We (yes, the whole class probably) had a few na unforgetable pero yung nag-iisang ito ang pinakamaraming experiences na pinagdaanan ang class namin na tawa pa rin kami ng tawa everytime naaalala namin. this is in a public school by the way.
Grade 5 teacher.
- gusto nya kasi kapag nagbabasa, with matching emotions. A girl classmate said Inay! Inay! (pababa yung tune lalo na sa 2nd inay) so pinaulit ulit nya hanggang sa umiiyak na yung classmate ko. worst is, pinalabas nya, dun sa may stage sa front ng classroom namin pinasigaw ng INAY! INAY! si classmate na umiiyak na talaga. so para syang baliw dun. di naman kami makatawa kasi takot kami baka isunod kami pasigawin.
- during lunchtime, naabutan nya naglalaro yung mga classmates ko na cleaner sa recreation room. yung mga hoola hoop projects yung naabutan nya, ang ending, before mag start yung isang subject, lahat ng nahuli na naglalaro, nag hoola hoop sila sa harap ng class at hindi lang basta basta, yung kung ano yung nahuli na ginagawa mo, yun ang gagawin mo so yung iba, meron sa leeg pinapaikot, sa arms, sa paa.
- this one classmate, napag tripan nya mag toss ng coin during class, nakita sya ni teacher kaya pinatayo sya sa may door at nag toss sya ng nag toss ng coin hanggang mag-uwian.
-yung isa naman, nagkukuyakoy during class. nahuli din. ending, pinaupo sya sa window at dun nagkuyakoy. (lumang style na classroon, yung may silong na mababa)
-sa grooming naman, ng hindi nagpapagupit si guy classmate, pinaupo sya sa harap ng class during a lecture at nakapatong ang coconut husk sa ulo nya.
-70 or 80% ang passing every test. short quiz man or periodical. kung ilan yung kulang sa passing grade, yung ang palo sayo. so paminsan, pila balde kami sa paluan lalo na kung mahirap yung test. lol
these were years ago early 90's pa so some might say na ang strict, etc etc. but as we know, during those days eh hindi naman nagrereklamo ang parents. but having experience those, nakaaaliw at nakakatuwang i-reminisce lalo na kapag nagkikita kami ng mga old classmates ko.