may nabasa rin ako na pwedeng toxins ang dahilan ng lumps. kamusta na nga kaya si daddy, sana wag naman madagdagan ang sakit nya.
sis minnie, kahit sa groceries meron, yung fish oil, this is fish body oil and not cod liver oil or squalene. fish oil talaga nakasulat sa label. meron sa watsons and mercury. usual dosage for healthy dogs is 100mg of EPA DHA per 10lbs, double the dose if needed. pero ang isang fish oil capsule, kahit 900-1000mg, ang EPA and DHA is only around 300mg. check the label na lang. yung mga alaga ko twice a day so around 600mg ang nakukuha nila daily. ATC nga pala gamit namin, ang importante dapat walang soy oil/tocopherol/vitamin e. yung ATC may .5mg vit e pero okay lang siguro since napakaonti lang nya. kung may mahanap kang glycerin and gelatine lang laman mas maganda yun. may nakita ako sa watsons color orange yung label, nasa 400-600mg ata yung omega 3 if Im not mistaken, wala rin syang vitamin e. nakalimutan ko yung brand name hehe.
may dogs na ayaw pero merong ginagawang treats, yung bulldog ko feeling nya treat ang fish oil, gustong gusto pero yung shih tzu hate na hate nya, iniipit ko pa sa boiled meat or liver para kainin.
Yung ACV naman, look for unfiltered brands, color yellow na may lumulutang na particles. alam ko Bragg lang yung pure ACV satin, yung del monte kasi filtered na eh so wala na rin saysay yun. Kung di mailagay sa water pwede rin sya imix sa food, sana lang kainin kasi weird ang amoy ng ACV, amoy panis na ulam

Try mo sa SM Hypermarket and bigger groceries, sa Landmark Trinoma meron din ATC fish oil.
------
sis brandi, woah! seryoso sya sa zonrox? alam ba nya gaano katoxic ang bleach sa dogs? may something sa zonrox na very bad for the lungs, kahit nga sa kamay at damit natin may effect sya, ipaligo pa kaya? ang dami ng latest medicated soaps, meron ding herbal pet soaps pero bakit zonrox pa rin sasabihin nya?

tsk tsk, di ko gusto sinasabi ng vet nyo, If I were you I'll find another vet, baka lalo lang lumala skin ng dogs mo. teka nagskin testing ba sila? wag ka na gumamit ng zonrox, meron namang doggie's choice anti-mange soap, meron din herbal soaps like papi or lori. give them vitamin c as well kailangan nila yan to boost the immune system and for faster healing.