watch now

Author Topic: Skin Problems in Dogs  (Read 239709 times)

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #60 on: March 16, 2013, 11:39:40 pm »
^Mas maganda kung human-grade yung ibigay sa kanila, madalas kasi sa mga pet products not regulated so hindi tayo sure sa quality. I'm not familiar with omacor capsule, check the ingredients na lang, mas okay kung pure fish oil meaning walang soy, alpha tocopherol, mixed tocopherols, vit. e (they are all the same) and any other plant matter, hirap kasi ang dogs to digest plant matter so almost useless sa kanila yan. then the higher the EPA&DHA the better. Usual dose for a healthy dog is 100mg of combined EPA&DHA for every 10lbs. you can increase the dosage if needed.

sixteen_16

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #61 on: March 17, 2013, 11:17:10 pm »
@abuanddiego demodectic mange daw sbai nung new vet..she got a sample scraped skin from my dog e..at most 8 weeks daw with weekly medicated bath para gumaling siya..ngreseta din siya ng vit, c at lc-vit for the immune syste,...haiistt, sana gumaling na siya..:(

little_princess

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #62 on: March 19, 2013, 12:55:01 pm »
too help with skin problems, let your dog take megaderm daily. it helps a lot as my dog had very sever demodec mange before. and avoid chicken if you can :)

ohcmon

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #63 on: March 30, 2013, 11:59:36 pm »
May hot spots baby ko. :( Betadine and Amoxicillin nilalagay namin sa kanya and nagddry naman, kaso pag magdry magkakaroon na naman sa ibang part. :(

Ano pa kaya pwedeng treatment? Super naaawa na kami sa kanya eh.

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #64 on: April 01, 2013, 04:57:50 pm »
^hotspot is usually a secondary infection, baka allergic ang dog nyo sa season, food or fleas, nangati tapos kinakamot/kinagat hanggang nagsugat/nana. Kelan nagstart ang hotspot nya? May other symptoms ba like sneezing, scratching, redness in belly,ears,eyes? Check nyo mabuti body nya baka may fleas. You have to know the root cause para magstop at maprevent ang hotspots

ohcmon

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #65 on: April 01, 2013, 09:35:56 pm »
^ Nahawa siya ng fleas sa dog ng cousin ko na playmate niya lagi. :( We have been treating him with Spot On since nakakita kami ng fleas sa kanya. Una niya sugat appeared like three weeks ago, dry naman na ngayon kaso parang nagkakanana ulit.

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #66 on: April 02, 2013, 12:12:53 am »
^which spot on are you using? kelan kayo nagstart gumamit? yung playmate nya ba meron at gumagamit din ng spot on? kung fleas ang dahilan ng allergy, you have to get rid off it completely, pati environment kailangan linisin. Nakikita nyo bang kinakamot/kinakagat nya ang sarili? Or basta na lang lumalabas yung hot spots kahit di galawin? Ano ang food nya? kung allergy yan, usually present yung mga symptoms na sinabi ko. Inspect nyo mabuti yung katawan nya pati activities para madiagnose ang cause ng hot spot. Kasi kung bumabalik, it means hindi nyo pa napinpoint ang root cause, kumbaga pinatulog nyo lang tapos nung nawala ang effect ng gamot, ayun nagising na naman.

Yung samin kasi sure akong fleas kasi never siya nagkaron at normal ang skin nya unless ilabas ko sya at isama sa ibang dogs. Dun lang talaga sya nagkakaron at nakikitaan ng symptoms. Pag food kasi nakukuha sa antihistamine and fish oil, pag fleas di sya gumagaling unless mawala ang fleas sa katawan.

ohcmon

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #67 on: April 02, 2013, 11:31:29 am »
^ Nung napansin namin na nagkafleas siya nagspot on na kami. Hindi na namin siya nilalapit dun sa playmate niya kasi nga may fleas, dito na lang siya sa house ngayon except for his afternoon walk everyday. Wala naman na kaming nakukuhang fleas sa kanya ngayon, lagi namin siya kinukutuhan pero wala na talaga.

Yes sis, madalas siya magkamot and kinakagat niya sarili niya. Yung una niyang sugat sa gilid ng bibig kaya super kawawa, tapos the other day napansin namin sa kabilang side ng bibig meron na rin. :( Table food kinakain niya. Possible kaya na yun ang source ng allergy? Magpapakamatay kasi yun pag pinakain ng dog food, di talaga niya gagalawin.

Binibigyan din namin siya ng fish oil. Try din namin yung antihistamine. Super thanks sis abu. :)

minnie99

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #68 on: April 02, 2013, 03:45:56 pm »
^Possible. Ganyan aso namin when I started giving her treats na iba-iba. Pinatigil, ayun nagdry naman. Gawin mo sis isa-isahin mo yung food. Kunwari, give her chicken and rice lang for a few days. If okay, add pork. If okay, add another one. Dapat pa-isa-isa lang para malaman mo kung saan siya allergic. If for instance, nagdagdag ka pork saka siya nagka allergy, then alam mo sa pork siya allergic. :) Ganun yung mga nababasa ko na tips. :) Tama ba sis abu? Haha

Sis ako rin kasi yung isang puppy (9 months) ko di nya inuubos. Kaya minsan ginugutom ko talaga siya para kumain siya. Minsan pinagbibigyan. Pero kung ano talaga dapat, yun yung mas lagi ko binibigay. :) Ginagawa ko paunti unti lang pakain sa kanya, or late ko siya pakakainin.

chichi143

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #69 on: April 24, 2013, 12:17:39 pm »
My yorkie started to have flakes. Vet gave her vitamins and coat shine and changed her shampoo. Hoping it will improve her situation.

hi sis, saang part ng yorkie mo yung flakes? i noticed na yung corners/tips ng right ear ng yorkie ko
is very dry and may flakes sya na dikit dikit, they wont fall. it gets so itchy, he scratches it all the time. :(
nakakaawa. 3rd day nya na samin and nung monday sinabihan ako ng breeder where i got my dog
na lagyan ng langis ng nyog kasi effective daw yun and leave it off for 1 week.. sana nga mawala. or else
ipapatingin ko na sya.
[textspeak!] pala yung shampoo na gamit ng yorkie mo now? tia. :)

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #70 on: April 24, 2013, 01:26:04 pm »
^ilang mos. na yung dog mo sis? pansin ko pag puppies medyo dry ang ears nila, advice sakin ng vet is sabunin mabuti. ayun natanggal naman habang lumalaki sya. ano ang food nya? pwede ring food ang cause nyan kung maraming grains

chichi143

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #71 on: April 25, 2013, 10:23:23 am »
^ilang mos. na yung dog mo sis? pansin ko pag puppies medyo dry ang ears nila, advice sakin ng vet is sabunin mabuti. ayun natanggal naman habang lumalaki sya. ano ang food nya? pwede ring food ang cause nyan kung maraming grains
mag 2 months na siya sis. advice nga sakin is bilhan ko siya ng shampoo with oatmeal kasi for dry areas daw yun. naku sis he's eating beef pro puppy, which is nakita ko ata sa iba mong post na mostly grains? ill get him a new one tomorrow, baka nga siguro doon yon.

SarSi_Em

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #72 on: April 25, 2013, 11:41:52 am »
hi. help naman. meron kasi ticks ang puppy ko, plan ko na bilhan ng frontline, kaya lang may redness na,  saka sugat yun skin nya and naglalagas na rin ang hair nya, esp sa stomach, sa kilikili nya and ganun din sa may thighs nya :(  super kamot sya kasi kaya nagkakasugat, ayaw na nga nya pahawak yun part na yun nasasaktan na sya.

ano pwede ko gawin para matuyo agad yun sugat? ok lang ba na gamitan ko ng frontline kahit may sugat sya? baka kasi masaktan.

nag vaxx kasi sya last week so 5 days d naligo after nun heto napansin ko puro na sya kamot at sugat, masaklap dun nakuha namin yun ticks sa vet clinic, kasi before wala naman sya ticks nun nagpunta kami. kaya next time d ko na sya ibaba sa floor.

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #73 on: April 25, 2013, 11:35:06 pm »
^ganyan din ang reaction ng shih tzu ko sa mga fleas, flea allergy dermatitis ang tawag dyan. akala ko nung una allergy sa food or weather kasi biglang init tapos pagcheck ko dami ng garapata, nahawa sya sa nagpastud. hesitant din ako maglagay ng frontline kasi nagsusugat na kakamot. ginawa ko inalis ko muna manually ang mga fleas, 2x/day ako nagaalis. tapos lagay ng e-collar at socks para di na magsugat, hinintay ko muna matuyo ng onti ang sugat bago ako gumamit ng flea preventive. mabilis naman matuyo ang sugat nila as long di nagagalaw. ask ka ng ointment and creams na pwedeng gamitin, ako kasi sunflower oil at pet balm lang ang first ko sa kanila, nagwowork naman sa mga sugat at allergy.

chichi, minsan di na kailangan ng oatmeal shampoo, magpalit lang ng quality food, gaganda sila bigla. try mo magbigay ng premium dogfood, tingin ko allergy sa grains yung kanya eh

SarSi_Em

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #74 on: April 26, 2013, 03:39:29 am »
salamat abuanddiego, ganun na nga lang ginawa ko manually ko kinuhanan ng garapata. everyday 3-4 na kukuha ko. pero kanina 7 na, maliliit pa. prob ko nga hataw sya kumamot if may socks naman aalisin din nya. e-collar wala pa ko nun.

ok lang ba paliguan ko everyday? para ma lessen yun kati? nabasa ko yun sa benadryl, takot naman ako mag bigay. d ko alam ilan cc pwede sa kanya 4kgs na sya. nilagyan ko ng betadine yung mga sugat, dinidilaan naman. nilalagyan ko na lang ng Bayopet powder baka sakali mawala na rin.

sa May 4 pa balik namin sa vet nya para sa 2nd vaxx nya.

chichi143

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #75 on: April 26, 2013, 11:56:34 am »
^^ oo nga sis e! i bought him Acana today, i hope my little guy likes it. tnx again!

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #76 on: April 26, 2013, 12:20:56 pm »
^you're welcome sis. okay ang acana di sya grainy ;)

^^anong gamit mong socks? kung yung for dogs at tamang size, di naman basta naaalis. kung meron kayong shoes pwede rin. tyagain mo na lang kunin, habang tumatagal kasi mas dumadami sila nangingitlog kasi yan.

hindi advisable paliguan everyday kasi nakakadry ng skin and coat. napansin ko habang andun ang fleas dun sila todo kamot pero once matanggal kumakalma sila so dapat yung fleas talaga ang alisin. Betadine din gamit ko sa mga sugat, tapos everytime magkakamot sya papagalitan ko. Pero kung makulit kailangan ng e-collar.

chichi143

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #77 on: April 28, 2013, 03:02:15 pm »
hi to all! post ko lang yung picture ng 2mos yorkiepom ko na may skin problem din. 2days after ko siya makuha, i noticed yung dry flakes na nakadikit na sa gilid ng right ear nya. doon lang meron wala sa kabilang tenga. im still worrying right now kasi, eto yung link!
http://i44.tinypic.com/mkq51.png

kinuhaan ko ito today kasi pansin ko para na siyang dry wounds. not sure if umeepekto na yung home made vco na nilagay ko since monday. naku sana nga! napaliguan ko na rin sya last friday kasi since april 18 wala siyang ligo dahil nagpabakuna siya. madalas din kasi siyang nagkakamot sa other parts ng katawan nya , pero pansin ko nabawasan yung pagkamot niya.

nagpa-check up din kami sa clinic samin lang malapit. kaso di ko feel yung vet dun hahaha. di man lang kasi siya nagskin test para man lang malaman namin kung ano na ba tong nasa tenga ng aso ko. agad lang siyang nagrecommend ng anti-fungal na shampoo at vitamin c. yung sa vitamins, bibili talaga ko nun. pero yung shampoo, dedma! mahal kasi saka di pa naman siya sure na galis na yun or what, parang feeling ko gusto lang makabenta. di ko na feel bumalik. 

pero anyways. dami ko natutunan sa thread na to mula simula! hahaha. so right now, im feeding him Acana puppy small breed formula, magana naman kumain pero tulog ng tulog. haha. bibili narin ako ng vitamin c nya and fish oil. tuloy ko din ang paglagay ng coconut oil. hay sana mawala na ito para di na nahihirapan aso ko.


thanks sa lahat ng tips!
« Last Edit: April 28, 2013, 03:04:28 pm by chichi143 »

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #78 on: April 29, 2013, 09:17:16 am »
^pag bata pa kasi mahina pa immune system kaya mas prone sa mga skin issues. Yan yung tinatawag na juvenile issues ;D Yung iba gumagaling ng kusa once lumakas ang immune system, pero kung nagshift ka na to quality food, gumamit ng medicated shampoo, vco, vit c and fish oil, dapat makakita ka ng improvement within weeks. Pero kung wala pa ring nangyare after nyo magswitch into healthy living lol, kailangan na talaga magpaskin test.

Yung ibang vets kasi minsan isang tingin lang alam na nila kung ano yung sakit kaya di na gumagawa ng test. Pero as owners, syempre maganda pa rin maexplain sating mabuti kung ano yung problema para malinawagan at kumalma tayo. Kung hindi ka comfy and satisfied sa vet nyo, hanap ka lang. Importante na you trust them at comfy ka sa kanya at dapat competent sila.

Marami ng murang medicated shampoo and soaps ngayon, yung iba herbal pa try mo yung lori, papi, doggie's choice affordable naman sila around 100pesos lang. Don't worry you're on the right track, tuloy mo lang ang TLC gagaling din sya  ;)

chichi143

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #79 on: April 29, 2013, 11:10:02 am »
^ tama! gusto ko yung mafeel ko naman na worried din sila sa aso ko . oo healthy living na for the both of us kasi matagal ko narin balak magfish oil pero nakakalimutan bumili. ngayon need ko na! hahaha thanks

 

Latest Stories

Load More Stories
Close