. Nagsawa na siya. Napunta naman sa damit and shoes ang hilig niya. Sobrang spoiled siya. Sa kanya umiikot ang mundo ng mga tao sa bahay.
Finally, when I got pregnant, i told her, magiging iba na takbo ng buhay namin. Hindi na pwede yung ganung lifestyle niya. Mabuti na lang, my daughter is very understanding. Matured na rin siya mag isip. She's not super brat na, and if she wants something, pasimple lang niya sasabihin, "Mom, can we buy this? But if you dont have extra money, ok lang, next time na lang" Grabeh, sobrang naiiyak ako pag ganun siya kasi minsan 20 pesos lang naman halaga nung gusto niya. LOL!
Pero ngayon sa baby namin, hindi kami mabili ng toys. Kasi nakita namin kung paano nasayang yung mga toys ng first child ko. Siguro we buy lang once or twice a month.
And I super agree with you mga sis, andaming magandang toys ngayon. We were in Rustan's yesterday, nanlalaki mga mata namin mag asawa. Parang mas nag enjoy pa kami kaysa sa mga anak namin.